Umaga ng lunes ay umalis kaagad si Jaden papuntang site nila. Sumabay din sa kanya si kuya dahil may kailangan daw itong pasukan na subject. He's now taking his med dream. Saka lamang sya tumatambay sa amin kapag nagpapahinga o walang ginagawa. Knoa is still sleeping kaya ginawa ko ang lahat ng gawaing bahay muna bago umupo at inasikaso ang trabaho. Jaden wanted to have our housekeeper but I refused. Ang sabi ko naman. Stay at home naman ako kung magtrabaho kaya I can handle. He's really persistent to have atleast one just to take care or someone who's gonna do the chores at home but I can't. Hindi ako kailanman naging komportable sa mga tao not unless I knew already the person.
Ilang oras na akong nakaupo ng tumunog ang cellphone ko. I stretched my arms first before taking the call.
"Yes girl!.." I answered to him.
"My goodness Bamblebie! Kung hindi pa ako tatawag sa'yo, hindi kita makikita ha?.." Winly almost lost his temper on me. Umikot ang mata nito at pinandilatan talaga ako.
"Bakit ba?. hahaha.." I laughed at him. Ngumiwi sya. Sumimangot saka ako tinuro ng tinuro.
"See that?. Ang sama! Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?. Nakakainis yang ngiti mo ha?.."
"Bakit ang bad mood ng bestie ko ha?. May problema ba?. Lovelife?. Tell me.."
"Tse! Wag na.. para namang wala kang pakialam eh.."
"Ay. Kita mo to. Nagtanong na nga ako't lahat. wala pa ring pakialam.. baba ko na then ito?.."
"E di ibaba mo na.." nguso nya.
"Sigurado ka?.." nginusuan ko rin sya. Pinaikot ko ng bahagya ang upuan ko bago nangalumbaba sa swivel chair na kinauupuan ko.
Tinignan nya ako ng napakatagal na para bang nanonood sya. Kumurap ako. Ilang kurap pa. Lumunok. Nilingon ang paligid. Nilakas pa ang speaker dahil pakiramdam ko nagloko yung phone ko pero hindi pala. Dinig kong may mahinang tugtog sa kanyang background. Meaning, hindi sya talaga nagsasalita.
"Woi!.." hiyaw ko. Hinayaan kong maloud speaker phone ko para lang sa kanya tapos heto sya't parang ewan kung tumingin sakin. "Hey! Ano ba?. May sasabihin ka ba o wala?."
"Mommy!.." sa kabila ng pagkaabala ng mata ko sa pagtanaw ko sa bawat galaw ni Winly ay ganun din kadali sa akin na marinig ang boses ni Knoa.
My goodness! Ano kayang problema nito't bigla nalang natutulala.
"Wait me there. Knoa is already awake. Antagal kasi eh.." Paalam ko dito. Tumayo ako't lumabas sa maliit na office na pinasadya para sakin ni Jaden.
"Saan ka pupunta?.." there. Doon lamang sya nagsalita ng makitang paalis na ako.
Napailing na lamang ako dahil sa kabagalan nya. "I'll just get Knoa. Will be back.."
Pader lang ang pagitan ng silid kaya rinig ko si Knoa. Dati ng nakabukas ang pintuan kaya nakita ko agad na wala ito sa silid nya.
"Knoa?!.." I called him pero hindi ito tumugon. Nilibot ko ang silid nya subalit wala sya.
"Knoa, where are you?.."
"Mommy!!.." hiyaw nito mula kung saan. Agad bumalot sa sistema ko ang takot at kaba. Possible bang may kumidnap sa kanya?. Sino naman kung ganun?. Napakaimposible naman.
"Where you at baby?. I'm on your room, looking for you.." sigaw ko mula itaas. Dinungaw ko ang hagdan pababa kung saan kita dito ang malinis na sofa at makintab na sahig ng sala.
"Kitchen Mom! I'm looking for my breakfast. I'm hungry na po eh.." sagot nitong lumabas mula kusina. Tumungo sa may sala at duon tiningala din ako sa taas. Hawak na ang bowl na may cereal.
"Wait me there baby.." habang bumababa na ako pinapapak na nya yung cereal. Wala pang gatas. Agad kong kinuha yung nasa kamay nyang karton ng oat meat tsaka sya inalalayan sa may dining area. Inasikaso ko syang umupo muna ng maayos sa kanyang pwesto. Kinuha ko ang gatas sa may refrigerator at nilagyan agad ang bowl nya.
"Bakit di ka pumunta sa office ni mommy?.."
"Galing ako doon Mom. You are talking to someone kaya bumaba na po ako.."
"Don't do that again okay?.." tumango nalang sya dahil puno na ng pagkain ang labi nya. Sumabay na rin ako sa kanya dahil bigla akong natakam sa kung paano sya ngumuya. Ngunit isang subo ko palang, naduwal na ako. Tumakbo ako papuntang banyo at doon na diretsong nagpakawala.
"Mommy, are you okay?.." Knoa run towards me. Tumabi sya sakin at sinilip ako sa mukha.
Oh baby! Why are you so cute?.
"I'm fin-- urk!. urk!.." dumuwal pa ako ng ilang beses sa mismong harapan nya. "Mom, you are sick. I should call daddy.." anya. Tumayo. Hinawakan ang likod ko. Tinapik iyon ng isang beses.
"No. No.. don't.." pigil ko dito.
"But Mom?.." nag-aalala nyang sambit.
"I'm okay. don't worry.. mommy is really fine.." matagal muna bago nya ako niyakap.
"I'm worried po. I don't want you to get sick. Ayoko.."
"Yes po. I'm not sick. so don't worry na okay?.."
"Hmmm.." I flashed the thing after we both left the comfort room. Binalik ko sya sa pwesto nito't pinagpatuloy ang pagkain. Saka ko lang din naalala si Winly ng biglang mag-ring ang telepono.
"That's daddy!.." biglang sigaw nitong si Knoa.
"No. Daddy is busy.." kontra ko. Hindi pinapansin ang tawag.
"Mom, that's really daddy. Daddy. Daddy.." kinanta na nito ang sinabi.
"How did you know then?.."
"Just my gut mom.. hehe.." halakhak nya. Doon ko lang nilapitan ang maingay na bagay. Nagdalawang isip pa ako nung una subalit sinagot ko na rin dahil request ni Knoa.
"Yes hello?.." sagot ko.
"Are you okay?.."
"Huh?.."
"Are you okay?. Magpahinga ka if you need.."
"Jaden?.."
"Yes baby!. May pupunta ngayon dyan to take care of Knoa.."
"Pero bakit?. I can still handle naman.."
"I know that babe but understand me too, I want someone to take more care for my coming baby and my wife so please.. give a chance to my proposal.."
Bumuntong hininga ako. Paano ba to?. "Paano kung magnanakaw babe?.."
"Babe, I already checked her resumé. She's good.. atsaka, she's from the legal company kaya wag ka ng mag-alala ha.."
"Sige na nga.. ikaw bahala.."
"Hmm.. are you feeling okay now?.."
"I'm okay now.. I thought you're busy?.."
"I am really busy but when it comes to you and my little Knoa's. I shouldn't."
"Ah.. I love you babe.." nasabi ko nalang ito.
He chuckled. "I love you more my love.. see you later okay?.."
"Yes babe.."
"Among gusto mo later?.."
"Nothing.. just you.."
"Hahahahah.. I love you.. I need to go.. I love you.."
"Yeah. I love you more.. see you later.." kung di ko pa binaba ang tawag, baka andyan pa rin sya. Paulit ulit ang sinasabi. But after listening to his deep voice. Para ngang gumaan ang pakiramdam ko. Naging maaliwalas ang paligid kahit na dati naman na iyon.
Knoa already finished his food. At dalawang thumbs up ang ipinakita nya sakin. Pagkatapos kong hugasan ang kalat sa kusina. Pareho kaming umakyat muli. Kumuha lang si Knoa ng laruan sa silid nya saka na ito tumambay sa office ko. At doon ko nalang nakita na wala na ang tawag ni Winly. So weird of him. Ano kayang problema nya?. May nangyari kaya?.
Kinuha ko ang cellphone ko saka sya chinat. "Hey! I'm sorry. Knoa is hungry kaya natagalan ako. Can I call?.." sinend ko agad iyon. Tanaw kong online sya kaya umasa akong rereply sya agad pero hindi nangyari iyon.
I'm worried now. Ano kayang meron?