Chereads / No More Promises / Chapter 52 - Chapter 51: What to do?.

Chapter 52 - Chapter 51: What to do?.

Both my kuya's are all silent after he leaves our apartment without saying goodbye. Hula ko'y narinig nila ang usapan namin kaya siguro pareho silang tahimik. Hindi sila nagtanong eh. Kaya obvious nang may alam nga sila.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Halo halo ang gumugulo sakin. Una si Denise. Sinunod ko naman sya sa gusto nyang sirain si Bamby kay Jaden pero bakit hanggang ngayon, di pa rin sya nakukuntento doon?. Pinipilit nyang sirain ang bagay na wala namang lamat. Umabot pa sa kung anu ano na ang pinapakalat para lang masira pangalan ni Bamby. Ayokong paniwalaan na masama sya, ngunit sa ginagawa nya. Natanto kong, masama nga talaga sya.

Sa tuwing naririnig ko ang masasamang paratang nila sa bestfriend ko ay nakokonsensya ako ng todo. Lahat nilulunok ko nalang kahit masakit at mahirap pakinggan. Mabuti nalang at nangyari nga ang sa amin. Ngayon, hindi na nya ako nauutusan o malapitan man lang. May mabuti rin palang nagagawa ang masamang pangyayari sa buhay natin.

Si mommy. Nang ibalitang may sakit ito ay parang kusang nagdilim ang dating maliwanag kong mundo. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malalakas na hambalos ng hangin. Dinaig pa ang bagyo. Pakiramdam ko pa nga, bumuka ang lupa't nilamon ako bigla. Ganun kalala ang naramdaman ko ng malaman iyon. Paanong nagkaroon sya ng ganun?. Madami naman dyang iba?. Bakit sya pa?. Bakit ko to nararamdaman ngayon?. Ang dami kong tanong na di ko kayang sagutin ng basta nalang.

Dumagdag pa si Lance. Oo, mahal ko sya kahit di ko iyon laging sinasabi sa kanya. Mahal ko sya simula palang. At mamahalin pa. Subalit, hindi pala sapat ang pagmamahal lang. Hindi pala sapat na sabihin mong mahal mo ang isang tao. Kailangan mo rin pala itong iparamdam sa kanya. Higit pa sa pagmamahal nya sa'yo. Kailangan mo rin palang suklian ang binibigay nyang oras at atensyon sa'yo. Gusto ko iyong gawin. Gustong gusto ko ng oras naming dalawa., pero paano?. Paano ko hahatiin ang oras ko?. Sa pamilya ko, sa sarili ko at sa amin?.

Sabihin na nila akong makasarili kung iyon ang tingin nila. Wala akong magagawa. Desisyon ko iyon para sa kanya. Para di sya madamay sa problema ko. At para makahanap sya ng babaeng mas deserving sa kanya. Masakit syang pakawalan. Ayoko eh!. Ayoko talaga!. But I have to!. I need to!. Sana lang. Maintindihan nya ako.

"I heard.." biglang sumulpot ang tinig ni Bamby sa likuran ko. Andito ako sa canteen at solong kumakain simula ng di na ako sumasama sa mga galamay ni Denise in a past few weeks. Pagod na akong manakit ng tao. Lalo na ng kaibigan ko.

Sinipat nya ako. Maging ang pagkaing nasa harapan ko. Sandwich at tubig iyon. "Here.." anya sabay lapag ng hawak nyang tray.

"You don't have to do this Bamby.." nahihiya kong sabi. Umiling sya sakin. Saka umupo sa katabing upuan ko. "Why not?. We are bestfriend, nakalimutan mo na ba?.." gusto kong magtago bigla sa hiya. Damn!

"Hindi ko kailanman nakalimutan iyon.. pero kasi--.."

"What?.."

"May kasalanan ako at--..." di ko matuloy tuloy ang gustong sabihin dahil sa kahihiyan. Nagawan ko sya ng masama tapos heto sya't mabait pa rin sakin, nakangiti na para bang walang nangyari.

"Wala kang kasalanan, it's Denise fault.." natameme ako. How did she know that?.. Wala akong pinagsabihan na iba. Except his brother.

Humalakhak sya. Siguro dahil sa pagkatulala ko. Basta ewan.

"It's Winly. Narinig nya raw sa grupo nina Denise.."

Damn!. Kinabahan ako dun ha!. Akala ko na sa kuya nga galing eh. Naku!

"I don't know. I'm sorry. Hinusgahan kita. Nahusgahan dahil alam mo na. Di ko inexpect.."

"I understand.. I deserved the treatment." tango ko kahit hindi pa ata tapos ang pagpapaliwanag nya.

"I'm sorry talaga.." naiiyak nyang sabi tsaka ko niyakap ng mahigpit.

Ginantihan ko rin sya ng yakap. Mahigpit. Yakap na kailangan na kailangan ko ngayon. From her kuya. Nag-iyakan kami kalaunan at sabay natawa.

After ng katahimikan. Kinumusta nya ako. "Okay lang ako, pero si mommy.."

"Bakit?. anong nangyari kay tita?.."

"May sakit sya Bamby. Cancer. Stage 2.." natutop nya ang sariling labi. "Oh my gosh!!.." lumaki pa ang mata nya.

"Kailan pa to?." parang di makapaniwala nyang tanong.

"Yesterday ko lang din nalaman.." nanlalabo ang mata ko sa luha. "Oh Joyce.. I'm so sorry.." agaran nyang pinunasan ang luha na naglandas saking pisngi.

"Ang hirap Bamby.. ang hirap hirap. Ang sakit malaman na anumang oras o panahon ay kukunin na sya sa akin.." umiiyak ko ng sambit.

"Oh gosh!. Sorry.. I don't know.."

Katahimikan ang bumalot samin. Tanging ang hikbi ko lang ang aking naririnig. "No. Ako dapat ang humingi sa'yo ng tawad. dahil sakin, nag-away tuloy kayo nina Ace at Jaden. I didn't mean to do that.." humikbi pa muna ako. "It's not my intention to hurt you.. Bamby. I'm so so sorry.."

"Stop apologizing na. Matagal na kitang napatawad.." niyakap nya akong muli.

Saka na ako nagkwento ng nangyari sa akin. Sinabi kong naghiwalay sina mommy at daddy tapos naremata pa ng bangko ang aming bahay. "No way!.. I.. I don't know.." anya sabay iling.

Sinabi ko ring sa bahay na nila Denise kami ngayon nakatira pero kalaunan lumipat dahil sa hindi maganda nyang ugali. "Sa bahay ka na muna pansamantala.." she offered awhile ago.

Dumagundong ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Sa bahay nila?. Andun si Lance at, naku! Wag nalang!

"Nakakahiya. Wag nalang.." tanggi ko.

"Don't be. Sabay ka na samin mamaya. Akong bahala sa'yo.." her finality. Todo tanggi pa ako ng bumalik kami ng room pero may isang salita ito at kapag sianbi nya, iyon na.

Uwian na.

Yung dobleng kaba na naramdaman ko kaninang quiz. Di ako nakareview at aasahan kong lowest ako nun. Naging triple pa ngayon dahil alam kong makikita at makikita ko talaga si Lance ngayon.

"Kuya, pwedeng sa atin muna si Joyce?.." Bamby asked him ng nasa parking na kami. Bahagya pa syang nagulat sa presensya ko ngunit nakabawi rin kalaunan ng lapitan sya ni Bamby at kausapin. Di ko narinig ang usapan nila dahil medyo mahina iyon. Nalaman ko nalang ng masama nya akong titigan at lampasan na parang wala lang.

"Sakay na Joyce.." kung di pa nya ako tinulak ay baka naiwan na nila ako sa labas.

Ang dami nilang dinaldal na magkapatid pero tikom lamang ang aking bibig. Takot magsalita at baka masamain nya bigla.

Anong gagawin ko ngayon?. Sa bahay nila ako pupunta. Uuwi na ba ako sa bahay nina mama o sa apartment na ako lang mag-isa?. What to do?.