Chereads / The Bond of Magic / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

Kailangan na namin magseryoso sa pageensayo para sa nawawalang kwintas. Nababahala ako dahil kasama sila Nadia, noong una ay hindi ako mapalagay ngunit naalala ko yung nakaraang ensayo namin sa magic class. Hindi ganoon kalakasan ang mahika nila pero sa pisikal ay malalakas sila.

"Alice, natatakot ako sa totoo lang," wika ni Nadia.

"magkakampi tayo. Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sayo," hinawakan ko ang kanyang mga kamay para maramdaman niyang hindi siya nagiisa. Papunta kami ngayon sa canteen upang mag meryenda. Sila Jacob at Leon ay nasa gubat upang magensayo, mamaya na kami didiretso doon. Si Rose naman ay hindi ko na alam kung saan nagpunta. Ang sabi niya, may kailangan lang siyang asikasuhin bago mag ensayo.

"saan kaya si Rose pupunta?" tanong ni Nadia na ngayon ay nagoorder ng kanyang pagkain. Ang binili ko lang ay salad and juice, iwas muna sa coke at baka hindi na abutin sa pageensayo.

"hindi ko alam, baka yung nanay niya," kibit balikat kong tanong dito.

Natanaw ng aking paningin sila Jacob na pabirong nagsusuntukan sa gubat, natanaw din ito ni Nadia.

"magkaibigan talaga sila ano?" 'di ko alam pero 'yon na lang ang nasabi ko, habang pinagmamasdan silang nagbibiruan.

Habang nakatingin ako sa kanila, nagulat naman ako ng dumako ang tingin sa akin ni Jacob. Napansin niya ako? Kumindat siya at ngumiti. Hindi ko na alam mararamdaman ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko.

Si Nadia ay halos mabulunan sa nakitang kumindat na si Jacob.

"seriously?" ang naging sambit na lang ni Nadia habang natatawa at hindi manguya ang pagkain na nasa kanyang bunganga.

"yeah.. Seriously?" maang ko siyang tiningnan at ang kanyang mga mata ngayon ay nagtatanong.

"halika na!" pagkatapos naming kumain ay agad ako hinila ni Nads papuntang gubat para sa ensayo, at kita ko sa kanyang mukha ang hindi na makakalma dahil halata sa kanya ang pagkasabik. Napailing na lang ako dahil sa kanya, at bahagyang natawa.

"wala si Rose?" pagkadating na pagkadating ko ito ang ibubungad ni Jacob sa akin?

"hanapin mo," hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis kay Jacob. Tiningnan niya si Leon at nagkibit balikat na lamang ito.

Ang guro namin sa magic academy ang naatasan ni president Leonora upang kami ay magabayan sa pageensayo. Ang mga espada ay nakahanda na rin.

"sorry..." dumating si Rose na pawisan. Bakit ngayon lang siya?

"you're late..." wika ko at inirapan na lang ako neto.

"Rose at Leon ang magpartner, then Leon, Jacob and Alice."

Pinagpartner na kami upang masimulan ang ensayo. Ang una naming ginawa ay ang labanan ng kamao.

Nagsimula na sina Nadia at Rose magensayo. Naramdaman ko sa likod ko ang papalapit na si Leon. Agad akong humarap at sinalubong ang kamao niyang lumandas sa gilid ng aking mukha, hindi ako neto natamaan dahil agad akong umiwas. Nakita ko ang gulat niyang mukha ngunit ginawa kong pagkakataon 'yon upang sipain ang binti niya dahilan upang ito ay bumaluktot at mapaluhod siya. Namimilipit na siya ngayon sa sakit.

Si Jacob ay galing sa taas ng puno, bumaba sa harapan namin ni Leon kung kaya't binitawan ko ito para si Jacob naman ang masampulan ko. Ngunit sa bilis ng pag galaw neto, hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya at ngayon ay nasa likod na ito hawak hawak ang baywang ko ngunit ang isang kamay niya ay nakahawak sa leeg ko.

"Alice..." naramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa aking likuran.

Yumuko ako upang makawala at ng nakalayo ako akmang susuntukin ko siya ng bigla naman siyang nakaiwas at sumilay ang ngisi niya sa kanyang mukha.

"baby... Masyado ka namang seryoso," he chuckled.

Nakaramdam nanaman agad ako ng pagka irita. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Leon kung kaya't sinugod ni Jacob ito.

"Leon, Jacob!" sa paglalaban ng dalawa ay parehas silang nahulog sa maliit na bangin dito sa gubat.

"now change partners. Rose and Alice then Leon, Jacob and Nadia," nagkapalitan na ng partner para sa ensayo.

Ang nasa harapan ko ngayon ay si Rose. Ang ensayo naman namin ngayon ay ang panggamit ng espada. Kinuha ko ang espadang natitira. Pumwesto ako upang magkaroon ng balanse. Noong akala ko ay humahanap pa ng tyempo si Rose ngunit ito ay susugod na pala. Kaya sa hindi ko inaasahan na pagkakataon, kahit umilag ako ay nasugatan pa rin ako sa braso. Nakaramdam ako ng galit dahil sa ginawa niya. Nakita ko ang ngising sumilay sa kanyang labi.

Narinig ko na ang tawag ni Jacob sa pangalan ko ngunit ito'y hindi ko pinansin. Sinugod ko siya at walang pagaatubiling umakyat sa puno para mas lalong madepina ang galit na nararamdaman ko ngayon, bumaba ako sa harapan niya tulad ng ginawa ni Jacob kanina. Hinablot ko siya at sinandal ko si Rose sa punong pinagakyatan ko kanina. Ang espada ko ay nasa kanyang leeg, kaunting galaw ay maaari siyang maputulan sa gagawin ko. Nakita ko ang pagdudugo ng kanyang leeg agad ko naman itong pinakawalan at ikinalma ko ang sarili.

"what the heck Rose!" wala akong nasabi kundi 'yon na lang.

"ako dapat ang nagsasabi niyan dahil muntik mo na kong mapatay!" pasigaw niyang tugon sa akin.

"Jacob..." nanlaki ang mata ko ng bigla siyang kumapit sa braso ni Jacob. Pumalakpak ang guro namin dahil sa nangyari at ito ang pinagtataka ko.

Alas-kwatro ng hapon nang matapos ang ensayo, matapos kong gamutin ang sugat sa aking braso ay napagpasyahan kong hanapin ang matanda upang makausap tungkol sa kwintas. Nandito ako ngayon sa hallway upang maabutan siya.

"Alice?" lumingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"ma'am Corazon..." tama nga, ang matanda ay nandito.

"tungkol ba sa kwintas?" magugulat na sana ako dahil nalaman niya ang ipinunta ko dito subalit naalala ko na nakakabasa nga pala siya ng mga iniisip ng tao.

"opo... Wala po ba kayong clue kung sino talaga ang kumuha neto?" napangiti siya sa aking tanong at napalitan ng ngisi.

"it's your mission. 'wag mo ipasa sa iba ang misyon na binigay sayo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya palabas ng academy. Pero saan ba siya tumutuloy? Sa mundo ba ng mga tao... Nanlaki ang mata ko sa iniisip ko, hindi maaari.

"kailangan natin ngayon magpunta sa gubat, malapit sa bahay ng matandang nakatira doon."

Agad akong sumang ayon sa sinabi ni Rose dahil may gusto din akong malaman. Nakita ko ang kabadong mukha ni Nadia. Hinawakan ko ito upang pakalmahin. Pinapangako ko Nadia, hindi kita hahayaang mapahamak. Ayoko ng mawalan ng isang mabuting kaibigan dahil sa kapabayaan ko.

Alas-syete ng gabi ng magkita kita kami. Nakasuot kami nang itim na damit. Ang sabi ni Nadia mas maganda kung kulay itim ang suot sa madilim na lugar, dahil kahit may ingay na maririnig ang kalaban.. Hindi nila agad kami makikita.

Palapit na kami sa bahay ng matanda, nakaramdam ako ng pagod kung kaya't nagpahinga muna kami. Mabuti na lang may dala akong tubig. May sari sarili naman kaming flashlight. Para sa akin, ngayong gabi ang simula ng misyon namin. Pero bakit parang hindi? Parang free trial pa lang ito sa impyernong papasukin namin?

"Alice... Rose..." nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo dahil sa boses na nageecho dito sa gubat. Ganoon din si Rose dahil parehas kaming tinatawag neto. Napatigil kami at para bang may dumikit sa paa namin upang hindi makapagpatuloy sa paglalakad.