Chereads / The Bond of Magic / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Pangalawang linggo pa lang ako dito sa academy pero yung buong katawan ko ramdam na yung sakit na pang isang buwan. Marahil sa kakagamit ko ng mahika.

"Alice nakita mo ba si Jacob?" kakalapit lang ni Nadia sa akin at para bang may hinahabol siya.

"hindi, bakit?" huminga muna siya ng malalim upang mawala ang pagod bago magsalita.

"may tatanong lang naman ako, pero hayaan mo na. Samahan mo ko!" biglang kinapit ni Nadia ang mga braso niya sa akin at hinila ako para tumakbo.

"is there something wrong?" nagaalala kong tanong sa kanya dahil pagod na pagod siya kakatakbo.

"wala, hyper ko lang ngayon kain tayo libre ko!" sakto, gutom ako. Hulog talaga ng langit itong si Nadia.

Habang papunta kami ngayon sa canteen, nakasalubong namin yung lalaking kaibigan ata ni Jacob at napatigil ito noong makita kami, dumako ang tingin niya kay Nadia at nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Nadia.

"ayos ka lang Nads?" tanong ko dito.

"ahh..o..oo! Tara na!" what's wrong? Nilagpasan na lang namin yung lalaki at bahagya itong napangiti dahil s inakto ni Nadia.

"hayy.. Bat ganoon?" mukhang problemado si Nadia.

"bakit Nads?" kanina pa ko napapakamot sa ulo ko dahil dito kay Nadia.

"wala gutom lang ako, order na tayo!" dahil nga libre ni Nadia syempre sinulit ko na ito. Umorder ako ng 2 pcs of chicken, spaghetti, carbonara and lumpiang shanghai with coke.

"kaya mong ubusin yan lahat?" nanlaki ang mata ni Nadia sa gulat dahil sa mga order ko. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya.

"kung libre masarap kumain." sabay subo ko sa lumpiang shanghai at natawa na lamang. Habang kumakain kami ni Nadia nagulat ako sa biglang tumabi sa akin, si Jacob at sa katabi naman ni Nadia ay yung kaibigan ni Jacob. Hindi ko kilala yung isang lalaki pero I don't have time para magpakilala dahil masarap kumain ngayon.

"hindi ko alam na ganyan ka pala kalakas kumain." muntik na akong mabalaukan sa sinabi ni Jacob. Natawa naman si Nadia at tinignan ko siya ng masama, tinikom naman niya ang kanyang bibig.

"edi kumain ka rin, hindi yung titignan mo lang ako sa pagkain ko." sinimangutan ko ito at nagpatuloy na lang sa pagkain. Wala akong pakealam sa kung anong iisipin niya, kesyo matakaw wala akong pake.

Akala ko papanuorin lang ako ni Jacob sa pagkain hanggang matapos pero umorder na din siya ng spaghetti kasama yung kaibigan niya. Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sa paligid ko. What's their problem? first time ba nilang makitang may kinakausap si Jacob? Weird.

Naramdaman ko ang pagiinit ng paligid kung kaya't napatingin na ako sa kung saan ba ito nanggagaling.

Nakita ko ang nagaapoy na si Rose, akala ko susugurin ako neto pero tinitigan niya muna ako ng matalim at saka lumabas ng padabog.

Tapos na kami ngayong kumain nang may biglang sumigaw na estudyante. "nasusunog nanaman ang gubat, lumalaki ang apoy!"

Dali dali kaming lumabas para tignan kung ano ang sinasabing nasusunog. Tama gubat nga, nasusunog nanaman dahil kay Rose. Ano bang problema ng isang to. Napatingin ako sa second floor ng academy at tanaw ko si president Leonora na nakangiti habang naka krus ang mga braso neto sa kanyang dibdib. Hindi man lang ba niya aawatin si Rose?

Hindi na ko makapagtimpi nilapitan ko na nga si Rose, dahil ako lang naman ang kayang lumaban sa mahika niya. Narinig kong tinawag ako ni Nadia at nahagip ng mata ko si Edrian na nagaalangan.

"Rose ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" pasigaw kong sabi sa kanya at tinigil niya ang pagsusunog sa paligid ng gubat.

Natawa ito ng bahagya at para bang lasing dahil may pa sway sway pa siya na para ding lasing. Baliw ang isang to.

"Alam mo epal kang babae ka e, mula ng dumating ka nagulo na buhay ko dito sa academy!" pasigaw niyang sabi at may binato siyang kahoy na may apoy. Agad akong nakaiwas.

"baka nakakalimutan mong ninakaw mo ang kwintas ko, kayo pala ng nanay mong magnanakaw! Lahi niyo ba yun?" sa galit ko, hindi na ko nakapagtimpi. Lumapit siya at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Sinampal niya ako at ramdam ko ang init ng mga palad niya kaya napahawak ako sa aking pisngi. Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyanteng nanunuod.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Agad kong hinila ang buhok ni rose dahilan upang siya'y mapatalikod, napaaaray siya at pinalakad ko sa puno na mayroong apoy at nginudngod ko siya doon dahilan upang siya'y mapaluhod. Sinabunutan ko ulit siya at humarap ako sa kaniya. Sinampal ko siya sa kanyang pisngi ng magkabilaan. May mga lumabas na apoy sa kanyang mga kamay inilapat niya ito sa aking braso kaya napabitaw ako sa sakit. May sugat ngayon ang braso ko, napatayo siya at akmang susugudin ako pero hinarangan ko ito ng mga yelong hugis patusok. May lumabas na patalim na yelo sa palad ko at dumaplis ito sa kanyang braso.

Walang makakapigil sa aming mahika. Kaya kailangan mapahina ko itong si Rose, hindi ako ang dapat na manghina. Natalo na ako noon, hindi ako papayag maulit pa ngayon.

Nilabas niya ang mahika niya upang mapunta sa akin, at ang aking mahika ay lumaban din nagtama ang mahika namin dahil sa lakas para bang umuulan na ng may kasamang apoy. Walang gustong magpatalo sa amin, si Rose ay nanggigil na ganoon din ako.

Sa pagaaway namin nagulat ako nang may lumabas na hugis kwintas sa pamamagitan ng apoy at tubig. Ito ang kinagulat ko. Nakita ko si Rose na nakatingin pa din dito. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon, pinalakas ko pa ang pwersa ng mahika ko dahilan upang siya'y matumba at mapunta sa ilog. Narinig ko nanaman ang pagaalangan ng mga estudyante sa nangyari at napatingin ako kay president Leonora na parang naaaliw sa mga nangyayari.

"you will pay for this Alice! Wag kang masyadong mayabang!" tinitigan ko siya ng matalim at ginamitan ng mahika kong tubig para siya ay lalong mabasa ng tubig. Narinig ko ang pagmura niya. Magaling ka lang sa salita Rose, nagtatapang tapangan ka pero mahina ka.

Tinalikuran ko siya na hawak ang mga braso ko dahil may sugat. Pero kung ang usapan ay kung sinong mas maraming sugat, si Rose ang kawawa.

Naglakad na ako papasok sa aking kwarto, ang ibang estudyante ay napanganga sa nangyari at si Jacob ay tila bang parang may gustong itanong.

Naayos ko na at nagamot ang aking sugat magpapahangin lang ako sa labas para magpaantok.

"Sino ka ba talaga?" nagulat ako sa dumating na si Jacob.

"huh?" anong sino ka ba ang sinasabi neto.

"bakit halos kulang na lang magpatayan kayo ni Rose? Tapos apoy siya at tubig ang mahika mo." nakapamulsa si Jacob at seryosong nakatitig sa akin.

"hindi mo kailangang malaman." akmang tatalikod na sana ako nang hablutin niya ang kamay ko, napatingin ako dito at nung napansin niyang nakatingin ako agad niya itong inalis.

"ayos ka lang ba?" malayo ako sa hindi maayos. Baka si rose ang hindi ayos.

"si Rose ang kamustahin mo hindi ako." tumalikod na ako at pumasok sa aking kwarto. Nilock ko ang pintuan at napasandal ako dito. Napaisip ako kung bakit nakita ko sa mga mata ni Jacob ang pag aalala. Umiling na lang ako sa aking naisip mabuti ng matulog na lang ako.