Part 1
"Will they be okay?" wala sa sariling tanong ko na hinarapan siya. Simula kasi nang lisanin namin ang lugar na 'yon ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda lalo na't sina Terrence at Xenia ang hinahabol nila ngayon. Hindi ko rin alam na may ganitong mangyayari sa plano dahil sinabihan lang naman ako sa mga bagay na dapat kong gawin pero hindi sa mismong plano nila.
"They're good at racing. I am sure that they are going to win this competition," sagot nito sa akin kaya imbes na kumalma ay kinabahan ako, "Do you think this is just a game?! What if may mangyaring hindi maganda?!"
"Then they must not be included in the third generation if they cannot accomplish a simple task," sagot nito na abala sa pagmamaneho habang nakahawak ang isang kamay sa manibela. Kitang-kita ko ang prenteng itsura niya dahil wala na rin kaming suot na maskara.
"Seriously?! Hindi natin sila pwedeng iwan!" pagpupumilit ko, "We have to go back!"
"For them to catch you?" sandali niya akong binalingan ng tingin bago ibinalik ang tingin sa daan.
"Of course not! Nag-aalala lang ako kila Terrence!"
"So you're that close with the detective already?" hindi makapaniwalang tanong nito na ikinasalubong ng kilay ko, "Why do you call him by his first name now?"
"Is there something wrong with tha— "
"I just need you to honestly answer my question," tila umurong ang dila ko nang harangan niya ako sa pagsasalita, "W-we're friends. Hindi ko ba siya pwedeng tawagin sa pangalan niya?" tanong ko naman pabalik dito.
"So you have consent for you to call him by his first name?" I don't even know why it seems calling Terrence by his name is like a big deal to him. May mali ba don?
"Y-yes," tumango naman ako.
"Fine, just be careful speaking about his name anywhere," seryosong saad nito bago iniliko ang sasakyan sa kung saan. May ngisi mula sa labi nito at tila napailing na halatang hindi makapaniwala sa narinig niya. Ano ba talagang problema niya doon? Uh, nevermind!
Ngayon ko lang din napansin na ang dinadaanan namin ay puro kakahuyan sa paligid. Ni isang sasakyan ay wala kaming nakakasalubong o kasabay. Is this a shortcut or what? Pero isa lang naman ang nasisiguro ko at 'yon ay ang pagbalik namin sa mansyon, "I won't put your friends in a situation which might put them in danger," dagdag pa niya na hindi ko nakuha noong una.
"They won't be included in Alzini's third generation for nothing. Their skills and capablities are enough for me to trust both of them. Worrying will be of no use to anyone," tumango naman ako sa naging pahayag nito.
"I'll take what you said."
"You're thinking too low about us," dagdag niya sapat na upang mapatingin ako sa kanya hanggang sa sandali niya akong tinignan, "People like you who think that we're incompetent drive us to be this competitive."
Pinanliitan ko ito ng mata kahit sa daan siya nakatingin, "And do you really think that I'm that kind of person?" hindi makapaniwalang tanong ko. Itinutulad niya ba ako sa kung sinu-sino lang? Kung ganon, nagkakamali siya.
"It's not that I think that way about you, your family nor your third generation, it's just that I am worried for the both of them because they are my friends."
"Shouldn't you be worrying about your husband and father for being in danger in this case? They are more in danger," ito ang pangalawang beses na tila umurong ang dila ko dahil sa sinambit nito kaya ibinaling ko ang atensyon sa daan sapat na upang mapansin niya ang ginawa ko, "They don't deserve my worries," sa pamamagitan lang ng isang tanong tungkol sa kanila ay nawalan na ako ng gana. He's right that I should not worry about my friends, sigurado namang makakaligtas sila. I trust them.
Tanging liwanag mula sa sinasakyan namin ang nagbibigay ilaw sa daanan. Napapalibutan kami ng matatayog na mga puno at tila nasa loob kami ng isang gubat dahil ang diretsong pagpapatakbo ng sasakyan kanina ay bahagyang umaalog dahil na rin sa matirik na daan at mga malalaking bato na sumasalubong sa amin.
Napatingin ako sa kalangitan nang bigla akong makarinig ng pagdalundong. Kumikislap pa mula sa itaas dahil sa kidlat hanggang sa biglaang bumagsak ang napakalakas na ulan. Nanlalabo na rin ang salamin sa harapan ng sasakyan dahil sa tuluy-tuloy at malakas na pagbuhos nito. Kulang na lang ay tumigil na siya sa pagmamaneho dahil parang anumang oras ay kusang titigil ang sasakyan lalo na't punung-puno ng putik ang dinaraanan namin ngayon. Pakiramdam ko ay hindi na kami makakaalis dahil tila unti-unti bumabaon ang gulong sa maputik na daan sa tuwing pinapaandar niya ito.
"Shit!" bulong nito nang mapatingin sa side-mirror ng sasakyan kaya napatingin ako sa likuran. Nagsalubong ang kilay ko nang matanaw ang isang liwanag na nanggagaling sa isa pang sasakyan na nasa likuran namin at papalapit sa aming gawi.
"Are they your men?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay kami lang dalawa at wala kaming kasama not until now, "No, they are not."
"Kung ganon sino?" muli ko namang tinitigan ang sasakyan na papalapit na sa amin.
"Secure your seat belt on," pahayag niya hanggang sa makita ko ang mga kamay nito na hinigpitan ang hawak sa manibela. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mas hinigpitan ang pagkakalagay ng seat belt sa akin kahit puno ng pagtataka ang mukha ko.
"Take a deep breath."
"What?" kasabay ng pagsasalita ko ay ang mabilis na pag-andar na kotse dahilan para mapasinghap ako. Mahigpit akong napahawak sa kung saan nang maramdaman ang mabilis nitong pagpapaandar na kulang na lang ay paliparin na ang sinasakyan namin, "Be careful!" sigaw ko dito nang matanaw na nasa madulas na daanan na kami. Tumingin ako sa likuran at natanaw ang kotse na ngayon ay mabilis na rin ang pagpapatakbo rito na halatang hinahabol kami.
Tila isang zigzag ang dinaraanan namin ngayon kaya mabilis niya ring pinaliku-liko ang sasakyan sapat na para makaramdam ako ng takot at pagkahilo. This was my first time experiencing something like this. Para kaming nasa isang racing competition. Ang hindi lang maganda ay maaari kaming maaksidente dahil sa dulas ng daan at lakas ng ulan. Natatanaw ko pa ang pagtama ng kidlat sa iilang parte ng mga puno at napatingin sa ibaba nang mapansin na sa isang maling galaw ng sasakyan ay mahuhulog kami sa bangin.
"Kailan pa nila tayo nasundan?" tanong ko habang pabalik-balik ang tingin sa likuran.
"They did not follow us. They were waiting for us."
"So they knew the plan?"
"No, they are not the army," napaisip ako sa isinambit nito. Kung hindi sila ang tauhan ng ama ko, then who are they at bakit nila kami sinusundan?
Kasabay ng pagmamaneho niya ng mabilis ay palakas ng palakas ang ulan, bigla akong nakaramdam ng takot at kaba nang makita kong nawala kami sa linya ng daan at naramdamang nahuhulog na ang sasakyan na tila sinadya niya. Please, I don't want to die yet. Is he stupid? Bakit sinadya niyang ihulog ang sasakyan?
I was waiting for the moment na makarinig ako ng ingay at maramdamang masakit ang katawan o ulo ko bunga ng nangyari. Napapikit ako at napatakip ng tainga hanggang sa magmulat ako ng mata. Naramdaman ko ang pagkabagsak ng sasakyan pero hindi kami nagtamo ng kahit na anong sugat. Itinuloy niya ang pagmamaneho kaya napatingin ako sa itaas kung saan kami nanggaling.
Mula doon ay natanaw ko ang sasakyan na nakasunod sa amin hanggang sa lumiko ito. It only means that we lost them. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kung anu-anong magkahalong emosyon ang naramdaman ko kanina. He in fact planned to segway para lang mailigaw ang humahabol sa amin and good to know na maayos ang pagkakabagsak ng sasakyan. Base sa lahat ng ginawa niya, I could say that he's good at driving. Kahit madulas ang daan kanina, walang nangyaring hindi maganda. I wish I could do that too, hahawakan ko pa lang ata ang manibela ay makakadisgrasya na ako.
Itinigil nito ang sasakyan sa kung saan kaya napatingin ako sa paligid. Nasiraan ba kami? I think so lalo na't bumaba siya. Minasdan ko ang buong lugar kung nasaan kami hanggang sa ipinagtaka ko na lang ang nakita ko, parang pamilyar kasi ang lugar at tila isang event place. Ang buong akala ko ay may titignan siya sa harap ng sasakyan o sa gulong pero hindi, binuksan niya ang pintuan sa tapat ko, "Come out," muli kong inilibot ang tingin at dahil nababasa na siya, sumunod na lang din ako sa sinabi nito.
I was shocked when I saw him removing his coat under the rain, the moment I came out, he placed it on my head just like my invisible umbrella. Hinila naman niya ako sa kung saan kaya napatakbo kami dahil sa lakas ng ulan. Natigilan kami nang makasilong kaya muli kong pinasadahan ng tingin ang buong lugar.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na eto nga ang lugar na 'yon. This is where we held my father's birthday celebration, this is also the place where I first met this guy noong tinakasan ko si Philip. He helped me at first and surrendered me to the senator in the end, just because it was also part of his plan. Mas maganda raw kasing isipin nilang patay na ako, at katulad ng nangyari kanina, nagulat silang makitang buhay na buhay ako.
Napatingin ako sa kanya na pinapagpag ang sarili bunga ng pagkakabasa namin kaya tinanggal ko na ang coat na nakasuot sa akin para ibalik sa kanya, "It's yours to keep til we reach the mansion. You might catch a cold," pahayag niya para matigilan ako at mapatango na lang sa huli. Is he really this kind of a man? Who would never fall in love with someone like him?
I-i mean, wala akong nararamdaman para sa kanya. First of all, we're both married. Secondly, nagtataka pa rin talaga ako kung bakit ganon na lang kalala ang relasyon nilang dalawa ni Erin. If he's this kind of man, what makes their married life unhappy? Kahit sino naman magtataka hindi ba? Kung gaano siya ka-gentleman ngayon, I've never seen him do this kind of thing to his wife. Something must have happened between the two of them.
Bakit ko pa ba pinoproblema 'yon? Mind your own business ika nga.
Sinundan ko na lang ang pagpasok nito sa loob kung saan sumalubong sa amin ang isang empleyado. Maigi kong minasdan ang tahimik na lugar, parang siya lang ata ang nag-iisang empleyado dito. There's something with this place. Hindi ko alam but I really feel like something bad might going to happen magmula pa kanina.
"Good evening, Mr. Radcliffe— " bati ng babae na umurong ang dila nang mapatingin sa gawi ko.
May kinuha ang kasama ko mula sa kanyang bulsa hanggang sa iabot 'yon sa babae, it's a black card at mabuting minasdan 'yon ng babae, "I'm with her. Pretend as if you didn't see her," pahayag nito. Halata ang pagkataranta ng babae nang makita niya ako ngunit tumango rin kalaunan.
"Y-yes sir," kinuha naman nito ang black card niya, "VIP room. Just like the last time," I know that I am with someone with this kind of charisma, a scary one. That's why I don't have to think anyways kung bakit nanginginig ang babae na tila nagmamadaling hanapin ang isang bagay.
"Here sir," nanginginig pa ang mga kamay nito na iniabot sa kanya ang isang key card kaya't kinuha niya 'yon at nilagpasan ang babae. I was about to ask him pero nauna na siyang maglakad. Minasdan ko ang babae na nakatingin sa akin ngunit napayuko rin agad nang mapansin niyang tinignan ko siya. Gusto ko siyang kausapin lalo na't alam kong kilala niya ako. Ganito kalawak ang impluwensya ng mga tao sa paligid ko, especially my husband and father. Kahit saang sulok ng mundo ako magtungo, mayroon at mayroong makakakilala sa akin.
I hesitated at first kung kakausapin ko ba siya o hindi pero sapat na siguro ang pagbabanta ng anak ni Senyora para hindi magsalita ang babae kaya nilagpasan ko siya at sinundan na lamang ang kasama ko. Hindi nga ako nagkakamali na bawat hakbang na gagawin ko ay pamilyar sa akin. This is exactly the way that I went to, nang planuhin kong takasan si Philip. When we reached the end, itinapat niya doon ang key card kaya bumukas ang pintuan. Sumunod ako sa loob at ako na ang nagsara ng pinto habang inililibot ang tingin sa loob ng kwarto.
Ito ang kwarto kung saan ko siya unang nakita. Dito ako nagtago nang habulin nila ako. Nabaling sa kanya ang atensyon ko nang umupo ito sa pinakagitna. There was a bourbon whisky and a glass in front of him na nakapatong sa isang babasaging lamesa.
"Uhmmm, w-why are we here?" nauutal kong tanong. That dark aura of this room from the first time I went here had also the same aura that I feel right now. Parang mabigat sa pakiramdam although kami lang naman ang nandito.
Why do I feel like there's a danger sa tuwing papasok ako sa kwartong ito?
Binuksan nito ang bote at diretsong uminom doon bago ibinaba ang bote na hawak niya. Lumingon siya sa gawi ko kung saan nanatili pa rin akong nakatayo at hindi gumagalaw, "I am waiting for someone," ang tingin nito sa akin ay unti-unting bumaba papunta sa paanan ko. Napagtanto ko na lang na wala pala akong suot na kung anuman dahil tinanggal ko ang suot kong heels kanina at ngayon ay naiwan sa sasakyan.
Hindi niya naman kasi ipinaalam na balak niya pa lang uminom muna bago umuwi. Sa ilang oras na kasama ko siya, iba't ibang klasi ng emosyon ang nararamdaman ko. Pagtataka, takot, inis at kung anu-ano pa. Sa ngayon, nahiya ako na makita niya akong ganito. Bakit kasi hindi niya man lang ako sinabihan? Ang buong akala ko ay nasiraan kami ng sasakyan.
"Are you perhaps trying to endure standing there the whole time?" tinignan nito ang upuan sa harapan niya at ibinalik sa akin ang tingin, "You can join me if you want. I can't even attempt seeing a lady standing for a long time while I was having my pleasurable drink," kung si Philip ang nagsasabi nito, for sure sinagut-sagot ko na siya. Hindi ako yung tipo na madaling mapasunod but because of his act of kindness let's just say, napapasunod na lang ako ng kusa hanggang sa maupo sa harapan niya.
Next...