Chereads / The Bond of Magic / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Nakalipas ang araw matapos ang nangyari wala naman akong nabalita na alam dito sa buong academy ang nangyari sa bayan pero pinapatawag daw kami ni president leonora mamayang hapon sa opisina niya. Napahinga na lang ako ng malalim.

"alice nagkapilay ka," si Nadia na ngayon ay katabi kona sa bench. Kakatapos lang ng magic class namin, at kahit may pilay ako sa braso ko umattend pa din ako. Ayokong magka absent dito, dahil baka ayun pa ang ikatuwa ni Rose.

"Alice punta tayo sa clinic," hinila ako ni Jacob dahilan upang mapatayo at napaaray ako. Binitawan naman ako agad ni Jacob.

"nilagyan ko na to ng halamang gamot," sanay naman ako sa halamang gamot lang.

"kailangan mo pa din magpunta sa clinic," matalim ang tingin sa akin ni Jacob na may bakas sa kanyang mukha ang pagaalala.

"ilang taon ko din ginamit ang halamang gamot," paliwanag ko sa kanya, dahil nagpupumilit siyang magpa check up ako.

Nagpunta kami sa canteen ni Nadia kasama sila Leon at Jacob, ginamit ko ang kaliwang kamay ko para kumain dahil masakit yung kanan at kaya namang tiisin ng kaliwang kamay ko ang pangingurot.

"Nads, ako lang ba ang pinapatawag o tayong tatlo?" tinitigan ko si Nadia at Jacob dahil kaming tatlo naman ang nandoon noong nangyari yun.

"tayong tatlo Alice, ano nanamang ginawa namin buti nga niligtas mo yung lugar ng mga tao," umiling si Nadia dahil hindi siya natutuwa na ipatawag kami sa opisina ni president.

"may hindi ba ko alam sa nangyayari?" singit naman ni Leon, at tinignan lang siya ng matalim ni Nadia.

"hindi mo kailangan malaman," may diin ang pagkakasabi ni Leon na para bang hindi niya ito kaibigan.

Napailing na lang ako sa dalawang lalaking kasama namin ni Nadia, mula noong nagkaroon nang party parang may alitan na sa dalawa pero parang normal lang naman sa kanila yun dahil magkaibigan naman sila. Ano kaya sa pakiramdam ang may kaibigan? Pero nandito naman si Nadia masaya na akong nakilala ko siya.

Alas tres ng hapon, papunta na kami ngayon ni Nadia sa opisina ni president Leonora, nauna na daw si Jacob doon at naghihintay na din sa amin.

Pagpasok namin sa opisina, nadatnan namin si Jacob na nakaupo at si president ay nagbabasa ng dyaryo. Tumungo na kami ni Nadia sa tabi ni Jacob at nasa harap na namin ngayon si president na binaba na din ang kanyang binabasa.

"nakita ko na nagpunta kayo sa mundo ng mga tao, at sumunod naman si Jacob..." tinignan kami ni president at huminga nang malalim.

"may hinanap lang po ako, nagpasama lang ako kay Nadia..." magsasalita pa sana ako pero biglang sumingit si president.

"hindi niyo basta basta dapat gamitin ang mahika niyo sa labas dahil mahigpit na pinagbabawal ito!" nagulat ako sa pagsigaw niya pero kalaunan kumalma din siya ganoon din ang naging reaksyon ni Nadia at si Jacob ay kalmado lang para bang inaasahan na ang mangyayari. Siya ba ang nagsumbong? Pero kung siya hindi na sana siya pinatawag dito.

"kung hindi ko po ginamit ang mahika ko madami nang namatay," kalmado kong sabi pero bakas ang pagka irita ko dahil sa aking mga naririnig. May naramdaman akong malamig sa aking  mga mata na para bang sasabog kung hindi ko to pipigilan. Kumalma ako at nawala na din ang malamig na aking nararamdaman sa aking mga mata. Nakita ko ang ngisi sa labi ni president Leonora.

"at ang matandang hinahanap mo, hinding hindi yun magpapakita basta basta," nagulat ako sa sinabi niya dahil paano niya nalaman ang ginawa ko sa mundo nang mga tao? Kung gayon ay hindi ko naman sinabi kung sino ang hinahanap ko..

"ang taglay kong mahika ay may kakayahang makita kung ano ba ang mangyayari sa hinaharap at kaya ko ito ipakita sayo nang harapan," nagulat ako sa nalaman ko, kakaibang mahika yun.. Pero paano niya nakilala ang matanda?

"paano niyo nakilala ang matanda?" tanong ko sa kanya at sumeryoso ako.

"hindi niyo pa gamay gamitin yan sa mundo ng mga tao, at panigurado magiging usap usapan doon ang nangyari," napansin ko agad ang paglihis niya nang usapan at tila ba iniiwasan niyang sagutin ang aking mga katanungan na gusto kong malaman agad.

Lumabas na kami sa opisina dahil 30 minuto na lang ay maguumpisa na ang klase namin sa magic class, pinauna ko na sila Nadia at magpapalit lang ako ng T-shirt na itim.

Pasado alas singko ako nakarating sa magic class namin at mabuti na lang naunahan ko ang guro namin nang limang minuto.

"maghanap kayo ng partner niyo para sa activity natin ngayon," nagsilapitan na sa bawat isa ang mga estudyante at akmang lalapit na kami ni Nadia sa isa't isa nang hilahin siya ni Leon at ako naman ngayon ang nawalan ng partner.

Babalik na sana ako sa pwesto ko ng biglang nasa harapan ko na si Jacob at nakapamulsa at para bang kinaklaro niya sa akin na kahit sa ayaw at gusto ko siya ang magiging partner ko. Wala akong choice, kaysa naman mawalan ngayon ng activity.

Sinulyapan ko si Rose at kasama na ngayon ang partner niyang lalaki na tuwang tuwa dahil siya ang kapartner neto, bakas naman sa mukha niya ang pagkairita dahil sa akin. Tinignan niya ang lalaki na may kasamang pandidiri. As if ang ganda mo para mag inarte?

Sinabi nang guro namin sa magic class, gamitin namin ang mahika namin sa kapartner namin. Nakita kong tuwang tuwa si Nadia sa ginagawa niya kay Leon dahil pinagiiba neto ang kulay nang katawan, damit at buhok ni Leon ganoon din si Leon.

Nagulat naman ako sa mahika ni Leon dahil pinahiga niya ito sa bench at 15 minuto niyang pinatulog at ang mukha ni Nadia ay nakangiti.

"mahika ni Leon yan, kaya ka niya patulugin tapos pwede kang managinip pero mga magagandang pangyayari," nagsalita si Jacob sa aking tabi.

"I guess It's my turn," bahagya akong lumayo sa kanya at binasa ko siya gamit ang mahika ko, natawa naman ako sa naging reaksyon niya at pinalibutan ko siya ng mga yelong hugis bulaklak. Tinanggal ko ito dahil baka manigas siya sa lamig.

Nagulat ako sa paglapit niya ng bahagya at hinawakan ang palasulpuhan ko.

"ready?" tanong niya sa akin at yun naman ang pinagtaka ko.

Nagulat ako sa sunod na nangyari, nilipad niya ako, pataas at kita ngayon ang mga estudyanteng nagulat dahil sa ginawa ni Jacob. Nagulat ako at medyo natakot, ngayon ko lang nalaman na takot ako sa heights. Natawa naman si Jacob dahil madiin ang pagkakahawak ko sa balikat niya habang buhat buhat ako at inililipad.

"huwag kang humawak sa akin, hindi kita bibitawan," nakita ko sa mga mata niya ang seryosong titig at para bang gustong gusto niya na magkaroon ako ng tiwala sa kanya.

Sa hindi ko malamang dahilan, ikinawala ko ang mga kamay at kinalma upang ma enjoy ang view na nasa harapan ko ngayon, napakahangin dito sa taas para bang pag nandito ka makakalimutan mo ang mga problemang dinadala mo.

"ang ganda," bigla ko nalang nasabi sa kawalan.

"yes, it's beautiful," napatingin ako sa kasama kong si Jacob at nakita ko ang kanyang mga matang mapupungay na nakatitig sa aking mga mata.