Chereads / No More Promises / Chapter 54 - Chapter 53: Marked

Chapter 54 - Chapter 53: Marked

"Wag mo na ulit ako iiwasan ha?. Humahaba leeg ko kakalingon sa'yo eh.. Haha.." biro nito matapos kumalas sa aming yakap. Natatawa't naiiyak ko syang tinanguan.

"Promise, I won't let that happen again.." pangako ko sakanya. Nginusuhan nya ako't ginulo ang buhok. Paborito nya iyong gawin pag kami lang ang magkasama. Ang sabi nya. Para na raw nya akong ate na, bunso pa. Mas matangkad kasi sya sakin kaya nasasabi nyang bunso ako sa kanya, gayong ang totoo ay mas matanda ako sa kanya ng isang taon.

"Ma, where's Bamblebie?.." Nakaawang ang pintuan ng kwarto kaya dinig namin ito pareho.

"Hay!. May kailangan na naman yun, panigurado.." iling ni Bamby habang sa labas na nakatingin. Nakapamaywang. Si Kuya Mark ang tinutukoy nya. Kung si Lance kasi yun, baka bigla nalang akong magpaalam na uuwi na sa amin. Takot ako eh!. Takot ako sa puso kong bihag pa rin nya hanggang ngayon.

"There you go!.." biglang dumungaw si kuya Mark sa pintuan. Natatawa noong una. Bahagya lang itong nagulat ng lumapat ang paningin sa kabuuan ko. "Oh hi there beautiful!. Kamusta?.." tumayo sya ng tuwid at namulsa. Kung si Lance ang cold and arrogant sa magkakapatid. Sya naman ang happy go lucky sa kanila. Si Bamby, nasa pagitan ng dalawa. Minsan cold tas minsan ding masaya. Ganun. Depende pa sa araw nya o sa mga taong nakapaligid sa kanya. And si Lance, sa akin lang yata sya hindi cold. Noong una siguro oo pero kalaunan, di ko alam nangyari bakit biglang nagustuhan nya ako. Di ko pa natatanong iyon hanggang ngayon.Ang dami ko kasing iniisip.

"Ah eh. Ayos lang po kuya.." sagot ko. Nahihiya.

Nginitian nya ako't tinanguan. "Balita ko, dito ka raw muna?.." anya. Pinapahaba ang usapan.

"Ah.. opo kuya.." naging mahiyain ako sa harapan nila simula noong nangyari samin ni Bamby. Pakiramdam ko. May lamat na talaga ang pagkakaibigan namin o ako lang tong praning Sa dami kasi ng aking inisip, di ko na alam ang tunay na pakiramdam. Di ko rin maikakaila na, nakahihiya talaga ang pangyayari iyon. Lalo na sa pamilya nya. Kung di lang talaga ako kinumbinsi ni Bamby eh, di talaga ako sasam.

"Hmm.. feel at home.. 'kay?.. By the way. Hiramin ko sana muna bestfriend mo, alam mo na?.. hahaha.." hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin duon sa alam mo na subalit umoo nalang ako. Malay ko kung pribado nga ang gagawin o pag-uusapan nila.

"Kay kuya muna ako.. okay ka lang ba dito?.." si Bamby. Nagpaalam na mauuna na si kuya Mark dahil marami raw syang nirurush na papers nya.

"Ayos lang.." ngiti ko.

"Magshower ka na. May damit dyan sa drawer. Tsaka, wag mo palang kalimutan na sabihin kila tita na andito ka. baka mag-alala sya sa'yo.."

Oo pala!

"Salamat.." sagot ko bago sya tuluyang lumabas ng silid.

Mabuti nalang at nabanggit nya si mommy. Muntik ko nang makalimutan. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag saka ididial na sana ang numero nya subalit... may biglang kumatok at muntik ko na talagang nabitawan ang phone ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa kaba. Nagulat ako eh!. Baka may biglang multo dito. Di naman siguro Joyce!

Binuksan ko iyon sa pag-aakalang baka si Bamby. Baka bumalik sya dahil baka binibiro na naman sya ng kanyang kuya pero hinde. Hinde sya ang nasa harapan ko kundi ang taong iniiwasan ko.

Suminghap ako ng todo ngunit di ko iyon pinahalata sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa saradura ng pintuan saka tinago ng kaunti ang katawan ko sa likuran nito.

Tinitigan ko sya. Wala akong maisip na sabihin.

Ganun rin yata sya kaya medyo natagalan ang pagtama ng aming mga mata. Nanuyot na nga lalamunan ko eh. Mabuti nalang gumalaw din sya kalaunan.

"Can we talk?.." unang sambit ng mapupula nyang labi. Damn lips baby!. Don't bite it!. Let me!. Ugh!. Umayos ka nga Joyce!. Tuktukan kita dyan eh!

"You are already talking.." di ko alam bakit sarkasmo ang lumabas saking labi. Di iyon ang gusto kong sabihin. Sure baby, why not!? Ito ang dapat kong sabihin, pero tangina!. Naunahan na naman ako ng isip ko.

Mataman syang tumitig sakin. Inaalam kung totoo nga bang sakin galing ang salitang narinig nya kanina. Maya maya. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Kahit simpleng board short at sleeveless na shirt lang ang suot nya ay napakagwapo nya pa rin. Parang di man lang nahirapan o pinagpawisan sa buong araw sa school. Segundo ang lumipas. Humakbang sya ng isa habang nakatitig sa akin. Di ko magawang mag-iwas ng tingin dito dahil gustong gusto ko talagang titigan ang mata nya ngayon. May kung ano doon na nakakawala ng sakit at pagod ko. Humakbang muli sya. At dahil sa biglang takot! Napaatras ako ng dalawang hakbang. Doon na gumuhit ang ngiti nya sa nakakaakit nyang labi.

"Can I come in then?.." mahina nya itong sinabi na kabaligtaran ng tunog ng aking dibdib. Dumadagundong na iyon. Kulang nalang tumalon iyon papunta sakanya.

Imbes makipagtalo pa sa kanya. Binuksan ko nalang ng maluwang ang pintuan para makapasok sya. Baka kung anong isipin nya eh! Tsk!

"Your kuya's called me.."

Mabilis ko syang tinalikuran ng alam kong nasa loob na sya. Nilapitan ko ang aking bag na nakalapag sa tokador at nagpanggap na may kukunin doon kahit wala naman.

"They're looking for you.." dagdag nya. Dinig kong maingay syang bumuntong hininga kaya nagpasya na akong harapin sya. Ah susmi!!. Nasa mismong harapan ko na pala sya. Preskong presko na parang hindi man lang kinakabahan sa presensya ko. Alam nya rin siguro na nagpapanggap lang akong may hinahanap. Hay naku naman! Am I too obvious?.

"A--nong si-sinabi mo?.." nautal pa ako! Damn it!

"Ang sabi ko, binahay na kita.."

"What!?.." nagugulat kong tanong. Ano raw?. Naku naman Lance!! Wag ganyan. Baka mamatay ako sa kilig neto!

Binasa ko ang ekspresyon ng mukha nya. Seryoso. Walang bahid ng pagbibiro.

"Bakit mo naman sinabi yun?.." kamot ang ulo. Napatayo ng di nag-iisip.

"Why not?. Totoo naman diba??." di ko makuha kung biro nya lang ba tong pinagsasabi nya o hinde. Nalilito ako.

"Lance naman eh. di ba sinabi ko na sayong---?..."

D nya ako pinatapos.

"No way!. Pumayag ba ako?.." seryoso pa rin sya. At seryoso nga talaga sya. Susmi!! Kuya oh!

"Lance naman eh. Please.." pikit mata kong sambit. Nauubusan ng sasabihin.

"No baby. please?..." ilang pulgada nalang ang pagitan namin at ngayon ko lang iyon natanto ng hawakan na nya ako sa balikat. "Please.. wag mo naman akong taguan oh.."

"I'm not.." iling ko. Tinanggal ang kamay nya sa balikat ko subalit imbes dapat iwasan ko ang balat nya. Ginawa nyang pagkakataon iyon upang mahawakan ang aking palad. Wrong move Joyce!

"Baby, don't let me go.. malapit na kaming umalis at ayokong... ayokong maging dahilan iyon upang mawala ka sakin.." natameme ako ng halikan nya ang mga daliri ko. "Ayoko kong iwan ka dito pero kailangan kong pumunta roon.. para sa future natin.. para sa atin.."

"Di naman kita pinipigilan.." gusto kong pagtawanan ang sarili sa mga salitang lumalabas saking labi.

"I'm not saying na pigilan mo ako. What I'm pointing is, wag mo naman akong pagtulakan palayo sa'yo.." tumigil sya kalaunan. Naramdaman kong tumigil din ng ilang segundo ang tibok ng puso ko. Natunaw sa mga linya nyang makabagbag damdamin. Hay mahal ko! Ano nga bang gagawin ko sa'yo?

"Malayo ang pupuntahan mo.." iyon lang ang nakaya kong sabhin. Yung iba. Naglaho na parang bula.

"Malayo man o kahit saan pa yan.. nakatatak ka na dito. " hawak ang kamay kong tinuro ang bandang puso nya. Damn baby! Oo na! Suko na ako! Panalo ka na! "Wala nang makakapagbago nun, dahil nag-iisa ka lang.. dito.."

"Lance.." tawag ko sa pangalan nya. Doon sya parang nabuhayan. Parang nagising sa malungkot na panaginip. "Inaantok na ako.." paglilihis ko sa tunay kong nararamdaman.

Doon sya natulala. Agad rin akong kinain ng konsensya.

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko sa palad nya saka sya tinalikuran. Papasok na ako ng banyo ng magsalita sya. "Hindi ka aalis ng bahay namin hanggat hindi ka nagiging akin.. ulit.. tandaan mo yan.."

Di ko na naman mahulaan kung kinakabahan ba ako sa takot sa pagbabanta nya o sa tuwa na dulot ng pagiging determinado nya. Nakakalito talaga ang pag-ibig. Nakakalito.