Chereads / The Bond of Magic / Chapter 44 - Chapter 43

Chapter 44 - Chapter 43

Isang pangyayari lang pala sa amin ang magpapagising sa diwa namin, ang magmumulat sa amin na ang lahat ng 'to ay pawang patibong lamang. Hindi ko mawari kung bakit kailangan pa umabot sa puntong 'to, kung bakit may isang bagay tayong dapat isakripisyo bago natin makuha ang isa pang bagay na na gusto natin.

"Rose..." nilapitan ko si Rose na nakaupo sa lupa at nakatulala dahil sa nangyari.

"dalhin mo na si Nadia sa academy, sugatan din siya," nilingon ko si Jacob at nakita ko rin si Nadia na may sugat sa binti ngunit hindi naman ito malalim.

"ma..." bumalik ang tingin ko kay Rose at nahimigan ko agad ang gasgas na boses niya tila para bang may isang bato na nakabara sa kaniyang lalamunan.

"Rose... Anong nangyari?" saglit akong binalingan ng tingin ni Rose at ngumiti na para bang humihingi ng pasensya dahil sa kaniyang ginawa.

"anak," nagulat ako ng nakita ko si Felicia sa sahig na hinang hina. Ang matandang magic stealer ay lumipad na palayo kasama ang iba pang kauri niya. Ang nasa harapan namin ngayon ay si Felicia na mismo.

"ma!!" yinugyog ni Rose si Felicia kasunod ay ang pagyakap niya ng mahigpit dito. Tila ako'y hindi na mapigilan ang luhang kanina pa nagbabadya, kaya napatakip na lang ako sa bibig ko upang maitago ang labis na kalungkutan.

"nagawa mo.." hinawakan ni Felicia ang anak sa ulo neto, nakita ko ang pilit na pagngiti neto. Nakaramdam naman ako ng biglaang panlalambot sa aking puso kung kaya't mas lalo kong pinigilan ang sarili ko.

"ma, halika na ma ha dadalhin ka namin sa clinic.. Magagamot ka doon ma! Wait natin si Jacob ma ha? Huminga ka muna ng malalim.. Halika na ma," sunod sunod ang pagsasalita ni Rose at halata sa boses neto ang pagka takot dahil sa nangyari at bigla naman akong napatingin sa tiyan neto na patuloy pa rin ang pag agos ng dugo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mas nauna pa kong humagulgol kay Rose dahilan upang mapatingin si Felicia sa akin.

"Alice.. Nak.. I'm sorry," putol puto na sabi ni Felicia sa akin. Kaya sumeryoso ang tingin ko sa kaniya.

"these past few days hindi ko din alam kung bakit bigla bigla.. Na lang ako nakakaramdam ng sa..kit sa ulo, tapos..hindi ko namamalayan na nasa ibang lugar na ako," wika ni Felicia.

"ma naman.. Okay na ha, halika na wait na lang natin si Jacob," tatayo na sana si Rose ng bigla siyang higitin ng kaniyang ina.

"malaki ang pinsala na aking natamo sa aking tiyan kaya imposibleng mabuhay pa ako," pilit na ngiti ni Felicia at huminga muna ng malalim bago ulit magsalita para makakuha ng lakas.

"napag tagumpayan mo Rose, kung hindi pa ako nagkaganito lalo kayong mahihirapan sa misyon niyo. 'yon ang kasabihan ng matatanda sa atin, kung sino ang magtangkang magnakaw ng kwintas siya ang gagawing pain ng mga magic stealer, parang isang sumpa."

Nagkatinginan kami ni Rose dahil sa sinabi ni Felicia tila para bang parehas kami ng iniisip. Alam din ba niya? Nakita din ba niya 'yong panaginip ko kanina?

"hanapin niyo 'yong matandang pinuno ng mga magic stealer, sa kweba 'yon malapit dito sa gubat. Doon sila nagtatago, at sa oras mapatay niyo ang pinuno isa isa ding manghihina ang ibang mga magic stealer, sa pagkakataon na 'yon, doon niyo makukuha ang magic charm niyo," tuloy tuloy na sinabi ni Felicia. Kahit pa ganoon, nahimigan ko pa rin ang boses niyang nanghihina.

"patawad Alice.. Sa puntong 'to kailangan na naming magkita ni Tess at humingi ng tawad sa kaniya," ani Felicia.

"ma ano bang pinagsasabi mo?!" humagulgol na si Rose at yinugyog na niya ang kaniyang ina dahil sa hindi makapaniwala sa sinabi neto.

"Alice, pasensya na kung hindi lang ako naging makasarili noon hindi naman tayo aabot sa puntong 'to. Sanay maging matagumpay ang misyon niyo ng anak ko.. Patawad Alice.." nakita ko ang ngiting pilit sa kaniyang labi kasabay ang pagtulo ng luha niyang hindi maitatago ang sakit.

"patawad.." hindi ko na napigilan, humagulgol na din ako dahil s nangyayari, at kahit pa alisin ko sa aking isip wala na talagang pag asa mabuhay pa si Felicia. 'yong pagpapatawad maaaring hindi para sa taong nakasakit sayo, kundi para sa ikaluluwag ng kalooban mo. Isang pakiramdam na parang preso na nakalaya sa kulungan.

"anak, mahal na mahal ka ni mama. 'wag ka sanang magalit dahil sa mga ginawa ko bagkus sanay gawin mo 'tong aral para sa mga mangyayari pa sa hinaharap. Maging mabuti ka, 'wag kang tumulad sa nanay mong makasarili," ang huling salitang binanggit ni Felicia ay ang kasabay ng paghangin nang malakas at pagliparan ng mga ibon sa paligid. Ang boses ni Rose ay umalingawngaw dahil sa sigaw neto at patuloy na pag iyak. Tumingala ako sa langit, at pumikit kasabay ng pagpatak ng isang tubig sa aking braso kasunod ang malakas na pag ulan neto na may kasamang kulog at kidlat.

"ma!!!! Hindi pwede!!!" napatayo ako dahil sa gulat, ang boses ni Rose ay hindi ko maipaliwanag dahil nababalot ito ng misteryong hindi mo maaaring malaman dahil sa oras na humarang ka'y ikaw ay tuluyan ng magiging abo.

"Rose..." ang mga matang nakatitig sa akin na kanina ay punong puno ng galit, ngayon ay napalitan na ng pagsusumamo.

Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Rose sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na siya at agad sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi neto, at agad ding napalitan ng pagiyak ng malakas.

Ang akala ko'y pagbubuhatan ako ng kamay neto, hindi pala. Nanlaki ang mata ko sa biglaang pagyakap niya sa akin.

"Ngayon naiintindihan ko na kung gano kasakit mawalan ng mahal sa buhay," wika ni Rose. Sa mga oras na 'yon parehas na kaming umiiyak at basang basa sa ulan.

Sunod sunod ang pag kulog at kidlat, may puno pang natamaan ng kidlat mabuti ay malayo kami dito.

"iiyak mo lang hanggang sa gumaan na 'yong pakiramdam mo," wika ko. Nakaharap ako kay Felicia habang yakap ko si Rose, nagulat na lang ako nang onti unti siyang naging abo at nawala na parang bula.

"Rose! Si Felicia," bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin, hinanap din ng kaniyang mata si Felicia kung bakit nawala ito.

"ang magic stealer, at ang mga sinapian na neto ay mawawala ng parang bula sa oras na mamatay na sila."

Sabay kaming napalingon ni Rose sa likuran at nakita ko sil president, vice president kasama ang mga kasali sa misyon na ito. Si Nadia ay nanlaki ang mata, marahil nakita niya kanina si Felicia bago mawala.

"hindi ba't alam mo ang mangyayari bakit hindi mo sinabi sa amin?!!" nagulat na lamang ako ng makita kong papalapit na si Rose kay president Leonora pero bago pa ito makalapit ginamitan ko na siya ng aking mahikang tubig upang mapakalma dahilan para mapalibutan siya ng aking mahika.

"Alice!" sigaw ni Rose.

"kumalma ka hindi matutuwa si Felicia," wika ko.

"isa ka pa!" sigaw naman ni Rose pabalik.

"binalaan ko na kayo noon pa man na 'wag magpa dalos dalos sa kilos niyo. Ang sabi ko pahinain hindi patayin," wika ni president.

"nakikita ko ang hinaharap ngunit hindi ko mababago ito, kahit pa sabihin ko sa'yo ang mangyayari.. Wala pa rin, mangyayari at mangyayari pa rin 'yon,"

Nang mapakalma na namin si Rose, nagpasya na kaming bumalik sa academy. Naglalakad lang kami pabalik sila president ay nauna na dahil baka ano lang ang mangyari sa sitwasyon ni Rose ngayon.

"I'm here," hinawakan ko ang kamay ng katabi kong si Rose. At nakita ko ang mga mata niyang pagod at sobrang nasasaktan sa nangyari.

Sa pagtitig ko sa mga mata ni Rose nakita ko ang sarili ko, noong araw na nawala si mama at ako lang magisa. Sa kabila nang nangyari, mas pinili ko pa ding maging malakas. Strength is earned. Strength comes from enduring. Strength comes from being a weak person and then fighting against the world.