Chereads / No More Promises / Chapter 59 - Chapter 58: Grounded

Chapter 59 - Chapter 58: Grounded

Pagkalabas namin ng parking lot ng school. Ang akala ko umalis na talaga sina kuya. Ang sabi kasi'y may pupuntahan pa sila. Iyon pala ay may usapan silang sa labas na ng school muling mag-usap. Huminto si Lance sa harapang sasakyan ni kuya Ryle.

"Kuya, bakit ka huminto?.." humihikab na tanong ni Bamby sa katabi.

"May usapan kasi kami.." tamad nyang sagot.

"About what?.." humarap na ito sa kapatid. Kinakalas naman na ng Isa ang suot na seatbelt.

"Basket.."

"Ugh!. here they go again.." pagod na reklamo nitong si Bamby. Saka ako tumingin sa salamin na nasa aking harapan. Doon nakatitig sakin ang nangungusap nyang mata.

"Why?. kasama naman natin si Jaden ah.. ayaw mo nun?.." mapanukso nyang sagot. Saka sya nag-iwas ng tingin. Ang akala ko. Hindi na nya ako bibigyan pa ng pansin. Iyon pala. Talagang lilingon pa sya sakin.

"Kuya?.." gigil na reklamo nito sa kuya nya na di nya naman pinansin dahil nasa akin na ang atensyon nito. Humalakhak lamang si Lance.

"You wanna come?.."

"Gusto ko ng umuwi.." sagot ni Bamby.

"Not you lil sis.." duon lamang din ako tinapunan ng pansin ni Bamby. Nagtataka nya akonhy sinipat ng tingin.

"Ah.." nangapa ako bigla ng isasagot. Hindi makaisip sa mata nilang parehong naghihintay ng aking tugon. Si Bamby na pakiramdam ko'y binabantaan ako sa talim ng kanyang titig. Habang si Lance naman ay parang humihingi ng tulong para matupad ang kagustuhan nitong makapaglaro. Lalo na kila kuya.

"Ahm-..." nabitin sa ere ang mga salitang gusto nang lumabas ng may biglang kumatok sa aming bintana. Sa gawi mismo iyon ni Lance.

Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga bago inis na binigyan ng tugon ang kumakatok.

"Ready?.." dumungaw ang seryosong mukha ni kuya Rozen sa bintana. Pinagpahinga pa nito ang mga braso doon.

"You wanna watch us my beautiful sister?.." baling nya sakin.

"Gusto ko ng umuwi.." di ko rin inasahan na sabihin ko ito.

Hindi nagbago ang mukha ni kuya pero si Lance. Pinagkunutan nya ako ng noo.

"Saglit lang naman tayo.." ngumiti si kuya. Kinukumbinsi talaga ako. "30 minutes?.." palugit nya.

Hindi ako tumango o umiling. "Please.."

"Fine.. 30 minutes.." payag ko nalang para makauwi na ako, kami.

"Hear that bro.. tara.."

Agad namang kumilos si Lance at bumaba na. Nilingon ako ni Bamby ng may nagtatanong na tingin. "Sorry.. si kuya yun eh.. di ako makatanggi.." unti unti nalang syang tumango.

Alam ko rin naman ang tungkol kay Jaden. Alam kong sya yung long time crush nya noon pa. Nakwento nya sakin minsan. May ganun pala noh?. Long time crush?. Tapos ang nakakaexcite pa, barkada ito ng mga kapatid nya. Lagi pa sa bahay nila. Paano nya kayang nakakayanan presensya nito sa harapan nya?. Magpaturo nga ako para maging normal din ako sa harapan ni Lance. Awit!

"Ayos lang.. andyan naman si Jaden.." bahagya pa itong tumili. Takip ang buong mukha para di raw sya marinig. Ang cute nya talaga pagdating sa taong kinababaliwan nya.

Matagal muna bago kami tuluyang bumaba. Nang nasa labas na kami. Nagpaplano na sila kung saan maglalaro.

"Sa barangay nyo nalang boy.." ani Aron kay Jaden. Katabi nito ito. Tapos si Lance ay kasunod nya. Katabi si Kian, Paul, Billy, Bryle at sina kuya. Gumawa sila ng pabilog. Mga panay nakapamaywang. Tipong kumpitensya talaga ang gagawin nilang laro. Na kung tutuusin lang naman ay larong barkada lang yata.

Kinumbinsi pa nila si Jaden ng mabuti. At etong katabi ko. Nakatulala na sa lalaking kahit ang lapit na ay di nya pa rin makuha ng basta nalang. Parang sya rin naman. Sa ganda nya. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Di nila malapitan dahil sa kuya nyang sobra pa ang pagkalamig sa yelo pag naiinis o nagagalit. Nalaman ko iyon nang minsang magalit ito sakin, dahil sa lalaking kinausap lang naman ako.

"Hey, samin ka na muna sumabay.." inakbayan ako ni kuya Ryle. Nagitla ako. Di ko alam kung hanggang saan na umabot ang kanilang usapan. Nawala ako sa sarili dahil sa paninitig ko sa di nakakasawang mukha ni Bamby. Ang ganda nya pa rin kahit saang anggulo.

"Bakit iisang sasakyan lang ang gamit nyo?.." Tig isa kasi sila ng sasakyan. Regalo ni papa sa kanila. Di ko alam bakit naging isa nalang iyon ngayon.

"Hmmm.. you know bruh.. grounded.."

"Huh?. bakit naman?.." grounded sila?. Bakit na naman?. Kay Denise?.

Di nya ako sinagot. Basta inalalayan nya lang akong pumasok sa Chevy nya. "Kuya, you two are grounded?..." di ako makapaniwalang tanong ko kay kuya Rozen. "Kinda.."

"Bakit?.."

Di nila ako sinasagot kahit paulit-ulit ako ng tanong. "Kuya?.." hawak ko sa kamay ni kuya Ryle habang nagmamaneho.

"Si papa kasi.." kayhirap nya itong sambitin. Si kuya Rozen. Kamot ang ulo.

Umiiling lang din si kuya habang abala sa pagdadrive.

"What about papa?.." mga pabitin ang mga to! Ano kayang dahilan nila?. O sino?.

"Pinagalitan kami.. bakit raw di ka namin binantayan.. na umabot ka pa sa ibang bahay.."

What?. Ako?. Bakit di ko yun naisip.

"Are you serious?.."

"I have no time to joke around bruh.." natigilan ako. Ang seryoso kasi ng pagkakasabi nya.

"Kailangan ko na talagang umuwi kung ganun nga.." malungkot kong sabe.

"No, it's okay.."

"We're okay.." sabay nilang sabe.

"Kung iyon ang paraan mo para maibsan ang sakit na nararamdaman mo ngayon.. we're okay.. ayos lang samin ang gumamit ng iisang sasakyan.. hindi iyon mabigat, kumpara sa mga nararamdaman mo ngayon. " Si Kuya Rozen.

"You need to breathe.. you have to breathe para di mo rin maubos ang sarili mo.." si kuya Ryle naman ito.

"Kuya.." nangingilid na ang luha ko. Di ko to inaasahan. Ang akala ko, magagalit sila sakin dahil sa ginagawa ko pero hinde. Kabaligtaran pa noon ang naiisip ko. They are willing to sacrifice their luxurious life for me, to atleast save my self from drowning. So owishi!

Di ko talaga napigilan ang umiyak at yakapin sila pagkarating namin ng barangay nila Jaden. Nag-alala pa ang mga kasama namin dahil umiiyak ako, lalo na si Lance. Kuya Rozen, just said to them na namiss ko lang daw sila. Di ko na sila pinansin pa. Basta hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya habang umiiyak. Natatawa pa sya habang haplos ang likod ko. Nakakahiya pero ang sarap sa pakiramdam na may mga tao rin palang nag-aalala para sakin. I can tell now that. My life is still worth it. Worth it!