Chereads / The Strange Forest (Filipino) / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Hailey's POV

"Woah! Ang galing!" We cheered sa mga friends namin who were playing volleyball. Pumalakpak at tumatalon pa kami sa tuwa.

"'Yan na ata ang long rally na gusto nating makita and kanina pa natin hinahanap! Nakaka-excite talaga!" Lexi said cheerfully.

"Para akong nanood ng Ateneo versus La Salle sa UAAP! Iba talaga skills niyo, ah! Nakakainggit! Gusto ko ring maglaro pero I get so tired easily so 'wag na lang!" Sabi naman ni Mica.

"Sabihin mo na lang kasi na hindi ka talaga marunong. Hahaha!" Bulalas ni Yunn kay Mica.

Mica averted her gaze at Yunn and glared at him. "Ano'ng sabi mo?" Lumapit siya kay Yunn at pinalo ito. "Ikaw, ha?! Lagi mo na lang akong inaasar!"

"Aray! Tumigil ka nga!" Reklamo ng lalaki at umiilag pa sa mga palo ni Mica.

Napatawa na lang kami. Feeling talaga namin may gusto 'tong si Yunn kay Mica eh. Dinadaan niya lang sa pang-aasar.

Natapos na 'yong game nila. Panalo 'yong team nila Erika. In a team, may six members. Dalawa 'yong mga babae per team at tig-apat na boys. Seven lang kasi kaming mga girls, 'yong boys naman ay nine. Si Yunn lang ang 'di nakapaglaro kasi huli na siyang dumating dito sa field. Kaming tatlo nina Mica at Lexi eh hanggang cheer lang.

Tinungo na namin ang bahay naming lahat. Yes! Bahay naming lahat. We called it 'Our House'. Naisipan itong itayo ng mga parents namin dahil lagi kaming wala rito sa lugar namin no'ng elementary pa lang kami. Nasa ilog kasi kami lagi. 'Yong ilog eh nasa medyo malapit lang sa likod ng bahay naming lahat. Ang saya kasi maligo roon dahil sobrang linis. Parang swimming pool na namin 'yon.

Ang saya no'ng mga bata pa kami. Pero, may mga nakawalang buwaya roon sa bayan ng Langpoka eh karugtong pa naman ang ilog na 'yon dito sa Don Diego, ang bayan namin. Medyo marami-rami na rin ang nababalitang nawalan ng buhay dahil sa mga buwaya. Since then ay hindi na kami naliligo sa ilog. Natatakot 'yong parents namin, kami rin naman, kaya nagpatayo sila ng bahay para sa 'min na may field o sabihin na lang nating playground namin dahil doon naman kami naglalaro palagi.

May swimming pool din naman dito sa bahay naming lahat pero ewan. Naliligo nga kami pero once a month lang yata. Masyado kasi kaming napamahal sa natural na kagandahan. Iba pa rin talaga 'yong sa nature talaga galing gaya ng ilog.

Magkakapit-bahay ang ilan sa 'min at malapit lang ang mga bahay namin dito sa bahay naming lahat, itong bahay kung saan kami ngayon. Magulo ba?

'Yong iba naman sa 'min eh taga-kabilang bayan gaya ng Langpoka at Nati. Pumupunta sila rito dahil magkaibigan kami. Mahilig kami maglaro simula no'ng mga bata pa kami hanggang ngayong third year college na kami. Isip-bata, no?

"Guys, snacks na tayo! Nakakagutom talaga maglaro. Hay!" I heard Sab say in a loud voice.

"Nakakapagod!" Sabi naman ni Clifford na nagpapalit ng T-shirt.

Nagkasalubong 'yong mga mata namin. He just chuckled. Napalunok ako ng laway at iniwas ko na lang sa kaniya ang aking tingin.

"Oh! Hali na kayong lahat! It's eating time!" Lexi announced kaya tinungo na namin ang kusina kung nasaan siya at kumain nang todo.

We were in the middle of eating out of gutom when Vaness spoke. "Nga pala guys, lagi na lang tayong naglalaro ng volleyball. Nakakaumay and nakakasawa na. What if we try something new naman?"

"Eh ano naman?" Will asked sabay kagat ng chips.

"Mag-camping tayo?" Keith suggested.

"Tsaka na 'yan. Sa summer na tayo mag-camping," sabi ni Denisse.

"Fieldtrip?" Suggest naman ni Josh at uminom ng juice.

"Naku, 'wag muna 'yan, Josh. Kaka-fieldtrip lang namin nina Sab last month eh," reklamo naman ni Mica.

"Eh ano nga ba?" Josh responded.

"Mag-separate na lang tayo. Kayong mga girls eh mag-movie marathon na lang kayo. Kami naman mga boys, let's party-party, mga pare!" Johnny blurted and napa-wooh naman ang ilang mga boys na sign na they agreeda sa sinabi ni Johnny.

Nakita naman naming binatukan ni Erika si Roy kaya napaaray ito.

"Ang babaero niyo talaga! Mga bwisit kayo!" Erika yelled at Roy.

"Eh bakit ako ang binatukan mo?" Reklamo ni Roy na hinimas-himas 'yong batok niya.

"Eh ikaw ang katabi kong lalaki eh! Alangan namang si Hailey ang sasapakin ko? Hello!" Irap ni Erika sabay flip ng hair niya kaya napunta ito sa mukha ni Roy.

"Ito talaga. 'Di naman ako kasali nila, ah?" Mahinang sabi ni Roy pero dinig naman.

"Sorry na." Erika hugged Roy kaya ngumiti na rin ito.

"Sus! Magjowang to! Makabili nga ng jowa!" Bulalas ni Mica kaya napatawa kaming lahat.

Nasa left kasi ako ni Erika, sa right naman niya si Roy. And yes, magjowa ang dalawang 'yan.

"Have you heard about Libyong? What if try natin do'n?" Suggest ni Arthur.

"Ay! Oo nga!I saw Facebook posts pero masyado na 'yong matagal. Pero ang ganda nga ro'n sa Libyong! Oh my gosh! I'm so excited!" Mica giggled.

"Do'n na lang tayo," Will agreed. "Tutal, matagal-tagal na rin tayong 'di nakapag-swimming eh. Kahit may swimming pool tayo rito eh di naman tayo nagswi-swimming d'yan."

"Sige na, guys! Something new nga, 'di ba? Gusto ko rin ma-try 'yong waterfalls na 'yon eh!" Denisse convinced us.

"So, ano na? Wala pa naman siguro sa 'tin ang nakapunta do'n, 'di ba?" I asked them. "And we all know about Libyong Falls naman." Itinaas ko nang konti sa ere 'yong baso ng pineapple juice na hawak ko.

"Okay!" They all agreed and itinaas na rin 'yong mga baso ng juice nila at sabay kaming uminom lahat.

"Pero kailan ba?" I asked again.

"Tomorrow," Arthur asnwered.

"What? Agad-agad? Masyado ka namang excited, pare!" Bulalas ni Kuya Max and laughed afterwards.

Arthur laughed a mite and spoke again. "Eh the day after tomorrow?"

"Call?" Sambit ni Will.

"Call!" Denissed agreed.

"Call!" We all agreed.

"Alam niyo na ang gagawin, ha? The foods and all!" Sabi ni Erika.

May corresponding tasks na kasi kami basta may gala na mangyayari. Bilib nga ako sa group namin eh because 'pag nag-drawing kami, hindi lang 'yon hanggang drawing lang. Kinukulayan namin. Mahilig naman kasi kaming gumala eh.

**********

"Oh, sige. Basta, mag-ingat kayo do'n, ha? Lalo ka na, Hailey!" Sabi ni Mommy Jean.

"Thank you, Mom. Kasama rin naman si Kuya Max eh," sabi ko.

"Yes, Mom. Ako na bahala kay bunso," Kuya Max uttered in assurance.

"Okay. Good night, mga anak!" And, niyakap ni Mommy Jean kaming dalawa ni Kuya Max.

Oo nga pala. Kuya Max is my older brother. Dalawa lang kaming anak. Si Daddy Omar naman eh nasa Banag. May business trip kasi sila.

Pagpasok ko sa kuwarto ko eh narinig kong sumasabog na 'yong phone ko. Hay naku! 'Yong groupchat na naman namin sa messenger. Hindi ko pala na-mute 'yong notifications.

Pagkahiga ko eh binasa ko kung ano ba ang nangyayari sa groupchat. Todo seen lang ako. Kinilig naman ako sa asaran nina Yunn at Mica. Tapos nag-aaway pa sina Erika at Roy. Ang lakas daw talaga ng pagbatok ni Erika kanina. Nakangiti lang ako habang nagbabasa.

Few minutes passed by, nagulat na lang ako nang biglang may nag-chat sa 'kin kaya binasa ko ito. Si Clifford. Replyan ko kaya?

Clifford: Hi :)

Hailey: What?!

Clifford: Galit?

Hailey: What do you want?!

Clifford: Nothing.

Hailey: Eh ba't ka nag-chat?!

Clifford: Masama bang i-chat kita?!

Hailey: Galit?!

Clifford: Hindi. Sorry po. :)

Hailey: Eh bakit may exclamation point after ng question mark?!

Clifford: Ginaya ko lang ang ginawa mo po. :)

Hailey: K!

Clifford: Hmmm excited ka na ba sa swimming?

Hailey: Yeah, night. Bye!

I turned the Wi-Fi off. Bahala siya. Inaantok na 'ko. I prayed and slept afterwards.

Clifford's POV

Nakahigang tinitigan ko pa rin ang last message ni Hailey sa 'kin.

Hailey: Yeah, night. Bye!

Tsk! Ang sungit talaga ng babaeng 'yon. Ang sungit na nga sa personal, masungit pa rin pati sa chat. Ang dami kayang mga babaeng nagcha-chat sa 'kin eh sini-seen ko lang tapos 'yong iba, 'di ko binabasa. Maliban na lang sa mga kilala ko. Eh ang babaeng 'to, ako pa ang naunang mag-chat sa kaniya. Aba!

Akalain mo, kung babasahin mo 'yong mga conversations namin simula no'ng una. Ako ang unang nag-chat sa kaniya. Lagi akong nagse-send ng 'hi' sa kaniya, with smile emoticon pa pero sini-seen niya lang. Himala nga ngayon eh nag-reply siya. Ako pa nga nag-send sa kaniya ng friend request no'ng nalaman naming may Facebook account na siya pati Instagram.

Ano ba ang meron kay Hailey? Ba't siya gano'n? Kanina nga eh nagkasalubong ang mga mata namin. Iniwas ba naman 'yong tingin niya. Iba talaga si Hailey. Ayaw niya yata makita 'yong katawan ko. Ang sarap ko kaya.

Napangiti ako. Ngayon lang talaga siya nag-reply sa 'kin. Masaya na 'ko kahit papano. Kahit ang sungit no'n sa 'kin, gusto ko pa rin 'yon mula no'ng mga bata pa kami.

Gusto ko si Hailey. Oo, maganda talaga siya. Pero parang mas nagkakagusto ako sa pagkasungit niya. Ewan ko ba. Ang weird, no? May tao pa lang nagkakagusto sa masungit at mataray? At alam ko naman na kahit masungit 'yon, mabait naman 'yon. May gano'n ba?

Ipagdadasal na lang talaga kita, Hailey ko. Sana maging tayo na! Lablab kita.

Lexi's POV

Kanina pa 'ko rito sa PC ko. Search, scroll, search, scroll. Hinahanap ko kasi 'yong Libyong Falls. I have searched already the page pero wala namang mga posts do'n kaya nag-search pa ako ng iba baka sakaling may makalap ako.

Hayun! Finally, nakita ko na rin. Dinownload ko agad 'yong mga pictures. Based sa mga na-searched ko eh two years ago ang pinaka-latest na mga posts. Tama nga 'yong sinabi ni Mica na matagal na. Ano na kaya 'yong itsura ng daan papunta do'n? Hanggang search lang talaga ako ngayon.

"Okay na siguro 'to. Inaantok na 'ko eh."

Para akong timang na kinakausap ang sarili. Well, ganito ako lagi 'pag mag-isa.

Hailey's POV

Magkasama kami nina Erika, Mica, Josh and Clifford ngayon dito sa mall. We were buying ingredients, foods and iba pang mga kakailanganin namin for tomorrow. I was the one who listed all things we needed to buy. Si Mica naman 'yong nag-double check if I missed something ba.

"Bes, ano nga ulit 'yong candy na may message sa likod?" Tanong ni Mica habang tumitingin sa mga naka-display na mga packs ng candies.

"Goya?" Erika answered.

Mica and I burst into laughter when we heard what she said. My gosh! Hinampas ko pa siya sa braso.

"Chocolate 'yon, bes. Sapakin kita eh! Bruha ka! Hahaha!" Bulalas ni Mica. She even shook her head in disbelief.

"Sorry, bes!" Erika apologized. "Hindi ko alam eh." She laughed na rin. Wala talaga siyang alam.

"Fres!" Sabi ko at kinuha 'yong isang pack ng fres. "Mica, catch!" Inihagis ko kay Mica pero umilag ito kaya dumaplis ito sa likuran niya at tumama sa likod ng isang lalaki. "Oh my!" Napatakip ako ng bibig dahil sa ginawa ko. Lumapit ako sa kaniya and I was about to pick it up pero nauna niyang napulot 'yong fres.

"Naku, sorry. Di ko sinasadya," I said. My voice was apologetic.

"It's okay, Miss," sabi ng lalaki. He smiled and binigay sa 'kin 'yong fres. "I'll go ahead."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglakad ito palayo.

"Oh my gosh, bes! Ang gwapo!" Sabay na sabi ni Erika at Mica sabay yugyog sa 'kin.

"Jackpot bes! OMG!" Mica blurted, feeling thrilled.

"Ba't ka umilag? Ba't 'di mo sinalo 'yong fres?" I asked her. "Nakakahiya tuloy."

"Hindi ako catcher eh." She laughed. "Pero bes, good thing it happened. Ang gwapo talaga. May jowa ka na."

"Pinagsasabi mo? Tumigil ka nga." Napangiti na lang din ako. Kinikilig din. Nakita ko naman si Clifford na nakatingin sa 'min, sa 'kin. I raised a brow. Ba't gano'n siya makatingin?

Nauna nang lumabas sina Josh at Clifford para ilagay sa likod ng kotse 'yong mga binili namin. Heto naman kami ni Erika at Mica, papalabas na rin. Sinalubong kami ni Josh and Clifford. Pinasok na rin namin sa loob ng kotse 'yong mga dala namin.

"Hay! Natapos na rin tayo. Tara na!" Pagyaya ni Josh sa 'min at nauna na siyang pumasok sa loob. Siya kasi 'yong magda-drive and sa kaniya 'yong kotse.

**********

Kinabukasan, nasa Our House na kami. We were preparing for our trip to Libyong Falls. Charrots!

"Ready na ba ang lahat? Baka may nakalimutan tayo, ha?" I asked them habang chini-check 'yong mga foods and things sa mahabang table.

"Okay na, bes!" Sagot ni Sab.

"Okay, guys! Tulungan niyo na kaming ilagay ang mga 'to sa van. Boys! Help!" Tawag ni Vaness sa mga kasama namin na nasa sala.

Nilipat na rin namin lahat ng mga gamit pati foods do'n sa van. Dalawang van nga pala 'yong gagamitin namin papunta do'n sa Libyong Falls. 'Yong kina Clifford sana ang isa pero ginamit ng Daddy niya dahil nasira 'yong gulong ng kotse ng Daddy niya.

"By the way, since kay Will at Arthur ang mga vans na gagamitin natin, sila na magda-drive. Kaya 'di na sila kasali sa bunutan. Okay? So, charan! Kuha na! Na-shaked ko na 'to," malakas na sabi ni Denisse na hawak ang container na may laman na nakarolyong mga papel kaya isa-isa na kaming nagbunutan.

"Naku bes, sana nasa same van tayo!" Dinig kong sambit ni Vaness kay Denisse.

"Oo nga eh," sagot naman ni Denisse.

"Uy! Pare, Van-1 ako. Kasama tayo!" Wika ni Kuya Max kay Arthur at nag-apir ang dalawa.

Umingay ang lahat dahil nalaman na kung sinu-sino ang magsasama-sama.

"Ang Van-1 kay Arthur. 'Yong Van-2 naman kay Will. Kaya sakay na!" Sigaw ni Denisse.

"Wohooo!" We all shrieked in delight and excitement at nagsipasok na rin kaming lahat sa designated van na nabunot namin.

Ang resulta ng bunutan ay ganito...

[VAN-1]

(MEN)

Arthur

Kuya Max

Keith

Roy

Will

(WOMEN)

Erika

Lexi

Hailey

[VAN-2]

(MEN)

Josh

Johnny

Yunn

Clifford

(WOMEN)

Denisse

Vaness

Sab

Mica

Parang fieldtrip lang din pala 'tong ginagawa namin eh. Narinig namin na ang ingay do'n sa kabilang van. Nagkantahan pala 'yong mga maiingay. Lalo na sina Mica, Vaness at Denisse. So magkasama nga si Vaness at Denisse. Mga baliw na 'yon, sinamahan pa ni Mica. Naku! I didn't know the reaction of the boys there. Baka sipain palabas ang mga 'yon sa sobrang ingay.

Akala nila sila lang, ha? Nagkantahan din kami. May dalang gitara kasi ro'n sa kabilang van si Yunn at si Kuya Max naman dito. Mapapaos na yata kami sa pagkanta na parang sigaw na ang nangyari sa sobrang lakas. Grabe!

After two hours, nakarating din kami sa entrance kaya nagsibaba na kaming lahat after pinark 'yong sasakyan sa gilid. 'Di pala puwedeng ipasok ang sasakyan dahil masyadong masikip ang daan. Parang tao lang yata ang makakadaan eh.

Kinuha namin 'yong mga gamit at pagkain sa likod ng dalawang vans at nag-ready na.

May nakasabit na karatula sa isang puno. "TO LIBYONG FALLS" with an arrow ang nakasulat dito. Tanaw namin ang napakataas at makapal na parang masonry fence na nakapalibot sa lugar na ito, na wari ay ayaw kami nitong papasukin.

Dito at ito na nga ang pangyayaring inaasam naming lahat. Ang makapunta at makaligo sa Libyong Falls.