Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Strange Forest (Filipino)

🇵🇭Blueophiudus
13
Completed
--
NOT RATINGS
60k
Views
Synopsis
A circle of friends agree to go to Libyong Falls. Unknown to them, where the waterfalls are situated, the strange forest they have to encounter awaits them. Will it be a joyful experience? Or a horrible adventure? Or maybe an evil death?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Hailey's POV

Libyong Falls is a waterfall with a height of 107 meters. Ito ang nasa pinakagitna sa karamihang waterfalls na nasa gitna ng kagubatan. Ang gubat ay binubuo ng maraming waterfalls. May malalaki, may maliliit, may mahahaba o matataas, may sakto lang din. And, Libyong Falls is the tallest one and is at the center out of all waterterfalls in the forest.

We were a circle of friends. Sixteen in total. Seven girls and nine boys. None of us had been into the waterfall, into Libyong Falls, ever.

We just wanted to try something new so as one of us suggested to have a swimming in Libyong Falls, sumang-ayon din kaming lahat. Nagplano kami agad dahil sabik kaming makapunta roon.

Nasa harap pa lang kami ng entrance, we felt so excited. We never thought na mangyayari na ang inaasam naming swimming and sa talon pa talaga. Hindi na sa ilog.

Kaya naman sa oras na tumapak kami sa entrance, labis ang kasiyahan namin. Dumaan kami sa mga palayan, sementadong daan na may maraming puno na sobrang nakakatayo ng balahibo dahil sa nakakatakot na itsura nito. Magkadikit ang mga puno at parang may naninirahang hindi pangkaraniwang nilalang. Kaya hindi siguro kakayanin ng isa kung lumakad sa gitna ng sementadong daan na may mga damo na rin dahil sa tagal ng panahon.

Sobrang dami ng punong kahoy na nadaanan namin. Syempre, nasa kagubatan nga kami eh. Hanggang sa madaanan din namin ang tulay na gawa sa kahoy. May ilog din pala. Isa-isa lamang kami sa pagtawid dahil baka masira ang tulay at mahulog kaming lahat sa ilog kung magsabay-sabay kami.

Sa ilang oras naming nilakad ang gubat, nakarating din kami sa Libyong Falls gamit 'yong mga pictures na na-searched ni Lexi. 'Yon lamang ang gumagabay sa 'min sa mga daan. Mahirap pa man din 'pag walang guide kasi marami palang daan na pagpipilian at puwede kaming maligaw kung sakali.

Sobrang ganda! We were so amazed by the beauty of the nature. There were lots of trees, flowers, fruits and plants that we did not know. Kaya we just kept on taking pictures of the place we had never been into before.

Pero...

"Bakit ang tahimik naman yata rito? It's like we're just the ones here." Nasira ang moment na 'yon dahil sa sinabi ni Erika na sinundan din naman ng iba.

Sab heaved a sigh and spoke. "Yeah. Maganda nga rito. I don't know why but sa sinabi mong 'yan, Erika, this place suddenly creeps me out. Tumatayo yata ang mga balahibo ko."

"Medyo kakaiba nga 'yong mga dinaanan natin papunta rito," dagdag pa ni Roy.

"Eksakto naman ang napuntahan natin gaya no'ng nasa mga Facebook posts, 'di ba? Pero ba't parang kakaiba nga? Hindi niyo ba napapansin?" I asked them. Sang-ayon ako sa sinabi nila.

"Bumalik na lang kaya tayo? What do you think?" Lexi suggested.

"Ano ba kayo? Nandito naman na tayo. I-enjoy na lang natin," pangontra ni Yunn.

"He's right," Arthur agreed. "Marami naman tayo kaya okay lang. Tsaka, baka ganito lang talaga rito dahil nasa gubat naman talaga tayo," he explained.

"Pero what if something might happen to us despite the beauty of this place?" Nakapamaywang na tanong ni Vaness.

"May signal naman dito kaya maco-contact din natin agad parents natin," Josh uttered in assurance.

"Ano'ng meron? Wala kaya! Tignan niyo!" Sabi ni Kuya Max na nakatingin pala sa phone niya kaya chineck din namin ang mobile phone namin.

"Hala! 'Di ba meron namang signal kanina? Ba't nawala?" Tanong ni Keith na itinaas at nilibot-libot 'yong phone niya para maghanap ng signal.

"Wala talaga rito." Si Johnny naman ang nagsalita. "Hanggang do'n lang sa tulay. 'Yon ang napansin ko eh."

"Hay naku! We love swimming and this is it. Let's just enjoy na lang! Okay?" Sabi ni Denisse at sumang-ayon naman 'yong iba. Wala na kaming nagawa. Alangan namang iwanan namin sila.

Sinantabi namin 'yong takot at kaba at pinagpatuloy ang kasiyahan. Hanggang sa paglipas ng ilang minuto, nagulat na lang kami dahil nagsisigaw na sina Mica at Sab habang tumatakbo papunta sa 'min. Galing sila roon sa CR dahil nakita ko sila kanina.

"B-blood! Blood!" Pigil-hiningang sigaw ni Mica nang makarating sila sa 'min. Napahawak pa sila ni Sab sa dibdib because of pagod sa pagtakbo. Mabilis pa man din mapagod si Mica.

"Oh, ano'ng nangyari sa inyo?" I asked them with my forehead creased.

"Guys, let's go! Bilis! We need to get out of here!" Natatarantang sabi ni Sab sabay impake ng mga gamit. Napatigil naman ang iba sa kanilang ginagawa at nakatutok sa kanilang dalawa na halos hindi maipinta ang mga mukha.

"Teka! Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Keith na nasa tubig pa rin.

"Oh my gosh!" Denisse and Vaness screamed in unison at napatakip ng bibig sa kanilang nakita.

Napatingin naman kaming lahat sa direksyong tinitignan nina Denisse at Vaness. Even Mica and Sab followed where we were looking at and they noticed na sa mga paa nilang dalawa kami nakatingin. Nagulat kaming lahat at nakaramdam ng takot sa aming nakita.

"Teka! D-dugo! Dugo 'yan, 'di ba?" Tanong ni Will.

"Baka naman meron kayo ngayon?" Sabi ni Josh. "Or may sugat kayo sa paa?" He added.

"Hindi!" Mica said, shaking her head. "Swear!" She exclaimed, raising her hand as a sign for telling the truth.

"Ano pa ang hinihintay niyo? Umahon na kayo riyan! Umalis na tayo rito!" Sigaw ni Sab dahilan para maging aktibo at alerto kaming lahat.

"Sabi na eh. Kakaiba talaga rito!" Vaness said na parang tama 'yong sinabi niya kanina.

Nagmadali namang umahon 'yong mga nasa tubig. Agad kaming nagsuot ng mga damit namin at niligpit lahat ng mga dinala namin kanina.

Sa incident na 'yon, hindi namin akalaing doon na pala nagsimula ang misteryo at katatakutan sa kakaibang gubat.

Or maybe... the strange things already started the moment we entered the strange forest?