Chereads / SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE / Chapter 9 - Chapter 9 CRAZY ON YOU

Chapter 9 - Chapter 9 CRAZY ON YOU

Hindi nga nagkabula ang hinala ni Olivia. Isang araw ay dumating si Oliver sa Gosan Hotel at hinanap siya nito.

"Olivia, wala ka pa bang balita kay Sophia? Pakiusap Olivia, sabihin mo naman sa akin sige na."

Ang pakiusap ni Oliver ay totoong damang dama ni Olivia kung gaano ito kasigasig na malaman kung nasaan si Sophia.

"Oliver, may ipagtatapat ako sa iyo pero kapag nagkita kayo ni Sophia ay huwag mo na lang sabihin ang mga sasabihin ko sa iyo, ha? Kasi ayaw na niyang ipaalam sa iyo na nagkita at nagkausap kami."

"Oo, promise!"

"Nagtapat siya sa akin na natutuhan ka na niyang mahalin at hangga ngayon ikaw pa rin sa puso niya."

"Totoo ba ang sinasabi mo, Olivia?"

"Oo naman, at hindi ako marunong magsinungaling!"

"Pero, saan ko siya makikita ngayon? Sige na!"

"Ay, oo nga pala ano ba ito at hindi ko naitanong kung saan siya nagtatrabaho o tumutuloy. Kasi ang napag-usapan namin ay tungkol sa mga problema na kanyang pinagdaanan, nawala naman sa isip ko na itanong. Pero huwag kang mag-alala at tatawag uli iyon sa akin. Mabuti pa ibigay mo ang contact number mo at kaaagad kitang tatawagan."

"Salamat, Olivia, gumaan ang loob ko sa mga ipinagtapat mo, tatawagin din kita."

"Sige, bahala ka."

Umuwi si Oliver na masaya, nawala ang kanyang pangamba sa kung ano na ang kalagayan ni Sophia. Kaya pagsisikapan niya na makita ito.

Samantala, abalang abala sina Celeste at Ricky sa gagawin nilang pagpapakasal. Nakahanda na ang lahat. Nagpadala na sila ng invitation sa mga kaibigan at kakilala. Pinadalhan din si Sophia at Oliver. Kaya kung dadalo ang dalawa ay tiyak na magkikita sila sa kasalan.

Nang matanggap ni Oliver ang invitation ay nasabi na lang niya sa sarili na "hangad ko ang inyong kaligayahang dalawa" ang medyo malungkot ding nasabi ni Oliver dahil sa sarili niya ay hindi pa niya nakikita ang babaing kanyang pakakasalan, si Sophia.

Sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Sophia

"Sophia, may nagpadala sa iyo ng invitation sa kasal," ang sabi ni Dexter na iniaabot dito ang invitation.

At ng buksan ni Sophia ang invitation nila Celeste at Ricky ay tulad ni Oliver nasabi na lang sa sarili niya na "buti pa sila ikakasal na, sana maging maligaya sila" na nagpaalala sa kanya kay Michael. Magpapakasal na sana sila subali't hindi natuloy.

Dumating ang araw ng kasalan, marami ng mga panauhin ang nag-aabang sa simbahan. Sabik ng makita ang mga ikakasal. Marami ring mga kapwa artista ang dumating at gustong masaksihan ang kasal ng dalawa.

Nasa loob na ng simbahan si Ricky, hinihintay ang pagdating ni Celeste, subali't tumagal na ng kalahating oras ay wala pang Celeste na dumarating.

Biglang nagkagulo sa bungad ng pintuan ng simbahan. Lumabas si Ricky upang alamin at sinalubong siya ng sugatang driver na sumundo kay Celeste na may tama ng baril sa balikat.

"Anong nangyari, nasaan si Celeste?" ang matigas na tanong ni Ricky.

"Boss, hinarang kami ng mga armadong kalalakihan at sapilitang kinuha si miss Celeste. Tumakbo ako kaya binaril nila ako at tinamaan ako sa balikat.

Nagulo sa kasalan, may tumawag sa 911 kaya nagdatingan kaagad ang mga pulis. Inalam sa driver ang mga detalye, kulay ng sasakyan, plate number, direksyong tinungo ng mga kriminal. Ng makuha ang detalye ay tinawagan ang lahat ng police car at inalerto ang mga ito.

"Attention, may kinidnap na babae, pula ang kotse, plate no. 827, patungong norte. Lahat ng exit point maging alerto kayo, code 126"

"Roger"

Isa sa mga exit point na daraanan ng mga kumidnap ay doon sila dadaan.

"Boss, may mga pulis."

"Sige ihinto mo sa tabi at bababa tayo. Tatawirin natin ang bukid na iyan para makalayo tayo at saka ko tatawagan si boss Albert."

"Hoy! ikaw miss, huwag kang sisigaw at babarilin kita."

Dahil sa takot ni Celeste ay tahimik itong sumunod.

"Huwag kayong magpapahalata, sige lakad lang ng marahan at kapag medyo malayo na tayo bibilisan na natin ang paglakad."

"Huwag kayong matakot hindi sila magpapaputok, may kasama tayong babae."

"Tatawagan ko na si boss Albert."

"Okay"

"Boss Albert, hindi kami makadaan sa check point, kaya nilakad namin itong bukid, abangan mo na lang kami sa kabilang hi-way."

"Okay, sasalubungin ko kayo doon"

Subali't namataan ng isang pulis ang nakahintong pulang kotse kaya naalarma sila. Pinuntahan nila subali't walang sakay at ng tumingin sa paligid ay nakita ang grupo ng mga kumidnap na nasa gitna na ng bukid.

"Sir, huyun sila at kasama ang babae."

Kaagad nag-radyo ang pinuno ng mga pulis.

"Attention, 127... 127"

"Roger"

Ilang sagli't pa ay nagdatingan na ang ibang mga police car.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga pulis at tinugis ang mga kriminal.

"Boss Albert, nakita nila kami at tinutugis na nila kami."

"Bitiwan ninyo ako, mga walanghiya kayo!" ang sabi ni Celeste na patuloy na nagwawala.

"Tumigil ka sabi eh, gusto mong barilin na kita?"

"Easy ka lang pare."

"Hello! Nasaan na kayo?"

"Malapit na kami sa kabilang hi-way, boss."

"Okay, malapit na rin ako," ang sabi ni Albert.

Dumating si Oliver sa simbahan at laking gulat niya sa kanyang nadatnan.

"Oliver, kinidnap si Celeste!"

"Ano? Sakay na Ricky, sundan natin!"

At mabilis na pinatakbo ni Oliver ang kotse patungo sa direksyon na ibinigay ng driver.

"Kinakabahan ako Oliver!"

"Huwag kang kabahan, relaks lang. Sino sa palagay mo ang gagawa noon kay Celeste?"

"Isa lang ang pinaghihinalaan ko, si Albert."

"Si Albert?"

"Oo, ang binigong masugid na mangliligaw ni Celeste. Isa siya sa mga production crew namin."

"Ayun, Oliver, maraming nakahintong polica car sa checkpoint."

"Sana nahuli nila ang mga kumidnap."

Nagmamadaling bumaba ang dalawa sa kotse

"Sir, ano na po ang nangyari? Nasaan na sila?"

"Ikaw ba ang lalaking pakakasalan ng babaing kinidnap?"

"Opo"

"Kasalukuyang tinutugis pa ng mga tauhan namin. Huwag kang mag-alala at mahuhuli natin sila, buhay man o patay kapag sila'y lumaban. Maililigtas natin ang katipan mo."

"Salamat po, maraming salamat po."

"Ipanatag mo ang kalooban mo Ricky, makaliligtas si Celeste, umasa kang maaagaw siya sa mga kumidnap."

Inabutan ng mga pulis ang mga kumidnap.

"SUMUKO NA KAYO, NAPAPALIGIRAN NA NAMIN KAYO!!" ang boses na lumabas sa megaphone ng mga pulis.

"Boss Albert, napapaligiran na kami ng mga pulis na humabol sa amin."

"Makinig kayo, isa sa inyo ang magdala sa babae sa akin sa kabilang hi-way at harangin ninyo ang mga pulis."

"Okay boss"

"Ikaw, tayo na, itatakas kita!"

"Bitiwan mo ako, hayop ka!" ang galit na galit na sabi ni Celeste."

Nang malayo na ang isang tumakas na may dala kay Celeste ay pinaputukan ng mga kriminal ang mga pulis, kaya gumanti sila ng putok at tatlo kaagad ang patay. Sumuko ang isa sa mga pulis.

"Ikaw! Sino ang nag-utos sa inyo na kidnapin ang babae?"

"Narinig ko lang sa usapan nila na Albert po ang pangalan."

"Dalhin ito at tugisin iyong nagtakas sa babae."

"Yes, boss"

"Sige lakad, mabubulok ka sa bilangguan."

Patuloy pa rin sa pagtakas ang isa na tangay si Celeste.

"Boss Albert, asan ka na?"

"Diretso lang, naghihitay ako dito. Ang babae, dala mo ba?"

"Yes, boss"

"Good, bilisan mo!"

"TUMIGIL KA, KUNG HINDI MAGPAPAPUTOK KAMI!!" ang babalang lumabas sa megaphone ng mga pulis.

"Boss Albert, inabutan nila kami, wala na akong magagawa, susuko na ako."

"Buwisit!"

"HUWAG KAYONG MAGPAPAPUTOK, SUSUKO NA AKO!" ang sigaw ng nagtakas kay Celeste.

"IBABA MO ANG BARIL MO AT DUMAPA KA!"

Nabawi si Celeste ng mga pulis, subali't nakatakas si Albert, ang mastermind.

Muling nag-radio ang team leader na tugisin ang tumakas na mastermind.

Ganoon na lang ang tuwa nina Ricky at Oliver ng mabawi si Celeste.

"Ricky!"

Buong higpit na nagyakap ang dalawa.

"Celeste, mabuti at walang nangyari sa iyong masama, sobra ang pag-aalala ko sa iyo."

"Oliver, salamat sa tulong mo, mabuti at dumating ka sa simbahan at nasundan natin sila, kung hindi labis akong mag-aalala hanggat hindi ko nakikita na ligtas si Celeste."

"Walang anuman iyon."

"Oliver, nagkita ba kayo ni Sophia sa simbahan?"

"Bakit?"

"Inimbita namin siya at tiyak na darating iyon."

"Ha? Saan ninyo siya nakita?"

"Doon sa restaurant na kinainan namin ni Ricky, doon siya nagtatrabaho. Nagulat siya dahil noon lang niya nalaman na break na tayo."

"Anong sabi niya sa inyo?"

"Wala kaming maraming napag-usapan, kinumusta ka lang niya sa amin."

Naayos ang nangyaring gulo sa gagawin sanang kasalan ni Ricky at Celeste, kaya itinakda na lang ng ibang araw ang kasalan.

Walang sinayang na sandali si Oliver at pinuntahan ang restaurant na pinagtatrabahuhan ni Sophia, subali't nakabakasyon si Sophia ng isang linggo upang dalawin ang puntod ng kanyang ina sa probinsya.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Oliver, kaagad na sinundan si Sophia sa probinsya. Nagtuloy siya sa restaurant na kung saan nagtrabaho si Sophia.

"George, may nagtatanong tungkiol kay Sophia kung alammo daw ang dating tinutuluyan nito?"

"Sandali lang, lalabas na ako."

"George, ako si Oliver, ang kasintahan ni Sophia, saan ko siya puwedeng matagpuan?"

"Ang alam ko may iba ng nakatira sa dati niyang inuupahan."

"Kasi bumalik daw siya dito upang dalawin ang puntod ng kanyang ina."

"Ah, ganoon ba? Kung gayon baka naroon siya sa libingang bayan, malapit lang iyon dito, puwede mong lakarin."

"Maraming salamat"

Bigo si Oliver na makita si Sophia, kaya nagpasya ito na umuwi na lamang.

"Ano ba ito, mababaliw na yata ako sa paghahanp sa babaing iyon!" ang bulong ni Oliver sa kanyang sarili.

Nakabalik na muli ng Maynila si Oliver at nagpalipas pa muna ito ng isang linggo bago muling puntahan si Sophia sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya.

"Siguro naman sa loob ng isang linggo ay tapos na ang bakasyon niya," ang naisip ni Oliver.

"Hello! Boss Oliver, papasok ka ba ngayon? Kasi marami ng mga kliyente ang gusto kang makausap. Marami na nga akong nagawang plano at kailangan na lang ang approval mo para masimulan na."

"Okay, sige papasok ako bukas."

"Dapat naman boss, kung hindi sisisantihin na kita," ang sabi ni Liam.

"Luko-luko"

"Ha! Ha! Ha! Basta boss pumasok ka na, miss na miss na kita eh."

"Sira! Kumusta nga pala si miss Isabelle, nagpupunta pa ba diyan?"

"Oo, bosing, papatayin ka na raw niya kapag hindi ka pa nagpakita. Bakit ba ikaw ang hinahanap niya eh narito naman ako, magkamukha naman tayo."

"Oo na, matigil ka na lang."

Kinabukasan sa upisina ni Oliver

"Liam, ito ba ang planong ginawa mo para sa Boracay?"

"Oo, tumawag na nga ang Boracay at nagtatanong kung kailandaw natinuumpisahan."

"Sige, schedule mo next week at kontakin mo kaagad si Mr. Chua na maghanda sila."

"Okay"

Habang tinitingnan pa ni Oliver ang ibang mga plano ay dumating si miss Isabelle.

"Hayy! sa wakas nagkita rin tayo mister Pogi."

"Ikaw pala, miss isabelle, maupo ka atpag-usapan nating iyong ipagagawa mo."

"Liam, akina nga iyong plano ni miss Isabelle."

"Kumusta ka na Oliver, bakit ang tagal mo yatang nagbakasyon?"

"Kasi dumating ang mother ko at inalagaan ko sa ospital dahil sa sakit na cancer at hindi rin siya nabuhay ng matagal."

"Ganoon ba? Nakikiramay ako."

"Salamat"

"Baka maumpisahan ang project ng sa iyo sa isang buwan, okay na ba iyon?"

Tumayo si miss Isabelle at lumapit kay Oliver. Inilagay ang kanang palad nito sa dibdib ni Oliver.

"Sige, aasahan ko iyan, aalis na ako."

Nang nakaalis na si miss Isabelle

"Boss, nakita ko iyon ha, ano ang naramdaman mo?"

"Gawin mo na nga iyang trabaho mo, aalis muna ako."

"Boss, ngayon ka lang nagpunta ng office eh aalis ka na naman?"

"Sandali lang ako, babalik ako kaagad. Natawagan mo na ba si Mr. Chua?"

"Oo, at ihahanda na raw niya ang mga tauhan niya."

"Okay"

Nagpuntang muli si Oliver sa restaurant, nag-order ng pagkain.

"Pakidala nga ito sa table 12."

"Opo, ma'am Sophia."

"Sir, order nyo po"

"Salamat"

"Eh, Sir, meron pa po ba kayong oorderin?"

"Wala na, teka nandyan ba si Sophia?"

"Opo"

"Pakisabi may naghahanap sa kanya"

"Sige po"

"Sir, hinahanap daw po ninyo ako?"

"Hindi ikaw, si Sophia ang hinahanap ko!" ang medyo inis na sabi ni Oliver.

"Ako nga po si Sophia. Teka baka po si ma'am Sophia ang hanap ninyo sandali lang po, ano po ang pangalan na sasabihin ko?"

"Sabihin mo Oliver!"

Nang makalyo na ang inutusan

"Ang suplado naman ng customer na iyon akala mo kung sino," ang nasabi na lang sa sarili nito.

"Ate Sophia, gusto ka raw makausap ng supladong customer sa table 12."

"Sino daw siya?"

"Oliver daw ang pangalan."

Natawa si Sophia dahil alam na niya na may pagka-suplado nga ang nagpatawag na customer sa kanya.

"Hoy! Bakit mo daw ako gustong makausap?" ang nakatawang tanong ni Sophia.

"Sophia, nakuuu! parang gusto kitang sabunutan sa totoo lang."

"O, iyang madulat mong mga mata, baka mapuwing ka!"

Sa totoo lang ay gusto ng yakapin ni Oliver si Sophia dahil sa tuwa ng makita niya ito dahil sa wakas natagpuan din niya ito sa kabila ng dinanas niyang hirap, kaya lang madaming tao.

"Sophia, alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa paghahanap sa iyo? Para ng mababaliw ako, alam moba iyon? Ha?"

"Puwede ba hinaan mo iyang boses mo?" ang nakangiting sabi ni Sophia.

"Okay, sige, pero bigyan mo muna ako ng mainit na sabaw at lumamig na itong pagkain ko."

"Sabaw?"

"Oo, sabaw iyong mainit."

"Okay"

Ilang sandali pa at dumating si Sophia na may dalang mainit na sabaw, at ng malapit na ito kay Oliver:

"O, dahan dahan at baka tapunan mo na naman ako!"

"Ha! Ha! Ha!"

"Bakit ka natawa?"

"Wala, may naalala lang ako. Eh, sir Oliver kung wala ka ng kailangan ay babalik na ako sa trabaho ko."

"Maupo ka dito at mag-uusap tayo."

"Bawal sa amin, hindi naman ito beerhouse."

"O, sige maghihintay ako ng uwian mo!"

Tinitigan muna ni Sophia si Oliver at bago umalis:

"OIiver, alam mo?"

"Bakit? Ano iyon!"

"Tulad ka pa rin ng dati na kapag nagagalit, lalo kang pumopogi."

"Huwag mo akong bolahin at mamaya, sasabunutan kita sa laki ng hirap ko sa iyo!"

Bumalik sa ginagawa niya si Sophia na masayang masaya ito dahil nagkausap na sila ng lalaking mahal niya. At lalo pang nalapit si Oliver sa puso niya ng malaman niyang hindi nagkatuluyan silang dalawa ni Celeste. Kung si Oliver talaga ang kapalaran niya ay hindi na siya mapagbibintangang mang-aagaw ng hindi kanya.

"Ate Sophia, bakit nakangiti ka? Hindi ka ba pinagsupladuhan ng customer na iyon?"

"Hindi, kasi nagandahan sa akin," ang nakangiting biro ni Sophia.

"Bakit? Maganda rin naman ako ah, at Sophia rin ang panglan ko, bakit niya ako pinagsupladuhan?"

Nagkatawanan na lang silang dalawa.

"Ate Sophia, hinihintay ka na ng supladong pogi. Teka ate, ano mo ba siya at parang closed yata kayo?"

"Siya iyong dati naming driver."

"Driver? Pero ang ganda ng kotse niya, tumama ba siya sa lotto?"

"Joke lang iyon, sige aalis na ako."

"Sakay na!"

"Saan mo ako dadalhin?"

"Sa bahay ko, saan pa?"

"Ayoko nga, tapos na ang kontrata natin."

"O, sige, ihatid na lang kita sa tinutuluyan mo."

"Huwag muna, maaga pa, gusto kong magpahangin mun at lakarin ang Roxas Blvd."

"Dating gawi, ha?"

"Oo, doon ako laging nagpupunta kapag nalulungkot ako. Tinatanaw ko ang lawak ng dagat, nasisiyahan na ako ng gayon dahil malungkot ang buhay ko."

"Sophia, hindi ka na malulungkot dahil ako na ang mag-aalaga sa iyo."

"Natatawa naman ako sa iyo, ano ako matanda?"

"Ibig kong sabihin ay poprotektahan kita."

"Tatapatin na kita, Oliver, pinalitan mo si Michael sa puso ko. Nang iwanan niya ako, totoo nadama ko sa buhay ang tindi ng sama ng loob na halos gusto ko ng wakasan ang aking buhay at nagpapasalamat ako sa iyo, dinugtungan mo ang sana'y tapos ko ng pag-asa na mabuhay. Kaya lang kaligayahan pa rin ninyo ni Celeste ang pinahalagahan ko kaya ako lumayo sa inyong dalawa. Ayaw ko na muling masabihan na magnanakaw, mangaagaw ng hindi akin."

"Noon pa Sophia, sa panahon ng ating fake relationship ay unti unti kong nararamdaman na pumapasok ka na sa puso ko. Pinipigilan ko lang dahil kay Celeste, kung papaano ko sasabihin sa kanya na kanya na nawawala na ang feelings ko sa kanya na kahit anong pigil ang gawin ko ay nagpipilit na umalpas, parang ibon na gustong lumaya sa pagkakakulong. Mabuti na lang at dumating sa buhay niya si Ricky, hindi naging mahirap sabihin sa kanya ang katotohanang ikaw na ang laman ng puso ko. Isang bagay na mahirap ipaliwanag, kusa ko na lang nadama iyon. At ngayong malaya na ako, gagawin ko ang lahat upang higpitan ko ang pagkakahawak sa iyo sa puso ko. Sophia, iniibig kita, at gusto ko na pakasal na tayo."

"Ha? Kasal?"

"Oo, bakit? Ayaw mo!" ang medyo napalakas na boses ni Oliver.

"Iyang mata mo nangdidilat na naman. Siyempre gusto ko makasal na tayo, tulungan mo muna ako sa kinakapatid kong si Vilma. Alam ko hindi pa niya ako napapatawad, samahan mo ako sa kanya, gusto ko bago tayo makasal ay wala akong dalahin sa dibdib ko."

"Okay, iyon lang pala eh, akala ko ayaw mong makasal tayo."

"Ikaw nga huwag kang laging galit, sabagay kapag nagagalit ka lalo kang gumugwapo."

"Binola mo pa ako. Babalik uli tayo sa Boracay."

"Ha? Bakit?"

"Binigyan ako ng project ng nakilala natin sa doon at sisimulan na iyon next week."

"Ganoon ba? Nakontak mo na si Mr. Chua?"

"Oo, alam na niya at sinabi niya na kapag tayo ay ikinasal siya ang una sa listahan ng mga kukunin nating ninong sa ating kasal."

"Pumayag ka?"

"Siyempre, iyon ay dahil sa iyo."

"Kumusta na nga pala iyong dalawang ikakasal, sina Celeste at Ricky. Nagpunta ako doon pero nag-aalisan na ang mga bisita kaya hindi na ako tumuloy at nagpunta na ako sa probinsya, dinalaw ko ang puntod ng aking ina."

"Mahabing salaysayin, saka ko na lang ikukuwento sa iyo kung anong nangyari. Nagkaroon kasi ng trahedya kaya na-postponed ang kasal."

"Ganoon ba?"

"Nandito na tayo, hahanap lang ako ng parking."

Naglakad lakad nga ang dalawa ng may tumawag kay Sophia.

"Sophia!"

"Ikaw pala, Dexter, bakit ka nandito?"

"Tulad mo nagpapahangin din."

"Dexter, ipakilala ko sa iyo si Oliver ang kasintahan ko."

"Ah, ngayon ko lang nalaman na mayroon ka ng kasintahan."

"Oliver siya si Dexter ang personnel manager sa restaurant na pinapasukan ko."

"Nice meeting you pare."

"Nice meeting you. Paano maiwan ko na kayo."

"Sige Dexter, ingat sila sa iyo," ang biro ni Sophia.

"Bakit parang palagay ang loob mo sa kanya, pabiro biro ka pa?"

"Natatawa naman ako sa iyo. Si Dexter ay gustong mangligaw sa akin."

"O,eh, bakit hindi ka pumayag na ligawan niya?"

"Hindi ko type."

"Kung type mo, papayag ka na!"

"Nandilat na naman iyang mga mata mo, sundutin ko kaya ang mata mo. Ayaw kong makipag-relasyon na, dahil nabigo na ako at isa pa kinuha mo na ang puso ko, maliban na lang kung isasauli mo iyon."

"Totoo yan, baka agawin ka niya sa akin."

"Hindi mangyayari iyon at isa pa hiwalay iyon sa asawa, may isa silang anak na babae. Sumama sa iba ang asawa niya. Nakakalungkot ano? Iyong iwanan ka ng mahal mo. Dito rin siya madalas upang kahit papaano makalimot sa mga nakaraan."

"Pogi siya, hindi ba?"

"Mukha yatang nagseselos ka sa tono ng pagsasalita mo, ha mister Oliver."

"Ako? Magseselos? Hindi ha!"

"Eh, bakit tumataas na naman ang boses mo?" ang nakatawang tugon ni Sophia.

At natahimik si Oliver, dahil sa totoo lang maligaya siyang kasama si Sophia.

"Oliver, akbayan mo ako, giniginaw ako eh, ang lamig ng hangin dito."

Ang ginawang pag-akbay ni Oliver kay Sophia ay pakiramdam ni Sophia ay napawi ng tuluyan ang mga malulungkot na nangyari sa buhay niya. Isa na lamang ang gusto niya at ito ay mapatawad siya ng kinakapatid niyang si Vilma.

"Oliver, puwede mo ba akong samahang hanapin ang kinakapatid kong si Vilma?"

"Bakit?"

"Hihingi ako sa kanya ng kapatawaran sa nangyari sa aming dalawa. Dahil sa akin ay hindi niya nagamit ng maayos ang kanyang kanang kamay sa propesyon niyang paintings."

"Okay, kung iyon ang magbibigay sa iyo ng katiwasayan ay sasamahan kita."

"Salamat, Oliver"

"Teka, saan ba natin siya makikita?"

"Nabalitaan ko na ang anak niya ay nag-aaral sa Modern School of Arts."

"Sige,kailan ka puwede, samahan kita?"

"Day-off ko sa Friday."

"Okay, sa Friday ng 8am, sunduin kita."

"Sophia, gusto ko na magpakasal na tayo."

"Gusto ko na rin, tapusin muna natin mga problema ko para kung kasal na tayo, ang isip at damdamin ko ay sa iyong iyo, walang kaagaw."

"Sige at tatapusin ko rin muna ang project ko sa Boracay."

"Sophia, alam mo suwerte ka sa akin."

"Ako? Bakit naman? Eh, ako nga ang suwerte dahil may nagkagusto sa aking guwapo na mabait pa.... kapag tulog," ang nakatawang sabi ni Sophia.

"Niloloko mo naman ako eh. Kasi mula ng magkakilala tayo ay sunod sunod na ang mga project na dumarating sa upisina."

"Suwerte pala ako sa iyo eh di bayaran mo ako," ang pabirong sabi ni Sophia.

"Okay, kapag kasal na tayo."

"Ha! Ha! Ha! Para kang sira, ayaw mo lang magbayad."

"Basta kapag natapos ko ang project sa Boracay ay magpapakasal na tayo."

"Sige, makatatanggi pa ba ako?"