Chereads / The Strange Forest (Filipino) / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Lexi's POV

It was already morning. Nakita ko na lang ang sarili kong nakasandal sa isang puno. Ay, syempre, nasa gubat nga eh. Medyo inaantok pa 'ko. Buti walang nangyari sa 'kin habang tulog ako. I decided na tumayo na.

"Psst!" Wait. I thought I heard something from my left. What was that? Or who was that? Hindi. Baka tunog lang 'yon ng isang hayop d'yan sa tabi-tabi. Lumingon ako sa kaliwa pero wala namang kakaiba. I let out a deep sigh. Nagkamali lang siguro ako.

"Psst!" As I took three steps forward, muli na naman akong nakarinig ng tinig. This time, it was from the right. I took a deep breath. Ang aga pa para may manakot sa 'kin, ha! Kinakabahan ako. Baka ako na ang susunod na mamamatay. Ready na ako. Kill me!

Pero, hindi ako papayag na wala akong gagawin. I must do something. We never know, I might survive and get myself out of this strange forest.

"Psst! Psst!" I felt my heart beat so fast. Nasa magkabila na ang naririnig ko. Ano ba ang gagawin ko? Pinagbuti ko ang reflexes ko at nakiramdam para kung biglang may umatake sa 'kin ay mailagan ko agad.

"Psst! Psst!" Napatakip ako ng tainga dahil mas lumapit at mas nakakarindi na 'yong pagsitsit sa 'kin. Para akong mabibingi.

Tumakbo ako nang mabilis at lumingon sa kung saan-saan. 'Di ko na alam ang nangyayari sa 'kin. Mukha na akong baliw. Umiiyak, tumatawa, sumisigaw, nagagalit, kinakausap ko na ang sarili ko. Hanggang sa mabunggo ako sa isang matigas na bagay at kita ko sa kahulihan ang pag-ikot ng paligid. Then everything went black as I collapsed.

Mica's POV

I was all alone, walking in the strange forest. I never thought this would happen to us. If I knew, if only I knew and if only we knew, we would never be in this strange forest.

Hindi ko na alam kung nasa'n na 'ko ngayon. All I ever did was to walk wherever my feet would bring me.

"Oh my gosh! Lord!" I exclaimed, covering my mouth.

Hindi ako makapaniwala. Nakikita ko na ang tulay. Naiiyak ako. Hindi ko naman nakasalubong 'yong matandang babae na pumatay kay Johnny. Siguro sa kabilang direksyon itong nadaanan ko. I had no idea.

Medyo kinabahan din ako ngayon dahil kita ko na ang tulay. Baka biglang may mangyari na 'di ko inaasahan.

Nagdadalawang-isip ako kung lalakad na ba ako or hindi. Magpapatuloy ba 'ko or hindi? Tatawid ba ako or hindi? Pano na 'yong mga kaibigan ko? Kamusta na sila? Okay lang ba sila? Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako nang madama kong may tumutulo na mga luha sa mga mata ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Lord, what should I do now? Hindi ko yata kayang lumakad papunta sa tulay nang wala akong kasama kahit isang kaibigan man lang. Napasapo ako sa noo ko at napaupo. Mamamatay na rin ba ako rito?

If tatawid ako, happenings in here would be pricking at my conscience forever. And, I could not live like that.

Please, help me!

Hailey's POV

Napahinto kami nang bumungad sa 'ming harapan ang dalawang daan. Hindi namin alam kung saang direksyon na kami napunta. Kung saan-saan na kami tinatangay ng mga paa namin makalayo lang sa halimaw na Karyas na 'yon.

"H-hailey... F-ford..." pilit na pagsasalita ni Kuya. "Iwan niyo na 'ko rito. K-kailangan niyo ng umalis. Ako na ang bahala sa sarili ko."

"No, Kuya," pagtutol ko sa sinabi niya. "Hindi ka namin iiwan. Kaya natin 'to." Bumaling ako kay Clifford. "Saan tayo dadaan? I'm bad at directions and poor 'yong decision-making skills ko sa mga ganitong bagay."

Nakita ko namang naka-smirk ang loko at parang 'di makapaniwala. Eh ano ngayon? Totoo naman ang sinabi ko, ah?

Natigilan kami saglit nang umihip ang hangin. Medyo kakaiba ito dahil parang isa-isang nagsigalawan 'yong mga dahon ng mga puno. Napakalamig pa ng hangin na 'to. Minsan, naiisip ko na baka may mga multo rito. Gano'n naman daw, 'di ba?

"Dito tayo." Sumenyas si Clifford na sa kanan kami dumaan.

Tinungo namin 'yon. After about half an hour of walking, nakita naming may isang babaeng nakahandusay sa daan. Nagkatinginan kami ni Clifford habang akbay namin si Kuya. Bumitaw muna ako kay Kuya at dahan-dahan akong lumapit sa babae.

"L-lexi?" Bulalas ko nang hinawi ko ang buhok niya na naco-cover sa mukha niya. "Lexi, wake up!" Niyugyog ko pa siya para magising. "Lexi!" I called out again.

Napansin kong napadilat na siya ng mga mata. "Lexi, ako 'to. Si Hailey," sabi ko sa kaniya. Nagising na rin siya nang tuluyan.

"H-hailey..." she cried.

"Yeah, it's me." I smiled at her.

"Hailey, ikaw nga!" Agad naman niya 'kong niyakap pagkabangon niya. Umiiyak na kaming dalawa. "Kayo lang ba?" Tanong niya pagkakita kina Clifford at Kuya.

Tumango ako bilang sagot. "Nakita lang din namin si Kuya. Nakatakas kami roon sa nakakatakot na nilalang. 'Yon din ang dahilan kung bakit nasaktan si Kuya at Clifford."

"Tara na," sabi ni Clifford. Tinulungan ko si Lexi na makatayo.

"Buti naman safe kayo," sabi ni Lexi nang maglakad kami. "'Yong iba kaya, nasa'n na kaya sila?" Alam ko nag-alala siya. Halata naman sa boses niya. I just sighed in despair.

My eyes widened nang makita namin ang sementadong daan. 'Yong daan na may napakaraming punong magkadikit at nakakatakot ang itsura dahil mukhang may naninirahang hindi tao.

"Malapit na tayo sa tulay," Lexi uttered. I saw hope in her voice. Pag-asang makakalabas kami. Sabay pa kaming naluha.

"Let's go," yaya ko sa kanila.

Maraming tunog sa paligid. Tunog nga mga insekto at iba pang mga hayop. Humahangin din. Bumilis naman ang tibok ng puso nang makarinig kami ng tunog sa likuran kaya sabay kaming napalingon doon.

"Gosh! Akala ko kung ano na. Kinabahan ako bigla." Si Lexi 'yong nagsalita. Pareho kami.

Nahulog na sanga ng kahoy lang pala. Nakaramdam pa 'ko ng takot. Baka mamaya may sumunod sa 'min na hindi namin nalalaman. Or baka meron nga pero hindi lang namin nakikita? I shook my head to stop myself from thinking such dreadful things.

Finally, nalampasan din namin ang sementadong daan. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata ko nang makakita ako ng isang babae sa unahan. Kinabahan ako bigla. Parang kilala ko siya.

"M-mica?" I whispered to myself. I walked faster para makita nang malapitan. It was really her. "Mica!" Sigaw ko. "Nakikita ko si Mica. Alam kong si Mica 'yon."

"My gosh! It's really her!" Bulalas ni Lexi.

Wait, ano'ng ginagawa niya roon? "Mica!" Muli kong sigaw kaya napatingin siya rito sa direksyon namin.

"Hailey!" Sigaw din niya.

Tumakbo siya papunta sa 'min, umiiyak. Tumakbo na rin kami ni Lexi para salubungin siya. Niyakap niya 'ko nang mahigpit. Gano'n din si Lexi. Tinapik naman niya si Clifford at Kuya. "Thank God! You're safe and nagkita tayo," she said in happiness. Napalingon naman kina Kuya at Clifford. "Max? Ano'ng nangyari sa inyo, Clifford?" Nakakunot ang noo na tanong niya nang mapansin ang condition nila.

"Karyas," sagot ko. "'Yong nakakatakot na nilalang. Nakita namin ang Karyas sa likod niya kaya we presumed na name niya 'yon. Siya ang may gawa kung bakit ganiyan ang condition nila," I explained to her.

"Buti nakaligtas kayo roon," hindi makapaniwalang sambit niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang makakaligtas kami sa halimaw na 'yon? Maskin kaming tatlo, hindi inaasahan 'yon. "Nakita ko na 'yong tulay. Natatakot kasi akong dumaan doon mag-isa kasi feeling ko napaka-unfair kung ako lang mag-isa at wala kayo. 'Di ko kaya. 'Di kaya ng konsensya ko na iwan kayo." Pinunasan niya ang luha niya. "Kaya sobrang thankful ko dahil nagkita tayo ngayon. Tara na! Baka kung ano pa ang mangyari sa 'tin dito."

Sinundan namin si Mica patungo roon sa tulay na nakita niya kanina. Malapit lang pala kami sa tulay nang marating namin. Good thing tama 'yong daan na tinahak namin ni Kuya at Clifford. Siguro, deads na kami ngayon kung sa kabila kami dumaan no'n.

"Sige na, mauna na kayo," sabi ni Clifford sa 'min.

"No, mauna na kayo ni Max," tugon ni Lexi. "Masyadong nanghihina si Max kaya kayo na muna. Susunod din kami." Tumango naman si Clifford.

"Ingat kayo, ha?" Paalala ko. Nginitian niya 'ko. Nakaakbay pa rin si Kuya sa kaniya para alalayan niya si Kuya. Sumampa na rin sila sa tulay makalaon. Dahan-dahan sa paglakad.

Delikado 'pag magsabay-sabay kaming dumaan sa tulay. Kahoy lang kasi ito at mukhang matagal na, baka masira pa. No'ng dumaan nga kami rito no'ng una ay paminsan-minsan nag-sway pa na parang duyan.

"Okay ka lang, Lex?" Dinig kong tanong ni Mica kay Lexi. Pansin ko rin na kanina pa siya 'di mapakali.

"Ano kasi... bago niyo ko nakita roon, Hailey," panimula niya. "May sumitsit kasi sa 'kin. Hindi ko alam kung ano. Tapos lumapit ito nang lumapit sa 'kin hanggang sa nagsisigaw na 'ko. Nakakabingi 'yong sitsit na 'yon kahit anong takip ko ng tainga. 'Di ko na alam ang sunod na nangyari dahil hinimatay yata ako."

Nagkatinginan naman kami ni Mica at feeling ko kinabahan din siya gaya ko. Malapit ng makatawid sila Kuya at Clifford. Hanggang sa nakatawid na rin sila sa wakas.

Sinenyasan namin si Lexi na sumunod na siya. Nagdadalawang-isip pa siya pero sumunod din.

"Dahan-dahan lang, ha?" Paalala ko. "Ingat ka." Ngumiti muna siya sa 'min bago humakbang sa tulay.

"Sino susunod sa 'tin, bes?" Tanong ni Mica no'ng nasa gitna na ng tulay si Lexi.

"Ikaw na, susunod ako," I replied to her.

"Sigurado ka?" Nag-alalang tanong niya.

"Okay lang ako." I smiled. "'Wag kang mag-alala." Tinapik ko siya sa balikat.

"Sige," she agreed. "Sunod ka agad."

"My gosh! What's happening?" Napalingon naman kami kay Lexi. Our eyes widened when the bridge was swaying.

"'Wag kang matakot. Just continue!" Sigaw ni Clifford sa kabila.

"Naku! Malalim pa naman siguro ang ilog!" Sabi ni Mica na nanginginig ang mga kamay.

"Karugtong kaya 'to sa ilog sa 'tin?" Naisip kong tanong. Napatingin kami sabay ni Mica sa haba ng ilog pagkasabi ko no'n.

"Hailey! Mica!" Tawag sa 'min ni Lexi na nakatawid na pala. "Bilisan niyo na! Dali! 'Yong matandang babae!"

"Ano?" Gulat at sabay naming sigaw ni Mica.

"Nasa likuran niyo ang matandang babae! Bilis!" Si Clifford naman 'yong sumigaw.

Napatingin kaming dalawa ni Mica sa likuran namin. Nasindak kami pareho. Nasa likod nga namin ang matanda pero medyo malayo-layo siya sa 'min pero naglalakad ito papunta sa 'min.

"Mica, sige na!" Sambit ko. Humakbang agad siya sa tulay.

"Hailey, sumunod ka na. Sabay na tayo. Baka abutan ka pa niya," tugon niya nang nakatingin sa 'kin.

"Natatakot ako. Baka masira ang tulay at mahulog tayong dalawa," sabi ko at muli ko na namang nilingon ang matanda. Siya 'yong pumatay kay Johnny. Kinain niya ang lamang-loob ng kaibigan namin. Malapit na siya sa 'kin.

"Bes, sige na! Please!" Naririnig ko na ang pag-iyak ni Mica sa boses niya kahit 'di siya nakatingin sa 'kin. Malapit na ang matanda. Napapikit ako at huminga ng malalim.

"Hija, tulungan mo 'ko." Nagsalita 'yong matanda.

"Oh my gosh!" Kita ko ang pag-alala at kaba na bakas sa mga mukha nila roon sa kabila. Si Mica ay nasa gitna na ng tulay nang tingnan ko.

"Hija, halika."

Kahit hindi pa nakatawid nang tuluyan si Mica sa kabila ay humakbang na ako sa tulay. Natatakot akong maabutan ng matanda. Masyado siyang nakakasindak at baka mapatay ako. Nanginginig pa ang mga paa ko habang humahakbang. Sa bawat hakbang ko naman ay umuugoy 'yong tulay.

Malapit na si Mica sa kabila. Ako naman ay malapit pa lang sa kalahati. Lumingon muli ako sa likuran at nakita ko na nando'n na ang matanda sa kinatatayuan namin kanina. Tatawid din ba siya? Kinakabahan ako at natatakot.

"Hailey, bilisan mo!" Sigaw ni Clifford. Napatingin ako sa kanila. Nag-aalala na talaga sila sa 'kin na parang sila 'yong nasa sitwasyon ko ngayon.

"Hija, halika rito." Narinig kong tawag ulit ng matanda. "Bumalik ka rito."

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang paglakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng tulay. Napansin kong mas bumilis yata ang pag-sway kaya tiningnan ko ang matanda sa likuran.

"Oh my gosh!" Nagulat ako nang nagsimula na rin siyang tumawid. Nakita ko siyang ngumisi nang nakakasindak. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa takot.

Paghakbang ko ulit ay nag-crack at nasira 'yong isang kahoy kaya nahulog ito. Kita ko ang pagbagsak nito mula sa taas hanggang sa tubig ng ilog na sa tingin ko ay napakalalim.

"Hailey, malapit na siya sayo!" Sigaw ni Lexi.

Tinuloy ko ulit ang paghakbang. Nasa gitna na ang matanda nang lingunin ko ito. Ako naman ay malapit ng makatawid. Narinig kong nag-crack ang kahoy sa likod. Mas minadali ko ang paghakbang kaya ilang steps na lang ay makakatawid na ako sa kabila.

"Hija, tulungan mo ako. Maawa ka," pakiusap ng matanda.

Pagkasabi niya noon ay biglang nasira ang ilang mga kahoy kaya napasigaw ako at maging ang mga kaibigan ko.

"Hailey!" Umalingawngaw 'yong pagsigaw nila sa name ko.

Hindi pa ako tuluyang nahulog dahil nakakapit pa ako. Naiiyak na ako. Mukhang mahuhulog na yata ako anumang galaw ang gagawin ko. Ang matanda naman ay nakatayo pa rin sa kahoy at pilit kumakapit para hindi rin mahulog.

"Hailey, 'wag kang bibitaw!" Sigaw ni Clifford. "Tutulungan kita!"

Pag-apak pa lang ni Clifford ay tumunog ang kahoy. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin. 'Yong matanda ay lumapit din naman. Nasa sa kanila lang kung sino maunang makalapit sa 'kin.

Hanggang sa nauna si Clifford. Hinawakan niya agad ang kamay ko at tinulungan ako para makabalik sa tulay. Hanggang sa nagtagumpay siya sa pagtulong sa 'kin. Agad niya akong ginabayan sa pagtawid pero sa kasamaang-palad, biglang nag-crack ang tulay at isa-isang nahulog ang mga kahoy.

Napasigaw din kami ni Clifford at ang matanda. Nahulog kaming tatlo sa ilog.

"Hailey! Clifford!" Narinig kong sigaw ng mga kaibigan namin.

Naunang bumagsak ang matanda sa ilog. Kasunod naman kami ni Clifford na sabay bumagsak. Magkahawak pa ang kamay namin.

"Hailey!" Sumigaw si Clifford pagkaahon namin. Lumangoy siya palapit sa 'kin. Medyo mabilis ang agos ng tubig kaya nahirapan akong lumutang. Nagkahiwalay na pala ang kamay namin ni Clifford dahil sa lakas ng pagbagsak namin.

"Hailey! Clifford! Lumangoy kayo papunta rito!" Narinig kong sigaw ni Mica roon sa taas. Agad akong hinila ni Clifford papunta sa gilid ng ilog. Nahihirapan siya kaya pinilit kong lumangoy din.

Thankfully, nakarating din kami sa gilid ng ilog. Napansin namin pareho ni Clifford na kinakaway ng matanda ang kaniyang mga kamay. Pinipilit niyang lumutang dahil nalulunod siya. Hindi yata siya marunong lumangoy.

"Clifford," baling ko kay Clifford.

"No, Hailey." Inunahan na niya ako sa pagsasalita. "Huwag kang maawa sa kaniya. Niloloko lang tayo niyan. Papatayin niya tayo gaya ng ginawa niya kay Johnny."

Umiiyak na ako ngayon. Napayakap na lang ako sa kaniya. Niyakap din niya 'ko. Naawa ako sa matanda pero tama si Clifford.

Napabitaw ako sa pagyakap kay Clifford at lumingon ulit sa matanda pero nalulunod na siya at tuluyan na siyang tinangay ng agos ng tubig.

"Pano na tayo babalik do'n?" Tanong ko. "Ang taas at walang daan."

"Don't worry. Ako ang bahala sa 'yo," he assured. Nginitian pa niya 'ko. I was more surprised nang halikan niya 'ko sa labi pero smack lang.