Isang linggo na ang pamamalagi ko dito sa magic academy pero wala pa ding usad ang plano ko sa pagkuha ng kwintas ko. Kailangan ko ng mahabang pasensya pagdating dito, kung akala ko madali noon nagkakamali ako.
Sinabi sa akin kahapon ni Edrian na pwede kaming lumabas ng academy at magpunta sa gubat malapit dito. Pupuntahan ko ngayon para doon na lang mag ensayo ng aking mahika dahil baka mag agaw eksena nanaman ako dito sa loob. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganoong mahika kung gayon ay mas nauna silang mamalagi sa academy?
Nandito ako ngayon sa gubat upang gumamit ng mahika. May sumunod pa lang puting pusa sa akin. Binuhat ko ito at hinaplos ang ulo.
"papanuorin mo ako ha? Sabihin mo kung nagustuhan mo." ibinaba ko na ang pusa para makapagsimula.
Bumuo ako ng hugis bilog na tubig sa aking kamay at itinilapon sa paligid para mapaligiran ng yelo ang lugar. Naging yelo ito ay gumawa ako sa taas ng mga hugis patulis na kung sino ang magbabalak pumasok ay maaaring mamatay dahil bago pa sila pumasok patay na sila agad.
Pinakiramdaman ko ang aking paligid kung may paparating ba ngunit mga huni lang naman ng ibon ang aking naririnig pero may napansin kaagad ako, kakaiba ang tunog ng ibon na yun. Ito'y pinagsawalang bahala ko na lang.
Ang aking mata ay naging kulay puti at ang aking mga damit ay humahangin kasabay ng paghangin ng mga puno. Masarap sa balat ang hangin na aking nararamdaman.
Napansin ko ang pusang kanina pa naninigas dahil sa aking mahika. Nagulat ako sa itsura nito, kung kaya't inalis ko na ang yelo na nakapaligid sa akin. Mukhang mapapalapit ang loob ko dito sa pusa na ito.
Agad ko itong pinuntahan, at bahagya akong natawa na para ba siyang huminga ng malalim. Pusa ito, ngunit para siyang tao kung kumilos.
Hinaplos ko ang kanyang ulo simbolo ng aking paghingi nang pasensya dahil sa nangyari. Agad naman niyang idinikit ang kanyang ulo sa pisngi ko.
Nakaka gaan pala sa pakiramdam ang pagmumuni muni dito sa gubat, malayo sa mga mataong lugar at kaingayan. Magisa na lang ako dito ngayon at umalis na ang pusa, umupo ako sa tabing ilog at inisawsaw ko ang aking mga binti dito.
May mga nagsilapitang paro paro sa akin, iba't ibang mga kulay ang paru paro. Napaka ganda nitong pagmasdan para kang nasa isang fairytale na ikaw ay prinsesa. Itinaas ko ang aking isang daliri upang dito lumapit ang paru paro, nasiyahan ako sa aking nakita.
Ilang minuto akong nakaupo dito, pag lingon ko sa aking kanan nagtataka ako para bang may nakalutang na tao.ย Tumayo ako upang lapitan kung ano ito.
Isang tao? Isang taong nakalutang agad ko itong dinaluhan para iangat. Noong iniangat ko na nagulat ako sa kung sino ito. Jacob?
"ayos ka lang?" tanong ko sa kanya na hinihingal pa. Sa kaba ko, hiningal na din ako at mukhang ayos lang naman ang lagay niya.
"ikaw, ayos ka lang ba?" halata sa kanyang mukha ang pagpipigil sa pagtawa at nakangisi pa ito.
"mukhang okay ka lang naman, makaalis na nga." aalis na sana ako nang napansin ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking dibdib. Tinignan ko kung bakit siya napatingin dito.
Nagulat ako dahil bakat ang aking panloob. Tinakpan ko ang aking dibdib gamit ang mga braso ko. Basa na nga din pala ako dahil tubig ito.
Si Jacob ay nasa harapan ko na halata naman ang pagpipigil. Umalis na ako sa ilog at bago tumalikod, tinulak ko si Jacob gamit ang aking mahikang tubig dahil kulang na lang parang gusto na niyang sumabog dahil sa pagpipigil at tuluyan na kong tumalikod para umalis. Pervert!
Nasa canteen ako ngayon upang magtanghalian, nasaan kaya si Nadia?
"Alice mamayang alas dos magpunta ka daw sa office ni President Leonora." naupo si Nadia sa tabi ko na may dalang biscuit at juice.
"bakit daw?" tanong ko dito na kunwari hindi ko alam ang dahilan pero alam ko naman talaga. Tatanungin neto kung ano ba ang nangyari kahapon.
"hindi ko alam, bakit nga ba?" nag kibit balikat na lamang siya at ngumuso sabay kain sa kanyang biscuit.
Napansin ko ang pagpasok ni Jacob sa canteen at dumako ang aking tingin dito. Bumalik na siya sa dati niyang sarili na walang emosyon huminga ako ng malalim dahil akala ko seseryosohin niya iyong nangyari kanina. Subalit nagulat ako sa nakita, bigla itong ngumisi sa akin. Kinalabit ako ni Nadia gamit ang kanyang siko.
"anong meron?" tanong neto sa akin na panigurado ay nagulat din sa ginawa ng kanyang kapatid.
"ahh wala baka baliw?" natawa na lamang ako sa sinabi ko, dahilan para matawa din si Nadia. Masyado ba kong halata?
Ala una pa lang ng tanghali natapos kami sa pagkain, mamayang alas dos ay pupunta ako sa opisina ni president. Para saan naman kaya?
Bukas maguumpisa ang pageensayo ng aking mahika kasama ang ibang estudyante dahil may trainer para doon. Panigurado nandoon si Rose, gusto ko ng makita kung anong magiging reaksyon niya sa harap ng maraming tao.
Saktong alas dos nang napagpasyahan kong pumunta sa opisina ni president.ย Habang naglalakad sa hallway nakasalubong ko ang puting pusa, pumalupot nanaman ito sa aking binti na para bang gustong makipaglaro. Yumuko ako upang siya'y mahawakan.
"pupunta muna ako kay president." ngiti kong bati sa kanya. Biglang sumulpot sa aking harapan si Jacob.
"alam mo ba yang pusa na yan?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay.
"huh?" hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin tungkol sa pusa. Imbis na sagutin ako dumiretso na lamang siya sa paglalakad.
Pumasok ako sa loob ng opisina niya at nakita si president na seryoso itong nakaupo, ngumiti na lamang siya noong nakita niya ako.
"Alice." masiglang bati neto.
"pinapatawag niyo daw po ako." umupo ako sa pinaka malapit na upuan sa kanyang lamesa.
"hindi ko alam na mapapaaga ang pagdating mo dito." nakangiti pa din niyang sabi sa akin
"alam niyo pong darating ako?" nagtataka kong tanong, dahil mukhang may alam siya sa pagdating ko.
"yung nagbigay sayo ng mapa, si auntie na tumulong sa iyo upang makita ito." seryosong sabi niya. Agad kong naalala ang matandang tumulong at nagbigay sa akin ng mapa. Siya rin yung pinuntahan nila mama kasama si Felicia.
"alam niyo po ang tungkol sa kwintas na ninakaw ni Rose?" tanong ko dito na umaasang mayroon akong makukuha.
"oo." yun lamang ang sagot niya sa akin.
"huwag niyo munang ipaalam na ako ang nagmamayari sa isang kwintas na iyon, kahit kanino." nagulat siya sa aking sinabi.
"wala akong balak ipaalam." naging masaya na at maaliwalas ang kanyang mukha hindi katulad kaninang napaka seryoso.
"yung matandang tinatawag mong auntie, sino siya?" inatake nanaman ako ng aking kuryosidad.
"malalaman mo sa tamang panahon." kumindat na lamang ito sa akin na para bang galak na galak sa mga mangyayari pa sa susunod na mga araw."
Pagkatapos ng usapan namin sa opisina palabas na ako ng dormitoryo upang makalanghap ng simoy ng hangin. Nakita ko nanaman si Rose na naka buntot kay Jacob.
Gustong gusto niya ang taong yun? Bakit? Napailing na lamang ako sa naisip ko. Ang mata ko at ang mga matang ayokong titigan ay nagtagpo, seryoso ang tingin ni Jacob sa akin, habang si Rose ay kinakausap niya bagamat hindi niya ito pinapansin.
Bumaling na lamang ako sa kapaligiran upang hindi na kami magkatitigan. Ano bang meron?