Chereads / The Bond of Magic / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon dahil sa mga nalaman ko, puno nang galit ang dibdib ko ngayon dahil sa ginawa ni Felicia, at kahit pa sabihin nating bata pa si Rose noon.. Makikita mo naman sa kanyang mga mata na walang pagsisisi pagdating sa ginawa ng kanyang ina.

"Alice?" naabutan ko si Jacob sa hallway pero hindi ko ito pinansin.

Dumiretso ako sa gubat para magpalipas ng sama nang loob. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagiging makasarili lang ni Felicia, at nawala si mama sa mundong ito dahil sa mga pinagdaanan naming paghihirap. Bakit hindi na lang ikaw ang nawala Felicia?

"mga walang hiya!!!" hindi ko alintana kung may makarinig ng sigaw ko ngayon dito sa gubat, gusto ko mailabas lahat! Gusto ko magwala, gusto kong may masaktan din na iba katulad sa nararamdaman ko ngayon.

"bakit hindi na lang ikaw Felicia ang nawala, bakit hindi na lang kayo ni Rose!" lumabas ang mahika kong tubig sa aking kamay kasunod ang nagyeyelong mahika ko. Sa sobrang pagpupuyos ko sa galit, nasugatan ako ng sarili kong mahika. Hindi ko ramdam ang sakit kahit nagdudugo na ang braso, wala lang 'tong sakit na to sa naramdaman namin ni mama makalipas ang maraming nagdaang taon.

Bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon.

"Alice anak, huwag kang magtatanim ng galit sa tita Felicia mo ha?" wika ni mama

"bakit po?" tanong ko kay mama

"dahil hindi din niya alam ang ginagawa niya, kaya dapat matuto pa din tayo magpatawad.." sinusuklay ngayon ni mama ang buhok dahil kakatapos ko lang maligo.

"pero diba ma ninakaw niya ang pera natin at kwintas ko?" lumingon na ako kay mama ngayon at seryosong nakatitig sa akin.

"pero tita mo pa din siya," tumalikod na ulit ako at tinuloy na ni mama ang pagsusuklay sa buhok ko.

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang ala-ala namin ni mama, sa lahat ng ginawa ni Felicia hindi man lang siya nagtanim nang sama ng loob dito. Kung nandito ka kaya ma, ganoon pa rin kaya ang sasabihin mo sa akin?

May bigla akong narinig na kaluskos sa likod ng puno, pinuntahan ko ito agad para makita kung sino ang nasa likod nito.

"Jacob?" nakita ko si Jacob na nasa likod ng puno at nanlaki ang mata ko dahil nagdudugo ang braso niya.

"A..lice," agad kong dinaluhan ito upang tulungan makatayo.

Bigla kong napagtanto ang dahilan kung bakit siya nasugatan sa braso niya.. Bigla akong nanlumo.

"Jacob so..rry hindi ko sinasadya," bakas sa boses ko ang labis na pangamba dahil ako ang dahilan kung bakit nasugatan siya. Bakit niya ba kasi ako sinundan?

"i'm okay," tumayo siya ng diretso pero halata sa kanya na nahihirapan.

"bakit ka kasi sumunod sa akin?" hindi ko na natago ang pagka inis ko dahil sa nangyari, nasugatan tuloy siya dahil sa akin.

"Alice, 'wag mo na uulitin yun pinagalala mo ako," nagulat ako sa sinabi niya dahil imbis na magalit sa akin, mas inalala pa niya ako.

"halika sa kwarto ko," nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, agad din akong nahiya dahil sa napagtanto kong kung ano ang sinabi ko.

"I mean.. Gagamutin natin sugat mo sa labas ng kwarto ko," natawa naman kami ni Jacob ng bahagya dahil sa inisip namin.

Nagamot ko na ang mga sugat ni Jacob, nandito kami ngayon sa garden kasama si Nadia at Leon pero ang dalawa ay nakahiwalay sa amin para bang may importante silang pinaguusapan.

"Alice, ayos ka na ba?" nagulat ako sa nagsalitang si Jacob.

"ikaw, ayos ka na ba?" pabalik na tanong ko sa kanya dahil siya ang dapat magalala sa kalagayan niya.

"basta okay ang lagay mo," nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa ulo ko, para bang bata ako na nakakuha ng mataas na grado sa isang subject dahil sa ginawa niya. Bahagya naman siyang natawa dahil hindi ko na naitago ang pagkailang ko. Sino ba namang hindi maiilang?

Isang oras na kaming magkasama dito sa garden ni Jacob at biglang nawala ang dalawa, pwede ko nang sabihin sa kanya ang plano ko dahil dalawa na lang naman kami.

"Jacob kailangan ko ng tulong mo," napalingon siya sa akin dahil sa biglaan kong pagbasag sa katahimikan.

"para saan?" hindi ko kaya magisa to kaya kailangan ko ng tulong nang iba.

"si Rose nasa kanya ang kwintas ko, ninakaw nila yun noong bata pa ako."

Bakas sa mukha ni Jacob ang pagkalito dahil sa mga sinasabi ko.

"importante ba yun?" huminga muna ako nang malalim bago ko ipaliwanag sa kanya.

"alam mo yung magic charm? Kaming dalawa ni Rose yun, for sure alam niyo na si Rose ang isang may magic charm pero ang isa pa ay ako yun. Sabi ni vice president kapag sa mundo kami nang mga tao ay mamalasin kami kaya dapat nasa iisang tao lang ang kwintas.. Pero yun ay kung wala kami dito sa magic academy.. Pero dahil sa pagiging makasarili ng nanay niya, ninakaw niya ang kwintas ko at siya lang ang nakapasok dito imbis na kaming dalawa." tuloy tuloy ang pagpapaliwanag ko na para bang walang pakealam sa mga kapalit ng pagsabi ko kay Jacob. Ang mukha niya ngayon ay nababalutan nang pagkagulat dahil sa kanyang mga nalaman, pero agad din itong nakabawi.

"ayoko," napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya, sa hinaba haba ng explanasyon ko tatanggihan lang din pala ako ng isang to?

Eh baliw din pala ang isang to.

"sa hinaba haba ng kwento ko ayan lang makukuha ko?" hindi ko na maitago ang iritasyon ko, pero siya mukhang nasisiyahan pa sa pagmamaktol ko.

Pero dahil sa may pride ako, umalis at tinalikuran ko na siya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.

Nasa canteen ako ngayon, nagutom ako dahil kay Jacob nang biglang sumulpot sa harapan ko si Edrian

"Alice! Hello!" masiglang bati sa akin ni Edrian, parang masigla to ngayong araw ha.

"Mukhang maayos gising mo ngayon Ed ah?" napansin ko ang pagpasok ni Jacob na nakapamulsa, nakabuntot nanaman sa kanya si Rose. Inirapan ko ito at hindi na lang pinansin.

Nagkekwentuhan lang kami ni Edrian nang kung ano ano nang may biglang lumapit sa amin at si Jacob ito.

Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari, naging pusang puti si Edrian nanlaki ang mata ko sa nakita ko dahil ito yung pusang palaging nakasunod sa akin tuwing nasa gubat ako o saan pa man.

"Jacob!" pasigaw ko dito dahil ano nanaman bang problema ng isang to?

Hinila niya ako palabas at tumakbo na din palayo si Edrian na naging puting pusa.

"ano yun?" nagtataka kong tanong nang tumigil siya sa paglalakad, hinarap niya ako.

"may mahika akong kayang gawing tao ang isang hayop isa na doon si Edrian, ang puting pusa."

Ano ngayon? Kailangan bang gawin niya yun? Parang nahiya tuloy sa akin si Edrian.

"kailangan bang gawin mo yun sa harap nang maraming tao?" tanong ko sa kanya.

"alam naman nilang pusa yung nakakausap mo," hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"ano ngayon? Kita mong kausap ko!" naiirita na ko sa mga ginagawa niya.

Nagkibit balikat na lang siya at naglakad na papalayo, nasaan ka ba ngayon Edrian?