Chereads / The Bond of Magic / Chapter 38 - Chapter 37

Chapter 38 - Chapter 37

"kailangan natin ng konkretong plano at sapat na karanasan sa ensayo para sa pagsalakay," panimula ni Jacob. Nandito kami ngayong lima sa tinatawag na library netong magic academy.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid dahil unang beses ko lang din na makapunta dito.

"first time mo?" tanong ni Nadia.

"oo, may library pala dito?" tanong ko pabalik sa kaniya. Bakit kaya walang estudyante?

"iilan lang ang estudyante ang pinapapasok dito, isa na si kuya at Leon. Ang mga may matataas na ranggo lang ang pinapapasok dito pero ngayon sa tingin ko kabilang na tayo doon dahil sa misyon natin," wika ni Nadia. May ganoon pala dito, kung ganoon nagkukumpetensya ang mga estudyante dito?

"pataasan talaga ng ranggo dito sa academy?" tanong ko.

"oo pero hindi 'yon laban laban, tulad ni Jacob.. Siya ang pinaka may kakayahan makapagtrain din sa atin bukod sa guro natin kaya ganoon," napatango na lang ako sa sinabi ni Nadia, kung ganoon kabilang na din ba kami doon dahil sa misyon na 'to?

"Alice anong suggestion mo?" bumalik ako sa wisyo ng bigla akong tawagin ni Rose na ngayon ay nasa harapan na. Kanina pa ba siya nakatayo? Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ni Jacob kanina dahil sa usapan namin ni Nadia.

"ahh.. Ano nga ulit 'yong sabi mo kanina Jacob?" nauutal kong tanong sa kaniya at tila hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ko. Nakakahiya, ako pa talaga 'tong hindi nakikinig.

"pwede ba mag focus na lang muna tayo sa misyon bago ang ibang bagay?" wika ni Rose. Bahagya naman akong natawa at napairap.

"kahit ang plano ay ang patayin si Felicia?" hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko, napansin ko ang paglingon ni Nads at Leon sa akin, si Jacob ay tila kalmado lang. Si Rose ngayon na nasa harapan ay parang sasabog na dahil sa galit.

"maupo ka muna Rose," ani Jacob.

"ganito, manghihingi tayo nang mga espada sa ating guro at mageensayo din tayo ng archery. Sa archery kahit ako na ang bahalang mag train sa inyo dahil may sapat na kaalaman naman na ako pagdating dito," ano naman 'yon? Napatingin naman ako ng seryoso kay Jacob dahil ako'y naguguluhan.

"archery? Iyon ba 'yong ituturo tapos lilipad na? 'yong ituturo mo hihilahin mo tapos tatama na sa kalaban?" nagulat naman ako sa natawang si Rose dahil sa tanong ko. Hindi ko alam kung ano ba 'yong sinasabi ni Jacob na archery.

"yes Alice. Sa madaling salita... Archery is the practice or skill of using a bow to shoot arrows." ang bibig ko ay naging hugis bilog dahil sa aking nalaman. Hindi ko alam kung bakit na excite ako.

Alas-tres ng hapon natapos ang meeting naming lima tungkol sa pageensayo. Mabuti din bang isama ang archery kahit na may mga mahika naman kami para kalabanin ang mga magic stealer? Ayos naman din ang espada.

"alam mo Alice specialty ko ang paggamit ang archery," ani Nadia na ngayon ay umoorder ng pagkain. Nandito kami ngayon sa canteen para mag meryenda.

"siguro kaya gusto din ni Jacob na mag ensayo tayo," wika ko.

"nakita ko nakapaskil kanina, mamayang alas-singko magtitipon daw ang estudyante sa labas dahil may mahalagang sasabihin si president," ani Nadia. Ano naman kaya 'yon?

"ano nanaman kaya 'yon?" tanong ko nalang sa kawalan at huminga nang malalim.

Sa gitna ng sikat ng araw nandito kami ngayon sa labas habang hinihintay si president para sa announcement. Hapon na, mainit pa din. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Jacob at Rose na magkasama palapit dito. Bakit?

"Alice..."ani Jacob ng makalapit.

"bakit?" itinuon ko ang tingin ko sa harapan ng entablado dahil ayokong makita niyang naiirita ako. Bakit magkasama sila? Maiintindihan ko pa kung kasama si Leon pero hindi.

"are you mad?" tanong ni Jacob.

"am I?" hindi ko malaman sa anong dahilan kung bakit nakaramdam ako ng malamig sa parte ng kamay ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari, madalas na tayong pinupuntahan at inaatake ng mga magic stealer. Ngayon panahon na upang malaman niyo kung bakit nangyayari 'yon," wika ni president na ngayon ay nasa entablado na. Si vice president ay katabi neto at ang atensyon namin ngayon ay nakatuon na sa kanila.

"ang magic stealer ay kayang sumanib sa bawat isa sa atin, ito ay may kakayahang mag anyong tao hindi lang ibon," narinig ko ang bawat pagsinghap nang mga nasa paligid.

"ang magic charm ay matagal ng nawawala, ngayon gusto kong malaman niyo na ang dahilan ng pag atake ng magic stealer ay dahil nandito sa academy ang dalawang nagmamay ari noon," nakita ko ang pag ikot ng paningin ng bawat estudyante sa paligid.

"kung ang magic charm ay naingatan lang, at ang estudyante na nandito ngayon na nagmamay ari noon ay hindi nagkaroon ng problema dahil sa pagiging maka sarili ng isa ay marahil maayos ang buhay natin ngayon dito," wika ni president. Nakita ko naman na napa yuko na si Rose dahil sa sinabi ni president.

"ang may ari ng kwintas na 'yon ay sina Alice at Rose. Sila ang nagmamay ari noon dahil sa taglay nilang mahikang tubig at apoy," nagsinghapan ang mga estudyante sa paligid, bahagyang umiwas ang mga ito sa amin. Napatingin ako kay Jacob na ngayon ay nakangiti sa akin.

"sila ang may misyon para sa kanilang kwintas upang mabawi iyon, at kung mabawi man ang academy ay babalik na sa dati. Payapa, tahimik at walang problema," 'yon ang naging huling pahayag ni president. Ang mga estudyante ay nagsi balikan na sa kani kanilang gawain.

Ngayon alam na nilang kami ang may ari ng magic charm, ano bang binabalak nila president? Isama din sila sa misyon? Napansin ko naman ang seryosong tingin ni ma'am Corazon, bigla kong naalala na nababasa pala niya ang isip namin.

"Happy Birthday Rose," wika ko. Bago pa siya magpatuloy sa paglalakad, binati ko na siya. Onti lang ang nalaman ko noon sa kaniya dahil bata pa kami noon pero ang kaarawan niya ang isa sa hindi ko malilimutan.

"tha..thank you," nauutal niyang sambit. Aalis na sana ako ng bigla niyang hablutin ang braso ko, tiningnan ko ito at agad din naman niyang binitawan.

"pwe..pwede ba tayong magusap?" ani Rose.

Nasa garden kami ngayon ni Rose, nakaupo at magkatabi.

"ano ba 'yon Rose?" tanong ko dito dahil napansin ko kanina pa 'yong mga daliri niyang pinagsiklop niya at hindi mapalagay, para siyang may gustong sabihin ngunit hindi mabanggit.

"i give up. I... can't fucking do this anymore. I'm sorry for being such a shit and making people terrible. I'm sorry for ruining you or being selfish. I'm sorry for fucking up stuff. I'm sorry..." nagulat na lang ako sa mga sinabi niya ngayon sa akin at ang mga luha niya ay hindi na niya napigilan, tuloy tuloy na ang pagpatak ng mga ito.

"Rose..." hindi ko na alam ang gagawin.

"I know that sorry isn't enough to bring everything back to whatever it was," tumingin siya sa akin, nakita ko ang mga mata niyang namumula ngayon dahil sa pagiyak.

"alam ko na kami din ang dahilan kung bakit kayo ni Tess ay nag hirap dahil sa pagiging makasarili namin. Kung hindi lang kinuha ni mama 'yon at kung nakinig muna siya sa sinabi ng matanda na dapat ay dalawa tayong pumasok dito sa academy edi sana hindi na humantong sa ganito," nakita ko ang pagiging sincere niya sa kaniyang mga sinasabi. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla kong nilagay ang aking kamay sa kaniyang likod upang siya ay patahanin kahit papaano.

"Rose, it's okay. Wala ka naman alam noon sa ginawa ni Felicia dahil parehas pa tayong bata noon at marahil ngayon ay nadala ka na din sa mga inuutos niya sayo. Matagal ko na kayong pinatawad," kahit naman ganito ako, ang gusto ko lang ay makapasok sa academy dahil 'yon ang pangako ko kay mama. Hindi mahirap sa akin ang magpatawad.

Hindi ko na lang sinabi na nahirapan akong magpatawad noon dahil hindi ko kailanman narinig ang paumanhin na hinihintay ko. Mas masakit ibigay ng libre ang isang bagay kapag alam mong may gusto kang kapalit. Pero mas mahihirapan ka kapag araw araw ay may pasan kang galit sa puso mo.