Chereads / SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE / Chapter 4 - Chapter 4 - THE TRUTH HURT

Chapter 4 - Chapter 4 - THE TRUTH HURT

Magdamag na halos hindi nakatulog si Sophia. Inisip niya si Michael, inisip din niya na muntik na siyang mamatay, inisip din niya ang ginawang pagmamalasakit sa kanya ni Oliver na halata niyang labis itong nag-alala sa kanya.

Kinabukasan, hindi sinunod ni Sophia si Oliver na huwag na siyang pumasok. Pagkatapos nitong magluto ay maagang umalis upang pumasok sa trabaho. Nag-iwan lang ito ng note sa mesa para kay Oliver na kumain na ito at siya'y umalis na.

Pagkagising ni Oliver ay kaagad nagpunta sa kuwarto ni Sophia upang kamustahin ito at ng walang sumasagot sa katok niya ay nalaman niya na wala na ito ay nainis siya.

"Bahala ka sa buhay mo, matigas ang ulo mo," ang nasabi na lang ni Oliver.

Nagpunta si Oliver sa kusina upang kumain, nakita niya ang sinulat sa kapirasong papel ni Sophia.

"Pasulat sulat pa," ang sabi ni Oliver subali't sa totoo lang ay natutuwa ito.

"Hello!, boss Oliver, narito uli sa office si miss Isabelle, at gusto ka raw makausap tungkol sa ipagagawa niyang building, kasi daw hindi ka pa nagpupunta sa office niya."

"Okay, okay papunta na ako diyan sa office."

Sa Gosan Hotel

"Sophia, bakit ka kaagad pumasok eh hindi pa magaling ang paa mo."

"Okay lang ako, medyo nawawala na ang pamamaga dahil siguro sa ininom kong gamot."

"Anong sabi ng masungit na si Oliver?"

"Sabi niya huwag na daw muna akong pumasok ngayon, pero hindi ko siya sinunod, bakit ba, sino ba siya?"

"Sophia, alam mo nag-aalala ako dyan kay Oliver dahil sa mga ikinikilos niya. Napansin ko kasi na sobrang pag-aalala niya sa iyo ng muntik ka ng masagasaan. Iniisip ko tuloy na baka mahulog ang damdamin mo sa kanya. Alalahanin mo mayroon siyang katipan, si Celeste ang magandang modelo ng Forever Fashion Botique."

"Olivia, hinding hindi mangyayari iyon, kaya alisin mo sa isipan mo ang bagay na iyan."

"Okay, nagpapaalala lang ako sa iyo, ayaw ko na masaktan kang muli sa bandang huli, alam mo na may katipan na si Oliver, isang magandang modelo, si Celeste."

"Salamat, Olivia," ang naitugon na lang ni Sophia sa kaibigan.

Sa totoo lang ay unti unti ng nagkakaroon ng pitak si Oliver sa puso niya dahil sa mga pagmamalasakit na ipinakikita nito sa kanya. Subali't hindi niya ito hahayaang mangibabaw sa damdamin niya. Hindi siya magiging mang-aagaw, hindi siya kukuha ng isang bagay na hindi sa kanya. Ayaw niyang maulit ang pangyayari sa pagitan ng kinakapatid niyang si Vilma.

"Magnanakaw ka, bakit mo kinuha ang manika ko? Mang-aagaw!"

"Hindi ako magnanakaw, hindi ako mang-aagaw, hiniram ko lang ito."

"Magnanakaw ka, mang-aagaw ka!"

Mga gunitang hindi maalis sa isipan ni Sophia, na nagpapahirap sa kanyang dalahin.

Kinabukasan, nagpaalam si Sophia kay Oliver na pupunta siya sa airport dahil nabalitaan niya na darating si Michael.

"Iniwanan ka na ng boyfriend mo eh bakit habol ka pa rin ng habol sa kanya, ang cheap mo!"

"Mahal ko si Michael at puwede ba huwag mo na lang akong pakialaman?"

"Bahala ka na nga sa buhay mo!"

"Hindi ako uuwi dito mamaya, kina Olivia ako matutulog"

Nagpunta nga si Sophia sa airport at hindi niya alam na sinundan siya ni Oliver dahil nag-aalala ito sa kanya.

At tama ang kutob ni Oliver, kitang kita niya at nasaksihan ng dalawa niyang mata kung papaano naging kaawa-awa si Sophia.

"Michael!"

"Lumingon lang si Michael at ng makita siya ay parang hindi ito masaya na nagkita sila. Nilapitan ni Sophia si Michael, subali't may lumapit ding isang babaing buntis kay Michael at humawak ito sa braso ni Michael.

Halos mawalan ng lakas si Sophia, hindi siya makapagsalita, parang bumagsak sa kanya ang mundo at nadurog ang puso niya sa kanyang nakita. Gumaralgal ang boses ni Sophia ng ito'y magsalita.

"Michael, siya ba ang dahilan?"

"Oo, Sophia, siya si Adalyn, at sana naging malinaw na sa iyo kung bakit ako nakipag-break sa iyo."

"Michael, bakit tayo nagkaganito? Papaano na ang apat na taon nating pinagsamahan? Basta na lang ba mababalewala iyon?"

"I'm sorry, Sophia."

"Honey, sino siya?"

"Nevermind, tayo na."

At iniwan na ni Michael si Sophia, hindi makakilos sa kinatatayuan, parang babagsak ang katawan nito. Napakasakit malaman ang katotohanan, subali't ano ang kanyang magagawa, wala na... wala na.

"Michael! Michael!"

Mga tawag ni Sophia kay Michael, nagbabakasali pa rin na babalik ito sa tawag niya at yayakapin siya, hahalikan at sasabihing mahal siya nito. Pero walang Michael na bumalik hanggang maglaho na sila sa paningin ni Sophia. May mga nakikita si Sophia na mga naglalakad sa kanyang harapan, sa kanyang paligid subali't wala siyang nakikita dahil nilabo na ang mga mata niya ng mga luhang ayaw bumagsak mula sa mga mata niya.

Napaluhod siya at binibigkas pa rin ang pangalan ni Michael.

"Michael, Michael sana sinaksak mo na lang ang puso ko ng matalas na patalim, huwag lang ganito," ang umiiyak na sabi ni Sophia.

Nilapitan siya ni Oliver, at sa nakita niya hindi niya maiwasan na magalit ito kay Michael para kay Sophia, awang awang siya kay Sophia.

"Tumayo ka na nga diyan! Ewan ko ba kung bakit nagpapakatanga ka!" ang malakas na boses ni Oliver.

"Oliver, bakit niya ako ipinagpalit sa iba?" ang umiiyak pa ring tanong ni Sophia.

"Ano ang sabi ko sa iyo noon, kalimutan mo na siya pero ayaw mo pa rin!"

"Mahal ko kasi siya, Oliver"

"Tumayo ka na diyan, pinagtitinginan ka ng mga tao, pati sa akin masama ang tingin nila!"

Tumayo si Sophia, inalalayan ni Oliver, hindi na siya hysterical, inayos ang sarili, pinahid ang mga luha at saka lang siya nakapagslita ng maayos.

Parang hinang hina pa rin si Sophia, hirap kumilos, naawa si Oloiver at kinabig ito at isinubsob niya ang mukha ni Sophia sa dibdib niya. Habang humihikbi si Sophia sa dibdib ni Oliver ay may kakaibang nararamdaman si Oliver sa puso niya. Hindi pa rin niya maipaliwanag subali't dama niya unti unting pumapasok si Sophia sa puso niya.

"Bakit ba ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya eh ayaw na niya sa iyo?" ang mahinang sabi ni Oliver.

Medyo bumalik na sa kanyang sarili si Sophia, hindi na siya umiiyak kahit dama pa rin sa puso niya ang sakit ng katotohanan.

"Salamat, Oliver at sinundan mo ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang una kong iniisip kanina ay magpasagasa upang matapos na ito."

"Tayo na umuwi na tayo"

"Ikaw na lang ang umuwi, maglalakad lakad lang ako."

"Hindi kita puwedeng iwanan at talagang hindi kita iiwanan sa kalagayan mong iyan!" ang halos galit na sabi ni Oliver.

"Okay na ako Oliver, mauna ka ng umuwi darating si Celeste sa bahay, hahanapin ka niya."

"Bayaan mo siya, basta sasamahan kita, baka maisipan mong magpakamatay, ikaw rin mawawala ang tatlong milyon mo," ang biro ni Oliver.

"Natatawa naman ako sa iyo, ganito na nga ang kalagayan ko eh tatlong milyon pa ang pina-iisip mo sa akin," ang nakangiting tugon ni Sophia.

"Ayan ang gusto ko, ngingiti ka, kita mo napakaganda mo kapag nakangiti ka."

"Arayy! Bakit mo ako kinurot? Ang sakit noon ah!"

"Binobola mo kasi ako eh."

Teka ang maganda ay sumakay tayo ng kotse ko at doon tayo pumuntaq sa Roxas Blvd masarap maglakad doon.

Sa Roxas Blvd nga sila nakarating at naglakad lakad sa kahabaan, sa tabing dagat.

"Alam mo Oliver, noong bata pa ako ay pinagbintangan ako ng kinakapatid kong si Vilma na magnanakaw, mang-aagaw dahil hiniram ko ang manika niya ng walang paalam at dahil doon ay inaway niya ako. At ito ang nararamdaman ko ngayon, masakit pala ang inaagawan. Tama si Vilma sa bintang niya sa akin, hindi ko dapat kunin ang hindi sa akin dahil masakit sa pakiramdam."

Ano ka ba Sophia, nasabi mo na sa akin na hindi mo ninakaw kundi hiniram mo lang ang manika niya, hindi ba?"

"Kahit na, dahil doon ay nagdurusa pa rin ako hangga ngayon sa nagawa kong pagkakamali at alam ko hindi ako mapatatawad ng aking kinakapatid."

Habang naglalakad sila ay nakakita sila ng nagtitinda ng fishball.

"Oliver, gusto ko ng fishball."

"Ano ba? Para kang bata!"

"Sige na"

"Pagbilan ng dalawang fishball, mama."

"Alam mo Oliver, ganito kami ni Michael noon, para kaming mga bata, kapag may gusto kaming kainin, natutuwa kaming bumili ng street foods at masaya na kami ng ganoon. Maliit na bagay hindi ba? Pero iba ang naibibigay niyon sa pakiramdam. Ang babaw nga ng kaligayahan namin noon,"ang natatawang sabi ni Sophia.

"Talagang ganoon ang buhay dumarating sa atin ang iba't ibang kalungkutan na kung minsan ay hindi natin makayanan pero paglipas niyon ay pawang kaligayahan ang kapalit, tandaan mo iyan."

"Sa kalagayan ko kayang ito, Oliver, ay may kaligayahan pa kayang darating sa buhay ko?"

"Siguro, mas maganda ay iba na lang ang pag-usapan natin, iyon namang masaya."

"Ayun Oliver, sumali tayo sa mga batang naglalaro, sige na."

"Ha?"

"Oo, tayo na."

At hinatak ni Sophia si Oliver papunta sa mga bata.

"Mga bata, sali naman kami sa inyo."

"Sige, ate, kuya, sali kayo sa amin. Kayo ang taya, habulin ninyo kami at kapag naabutan ninyo kami ay kami naman ang tayo."

"Sige, takbo na kayo!"

"Hi! Hi! Hi! Habol kuya, habol ate!"

"Ha! Ha! Ha" Ang daya naman ninyo, porke mabibilis kayong tumakbo."

"Huli ka! O, paano kayo naman ang taya."

Anupa't sa kaunting sandaling iyon na nakasama nilang maglaro ang mga bata ay napawing lahat ang lungkot ni Sophia at maging si Oliver ay naging masaya rin.

"Napagod ako Oliver, maupo muna tayo."

"Ayos ah, naging masaya ako," ang sabi ni Oliver na humihingal pa.

"Hayy! Ang sarap mahiga sa damuhan, higa ka Oliver."

"Ayoko nga ang dumi dumi pahihigain mo ako."

Dahil ayw ni Oliver, ang ginawa ni Sophia ay hinatak ang damit ni Oliver sa likod at ito'y napahiga."

"Ano ba?"

"Ha! Ha! Ha! Ikaw ang taong ang hirap pasunurin."

Dahil sa tawa ni Sophia ay nahawa na ring tumawa si Oliver.

"Masaya pala ang ganito na paminsan minsan ay nakakawala tayo, sabihin natin sa magandang salita na paminsan minsan ay nagwawala tayo, hindi ba, Sophia?"

"Ha! Ha! Ha! Tama ngang sabihin mo iyan kasi ikaw ang taong laging nagwawala."

"Eh, kung sinasabunutan kaya kita!"

"Subukan mo lang."

"Masaya ako," sabi niOliver.

"Ako rin, ang sarap balikan ang nakaraan ng aking kamusmusan, masayang nakikipaglaro sa kapwa ko bata," ang sabi ni Sophia.

"Salamat, Sophia"

"Saan?"

"Dahil sa iyo ay naranasan ko kahit sandali kung papaano maging masaya na kalaro ang mga bata. Alam mo, noong bata pa ako ay hindi ko naranasan ang makipaglaro sa kapwa bata. Parang takot akong makipaglaro sa kanila kasi laging wala ang mama ko, walang gumagabay sa akin, laging abala ang mama ko sa kanyang trabaho, hindi ko siya madalas makasama, matutulog ako wala pa siya, paggising ko ipaghahanda lang niya ako ng pagkain at pagkatapos ay aalis na. Laging ganoon ang takbo ng buhay ko noon. Kaya ng lumaki na ako at nakatapos na ng pag-aaral ay bigla na siyang nawala, nagpunta ng states, iniwan niya ako, kaya galit ako sa mama ko, ayaw ko na siyang makita."

Habang nag-uusap ang dalawa ay nag-ring ang cellphone ni Oliver.

"Oliver, nag-ring ang cellphone mo, sagutin mo na tiyak si Celeste ang tumatawag."

"Hello! Oliver, nasaan ka? Nandito ako sa bahay mo."

"Ah, mamaya pa ako uuwi, may meeting pa ako."

"Si Sophia, wala dito."

"Sabi niya kina Olivia daw siya matutulog ngayon."

"Ganoon ba? Sige uuwi na lang ako, ingat ka, I love you."

"Bakit ka nagsinungaling sa kanya?"

"Ayaw ko lang na pag-isipan niya tayo ng hindi maganda, kahit alam niya na paminsan minsan ay dapat tayong lumalabas na dalawa at iyon ang nasa kontrata natin, hindi ba?"

"Nakatatawa ano?"

"Ang alin?"

"Kasi ako habol ng habol sa boyfriend ko samantalang ikaw ay umiiwas sa girlfreind mo."

"Hindi ha! Ayaw ko lang sumama ang loob niya sa akin kaya hindi ko masabi na magkasama tayo dahil siyempre baka magselos siya sa iyo."

"Hayy! Ang tagal pa"

"Alin ang matagal pa?"

"Na matapos ang ating kasunduan para sa gayon ay babayaran mo na ako at magtatayo na ako ng sarili kong restaurant."

Sa sinabi ni Sophia ay parang nabingi si Oliver, kasa sa totoo lang gusto niyang kasama si Sophia, naaaliw siya kapag si Sophia ang kasama niya, kaya malulungkot siya kapag tapos na ang kanilang kontrata.

"Hello! Boss Oliver, tumawag si Mr.Javier at ipinapaalala ang gagawin mong turnover sa kanya sa isang linggo ng ipinagagawa niya," ang tawag ni Liam.

"O, eh, anong problema?"

"Kasi boss, umalis na sina Mr. Chua dahil mahirap ka raw pakisamahan."

"Ano?"

"Oo, bosing, kaya malaking problema ito, baka hindi mo matupad ang pangako mo kay Mr. Javier."

"Okay, bukas na bukas din maaga nating puntahan ang site."

"Anong problema?"ang nababahalang tanong ni Sophia.

"Nilayasan ako ng mga trabahador kung kailangan pa namang matapos kaagad ang project para sa turn-over nito sa isang linggo."

"Puwede ba akong sumama bukas baka may maitutulong ako," ang sabi ni Sophia na nag-aalala din sa nangyari.

"Huwag na, wala kang maitutulong doon."

"Hoy! mister Oliver, baka nakalimutan mo ang nasa kasunduan na magtutulungan tayo?"

"Oo, pero personal ko itong problema at walang kinalaman sa pagpapanggap natin."

"Basta sasama ako."

"Huwag ka ngang mapilit!" ang medyo malakas na boses ni Oliver.

"Huwag ka ngang sumigaw, hindi ako bingi!"

"Sorry na, ikaw kasi makulit, Okay, sige sumama ka kung gusto mo."

Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa site na sina Oliver. At nakita nila na hindi pa tapos ang isang kuwarto at maging ang reception area. Kinakailangang pinturahan pa ang mga cabinet.

"Isinubo ako ni Mr. Chua, akala niya sila lang ang puwedeng magtrabaho dito, puro palpak naman ang mga gawa. Kaya ako nagagalit sa kanila, ayaw nilang sundin kung ano ang nasa plano."

"Ikaw kasi eh," ang sabi ni Sophia.

"Anong ako kasi?"

"Dapat mo silang kausapin ng maayos, lagi ka kasing galit kapag may mali sa plano."

"Ang gusto ko kasi ay ayusin nila ang pagtatrabaho dahil pangalan ko ang masisira dito at hindi sila!"

"Nandoon na ako pero mga tao rin sila na nagdaramdam kapag tinatrato sila na parang hindi tao, kung may gusto kang ipaayos sa kianila ay sabihin mo sa maayos na pananalita."

"Liam, tena aalis tayo."

"Saan tayo pupunta, boss?"

"Saan pa, eh di maghahanap ng trabahador para pumalit sa kanila."

"Sana makakita tayo, kasi marami na rin akong tinawagan kontratista pero kapag nalaman na sa iyo magtatrabaho ay kaagad umaayaw. Pero, sige kumausap pa rin tayo at baka mayroong pumayag."

Naghanap nga sila subali't nabigo rin sila kaya umuwi na lang sila.

"Oliver, kina Olivia mo ako ihatid, iwanan mo na lang ako doon dahil may kakausapin akong kontratista bukas. Naalala ko kasi iyong calling card na ipinatago ko kay Olivia na ibinigay sa akin ng asawa ng kontratista.na iniligtas ko ang kanilang anak, natatandaan mo?"

"Kay Olivia mo ba ipinatago?"

"Oo, at sana hindi niya iniwala iyon."

Kinabukasan, si Sophia ay maagang umalis upang puntahan ang kontratista. Tinawagan muna niya ito at hindi naman siya nabigo na makausap ito.

"Hello po, Mr. Chua, si Sophia po ito iyong nagligtas sa inyong anak noon."

"Naku, miss Sophia, matagal ko na kayong hinihintay na tumawag dahil gusto kong magpasalamat sa ginawa ninyo na pagliligtas sa aking anak. Saan ba kita puwedeng puntahan dahil gusto kong magpasalamat ng personal sa iyo."

"Huwag na po, akio na lang ang pupunta sa inyo."

"Hindi ba nakahihiya sa inyo?"

"Naku hindi po, narito naman ang address ninyo sa calling card, puntahan ko po kayo kasi may hihingin po ako sa inyong pabor."

"O sige, bahala ka, maghihintay ako dito at hindi ako aalis, bagama't may lalakarin sana ako."

"Salamat po, Mr. Chua."

Nang magkita ang dalawa

"Oliver ba kamo ang gusto mong tulungan ko? Iyong masungit na architectural engineer?"

"Opo, kaibigan kio po siya, ay hindi po pala, katipan ko po siya at gusto kong tulungan siya."

"Miss Sophia, baka naman kung puwede ay iba na lang ang hingin ninyong tulong sa akin, ayoko na makatrabaho ang boyfriend mong masunigit, kaya nga umalis kami sa kanya eh."

"Mr.Chua, please po tulungan ninyo ako. Sabi ng misis ninyo gusto niyang bumawi sa ginawa kong pagliligtas sa anak ninyo, sige na po."

"Sige, payag na akong makatrabaho siyang muli pero sa isang kondisyon na tutulong din siya sa pagtatrabaho doon, magiging trabahador din siya at magiging mabait siya sa amin."

"Naku, Mr. Chua, marami pong salamat ang bait bait po pala ninyo."

"Kung hindi lang sa iyo miss Sophia ay talagang hindi na kami babalik sa masungit mong boyfriend."

"Papaano po Mr. Chua, magkita na lang po tayo bukas sa site kasama ng mga tauhan po ninyo."

"Maaasahan mo iha dahil may isa akong salita."

Pagkatapos kausapin ni Sophia si Mr. Chua ay nagtuloy na ito sa Gosan Hotel.

"Bakit ka na late, Sophia, kanina ka pa hinahanap ni manager."

"Galit ba siya?"

"Hindi, kasi sinabi ko medyo masakit pa ang paa mo dahil sa aksidente."

"Salamat, Olivia, talagang maaasahan kita. Teka tawagan ko muna si Oliver at may pag-uusapan kaming mahalagang bagay."

"Okay, iwanan na kita at tuloy sabihin ko kay manager na dumating ka rin kahit masakit ang paa mo."

"Hello! Oliver, puwede ka bang pumunta dito sa Gosan Hotel?"

"Bakit?"

"Nakausap ko kasi si Mr. Chua at payag siyang bumalik sa site, kaya pumunta ka dito mamya at may pag-uusapan tayo tungkol sa project mo at tuloy pakainin mo ako ng masarap."

"Papaano mo siya nakausap?"

"Hindi ba nasabi ko sa iyo na may ibinigay sa aking calling card iyong misis niya at nakalagay sa calling card ang pangalang Francisco Chua, at ng tawagan ko ay siya pala ang umalis mong kontratista, si Mr. Chua."

"Sino? Iyong walang alam na kontratista?"

"Hayan ka na naman eh, kaya ka iniiwanan ng mga trabahador mo sobra kang masungit at may pagkamayabang. Alisin mo nga ang ugali mong iyan!" ang medyo matigas na pananalita ni Sophia.

"Sige, paglabas ko dito sa office ay punta ako diyan."

Bago pa mag-uwian sina Sophia ay dumating na si Oliver sa Gosan Hotel.

"O, ano kamo ang mahalaga nating pag-uusapan?"

"Teka, gusto mo bang bumalik si Mr. Chua o ayaw mo? Ikaw din, alalahanin mo wala kang makuhang trabahador at isa pa kailangang mai-turnover na ang project mo sa isang linggo."

Walang choice si Oliver kaya pumayag na rin siya at sinabi niya kay Oliver ang mga kundisyon na gusto ni Mr. Chua.

Kinabukasan, maaga pa ay nasa site na sina Oliver at Sophia. Inabutan na nila sina Mr. Chua na nag-aayos ng kanilang mga gagamitin.

"Mr. Oliver, bumalik kami dahil sa mabait at maganda mong katipan, kaya inaasahan ko na malinaw na sa iyo ang mga kondisyon na sinabi sa iyo ni miss Sophia."

"Katipan? Ah, opo Mr. Chua."

"O, mga bata narinig ninyo? Sige kilos na kaagad at tatapusin natin ito kaagad. Ikaw din sir Oliver, kilos na para matapos na natin itong project mo."

"Okay, sige kikilos na ako, alin ba dito ang mga bubuhatin?"