Chereads / The Bond of Magic / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Kung papasok kaya ako ng hindi alam ni Rose sa kanyang kwarto makukuha ko rin kaya ang kwintas? Kung magpasama kaya ako kay Edrian? Pero baka lalong magulo lang ang plano ko.

"tara Alice canteen tayo." masiglang bati sa akin ni Nadia, kakatapos ko lang maligo mabuti na lang at naka tuwalya ako dahil bigla bigla naman itong pumapasok pero kasalanan ko din naman dahil hindi ako naglalock

"mauna ka na susunod ako." nakangiti kong sabi sa kanya, susunod ako dahil magbibihis pa ko.

"wait nalang kita sa labas ng kwarto para sabay na rin tayo." lumabas na si Nadia at nagbihis na rin ako ng maong at T-shirt na itim.

Naglalakad kami ngayon sa hallway at ramdam ko ang titig sa akin ng mga tao sa paligid. Kumapit ang braso kamay ni Nadia sa akin, nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa pagiging mabait neto sa akin.

Pagkaupo namin sa lamesa na bakante agad kong napansin ang matalim na titig ni Rose sa akin. Nginitian ko to pabalik upang lalong mainis, at tama nga ako lalo itong nainis. Magaapoy na sana siya nung hindi pa dumating si Jacob.

Nilapitan niya ito at kumapit sa mga braso neto. Agad siyang nilayuan ni Jacob dahilan para ito'y sumimangot. Natawa na lamang ako sa naging reaksyon ni Rose at napatingin naman sa akin si Jacob dahil sa pagtawa ko. Tinikom ko agad ang aking bibig.

"halika Jacob may bakante pa." kinawayan siya ni Nadia para bumalik. Seriously? Dito pa talaga pwede naman sa iba.

"dito na lang kasama ko si Leon." mabuti naman. Nakahinga na ko ng maluwag dahil ayoko talaga ng presensya ng taong yun.

"mukhang ayaw mo sa kuya ko, pero yung isa naman gustong gusto siya." ngumisi siya dahilan upang mapalingon ako. Nasa tabi na ni Jacob si Rose, lumipat lang naman si Rose sa tabi ni Jacob at kitang kita ang mga ngiti niyang halatang nagpapacute. Napailing na lang ako sa aking nakita.

Hapon na ng napagpasyahan kong gawin ang binabalak ko. Ang pumasok ng palihim sa kwarto ni Rose, kailangan ko muna hintayin mawala ang mga tao sa hallway dahil may kanya kanya naman na silang gagawin pagkatapos nilang kumain.

Nagdadalawang isip ako kung gagawin koba to o huwag na dahil parang mahuhuli din naman ako pero naisip ko din na wala namang ibang paraan para makuha ito.

"pwede mo ba ko samahan sa park? Gusto ko lang gamitin itong mahika ko." sumulpot nanaman si Nadia sa aking harapan. Wala akong choice kundi ang sumama, mamaya na lang siguro kapag kaunti na talaga ang mga tao.

"palaging ito ang pahinga ko ang gumamit ng mahika sa aking paligid." pinakita niya sa akin ang pagiiba iba ng kulay sa paligid ko. Ang kulay berde ay naging dilaw, nailang ako kung ganun nga ang kulay. Natawa na lang ako sa aking mga nakita.

Kinahapunan, pabalik na kami sa dormitoryo dahil sa wakas napagod na rin si Nadia. Nagpaalam na siya na babalik sa kanyang kwarto at agad kong tinignan ang paligid.

Huminto ako sa kwarto ni Rose. Bago pumasok sinigurado kong walang parating na kahit sino. Noong napansin kong walang dumadaan, binuksan ko ang pinto at nakitang walang tao dito. Ito ang tamang oras para hanapin ang kwintas sa kanyang kwarto.

Una kong tinignan ang kanyang kama, lahat ng sulok pati sa ilalim ay tinignan ko. Wala na akong pake kung madumihan ang aking damit dahil ang importante dito ay makita ko na ang kwintas. Wala dito ang kwintas kahit sa unan wala.

Sunod kong tinignan ang mga bag niya. Puro kolorete lang sa muka ang nandito wala akong nakikitang bakas ng kwintas.

Ang sunod na aking tinignan ay ang lagayan ng mga damit niya. Sa unang lalagyan tinignan ko, hanggang umabot sa dulo wala pa din akong nakita. Sa mga sapatos niya kaya? Baka doon niya nilagay para mahirapan talaga ang magbabalak kumuha ng kwintas.

"ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" nagulat ako ng may humablot sa braso ko, ramdam ko ang init sa kamay neto at kita sa kanyang mukha ang galit at pagkatakot. Takot?

"bitawan mo ako!" naitulak ko si rose dahilan upang siya ay bumagsak sa sahig na puno ng yelo dahil sa pwersa ng aking mahika. Tinignan ko ang braso ko na ngayon ay nagsugat dahil sa mahika ni Rose.

"Alisin mo to!" napalingon ako kay Rose dahil malapit na siyang manigas sa lamig na kanyang inuupuan dahil ito ay yelo. Agad kong inalis ang yelong pumapalibot sa kanya.

"bakit ka nandito?" lumapit sa akin si Rose at akmang sasaktan ako pero agad kong nilagyan ang kanyang mga paa ng yelo upang hindi makalapit sa akin.

"subukan mo pa kong saktan, ilalagay kita sa isang lugar na puno ng yelo." kalmado kong sabi neto at noong napansin ko ang pagkalma niya inalis ko na ang pumalibot sa kanyang mga paa.

"kukuhanin ko lang ang pagmamay ari ko. Nasaan ang kwintas?" nagulat siya sa aking tanong.

"wala dito!" pasigaw niyang sabi at padabog na inayos ang mga gamit nyang nagulo ko kanina.

"ang magic charm na ninakaw mo sa akin ay hindi mo pagmamay ari kaya nasaan na?!" nagulat si Rose dahil sa biglaang parang paglindol ng paligid hindi lang siya pati na rin ako.

"kahit anong gawin mo wala dito." pinagtaasan niya ako ng kilay.

"bakit? Hinayaan mong manakaw o binenta mo dahil ganun ugali niyong magina?" akmang sasampalin ako neto pero biglang may umawat dito. Isang babaeng parang kasing edad na ng aking ina ngunit ito'y may kalakasan pa.

"ikaw si Alice?" tanong ng babae sa akin.

"yes bakit?" seryosing tanong ko dito. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Bigla ako netong yinakap kaya nanlaki ang aking mata sa gulat.

"buhay ka." masayang sabi neto sa akin habang inaalo ang aking likod.

Bigla kong naalala ang aking ina, kapag nakakaramdam ako ng sakit at takot parang gumagaan na ang pakiramdam ko kapag ginagawa niya ito sa akin.

Dahil sa pagdating ng babae na presidente pala ng academy na ito na si president Leonora, natapos na ang bangayan namin ni Rose. Ang sabi neto ay sa susunod na lang niya kami kakausapin upang makapagpahinga na kami.

"Alice!" nagulat ako dahil may biglang sumulpot sa harapan ko. Si Edrian, ang tagal ko rin hindi ito nakita.

"Ed! Ikaw pala yan, tagal na kitang hindi nakita ah." bati ko sa kanya.

"ahh ehh dami kasi ginawa." napakamot na lamang siya ng kanyang ulo.

"ganun ba." para bang naiilang si Edrian sa akin at may gusto siyang sabihin na hindi lang niya masabi.

"gusto mo?" abot niya sa akin ng isang bagay. Kinuha ko ito at tinignan.

"wow, saan mo to nakuha?" isang bato ito na kumikinang.

"baka naman ninakaw mo?" pabiro kong sabi sa kanya habang natatawa.

"hindi ah! Akin yan, gusto ko ibigay sayo." nakangiti pa rin siya na parang batang gustong makipaglaro.

Nakakapagod ngayong araw mukhang marami pa akong dapat malaman sa academy na to bago makuha ang kwintas.