Chereads / The Bond of Magic / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Matapos ang klase namin sa magic class hindi ko na muli pang nakita si Rose sa canteen para kumain. Hindi ko alam pero parang may bumabagabag sa loob ko na kakaiba.

"Alice!" si Edrian. Nandito ako ngayon magisa sa garden.

"Ed, ikaw yung nakita ko kanina?" tanong ko dito.

"Ah..oo.." nagkamot siya ng ulo na para bang nahihiya na ngayon ay alam ko ng isang pusa siya.

"Ed, 'wag kang mahiya ha? Walang magbabago sa pakikitungo ko sayo," nginitian ko siya para mawala ang pagkahiya na kanyang nararamdaman.

Lumapit din sa amin si Nadia, at nang nakita niya si Ed ay agad niyang hinawakan ang ulo neto na parang isang bata. Ang reaksyon ni Edrian ay nakangiti lang na para bang gusto neto ang ginagawa sa kanya. Hindi pa rin ako sanay pero pusa nga pala siya kaya ganoon na lang ang reaksyon neto.

"Alice bago mag start ang magic class natin ay pinuntahan pala niya si president," wika ni Nadia.

"yun kaya ang dahilan kung bakit naging ganoon na lamang ang kilos niya?" nagkibit balikat na lamang si Nadia, dahil parehas kaming hindi alam ang nangyayari.

Nahagip ng mata ko si Rose na papunta magisa sa gubat. Para siyang lutang na hindi alam kung saan siya tutungo. May narinig ako sa taas, tunog parang isang ibon na nagwawala. Inangat ko ang ulo ko upang makita kung ano ito.

Nandito nanaman ang mga magic stealer, onti unting nababalutan ng itim ang taas ng academy. Dumako agad ang paningin ko pabalik kay Rose.

Nang makita kong aatakihin siya ng isang magic stealer agad ko itong pinuntahan at nang mapansin ako ay lumipad na palayo ang mga ito. Hinatak ko si Rose para hindi magpatuloy sa paglalakad.

"Rose! Anong nangyayari sayo?!" pasigaw kong tanong sa kanya, umaasa na baka ay magising siya at mabalik sa dating wisyo.

"Alice.." nagulat ako ng may makitang luha na tumulo galing sa kanyang mga mata at mas lalo akong nagulat na ang luhang ito ay kulay itim.

"Rose! Rose! Naririnig mo ba ko?" niyugyog ko siya dahil wala pa ding tigil ang pagtulo ng luha niya.

Dinaluhan kami nila Nadia at Edrian, kita sa mukha ni Nadia ang pagkagulat dahil sa itsura ni Rose ngayon.

Wala na akong magawang iba upang mabalik siya sa sarili niya kaya sinampal ko ito ng malakas.

"aray!" nanlaki ang mata niya dahil sa lakas ng pagsampal ko. Ganoon din si Nadia na nagaalala dahil sa ginawa ko.

"welcome!" may halong pangaasar ang boses ko habang pumapalakpak. Ako ata ang baliw dito.

"how dare you!" sasampalin na din sana niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya.

"tumingin ka sa salamin, tingnan mo sarili mo."

Nagulat siya sa sinabi ko at agad niyang pinunasan ang mukha niya gamit ang likod ng palad niya. Nanlaki ang mata niyang tumingin kay Nadia at tila ba nahihiya.

Sumunod na din si Nadia sa akin na para bang walang nangyari. Iniwan ko siyang nakatulala dahil sa itsura niya ngayon. Hindi ba niya alam ang kanyang ginagawa?

Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagisip isip kung ano ba yung nangyari kay Rose. Bakit ganoon yung patak ng luha niya, hindi kaya.. Dahil sa magic stealer? Pero noong sinampal ko ito nawala naman 'yon, bumalik siya agad pagkasampal ko sa kanya.

"Alice!" nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pintuan ko at pagpasok ni Nadia.

"aatakihin ako sa puso dahil sayo!" may pahawak pa ako sa dibdib para malaman niyang halos atakihin na talaga ako.

"seryoso, ano bang meron sa inyo ni Rose?" naging seryoso ang mukha niya bigla at umupo sa tabi ko. Medyo lumayo ako dahil sa lapit ng mukha niya.

"magkaibigan ang magulang namin.." wala naman sigurong mawawala kung ikekwento ko sa kanya diba?

"dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi pagkakaintindihan, nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging makasarili nilang magina, ninakaw nila ang kwintas ko.. Pati ang perang inipon ni mama.." sa pagbanggit ko tungkol kay mama ay tila ba kinukurot ang puso ko.

"kaya maaga siyang nawala dahil sa pagtatrabaho niya para mabuhay ako, dahil puro kamalasan ang dala ko noon kaya tumanda din siya agad," hindi ko alam bakit may biglang pumatak na lang na luha sa mga mata ko habang inaalala si mama.

Bigla naman akong yinakap ni Nadia at tanging paghikbi lang ang naririnig ko dito sa kwarto ko at ang hininga namin ni Nadia.

Kay sarap magkaroon ng isang taong handang makinig at damayan ka sa tuwing gusto mong magpahinga.

Kinagabihan pagtapos namin kumain nila Nadia ay nagpunta ako sa garden para makita ulit kung babalik ba ang magic stealer na umatake kaninang umaga. Sinabi din ni president Leonora na ang dahilan ng pagpatak ng luha ni Rose na kulay itim ay dahil sa magic stealer. Kung hindi pa ko dumating ay baka tuluyan na itong nawalan ng malay.

Onti na lang ang tao dito sa labas at ang buwan ay bilog, napakaraming bituin sa langit ngayon. Para bang pag tumitig ka dito ay isang panaginip lang ang lahat ng ito.

May napansin akong kakaibang bagay sa gubat, parang isa itong kanina pa nagmamantyag sa akin. Sino ka?

Walang pakundangan ko itong sinundan at hindi inisip ang magiging sanhi ng pagsunod ko dito.

Nakaabot na ako sa pasukan ng gubat ngunit bigla itong nawala sa isang iglap. Parang may kakaibang dumapo sa balat ko na malamig, at agad din naman itong naglaho.

Inalis ko ang takot sa isipan ko at nagsimula ng maglakad papasok sa gubat. May mga yapak ng paa akong narinig papalapit sa akin dahilan upang mapalingon ako, nagmadali ako sa paglalakad dahil sa takot. Ano bang pinasok mo Alice?

"Alice! Bakit nandito ka?" si Jacob. Nawalanang kaba sa aking dibdib nang malaman na siya ang nasa harapan ko ngayon.

"Jacob..." nakita ko sa mga mata niya ang pagaalala at galit.

"kung hindi pa kita sinundan baka napano ka na!" ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking mukha.

"kanina... May parang nakatitig sa akin habang nandoon ako sa loob ng academy," wika ko.

"balik na tayo," hinila niya ang aking kamay ngunit agad ko itong hinila pabalik. Napatigil din siya sa kanyang paglalakad dahil sa aking ginawa.

"Alice! Are you out of your mind?" nagulat ako sa pagsigaw niya at ang mata niya ngayon ay hindi na maitago na galit ito.

"Jacob kung gusto mo, mauna ka na.. Kailangan kong malaman kung ano yun!" kung hindi siya dumating nasundan ko na sana.

"Alice gabi ngayon, anong inaasahan mo buhay ka bago ka makalabas dito?" natakot naman ako sa sinabi niya na para bang sigurado na siya na hindi ako makakabalik nang buhay sa magic academy.

"mauna ka na," tumalikod ako upang magpatuloy sa paglalakad at ang flashlight na nasa bulsa ko ay ang nagsisilbing ilaw para kahit papaano ay makita ko ang daanan.

Napalingon ako sa likuran ko. Nakasunod ngayon sa akin si Jacob tila ba isang bata na walang naging choice kundi ang sumunod sa akin.

Nilapitan ko siya para hindi siya matapilok sa dadaanan niya dahil masyadong madilim at walang makita kung walang flashlight.

May bigla kaming narinig na kakaiba sa paligid namin dahilan upang mapahinto kami sa paglalakad.