Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 7 - Chapter 7: Kuya Lance

Chapter 7 - Chapter 7: Kuya Lance

Maingay nang kumakain itong si Knoa kasama ang daddy nya sa may bar counter. Imbes sa upuan dapat umupo ang bata ay sa mismong mesa na ito ng bar counter.

"Jaden naman. Mahulog yang si Knoa. Malalagot ka sakin.." sinamaan ko ng tingin itong asawa kong malagkit pa rin ang titig. I scoffed just to ease the heat inside me that makes me really intense. Andito pa naman si kuya!

"Pfft!. Where is kuya?.." nilinis ko muna ang lalamunan ko bago ko hinanap si kuya. Nagrequest sya ng kape eh. Asan na yun?. Luminga ako't sinilip ang loob ng banyo.

"Lumabas. Masyado raw kasing mainit rito sa loob.."

"What?.. Tsk. Nagtimpla ka na ba ng kape nya?.." umikot ang mata ko. Ngumisi lang sya kaya pinamaywangan ko na. Nasa taas ng bar counter ang isang kamay ko. Malapit sa likuran ni Knoa at ang isa nama'y, nakasampay talaga sa baywang ko.

"Ayaw nya mahal eh. Ikaw raw gusto nyang magtimpla.. ang weird nga e.."

Gusto kong sapakin ang mukha ni Jaden ngayon dahil parang nakadikit na sa mismong mukha nya ang pang-aakit! Paksyet lang! Naaakit ako kahit wala naman syang ginagawa! Damn it!!

Huminga ako ng malalim saka pumikit. Ilang pagbuga at paghinga muna ang ginawa ko bago muling dumilat. At doon ko nadatnan ang magkasalubong na kilay ni Jaden habang nakatingin sa akin. "What?." di ko mapigilang magtanong.

"Nothing. I just want to stare at you at this moment.."

"At bakit?.."

"Coz you're not just beautiful.."

"Anong sinabi mo--?.." may idudugtong pa sana ako kaso pinigilan na nya ako.

"You are as gorgeous as always.." nakangiti pa nyang sambit. Hinawakan nito ang kamay ni Knoa na susubo sana. Tumayo ako ng tuwid. Nagtitimpi ng galit sa kanya and I know he felt that pero nawala nalang iyon nang parang bula ng ang pareho nilang mga kamay ay bumuo ng isang puso sa kanilang mga daliri. And then they mouthed a word, I love you.

"Mambobola!. Bilisan mo na dyan. Baka malate ka.." tinalikuran ko sya't inasikaso ang kape ni kuya.

Binaba ni Jaden si Knoa sa bar counter at diretsong takbo palabas. Sumunod din ako sa kanya. Inalalayan pa ako nito dahil hawak ko ang tasa ng kape ni kuya.

"Ugh! Finally Bamblebie! Ang buong akala ko ay nawala na ako sa isip nyo. Psh.." nagbuga ito ng hangin. Nababagot.

Bat ba ang sungit ng taong to?. May love problem na naman yata?. Hmmm?

Minsan na nga lang pumupunta dito sa bahay, nagsusungit pa! Nakakainis!

"Sorry bro." si Jaden na ang humingi ng pasensya para sakin. Hinila nito ang isang upuan bago inginuso sakin. Umupo ako doon bago sya naupo sa isang bakante. "Morning sickness you know.." mahina nya pang dugtong subalit rinig na rinig ko ito.

"Ugh! Jaden don't start will you?.." pagtataray ko. Sumimsim si kuya ng kape nya. Tinignan nya lang ako.

"See bro?. Kaya ako natagalan kanina dahil ayaw nya akong palabasin. Binugbog pa muna ako.."

Makakasanayan ko yata ngayon ang pagtirik ng mata dahil sa ginagawa ng asawa ko.

"What Jaden!?.." ani kuya. Na ngayon lang nagsalita. Pinapanood lang kaming mag-asawa na magtalo sa malilit na bagay na hindi naman dapat pinagtatalunan.

"Binugbog ng halik bro.." natatawa na ani Jaden.

Kuya's face is emotionless.

"Jaden!!.." sigaw ko.

"Tsk!. Bamby, stop yelling will you?.." suway sakin ng aking kapatid. Malapit nang maging isang linya ang kilay nito. Nagkadikit ng mariin ang mga labi ko sa inis.

"Ang aga aga. Nagtatalo na kayo." dugtong pa ni kuya. Sinamaan na talaga ako ng tingin.

"Hindi kami nagtatalo kuya.." sagot ko. Nasa ulo ko pa rin ang kumukulong dugo para kay Jaden na hayun, nakangiti lang, na parang wala lang. Bwiset!

"You are Bamblebie. Kailan nyo ba maiisip na di na kayo mga bata ha?. Nakakahiya masyado sa anak nyong naririnig lagi kayo.."

Natahimik ako. Tinanaw ko na lamang ang bughaw na kalangitan.

"Come on bro. We're just having fun. Gusto ko lang inisin ang magandang buntis sa tabi ko.."

"Sige isigaw mo pa.." mahina kong sagot.

"See that attitude of yours Bamby?.."

"Ano bang mali kuya?.. e sa naiinis ako lagi sa pagmumukha ni Jaden. Anong problema dun?.."

Humahagalpak itong baliw na asawa ko.

"O come on baby! Bakit ka naman naiinis sa akin?. E ang gwapo ko kaya?. Hahaha.."

"Sse that kuya?. He always annoys me.." parang bata kong sumbong dito.

Bumuntong hininga nalang si kuya at di nagsalita. Mas inatupag na nya ang pag-inom ng kape kaysa sa pansinin ang asarin namin nitong si Jaden.

After a not so long annoying time. Tumayo na si Jaden.

"I have to go now. Dito ka na muna bro. Baka magcrave ang baby. Walang bibili ng gusto nya..haha.." tumango lang si kuya sa kanya.

"Ugh! O my goodness!.." sa isipan ko na lamang ito isinigaw ng buong puso. Nakatingin kasi si kuya. Pinipigilan ako sa gusto kong gawin.

"I love you mahal ko. Behave okay.. I'll be back as soon as I can. But if you need me urgently, just call my name. And I'll be there.." di ko alam bat isang ngiti ang iginawad ko sa kanya. Sa inis at di mabigyan na kahulugan na galit ko sa kanya ay isang ngiti pa rin ang naisukli ko para sa masasarap na salita nya. "I love you.." saad pa nyang muli bago ako hinalikan sa labi ng medyo matagal. Kung di pa ata naglinis ng lalamunan si kuya ay baka umabot pa sa kalangitan ang isang paalam.

Nagpaalam rin sya kay Knoa na abala pa rin sa sasakyang laruan nya. Paikot ikot lang ito sa damuhan dito sa harapan namin.

"Ganyan ka ba lagi sa asawa mo?." out of nowhere ay itinanong ito ni kuya. Prente na akong nakaupo pero ang puso't kakuluwa ko yata ay isinama ng asawa ko.

Yung paningin kong inihatid si Jaden paalis ay napunta agad sakanya. "Huh?.." nalilito kong tanong. Lutang pa rin dahil sa halikan namin kanina.

"Ganyan ka ba lagi sa asawa mo kako?." talagang inulit pa yung tanong nya. Rinig ko naman iyon kaso lang hindi ko makuha kung anong ibig nyang sabihin.

"Anong ganyan?. Knoa, be careful please.." sita ko sa anak kong mabilis ang patakbo.

"Laging sinisigawan.."

"I'm not.." giit ko.

"If you're not aware. You are little Bamblebie."

Lagi ba?. Hindi ko alam.

Paano mo nga malalaman kung di ka aware Bamby?. Makinig ka nga muna!

"Am I?. I'm sorry. I didn't mean it.."

"You don't have to apologize to me. Kay Jaden mo dapat sabihin yan.."

"E pano, nakaalis na sya?.."

"Wala ka bang cellphone para di mo sya matawagan?.."

"He's still driving.." pilit ko.

"Excuses!. You're acting so weird lately you know. What's the problem huh?. Di ka ba naawa dun sa tao?.."

"You don't get it kuya.."

"Then please make me understand it Bamby. Hindi yung ganyan ka at ganyan nalang lagi. Gusto mo bang mawala ulit sa'yo ang asawa mo?.."

"Nope! Of course not! Never please.."

"Then be good to him. Make him feel that he is your everything.."

"Ganun naman ako sa kanya kuya.."

"Hindi iyon ang nakikita ko Bamby. Alam mo, kung may mga tumatakbo dyan sa isip mo. Guni guni mo lamang ang mga yan. Don't fall on doing the same mistake again. Never.."

Nagsalubong ang kilay kong nagbaba ng tingin. "I'm not what you are thinking kuya. It's just that I have this feeling for now na ayaw ko sa kanya pero gustong gusto ko syang yakapin at halikan. It's really really weird pero alam ko sa sarili ko na mahal ko sya.."

Sya naman ngayon ang natahimik. Pareho kaming tahimik. Alam ko ang sarili ko. Kilala ko ito. Mahal ko si Jaden at hinding hindi ko hahayaan na maulit muli ang pagkakamaling iyon.

Suddenly. Tears run down. And then never in my thoughts that I'm sobbing.

"Hey! O God! I'm sorry.." dinig kong tumayo na si kuya sa kinauupuan nya't nilapitan ako. He hugged my head and caressed my hair while apologizing. "Nawala sa isip kong nagdadalang tao ka pala. I'm so sorry.."

IDIOT!!

Di ko sya sinagot. Lalo pa nga akong naiyak.

"Hey! hey!. I'm sorry okay?.." doon ko lamang sya tinanguan. He kissed my forehead. "Congratulations that should be my words to you but it turned out to it's opposite."

Tumango ako kahit ang totoo ay gusto ko syang bigwasan! Baliw kasi. Bat di muna sya magtanong bago magkuda?. Tsk! Tsk!

"Stay healthy okay. I want my next niece to be healthy.." kagat labi ko nalang syang nginitian para matahimik na.

Ang weird din nya. Nakalimutan nya raw?. E di wow nga kuya! Ayaw mo lang tanggapin na mali ka ngayon. Mali ang manghusga sa mga bagay na wala kang idea. Mali ang manghusga kung alam mong wala ka sa posisyon na humusga. Tsk! Hay Kuya Lance! Kailan ka ba kasi mag-aasawa?. Ako na ang nababagot sa buhay mo. Heck!