Chapter 28 - Capítulo vinte e seis

"Black Alpha Activated."

Pagkababa namin sa code 8 ay naupo kaming tatlo at hindi ko pa maumpisahan na magsalita dahil hinihintay pa namin si Allison na ipinatawag muna namin kay Olivia.

HALOS mag-iisang oras na nga kami dito kakahintay sa kanya. Paniguradong mapapagalitan sa magaling niyang kuya. Mas strikto kasi ang kuya kaysa sa ama.

Magkatabi ang mag-ama na nakaupo sa isang itim na couch habang nasa tapat ko sila. Bukod sa pareho sila ng kilos at galaw, sa tuwing tinitignan ko si Ali ay nakikita ko ang kabataan ng ama niya dahil sa pagkakahawig ng dalawa. Now I know, may pinagmanahan kasi siya kaya mainitin ang ulo at nagawang takutin si Gale. Ang batang 'to talaga.

Napatingin ako sa gawi ng pintuan nang bumukas ito at iniluwa si Allison na halatang pagod na pagod. Panigurado kasing may iniutos sa kanya si Stefano. Let's just say, she's that kind of a daddy's girl and spoiled pagdating sa ama nito. Nagkakamot pa ito ng ulo habang papalapit sa amin, "What is it? Bakit ang aga-aga pinauwi niyo na ako, mom?! Nakakainis naman eh!" inis na sambit nito na ngayon ay nakatayo na sa tapat ko.

"Kuya mo ang nagpatawag sa'yo at hindi ako," paglilinaw ko sa kanya kaya irita niya akong tinignan. Sanay na ako sa ganitong ugali ng bunso kong babae, "What took you almost an hour to come home, Allison?" at nagsalita na rin si Ali. Matatalim ang titig nito sa kapatid kaya paniguradong maiinis nanaman itong bunso. Ganyan na sila magmula pa noon, wala na akong magagawa ngayon. Ang mahalaga, hindi sila nagpapatayan, asaran lang naman eh hanggang sa matapos sila sa pikunan.

"Kuya, ano bang tingin mo dito?Portugal na kung saan maganda ang sistema ng pamamalakad? Unang-una sa lahat parang hindi mo naman alam ang Pilipinas, bukod sa laging traffic sa daan, ang daming sasakyan, may driver's license lahat pero simpleng panuntunan hindi nila masunod, karamihan sa mga driver puro pasaway, kulang na lang ay angkinin ang daan. Kinailangan ko pang makipag-debate at makisingit sa mga sasakyan para lang makaalis agad."

"You should have taken a shortcut."

"Shortcut?! Eh one way nga lang ang daanan pabalik at papunta eh," lumakas na rin ang boses nito sa pagpapaliwanag. Manang-mana silang dalawa sa tatay, mainitin ang ulo, "Hayaan mo na 'yang kuya mo, Allison. Pagod lang," harang ko sa dalawa dahil siguradong hindi sila magpapatalo sa isa't isa.

"Pagod din naman ako, mom," inis na bulong nito, "Hayaan mo na," senyas ko dito sapat na para magbuntong-hininga siya at maupo, "You two should stop, we have an important matter to discuss here," pahayag ng ama nila.

"Bakit pala, dad? May problema?" may nakahapag na isang tangkay ng ubas sa lamesa kaya kumuha mula doon si Allison sabay kain dito. Isa na lang talaga ang kulang para mabuo kami.

"Yes. Before anything else, have you contacted Al?" -Stefano

Tumango naman si Allison, "Yup. Sinubukan kong tawagan kanina lang."

"Then?" napatingin naman siya sa akin.

"Nalaman kong buhay pa siya nung sinagot niya yung tawag ko," kung magsalita talaga ang batang 'to, parang walang pakielam sa isa pa niyang kapatid, "As if he would die," saad ni Ali na sinundan ni Allison.

"I know, matagal mamatay ang masamang damo."

"So what did he say?" tanong ni Stefano kay Allison kaya bahagya siyang nagtino, "Sabi ko umuwi na siya, hinahanap na rin siya ni Xenia eh."

"So uuwi na raw ba siya?" tanong ko naman.

"Ewan ko lang, mom," sagot niya na ipinagtaka ko, "Oh bakit hindi mo alam?" sandali niya akong tinignan bago muling kumain ng kapiraso ng ubas, "Pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi ko na hinintay ang sagot niya, binaba ko na agad ang telepono."

"Bata ka, bakit hindi mo man lang hinintay na sumagot siya?"

"Sayang oras kapag hinintay ko pa ang sagot niya, mom. Baka ikwento niya pa ang talambuhay niya eh. Napakadrama pa naman non, parang hindi lalaki."

Idinaan ko na lang sa buntong-hininga ang sakit ng ulo ko dahil kay Allison, "You should have waited for him to respond, we're your parents. Of course, we're worried about him kaya gusto naming malaman kung ano na ang lagay niya."

"Next time, you wait for his answer, Allison. He might have a problem that we wouldn't be able to hear. Al is not as brave as the two of you and you know that," saad ng ama.

"Hon, hayaan mo na. I will just try to contact him next time," pahayag ko. Parati kasing hawak ni Allison ang cellphone nito kaya siya na lang ang pinapakontak namin sa kuya niya dahil masyado ng maraming ginagawa dito sa mansyon. Madalas kasi siyang pumupunta sa dalampasigan kaya mas posible na makasagap siya ng signal doon para makaabot sa kuya niya.

"Lumulutang pa 'yon sa gitna ng dagat, dad. Paniguradong makakabalik rin siya dito, kahit nga lumangoy papunta dito kaya niya eh."

"And he might not want to come back thinking that you are here." -Ali

"Bakit ako nanaman? Do I need to leave the mansion first bago siya makauwi?"

"Because you always treat him just like you are older than him. Don't forget that you're the youngest one here, Allison."

"Hindi ko naman kasalanan kung insecure siy— "

"Allison, stop," pahayag ni Stefano, "Show some respect with him too. Not just to us," dagdag pa nito. Hinawakan ko si Allison sa balikat dahil alam ko na ang kahihinatnan nito. Para kahit papaano ay kumalma siya, "No one will leave this mansion until all of you are finally complete, am I clear?" sambit pa ng ama.

Hindi ko man sila gaanong napipigilan ngunit isang salita mula sa ama ay alam kong susunod sila, "Yes, dad. Wala naman akong magagawa dahil bunso lang ako," bulong nito sa bandang huli. Nagkatinginan kami ni Stefano at hindi na lang pinansin ang sinabi nito. Bahagya namang pinakalma ng bunso ang sarili. Ibinaba ko ang kamay ko at umayos ng upo.

"Terrence is not yet here. He's busy working regarding Detective Ronan Silverio's case. For now, we have to keep this matter inside this room until we come up with a good plan," iniayos din ni Stefano ang upo niya at sinulyapan ako. It was a hint for me to start explaining my reason and purpose for doing that agreement.

"Okey, so you know that I took Xenia and Gale with me, right? Sinama ko sila para mamili," kung saan na rin ako nakatingin habang inaalala lahat ng nangyari.

"It was at that moment, when a man approached me holding my picture. Hindi ko alam kung saan niya 'yon galing o kung saan niya nakuha but I felt bad about it especially when he called me Senyora. Namatay ang mga ilaw and that was a hint for me para unahan siya. I knew that we were in danger that time so I took him with me at tinakpan ang bibig nito para walang makapansin. Even Xenia and Gale would think na kinuha ako ng lalaki but I was actually the one who took him out of that place for our safety."

"Tinutukan ko siya ng baril for him to speak and their purpose for being there was actually to take Gale away from us. Nagmadali akong lumabas pagkatapos kong marinig ang sinabi nito, until I found Liam and his man together with her. That was the time na nagkasagutan kami ni Liam and worse, nagkatapatan kami ng baril kasama si Xenia," sandali akong napapikit para kumuha ng lakas ng loob at nagbuntong-hininga bago nagmulat ng mata.

"I knew that asking for back-ups wouldn't help lalo na't napapalibutan nila kami, it would only cause more trouble. They could take her if they wanted to. I had no choice that's why I made an agreement with him na ibibigay natin ang gusto nila pagkatapos nating magamit si Gale sa plano kaya pumayag siya because he knew na marunong tayong sumunod sa usapan," pagpapaliwanag ko.

"That's why they planned to follow us right after the party," saad ni Ali na ikinatango ko.

"That strategy we used had been thought to us by the Elders and even used by El Nostra a few years ago." -Stefano

"Kaya hindi na tayo magtataka kung paano nila nalaman ang ginawa nating plano dahil ginamit na rin nila ito noon," dagdag pa ni Allison.

"They knew about the impostor and segway plan kaya nasundan kayo," pahayag ko sa kanila na tinignan si Ali.

Nagsalita naman ito, "That's why I had to confuse them because I knew that they were following us for a reason. Hence, El Nostra would not do that if they think they should not. And I was right because Liam found us where I was exactly waiting for him for confrontation. If I knew about the agreement, we went straight home. I thought it was something but had no idea that it was someone whom they actually want."

"Then, bakit hindi na lang natin ibigay sa kanila ang gusto nila?" sabay-sabay kaming napatingin sa itinuran ni Allison, "Why? Tapos na rin naman ni Gale ang trabaho niya, dba? She was useful that's why she's useless now."

"Don't speak as if you were not educated enough, Allison," saad ng ama nito, "Seriously dad? Bakit parang nag-iiba na ang plano natin sa kanya? Hindi ba ganon naman ang nasa plano, to let her go after this? So what happened now? Why does it seem like you want to keep her all along?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Don't tell me, napapalapit na kayo sa kanya kaya ayaw niyo na siyang paalisin?"

"Could you please stop, Allison?" pagpapatigil ng kuya nito sa kanya ngunit hindi pa rin nagpatinag, "Why? We all know El Nostra, mom made an agreement with them. Alzini has their good reputation in agreements and negotiations, sisirain ba natin ng dahil lang sa kanya? This could even lead to a war."

"It wasn't included in the plan, Allison. Ako ang mali dito kaya labas siya sa usapan, no matter what happens, hindi natin siya ibibigay sa kanila," saad ko.

Ako ang nagkamali at walang alam si Gale sa naging desisyon ko kaya hindi siya dapat na madamay dito. Second, Allison might also be right na kaya siguro labag din sa loob ko na ibigay siya sa kanila, dahil unang-una alam ko ang kahahantungan niya doon. Pahihirapan nila siya and do something worse. At baka tama din siya na masyado ng napalapit ang loob ko kay Gale kaya ayaw kong ibigay siya sa kanila.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Lahat ng nararanasan niya ngayon ay naranasan ko rin date. She lost her mom and I lost my daughter. We're both lost in her age.

"What we have to do for now is to find the traitor inside this mansion," napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko kaya isa-isa ko silang tinignan, "What do you mean, mom?" tanong ni Ali.

I only had one photo of myself two years ago. Nakaipit 'yon sa picture frame namin ni Stefano ngunit biglang nawala nang ipinasunog namin ang ibang gamit ng mansyon kaya sa pagkakaalam ko ay nasali 'yon doon kaya hindi ko na hinanap pa, "That guy had my only one picture. Ibig sabihin bago pa man masunog ang mga gamit noon, kinuha na 'yon at ibinigay sa kanila. May kasama tayong traydor. That was when I had my first suspicion."

"First suspicion? So what's the second, mom?" tanong ni Allison kaya napatingin ako sa kanya.

"Liam said something," muli ko namang inalala ang mga salitang lumabas sa bibig nito.

'She despised death with thorns yet wanted it just like having a brightly coloured wings. Little did they know that the grim reaper had Juda's rope been equipped.'

"He didn't literally say it but it was a hint na may traydor nga at kilala niya ang taong 'yon kaya tila tuwang-tuwa at kalmado siya noong oras na 'yon. Mas lalo kong napagdesisyunan na tapusin na agad ang usapan by making an agreement for us to get home faster. Kailangan naming makauwi agad because it was getting more dangerous," I had to know who it was.

Death with thorns? Grim reaper? Juda's rope? Did he ask the traitor to send something?

"My suspicions even became clearer nang mapansin ko kagabi pag-uwi namin na hindi na natural ang galaw ng mga tao sa paligid. Our two young ladies received something," nang pumunta ako sa kwarto ni Gale, iba na ang kilos niya na parang may itinatago, same with Erin.

I thought Gale would be happy dahil nailabas ko siya just to find out that she already acted differently. Her actions became an addition for me to suspect more. Kahit alam kong kinakabahan siya sa tuwing nakikita kami ay iba rin ang kilos niya kagabi.

"What did they receive?" -Ali

"I still don't know what but I am sure that it was a death threat. And that threat reached both of them dahil may nagbigay noon sa kanila, at ang taong 'yon ay nandito sa loob ng mansyon."

"And why didn't they tell us if it was a death threat? Do they think they can handle this?" naguguluhang tanong ni Allison.

"They must have tried to hide it because of fear or maybe, they know whom," saad ni Ali habang malayo ang tingin. We were all thinking why and how all of these happened?

"So kilala nila?" -Allison

"Maybe now they know." -Stefano

"Kung may nangyayari na palang ganito, bakit hindi man lang tayo sinabihan ni Terrence? Isn't it siya ang nakabantay ngayon sa security office?" sabay-sabay kaming napatingin kay Allison.

"Imposible namang hindi niya napapansin na iba na ang ikinikilos ng dalawa at sigurado akong makikita sa security camera kung sino man ang pumasok sa kwarto nila Gale at Erin, right?" and with that, nagpapalitan na kami ng tingin. Ngayon lang may nangyaring ganito na kung saan ay hindi maliwanag sa amin ang lahat kaya sandali kaming natahimik.

"I'm sorry kung itinago ko sa inyo ang tungkol sa naging desisyon ko at usapan namin ni Liam. I thought I would be able to handle it all alone. Gusto ko kasing alamin kung sino ang traydor bago ko sabihin sa inyo. I wanted to lift off loads from your work. Hindi ko na rin naisip ang mga problema na kakaharapin natin dahil sa desisyon na ginawa ko," hindi ko matignan ang sarili kong pamilya dahil minsan ng napag-usapan noon na kung may problema ang isa, alam dapat ng lahat. I was the one who made that rule yet I didn't follow it.

"We understand, mom. Sinu-sino pa bang magtutulungan sa huli kundi tayo din naman. For now, we really have to find out kung sino ang walang hiyang traydor na umaaligid dito sa mansyon. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya," inis na saad ni Allison nang banggitin ang tungkol doon.

"For now, let us all take a rest. We'll definitely find a way to fix all of these," saad ng aking asawa.

"But dad, bakit hindi pa tayo magplano ngayon?" -Allison

"We have to know about the Detective's side for being silent about this matter. After that, we're going to put up another plan again to catch the rat inside the cage," nagbuntong-hininga naman si Allison pagkatapos magsalita ng ama at kumuha ng baso mula sa lamesa na nasa harapan namin.

"Fine," tumayo siya para kumuha ng tubig na nasa sulok dahil doon nakalagay ang water dispenser.

Hinawakan ni Stefano ang kamay ko nang mapayuko ako kaya napatingin ako sa kanya, "No worries. Everything will be fine," ngumiti naman ako katulad ng ginawa niya, "I know. Thank you for understanding, hon," sagot ko.

He's always like this. Simula noon hanggang sa pagtanda namin, hindi siya nagbago. Always a loving father, loving husband and truly a Godfather to all of his men.

Napatingin kami ng sabay-sabay sa pintuan nang kusa itong bumukas, kasabay noon ay nabitawan ni Allison ang hawak nitong baso nang matanaw ang isang pamilyar na lalaki na pumasok sa loob ng kwarto. Natahimik kaming lahat at ang pagkabasag ng baso ang tanging gumawa ng ingay hanggang sa lumapad ang ngiti ni Allison. We were all shocked nang makilala namin kung sino siya lalo na ang ngiti nito.

"Van!!" sigaw ni Allison na mabilis itong sinalubong ng yakap.

Nagkatinginan kami bago tumayo para lapitan siya. Humiwalay naman si Allison mula sa kanya, "Welcome back, Architect!" masaya kong saad dito.

"Senyora," bahagya itong yumuko kaya sinalubong ko siya ng yakap at lumayo din kaagad.

"I was informed that you were at code 13 that's why I had my way down here." -Van

"Bakit hindi mo man lang kami sinabihan na uuwi ka na pala? Ipinasundo ka sana namin sa airport at naipagluto man lang sana kita ng pagkain," saad ko.

"No need, Senyora. I already had my dinner. But I highly appreciate your concern," pahayag nito, "Englishero ka na rin pala ngayon katulad ni kuya noh?" pang-aasar ni Allison na ikinatawa naman namin.

"Van," pahayag ni Ali. Mas natuwa naman ako nang muling magkita ang dalawang matalik na magkaibigan, "Ali. Long time no see, Master," pang-aasar din niya hanggang sa mabilis na nagyakapan ang dalawa.

"Don Stefano," mabilis din siyang niyakap ng asawa ko bago muling tinignan ito, "You've grown enough, Sullivan. We're glad that you're finally home."

"It was because of his endless and undying training with Elders in Lisbon, tama ba ako?" tanong ni Allison kay Van na ikinatango nito.

"That's true. I'm glad to be here with all of you for the second time serving the Aendriachhi family and the Alzini itself, Godfather." -Van

"So, do you like it?" tanong ni Allison na tinitignan ang paligid kaya ganon na rin ang ginawa ni Van.

"Yes. It was perfectly made as how I planned it," sagot nito kaya mas nakaramdam pa kami ng tuwa. And this will even be happier kung babalik na silang lahat para muling makumpleto ang buong pamilya.

Alzini is not just a name, it's our family.

Continua...