Matapos ang gabing yun, kung saan ko nasaksihan ang pagatake ng mga magic stealer ay hindi na ako mapakali. Maaaring nakita ko kung papaano ang kaya netong gawin ngunit sa pangyayari na iyon ay lalo kong naintindihan kung bakit ang mga tao dito ay labis labis ang nararamdaman na takot.
Kinaumagahan, nakita kong nagaayos ang mga tagapag linis dito dahil sa nasirang mga gamit kagabi, alam ko na dahil din dito sa mahika naming dalawa ni Rose, ngunit kung 'di namin ginawa iyon ay baka mas marami pang estudyante ang nasaktan.
"kamusta na yung dalawang nawalan ng malay?" kasama ko ngayon si Nadia dito sa gubat, dahil kanina pa siya hindi mapakali. Tuwang tuwa dahil sa nagawa niya gamit ang kanyang mahika.
"nagkaroon na sila ng malay kanina, may natamong sugat ang isa pero ginamot naman na ni mama," mama? Yung doctor?
"mama? Ayun ang nanay niyo ni Jacob?" napatango siya hudyat na tama nga ang sinabi ko.
Kaya pala ganoon na lang ang tingin sa akin ng doctor noong nasa clinic ako, marahil siya'y nagtataka kung kaano ano ako ng kanyang mga anak.
Nahagip ng paningin ko si Rose na ngayon ay seryosong nakatingin sa kawalan, pinagmasdan ko ito nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Kung siguro hindi mo lang naiwala ang magic charm ay hindi aabot sa ganito ang sitwasyon nang academy. Unti unti nang pumapasok sa isip ko kung gaano ba talaga kaimportante ang kwintas na ito.
Natuloy pa din ang klase sa magic class at ngayon ay may bago kaming ensayo na gagawin. Ito ay kung paano gumamit ng espada maaring gamit din ang aming mahika.
"ang ensayo natin ngayon ay kung paano gamitin ang espada, maaari din niyo ito gamitan ng inyong mahika. Hindi lang dapat mahika natin ang paganahin kundi pati na rin ang ating pisikal na pakikipaglaban," wika ng aming guro.
Ngayon ay naka grupo kami sa anim at isa isang susubukan ang espada sa pakikipaglaban. Isang babae ang kaharap ko ngayon. Akala ko'y si Rose nanaman ngunit ngayon ay pinaglayo na kami.
Nagumpisa kaming maglaban, ang tinuro ng guro namin na istratehiya ay ginagawa ko. Kung paano iiwas sa kalaban kapag susugod, paano itutok ang espada sa leeg habang nakatalikod ito sayo. Ngayon ay nadulas ako dahilan upang mahawakan ako sa braso patalikod ng isang estudyante. Magaling din pala ang isang to, subalit agad din ako nakahanap ng pagkakataon na humarap sa kanya at itutok ang espada sa kanyang mata. Malayo ang espada, may kakaunting espasyo akong iginawad dito ngunit makikita mo na isang hakbang pa niya ay paniguradong bulag ang isang to.
Nakita ko si Leon at Jacob na naglalaban, Nadia at Rose. Si Nadia ay nakatayo sa ibabaw ni Rose na ngayon ay nakahiga, laking gulat ko dito dahil malakas sa pisikal si Nadia kung ikukumpara kay Rose. Tinulungan niya itong makatayo, at bakas din sa mukha ni Rose ang gulat sa kanyang mukha. Si Leon at Jacob ngayon ay walang gustong magpatalo, seryoso ang dalawang naglalaban subalit hindi mo pa rin maiaalis sa eskpresyon ni Leon ang pangaasar. Napailing na lang ako sa aking nakita.
Natapos ang magic class, ngayon ay nasa canteen kami nila Nadia, Leon at Jacob. Si Rose ay nasa kabilang lamesa dahil wala na siyang pepwestuhan dito sa tabi ni Jacob.
"Jacob, ayoko munang ipaalam kay Nadia ang plano kong pagkuha ng kwintas.." napalingon naman si Jacob sa aking sinabi at ngayon ay nakataas ang kilay neto.
"bakit?" tanong neto.
"basta," seryoso kong tugon.
Napansin kong nakatingin ng seryoso ngayon sa akin si Rose, hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon. Tungkol nanaman ba kay Jacob?
"Alice mamayang gabi tambay tayo sa kwarto mo," wika ni Nadia.
"sige dala ka pagkain," may pa kindat pang nalalaman si Nadia bago umalis. Ang ibig sabihin ay alam na niya na pagkain talaga dapat ang dadalhin niya sa kwarto ko.
"kanina habang nakatingin si Rose, parang seryoso ito. Baka dahil sayo nanaman?" nandito kami ngayon ni Jacob sa garden, hiniram niya ang espada na ginamit niya kanina. Gusto niya pa ring mag ensayo.
Siya lang ang maaaring manghiram ng gamit kapag tapos na ang klase dahil siya ang pinaka gamay ang mahika dito sa academy. What if kung sa murang edad ko nandito na ako, katulad din niya kaya ako?
Kinagabihan nandito na si Nadia sa kwarto ko at may dalang fries at pizza. Tubig lang kami ngayon, dahil naaawa na rin ako sa sarili ko. Ginagawa kong tubig ang coke.
Habang nasa kalagitnaan kami ng paguusap ay may bigla kaming narinig na sumigaw galing sa labas. Hindi lang basta simpleng sigaw, kundi parang mga taong sumisigaw dahil sa nangyayari. Kaya dali dali kaming nagdamali lumabas ni Nadia, para makita kung ano ba ang nangyayari.
Apoy.. Napapaligiran ng apoy ang paligid at nakita ko agad si Rose na ginagamit ang kanyang mahika. Nakita ko agad sa paligid ng academy ang mga magic stealer na nakababa, agad akong bumaba upang matulungan si Rose, maraming estudyante ang sugatan ngunit patuloy sa pakikipaglaban. Ang mga estudyante ngayon ay nakikipaglaban gamit ang kanilang mahika. Ngunit dahil sa sobrang lakas ng mga kalaban.. Wala pa ding nangyayari.
Nagsimula akong ilabas ang mahika ko upang itapat sa apoy na mahika ni Rose. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ngunit agad din siyang bumalik sa pokus para atakihin ang mga magic stealer. Pumagitna kaming dalawa at nagsaboy ako ng mga yelong hugis patusok, inilabas ko ang mahikang tubig dahilan upang umabot ang tubig sa aming baywang. Si Rose ay may nasugatan na magic stealer ngunit ito ay nakalipad pa. Nagpaulan ito ng itim na usok agad din kaming umiwas para hindi kami matamaan.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari, may lumabas na dalawang hugis kwintas sa gitna ng apoy at tubig. Apoy at tubig na naghugis kwintas, ang kwintas na ito ay magic charm. Nakita ko si president at vice president na ngayon ay nakikipaglaban din. Kahit matanda na sila ay malakas pa rin sila sa pisikal, saglit silang napahinto sa kanilang nakita dahil sa kwintas at agad din silang bumalik sa wisyo.
Nawala ang mga magic stealer, nagsiliparan sila sa taas. At ang buong academy ngayon ay nababalot ng apoy. Unti unting nawala ang baha at gamit ang aking mahika inialis ko na ang apoy na nakapaligid sa academy, nakita kong matalim na nakatitig si Rose sa akin. Bakit? Hahayaan ko lang ganoon 'yon, baliw pala ito e.
May napansin ako sa gilid isang tao na sugatan at naghihingalo, agad akong lumapit dito upang tulungan pero nang nakita ko 'to ay hindi ko alam ang susunod na aking gagawin.
"Edrian..." tinawag ko siya sa kanyang pangalan at kasunod nito ang pagpatak ng isang luha sa aking mata.
"Alice.. Mabuti na lang.." sugatan siya ngayon, butas ang kanyang dibdib dahil lumusot dito ang hindi ko alam kung anong tawag galing sa mga magic stealer.
"buhay ka.." hirap na ngumiti si Edrian.
"aatakihin ka kanina ng isang magic stealer, na may hawak na itim na lubid at pwedeng mabutas ang kahit anong bahagi ng katawan mo.. Pero agad humarang si Edrian kaya siya ang napuruhan.." sambit ni Nadia. Agad bumalik ang tingin ko kay Edrian, at sa oras na ito sunod sunod na ang pagiyak ko.
"Ed, dadalhin kita sa clinic. Saglit lang Ed.." halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa paghikbi ko.
"hin..di.. Wala.. Na magagawa.." pinilit pa rin ni Edrian magsalita at nakangiti ito kahit napipilitan.
"Ed naman.. Wag ka ganyan," yinugyog ko siya, at napansin ko ang ilang bahagi sa kanyang katawan ay nawawala na. Hindi pwede 'to!
"Ed please 'wag naman ganyan oh.." wala na akong pake sa mga makakarinig sa akin ngayon, ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan magamot si Edrian.
"you'll always be in my heart, Alice."
Hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari dahil kung sino sino na ang tinawag ko upang madala sa clinic si Edrian dahil wala na siyang malay ngayon, at ang braso niya ay unti unti nang naglalaho. Hindi pwedeng mawalan ako ng isang kaibigan!
"Nadia.. Please.." pakiusap ko na tulungan akong dalhin si Edrian, ngunit wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lang. Lumapit si Jacob sa akin ngayon, hinihimas ang likod ko at isinuksok ako sa kanyang dibdib kung kaya't lalong lumakas ang aking pagiyak.
"tiisin mo lahat ng sakit na mararamdaman mo hanggang sa maging lakas mo ito para lalong magpatuloy," wika niya.
"mas kaya kong tiisin ang sakit kapag nandyan ka," I whispered.
"I do love you... But we just can't be together."
Nalilito na ako sa kanyang mga sinasabi.
Bumalik ang tingin ko kay Edrian, ngayon ay tuluyan na siyang naging pusa na walang malay. Bumalik siya sa dating anyo niya. Isang pusang tahimik at payapang nakapikit. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at binuhat siya.
Isang kaibigan ko ang nawala, isang kaibigan na mas nagparamdam sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal ng pamilya higit sa pamilyang inakala kong hinding hindi ako iiwan.