Hindi umuwi si Jaden kinagabihan. Ang sabi nya, marami raw silang kailangan na tapusin sa site. Gusto ko sanang umangal at pauwiin sya kahit dis oras na ng gabi subalit alam kong importante rin ang trabaho nya. Naiintindihan ko ang dedikasyon na inaalay nya sa bawat minutong pumapatak subalit mayroon sa akin ang naiinggit sa binibigay nito sa kanyang trabaho. Para bang mas mahal nito ang site kaysa sa amin. Na sa totoo naman ay lagi nyang pinapaalala sa amin ng anak nya na higit pa sa trabaho nya ang pagmamahal nya sa amin. Wala raw itong katumbas.
Wala nga bang katumbas?. Bat pakiramdam ko may kulang?.
Stop thinking again and again Bamby. Ano ba!?. Wala ka bang tiwala kay Jaden?. Buo ang tiwala nya sa'yo, bakit hindi mo iyon maibigay sa kanya?.
Siguro, hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Sadyang natatakot lang ako na baka mawala na naman sya sa akin katulad noon.. Ayokong mangyari iyon.
Kung ayaw mong maulit muli ang mapait na nakaraan. Stop being so possessive. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano.
"Mommy?.." kinalabit ako ni Knoa. Nasa garden kami at parehong nagpapahinga. Hapon na subalit wala pa ring tawag si Jaden. Nagtext ako. Tinanong kung kumain na ba sya o kamusta ang site. Hindi man lang nagreply. Nakabusangot akong nakatitig lang sa kawalan.
"Mom! Lala Martha, is calling you.."
"Huh?.." wala sa sarili kong sambit. Kung di pa nya ako hinawakan sa magkabilang pisngi ay baka nasa kalawakan pa rin ang utak ko.
"Jaden is on the phone, madam.." noon ko lang napansin si Tita Martha sa likuran ko. Nakatayo sya sa pintuan kung saan hawak nya ang panlinis ng bahay.
"Tita, please. Don't call me that. Bamby is enough.." nakangiti akong tumayo saka inakay si Knoa papasok ng bahay. Binuksan ni tita ang pintuan para kami'y makadaan.
"I'm not comfortable calling you your name. It reminds me of someone." ngumiti sya subalit saglit lang. Pagkatitig ko sa mata nya ay kaylungkot nito.
Ano kayang nangyari sa kanila?.
Kailangan ko na talagang makausap si Jaden. Gustong gusto ko nang malaman kung paano nya nahanap si Tita Martha without saying anything to me.
"Daddy!.." magiliw na hiyaw na ni Knoa sa tabi ng telepono. "Kailan ka po uwi?. Namimiss ka na po ni Mommy.." dagdag nito.
Lumingon ako dito saka binalik kay Tita Martha ang tingin. "Go ahead. Maybe that's urgent." anya kaya naglakad ako patungong sala kung saan prente nang nakaupo si Knoa sa sofa.
"Yes po daddy. Mommy is sad because you're not here yesterday." lumaki ang mata ng bata ng tabihan ko sya. Di ko alam kung anong sinabi ni Jaden sa kanya sa kabilang linya. Para kasi itong nakarinig ng isang magarang pasalubong. "Talaga po?." namilog ang labi nito.
Pinanood ko lang sya ng tingnan nya ako. Tumango pa ako para sabihing ayos lang na kausapin nito ang daddy nya.
"Of course daddy!. I'll take care mommy very well. Good boy na po ako e."
Lumaki bigla ang tainga ko. Ano rin kayang pinagsasabi nito sa bata?. Hay naku Jaden! Pakausap na nga! Sobrang miss ko ang boses mo.
"She's beside me po. Kakausapin nyo na po ba sya?." he asked like he's the older one here. "Okay po daddy." tumayo sya't marahang binuhat ang telepono upang iabot sa akin. "Here po." magalang nyang sabi.
"Are you done?." I assure him. Ngumuso lang sya't tinanguan ako.
"My turn then?." biro ko. Humagikgik sya habang sumisingit sa pagitan ko at ng wire ng hawak kong telepono. "Your turn mom." hirit nya din tapos humalakhak muli. Sa gigil ko ay hinalikan ko ng mariin ang pisngi.
nya. Doon ko lang din narinig ang boses ni Jaden sa kabilang linya. Hindi pa man ito nakadikit sa tainga ko ay kumabog na ang dibdib ko sa kaba.
"Hi." yung malalim na boses nya agad ang nanuot sa kaibuturan ko.
"Hindi ka man lang nagrereply sa mga text ko. Sobrang busy mo ba?." pagsusungit ko. At hayun na nga ang napakalakas nyang halakhak. Na para bang kay Knoa galing ang tunog. Mag-ama nga talaga.
"Ang baby ko oh. Hula ko'y hindi na maipinta ang mukha, hahahaha.."
"Sige pagtawanan mo pa ako. Bigwasan kaya kita dyan.."
"Hay naku! Sobrang miss na ako ng asawa ko. Makauwi na nga mamaya.."
"Aba dapat lang! Marami ka ng utang sa akin. Kailangan mo ng magbayad.." umikot ang mata ko dahil sa inis. "Yes baby.." sagot ko kay Knoa ng magpaalam ito. Maglalaro raw sya sa labas. Eksakto namang dumaan si Tita Martha kaya naginhawaan na ako ng sundan nya agad ito.
"Ako ba talaga ang namimiss mo o yung-?." sya na rin ang nagputol sa sarili nya. Alam nya rin namang alam ko ang ibig na nyang sabihin.
Hindi sa sinasabi kong tama sya. Sadyang, may mga oras talagang, sya lang ang kailangan ko at hindi ang tinutukoy nya.
"Sige lang. Asarin mo pa ako."
"Mahal naman. Wag ng magalit. Uuwi na ako mamaya."
"Kahit wag ka ng umuwi.." ngiwi ko kahit wala naman sya sa harapan ko.
"Kung hindi ako uuwi, paano mabubuo si baby number two?.. hahaha.."
"Jaden, isa."
"Dalawa, tatlo o apat, mahal pa rin kita."
Kalahating ngiti ang di ko na napigilan pa. Alam na alam talaga nito kung paano ako paaamuhin.
"Siguraduhin mo lang na uuwi ka.." sa pagpitik ng kamay ng orasan ay biglang bumaliktad ang labi. Imbes maasar sa kanya ay parang unti unti na akong kumakagat sa sinasabi nyang pauwi na sya.
"Yes boss. Want some pasalubong?."
"Pwedeng cookies and cream."
"Noted madam. What else?.." anya na dinig kong napapangisi sya.
"Mangga please.." nag-isip pa ako e obvious naman na alam na nito ang gusto ko.
"Hahahahaha.. yun lang ba?. "
"Atsaka, ikaw please.."
"Bwahahhahaha!." ang ganda ng araw ng taong to. Ang lakas ng tawa.
"Hoy! That doesn't mean na I want you ha?."
"Then what?.." panghahamon pa nya.
"I just miss hugging you. That's all.." pagdadahilan ko pero iyon naman talaga ang totoo.
"Talaga ba?."
"Oo nga. Tsaka, namimis ko na amoy mo. Lintik ka kasi! Bakit hindi ka nagrereply sa text ko?."
"Para dalawang gabi lang babe miss mo na agad ako?."
"Ako ba hindi mo namimis?. Kami ng anak mo?."
"Syempre oo babe. Miss ko na nga kayo ng sobra. Hindi ko lang magawang magreply sa'yo dahil nagkaroon ng problema dito sa site pero naayos naman na kaya pwede na siguro akong makauwi.
"Siguro?. You're still not sure?."
"I'll assure you that. Uuwi ako. Ako ang boss dito kaya wala silang magagawa sa akin."
"Okay then. I'll see you later?."
"Yes babe. I'll be there before dinner that's why you need to prepare now.."
"Tsk.. pervert."
"Hahaha.. atleast sa'yo lang naman ako ganito.."
"Dapat lang noh. Oh sya. Yung pinapabili ko, wag kalimutan. Yung kay Knoa rin ha. Alam mo na siguro kung anong gusto nya. And lastly, si Tita Martha. She's now here." binalita kong andito na nga iyong taong tinutukoy nya.
"Yes babe. Already noted. We'll talk about her when I get there. For now, I'll go ahead. May kailangan lang akong tapusin tapos diretso uwi na ako. Okay?."
"Okay babe. I love you.."
"I love you more. Ingatan ang sarili. Wag laging pagalitan ang Knoa.."
"I'm not."
"Okay okay.. Sige na. See you later. Bye!."
"Babye." binaba na nya agad ang tawag kahit nasa linya pa ako. Ngayon lang ito nangyari simula ng ikasal kami pero naiintindihan ko naman sya. Baka nga kailangan na nyang tapusin iyon agad para may oras na syang umuwi dito. I'm so excited. Jaden is coming home.