Chereads / The Strange Forest (Filipino) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Hailey's POV

"Follow the leader! Will, let's go!" Narinig naming sigaw ni Lexi at nauna na kasama si Will. Sila 'yong tour guide namin kumbaga.

Lexi was the one who searched sa lugar na 'to at sinend niya lang kay Will para sila 'yong gagabay sa 'min. Never pa man din kasi kaming nakapunta roon.

Isa-isa na kaming sumunod kasi medyo masikip 'yong daan eh. Para kaming dumadaan sa gitna ng palayan na hanggang baywang ang tangkad.

After ten minutes yata ng paglalakad eh nag-iba na 'yong daan kaya napahinto muna kami. Wala na 'yong mga palay. Tsaka, marami na ang mga puno sa paligid namin. Maririnig ang huni ng mga ibon at tunog ng iba't ibang mga hayop. Makikita rin na marami kang pipiliing daan.

"Woah! Ang ganda rito! Nasa kagubatan na pala tayo. Nakaka-refresh!" Sabi ni Mica at ninanamnam ang sariwang hangin.

"Grabe! Ngayon lang yata ako napadpad sa ganitong klaseng lugar. Iba talaga ang mother nature natin!" Sambit ni Keith.

"Oh, saan pala 'yong sunod na daan?" Tanong ni Johnny.

"Ise-send ko sa groupchat para alam niyo rin, ha?" Sabi ni Will. Ilang saglit lang ay tumunog ang lahat ng phones namin. "Base sa picture at sa na-searched ni Lexi, dito 'yong sunod," he continued and pointed out the way.

"May signal pala rito. Good!" Narinig kong sabi ni Josh.

Naglakad na naman kami dala-dala ang kaniya-kaniyang mga gamit pati 'yong mga pagkain.

Ang layo pala ng Libyong Falls. Hanggang ngayon, 'di pa rin kami nakakarating. Dumaan pa kami sa tulay na gawa sa kahoy. Nakakatakot nga eh dahil ano'ng oras puwede ka mahulog 'pag di ka nag-ingat. Kaya isa-isa lang kaming dumaan baka biglang masira. Medyo matagal na pala ang kahoy na ginamit.

May nadadaanan din naman kaming mga bahay pero kaunti lang yata tapos 'yong tatlo wala pang tao.

Medyo nalito rin kami dahil may dalawang daan na may nakasulat sa punong katabi nito. Pero 'di na mabasa nang buo dahil nabubura na. 'Yong sa kanan naman ang pinili namin dahil 'yon ang nasa picture na siyang guide namin.

Natigilan naman kami sa paglalakad nang bumungad sa 'min ang nakakatakot na mga puno. Magkadikit ang mga ito tapos ang daming sanga. May sementadong daan pa sa gitna na animo'y doon kami padadaanin. Medyo masikip din ang daan at may mga damo pang tumubo lalo na sa paanan ng mga puno. Jusko! Hindi ko yata kayang dumaan kung ako lang. Sobrang nakakatakot. Pareho naman 'yong itsura niya sa mga pictures pero nakakatakot in person.

"Guys, sigurado na ba tayo? Nakakatakot naman. Tsaka, look, oh! Parang ano... may nakatira sa mga puno. Gosh! Ang creepy." It was me who spoke.

"Gan'yan talaga 'yan. Nasa gubat tayo eh," Johnny responded to what I said.

"Marami naman tayo. Let's go!" Pagyaya ni Will at nauna na naman kaya sumunod ulit kami.

We kept on taking photos naman. Syempre, first time namin and once lang yata 'to mangyayari.

After walking for almost half an hour, narinig namin ang malakas na sambit ni Vaness. "OMG! We are here na! Tingnan niyo!"

Lahat naman kami ay namangha sa aming nakita. Kita na namin ang mga tubig na umaagos mula sa itaas na lupa at mga bato at tila nahuhulog ang tubig sa baba.

Marami rin ang iba't ibang klase ng mga punong kahoy, mga prutas at halaman. May mga bulaklak sa paligid ng lugar din. Sobrang colorful. Ang ganda, sobra! Kaya 'di namin maiwasang kunan ito ng mga pictures. May group photos din kami. Syempre, memories. After noon eh kaniya-kaniyang selfies at photoshoots. Natigil lang kami nang biglang may nagsalita.

"Hala! Bakit ang tahimik naman yata rito? It's like we're just the ones here," panira ni Erika sa pagkamangha namin sa ganda ng kalikasan.

Sab heaved a sigh and spoke. "Yeah. Maganda nga rito. I don't know why but sa sinabi mong 'yan, Erika, this place suddenly creeps me out. Tumatayo yata ang balahibo ko."

"Medyo kakaiba nga 'yong mga dinaanan natin papunta rito," dagdag pa ni Roy.

"Eksakto naman ang napuntahan natin gaya no'ng nasa mga Facebook posts, 'di ba? Pero ba't parang kakaiba nga? Hindi niyo ba napapansin?" I asked them. Sang-ayon ako sa sinabi ng ilan.

"Bumalik na lang kaya tayo? What do you think?" Lexi suggested.

"Ano ba kayo? Nandito naman na tayo. I-enjoy na lang natin," pangontra ni Yunn.

"He's right," Arthur agreed to Yunn. "Marami naman tayo kaya okay lang. Tsaka, baka ganito lang talaga rito dahil nasa gubat naman talaga tayo," he explained.

"Pero what if something might happen to us despite the beauty of this place?" Nakapamaywang na tanong ni Vaness.

"May signal naman dito kaya maco-contact din natin agad parents natin," Josh uttered in assurance.

"Ano'ng meron? Wala kaya! Tignan niyo!" Sabi ni Kuya Max na nakatingin pala sa phone niya kaya chineck din namin ang mobile phone namin.

"Hala! 'Di ba meron namang signal kanina? Ba't nawala?" Tanong ni Keith na itinaas at nilibot-libot 'yong phone niya para maghanap ng signal.

"Wala talaga rito." Si Johnny naman ang nagsalita. "Hanggang do'n lang sa tulay. 'Yon ang napansin ko eh."

"Hay naku! We love swimming and this is it. Let's just enjoy na lang! Okay?" Sabi ni Denisse at sumang-ayon naman 'yong iba. Wala na kaming nagawa. Alangan namang iwanan namin sila rito.

May nakita kaming space do'n malapit sa isang talon sa gilid kaya tinungo namin ito at agad na nag-setup sa patag na bato at lupa na medyo kokonti lang 'yong mga damo.

"Sus! Parang camping at picnic lang din pala 'tong ginagawa natin eh!" Ang sabi ni Mica sa gitna ng pagka-busy namin.

"Tama ka, bes!" Vaness agreed. "Pero okay na rin. First time nating maligo rito eh!"

Naligo na 'yong mga boys maliban kay Kuya Max at Clifford. 'Yong ibang girls din, nagtampisaw na sa tubig. Ang saya ng lahat. May nagswi-swimming, nagku-kwentuhan, nagtatawanan, may kumakain, may kumukuha ng pictures. Maririnig din ang asaran at awayan nina Mica at Yunn.

Syempre, 'di naman magpapahuli sa ka-sweet-an 'yong dalawang magjowang sina Roy at Erika. Naghalikan pa. Naku! Ang PDA nila, ah!

"Tol, tara na!" Dinig kong pagyaya ni Kuya Max kay Clifford kaya napatingin ako sa kanila.

"Sige, tol! Susunod na ako," Clifford answered kaya tumalon na si kuya sa tubig.

Nakapang-swimming attire naman na kami lahat maliban kay Clifford. Pero agad naman siyang naghubad ng damit kaya agad akong umiwas ng tingin. Ba't ba lagi ko na lang nakikitang naghuhubad ang lalaking 'to malapit sa 'kin? Do'n kaya siya sa 'di ko siya makikita, 'di ba?

Tandaan mo, Hailey. Kung masungit ka na, mas masungit ka sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niya noon.

Pero lumapit naman siya sa 'min ni Lexi at Sab at kumuha ng slice ng cake at kinain.

"Ang sarap ng ginawa mong cake, Hailey," he mentioned nang nakangiti. Napatingin naman sa 'min 'yong mga nakarinig sa sinabi niya.

"Magaling din magluto 'yang kapatid ko, tol. Kaya ang swerte mo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Max na ngayon ay nagpalutang-lutang sa tubig.

"Naku, bes! Matagal nang may gusto sayo 'yang si Clifford. 'Di mo ba napapansin? Ay! Manhid ka pala, bes! Sorry! Sorry!" Sabi naman ni Lexi na nasa tabi ko. Nakangisi pa siya ng nakakaloko at tinapik-tapik pa 'yong balikat ko. Humalakhak pa silang dalawa ni Sab.

"Shut up, Lexi!" Pagsusungit ko kay Lexi pero kinindatan lang ako ng bruha.

"Ang torpe rin kasi ng kaibigan nating 'yan eh!" Narinig kong sigaw ni Yunn at tumawa pa.

"Tumigil nga kayo! Suntukin ko kayo eh!" Sabi ni Clifford pero napangiti naman ito when I shifted my eyes to him.

"Basta, pare! Support kami sayo! Mahal na mahal ka namin kahit 'di ka niya mahal!" Sigaw ni Keith at tumawa silang mga lalaki ro'n sa tubig.

May gusto ba talaga siya sa 'kin? Nakaramdam naman ako ng hiya bigla sa harap ni Clifford.

"Hailey, 'wag mong intindihin mga 'yon," mahinahong sabi nito. "Nang-aasar lang sila."

"Ah... eh... o-okay lang." Ba't naman ako nauutal bigla?

"Naku! Tara, Lexi! Maligo na tayo! Nilalanggam na tayo rito eh!" Tumayo naman sina Lexi and Sab after Sab said that.

Narinig naman namin ang sigaw ni Sab kasabay ang tunog ng paglapat o pagbagsak niya sa tubig.

"Langya ka talaga, Lexi! Ba't mo ko biglang tinulak? Bruhang to!" Reklamo ni Sab pagkaahon niya sa tubig. So tinulak pala siya ni Lexi.

"Sorry, bes!" Naka-peace-sign na sabi ni Lexi at humalakhak pa ng tawa na parang witch at tumalon na rin pagkatapos.

Kami na lang ni Clifford ang naiwan dito. Lahat ay nando'n na sa waterfall. Marami palang falls dito. May maliliit, may sakto lang, may malaki naman. Nasa gitna naman 'yong pinakamataas at malaking falls. Feeling ko nasa baba no'n ang malalim na part ng tubig.

"Tayo na?" Natigilan naman ako sa pag-iisip when I heard Clifford na nagsalita.

My forehead creased. "Ha?" I asked him.

"Tayo na," he said again.

"Ano'ng tayo na?" Naguguluhan ko pa ring tanong.

"Hindi ka pa ba maliligo?"

Now I got what he meant. Akala ko kung ano na. "Ah... ano... mamaya na-"

"Halika na!" Bigla naman niya akong hinila dahilan para mahatak niya ako.

"Hoy! Teka lang! Waahh!" Wala na akong nagawa nang tumalon na siya at naisama ako kaya napasigaw na lang ako hanggang sa sabay kaming bumagsak sa tubig.

Pagkaahon namin sa tubig, agad akong napakapit sa kaniya. "My gosh! Ang lalim!" Kinurot ko naman 'yong isa niyang tainga. "Ba't mo ba 'ko sinama, ha? I hate you!"

"Kasi gusto kita." He beamed.

I gulped when I realized na sobrang lapit pala ng mukha namin. Hindi lang 'yon, pati pala katawan. Gosh! Feeling ko namumula na 'yong mukha ko kasi naramdaman ko ito na uminit.

Mica's POV

"Sab, samahan mo naman ako mag-CR, oh?" I asked her.

"May CR dito?" 'Di makapaniwalang tanong niya rin.

"Oo," I replied. "Do'n sa likod ng mga punong 'yon. Napansin ko kasi kanina."

"Sige. Tara!" Sab replied instantly.

When we were behind the trees na kung saan ang mga comfort rooms, pumasok agad ako sa isang CR habang binabantayan ako ni Sab sa labas. There were three comfort rooms pala rito. Dalawa lang kasi 'yong nakita ko kanina eh.

Medyo creepy ang CR sa loob.

"I'm done!" I said, going out of the comfort room.

"Ako naman. I need to pee na rin." Pumasok na rin si Sab sa loob.

Habang sinusuklay ko 'yong buhok ko with my fingers, nagulat na lamang ako nang biglang sumigaw si Sab after about a minute pa lamang kaya I went inside na rin.

"Sab? What happened?" I asked her.

"M-Mica, ano ba ang ginamit mo kanina?" Nanginginig na tanong ni Sab. I could tell her voice was shaking din.

"Tubig." I answered. "Bakit?" I asked curiously. My forehead was now in a crease.

"Are you sure?" She asked, making sure if I did tell the truth.

I just nodded as an answer. Hindi umimik si Sab kaya napatingin ako sa malaking balde. Nagulat na lamang ako at napasigaw na rin sa nakita.

"O-Oh my gosh! Blood!" I uttered with my trembling hands.

Natakot kaming dalawa kaya kumaripas na kami nang takbo papunta sa mga kasamahan namin.

"Blood! Blood!" Pigil-hiningang sabi ko nang makarating kami. Napahawak pa ako sa dibdib ko because of pagod sa pagtakbo. Mabilis pa man din akong mapagod.

"Oh, ano'ng nangyari sa inyo?" Hailey asked us with her forehead creased.

"Guys, let's go! Bilis! We need to get out of here!" Natatarantang sabi ni Sab sabay impake ng mga gamit. Napatigil naman ang iba sa kanilang ginagawa at nakatutok sa 'min.

"Teka! Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Keith na nasa tubig pa rin ng waterfall.

"Oh my gosh!" Denisse and Vaness screamed in unison at napatakip ng bibig sa kanilang nakita.

Napatingin naman ang lahat sa direksyong tinitignan nina Denisse at Vaness. Even I followed where they were looking at and I noticed na sa mga paa namin ni Sab sila nakatingin. Nagulat kaming lahat at nakaramdam ng takot sa aming nakita.

"Teka! D-dugo! Dugo 'yan, 'di ba?" Tanong ni Will.

"Baka naman meron kayo ngayon?" Sabi ni Josh. "Or may sugat kayo sa paa?" He added.

"Hindi!" I said, shaking my head. "Swear!" I exclaimed, raising my hand as a sign for telling the truth.

"Ano pa ang hinihintay niyo? Umahon na kayo riyan! Umalis na tayo rito!" Sigaw ni Sab dahilan para maging aktibo at alerto ang lahat.

"Sabi na eh. Kakaiba talaga rito!" Vaness said na parang tama 'yong sinabi niya kanina.

Nagmadali namang umahon 'yong mga nasa waterfall o tubig. Agad kaming nagsuot ng mga damit namin at niligpit lahat ng mga dinala namin kanina.