Chereads / The Bond of Magic / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Bukas na ang pag eensayo namin ng aming mahika na lahat ng estudyante ay magtitipon. Nagyaya si Nadia sa kanyang kwarto na kumain ng noodles, may dala din siyang beer. Hindi ko alam na pwede ang beer sa loob.

"pwede ba tong beer dito?" tanong ko sa kaniya na nagluluto ngayon ng noodles.

"shh, syempre hindi." laking gulat ko na bawal pala ito pero bakit may ganito siya.

"pero.. Bakit.. Ano to?" hindi ako sanay na gawin ang isang bagay na pinagbabawal.

"masyado ka namang anghel Alice, hindi kita ganyan nakilala nung kay Rose ha." natahimik ako sa sinabi niya. Hindi naman ganoon ang ugali ko e, kailangan ko lang ipakita yung pagiging mataray ko para hindi nanaman ako abusohin ni Rose.

"nagugutom na ko." paglihis ko sa usapan para mawala yung pagkailang ko.

"luto na." binaba niya ang mangkok na may noodles para makakain na kami.

Habang kumakain kami biglang pumasok sa isip ko si Edrian dahil nagtataka ako bakit parang minsan lang kung magpakita sa akin si Edrian.

"may problema ba?" bigla akong bumalik sa wisyo noong nagtanong si Nadia.

"ahh..wala." tanggi ko dito, at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain.

Alas singko pa lang ng madaling araw nagising na ako, dahil alas sais daw ng umaga ang ensayo. Sanay akong magising ng umaga dahil sa pagtitinda ko noon ng isda sa mundo ng mga tao.

"Alice!" bumukas ang pintuan at ang mukha ni Nadia ang bumungad sa akin.

"Nadia, aga mo din ah." naglagay ako ng kaunting pulbo sa aking mukha at lip gloss.

"syempre." nakasuot siya ng bistida at ako naman ay maong at T-shirt na itim.

"halika na." kinuha ko ang aking bag, at hinila na si Nadia.

Pumunta na kami sa garden kung saan gaganapin ang pageensayo. Kakaunti pa lang ang tao, mamaya maya ay dadami na rin ito. Wala pang kalahating oras nakita ko ng paparating si Jacob at may kasamang isang lalaki.

Si Rose naman ay nakabuntot dito, hindi ko akalaing magiging ganito si Rose na siya pa ang maghahabol sa isang lalaki. Napailing na lang ako.

Nagulat ako nang pumwesto sa tabi ko si Jacob, sa daming pwedeng pwestuhan bakit dito pa. Si Rose ay hindi nakasingit dahil katabi ni Jacob ang kasama niya. Bahagya akong natawa dahilan upang mapatingin si Jacob sa akin na seryoso. Agad kong itinikom ang aking bibig.

"maaari na kayong magumpisang mag ensayo, may pupuntahan lamang ako." may nagsalita sa harapan at ito siguro yung guro namin para sa subject na ito.

Umupo muna ako malapit sa ilog at naalala ko nanaman yung nangyari dito noong nakaraan kasama si Jacob. Huminga ako ng malalim dahil sa kahihiyan.

Naramdaman kong may umupo sa aking tabi at ito ay si Jacob. Nakatingin siya sa kawalan at ito'y pinagsawalang bahala ko na lang.

Nagulat ako sa pagtawa niya ng mahina kaya napatingin din ako sa kanya. Ang titig niya ay nakatuon sa ilog. Mukhang alam ko na kung bakit, sinimangutan ko na lang ito.

"Jacob ilipad mo naman ako." biglang sumulpot sa gitna si Rose at kumapit nanaman sa braso ni Jacob. Ako naman ngayon ang natawa dahil sa itsura ni Jacob na parang naiinis kay Rose at ito'y parang nagpipigil na lamang.

Lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa rin ang guro. Napansin kong parang galit si Rose at umaapoy na ang kanyang kamay. Itinutok ni Rose ang kanyang kamay sa mga puno at pinaulanan ito ng apoy, bigla aking napatayo at hindi na maawat ang sarili. Parang nababaliw ang itsura ni Rose at hindi ko malaman kung ano ang dahilan.

Lumapit ako upang tupukin ang apoy na ngayon ay sumisira sa mga puno, nawala ang iilan subalit patuloy pa rin itong sinisira ni Rose. Sa ginawa kong iyon, lalong nagalit si Rose dahilan upang ako'y kanyang lapitan. Naramdaman ko ang paglayo ng mga tao sa paligid at para bang nagaalala sila para sa akin.

"umeepal ka nanaman Alice!" pasigaw nitong sabi sa akin. Bago niya ilapat ang palad nya sa aking mukha na puno ng apoy, sinalo ko na to na may kasamang nagyeyelo sa aking kamay at pinalipit ko siya dahilan para siya ay mapatalikod sa akin. Halata sa kanya na nasasaktan dahil sa aking mahika samahan mo pa ng pagpalipit ko sa kanyang mga braso.

"hindi porke ganyan ang mahika mo, may karapatan ka ng manira sa paligid mo." tinulak ko ito at napaupo siya habang namimilipit.

Tumalikod ako sa kanya at naramdaman na parang may papalapit sa akin, ang mga tao sa paligid ay napahinga ng malalim. Humarap ako at agad kong itinapat ang aking mahikang tubig. Ang mahika ni Rose at aking mahika ngayon ay naglalaban. Kung sino ba ang magwawagi at sino ang matatalo, walang nagbalak na umawat sa amin dahil sila'y madadamay din. Pilit na pinapalakas ni Rose ang kanyang mahika ngunit hindi niya magawa. Napansin ko sa paligid na nakatitig ng seryoso si Nadia, Jacob at ang kasama netong lalaki.

"anong ginagawa niyo?! Itigil niyo yan!" parehas kaming napatigil ni Rose dahil sa lakas ng boses ng aming guro. Parehas kaming hinihingal

Natapos ang ensayo ng aming mahika at nagpahinga na dahil sa pagod, sa paglalakad ko ramdam ko pa din ang mga titig ng nasa paligid ko.

"Alice!" bumungad si Edrian

"oh, Ed hindi kita nakita kanina." napakamot na lamang siya ng kanyang ulo kaya nagtaka ako.

"kamusta naman practice?" paglihis niya sa usapan.

"as usual, gulo." natawa na lamang siya sa pagkibit balikat ko.

Kinahapunan nasa labas pa din ako at nagpapahangin kasama si Nadia, napansin kong parang dumidilim ang langit na parang nagbabadyang umulan.

Nakatingin sa akin si Nadia na tila ba parang may gustong itanong ngunit nagaalangan.

"baki?" tanong ko dito dahil kahit ako hindi mapalagay.

"kaano ano mo si Rose?" seryosong tanong nito sa akin. Ineexpect ko nang magtatanong siya tungkol doon sa nangyari kanina.

"magkakilala kami noong bata pa, sa hindi inaasahang pangyayari may ginawa siyang hindi ko matanggap." napahinga na lang ako ng malalim habang inaalala ang nakaraan.

Napansin ko ang lalong pagdilim ng kalangitan at mga ibon na itim na lumilipad na may parang usok sa kanilang katawan.

"ayan nanaman sila." tumingin sa langit si Nadia at huminga ng malalim.

"mga ibon ba to?" tanong ko dito.

Yumuko ito at tumingin sa akin "mga ibon na kayang tanggaling ang mahika mo." nagulat ako sa kanyang sinabi.

"kung ganoon bakit normal pa din ang mga tao dito?" tinignan ko ang paligid.

"hindi naman sila makakababa sa ngayon." sa ngayon? Tumingin ulit ako sa taas at umalis na ang mga ito kasabay ng pagliwanag nang kalangitan.

Napagpasyahan kong magikot ikot ulit sa gubat upang mawala ang pagod ko kaninang umaga sa pag eensayo.

Nahagip ng aking mata si Jacob na nakapamulsa at nakatingin sa kawalan. Dumako ang titig neto sa akin at lumapit.

"ayos ka lang ba kanina?" seryosong tanong neto sa akin.

"hindi ba dapat si Rose ang tinatanong mo niyan?" tama naman, dapat si Rose at hindi ako.

"ayos ka lang?" bakas sa muka neto ang pagaalala na dahilan upang ako ay magtaka. What's wrong with you Jacob?