Naging maayos naman ang lahat sa school. Walang nagtanong o nakahalata na kila Bamby ako natulog o nakatira ngayon. Di ko na rin sinabi para walang tsismis na kakalat. Alam mo na mag-isip mga tao ngayon. Kakaiba. Agad may konklusyon kahit ang totoo ay hindi naman totoo.
"Gurl, kamusta na kayo ni Bamby?.." tanong ni Winly nang kami'y naglilinis na ng aming area. Hapon na. Hawak nya ang dustpan tapos ako naman ay ang walis tingting. Sa labas Ng school ang area namin. Gilid. Yung may mga halaman.
"Ayos naman na.." nginiwian nya ako.
"Ayos?. Anong ibig sabihin nun?.." kunwaring wala itong alam. Sa lakas ng radar nito ay paniguradong may ideya na sya kung paano kami nagkaayos.
"What about, hmm, her brother naman?.." mapanukso nyang tinig. Bulong lamang nya iyon dahil may mga kaklase naming nasa tabi lang namin.
Tinapos ko muna ang paghahakot bago sya hinila sa malayong gawi. Kung saan, di nila kami maririnig.
"Talaga bang binahay ka na nya?..oh gosh gurl!!.." tili nito mismo sa tainga ko. Tinulak ko sya palayo dahil nakiliti ako sa ginawa nya.
"Ano ba?.."
"Oh my gosh!! tell me, totoo ba?.."
Di ako makapagsalita. Naghihintay talaga sya sa sasabihin ko. Suot pa rin ang di matatawaran nyang ngisi.
Nang di matagalan ang kabagalan ko. Tinaas nya ang kanyang daliri saka tinuro ako gamit ang kanyang hintuturo. "Please don't lie.." nginitian ko lang sya. Lalo naman syang tumalon. "Ahh!!.." tumili na ito kalaunan kaya mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig.
"Winly naman!.." pigil ko sa kanya. Pinapakalma sya. Pinagtitinginan na kasi kami eh. Bwiset na bakla!
"Ano nga kasi?.."
"Paano ko sasabihin sa'yo kung ganyan ka?.." balik tanong ko nang di sya sinasagot. Tinitigan nya ako't nginitian ng napakaganda.
"Okay.. wait lang.." pinakalma nya ng ilang minuto ang sarili bago kami nag-usap.
"So, ano na?.." ang hirap namang magsinungaling sa kaibigang may alam na sa sikreto mo. Nakakainis!. Kahit anong tago ko, nalalaman nya pa rin. Si Bamby kaya, may ideya na rin ba sya samin?..
"Itatama ko lang yung sinabi mo ha.." umpisa ko. Tuma-tango tango naman ito na para bang excited sa susunod kong sasabihin. "Hindi ako binahay ninuman okay.." paliwanag ko.
Nakangiti syang tumango na naman.. "Nakituloy lang ako pansamantala dahil mag-isa ako sa apartment ngayon.."
"Aha?.."
"Si Bamby ang kumausap sakin not him.." tinutukoy ko ay si Lance. Baka kasi iba't iba na ang ginawa nyang senaryo sa utak nya. Madumi pa naman syang mag-isip.
"Talaga ba?.." eto na nga! Sabi na eh.
"Kung ayaw mong maniwala. Tanungin mo nalang si Bamby para magtigil ka na dyan.."
"E pano yun?. Si papa Lance, kumausap sakin.." natigilan ako. Maglalakad an sana ako pabalik ng aming room ng ihabol nya ito. Mabuti nalang talaga! Kaming dalawa nalang ang nasa area namin.
Nagtataka ko syang nilingon. "Anong sinabi nya?.."
"Uy curious sya.." tukso pa nya. "Aray ko naman gurl!.." binato ko sya ng walis. Sa paa lang naman. Sa arte nito. Ayaw madumihan pati laylayan ng kanyang pantalon. Akala mo naman kung ano. Tsk!
"Ewan ko sa'yo.." tinalikuran ko na sya't bumalik na ng room. Maingay ang lahat as usual dahil uwian na naman. Nang ibalik ko ang panglinis sa.lagayan nito ay kinalabit ako ni Bamby. "Kuya, is in the parking area.."
"Hmm.." bulong ko.
"With your kuya's daw..."
"What?.." nagulat ako. Anong ginagawa nila dito?.
"Ano raw ginagawa nila rito?.."
"Dunno.. we'll see later.." kibit balikat nya saka nagpaalam upang tulungan so Karen sa mga upuang kailangang ayusin.
Niligpit ko nalang din ang mga gamit ko bago lumabas. Sumabay din kalaunan sakin etong si Winly. "May bisita ka bga pala.." kinawit ang braso nya sa braso ko.
"Sino na naman?.." tanong ko habang inaayos ang strap ng aking bag.
"Si lover boy mo.. hinanap ka sakin kanina. Kingina mo! Ang fresh pa rin kahit haggard ang school.. pwede akin nalang sya?.."
"Tsk. Baliw!.." siko ko sa tagiliran nya.
"Di ka na mabiro ha.. porket-.."
"Porket?.." ginaya ko ang pagnguso nya.
"Porket maganda ka eh.."
"Tsk.. ano ka ba?. Maganda ka rin naman.."
"Weh?.."
"Bat ayaw mong maniwala?.."
"E hindi naman kasi totoo.."
"Alam mo. Kung ganyan ka mag-isip para sa sarili mo. Ganyan rin tingin sa'yo ng ibang tao..."
"Dami nitong alam.. iba talaga pag Inlove noh?.."
"Psh.. Ewan sa'yo.. hahaha.." di ko maiwasan ang matawa sa mukha nya. Nagpapaawa eh. Abnoy din minsan.
Hinila ko nalang sya sa may gym para duon na antayin si Bamby. Ngunit nasa bungad palang kami ay may sumalubong na sa amin. Si Aron. Kaklase at kabarkada nya. "Sa parking nyo nalang daw antayin si Bamblebie, sabi ni boy gwapo.." natameme ako't natulala bigla. Natauhan lang nang hilahin ako ni Winly.
"Salamat Aron.." sya pa ang kumausap dito dahil di ko alam kung anong irereact ko sa kanya.
"Ano ka ba gurl?. tulala talaga ha?.. kulang nalang pasukan ng langaw yang bibig mo.." hila hila nya ako. "Ano kayang gagawin ni boy gwapo?.."
Sinamaan ko sya ng tingin sa pang-aalaska nya.
"Joke lang ano ka ba?. hahahaha.." humagalpak sya. "Oh. Ayun na sya oh. Gurl, please. akin nalang kasi sya.."
Mas lalong sumimangot ang mukha ko sa pinagsasabi ng lalaking ito. "Hay!. Haba ng hair.. uwu uh!!…" kanta pa nya. Inilingan ko na lamang sya sa kabaliwan nya.
Ngunit ang totoo ay kabado na ako habang papalapit kami. Knowing that kuya Ryle and Rozen is.with him?. Ugh!. Susmi! Tagaktak na pawis ko. Ano kayang nakain nila at nagpunta sila rito sa kalaban nilang school pagdating sa sports na basketball?.
"There she is.." bumungad ang malaki at malalim na boses ni kuya Ryle. Nakangiti at parehong nakalahad ang dalawa nyang braso para sakin kahit ilang dipa pa ang agwat namin.
"Ohholy!. My light and shining armor.." dinig kong bulong ng aking katabi. Di makapaniwala sa nakikita siguro. Napahinto pa sa paglalakad. Umiling ako't hinila na rin sya upang makalapit kami.
"Kailan ka uuwi ng bahay ha?.." tanong agad ni kuya Rozen ang narinig ko ng yakapib ko na si kuya Ryle. Katabi nito si Lance na prenteng nakasandal sa mamahalin nyang sasakyan. Nakapamulsa pang pinapanood ang bawat galaw ko. Nakakailang tuloy!
"Uuwi din ako kuya.." paliwanag ko. Di ko kasi alam isasagot ko eh.
"Kailan naman yun?." kulit nya. Sya naman ang nilapitan ko upang mayakap at mahagkan sa pisngi.
"Malapit na kuya.. gusto ko lang huminga ng kaunti.. hehehe.." matalim nya akong tinitigan.
"But I have this limits, Joyce.." kunot ang kanyang noo.
Nginitian ko sya. "Of course kuya. I know what are my limits.."
Matagal syang tumango bago ginulo ang buhok ko. "Basta uwi text us if you need something.."
"Yes po.. how's mommy po pala?.."
"She's doing okay.." si kuya Ryle ito. Nabaling sa kanya ang paningin ko at eksaktong nakasalubong ko naman ang mata ni Lance. Napatikom ako ng aking labi.
Nag-usap usap pa rin kami. Hanggang sa dumating sina Bamby at Karen. Pinakilala ko naman sila isa isa. At ang bakla. Di matatawaran ang ngiti. Susmi!! Mabuti nalang nagpaalam na rin sila. Iniabot lang nila yung paperbag na di ko alam ang laman. Ang sabi lang nila ay, iba pang uniform ko raw. Di ko na rin inabalang tignan dahil nagmadali na rin si Lance pauwi.