"Boss Oliver, tumawag si Mr. Chua at kinukumusta si miss Sophia, huwag mo raw siyang pababayaan."
"Sabihin mo okay naman siya at tuloy ipaalala mo iyong project sa Boracay."
"Yes boss"
"Oliver, gusto kong makita si Celeste, dahil sa nangyari sa kanyang araw sana ng kasal."
"Oo, Sophia, mula ng may mangyari masama noong araw ng kasal nila ay wala na akong balita sa kanila. Tatawag muna tayo bago pumunta."
"Ano nga pala ang ireregalo natin sa kanila?" tanong ni Sophia.
"Ikaw na ang mag-isip ng regalo, teka tatawagan ko sina Celeste.
"Hello! Celeste, kumusta na kayo ni Ricky?"
"Hello! Oliver, okay naman kami ni Rickiy, nagkita na ba kayo ni Sophia?"
"Oo, at kasama ko siya ngayon, siya pa nga ang nagsabing dalawin namin kayo."
"Sige para makapagkuwentuhan naman tayo. Oliver, kausapin ko naman si Sophia."
""Sure, heto siya."
"Sophia, kumusta na? Matagal na tayong hindi nagkikita ah."
"Oo nga, alam mo nagpunta ako sa kasal mo kaya lang pagdating ko sa simbahan ay nag-uuwian na ang tao, kaya hindi na ako nagtuloy pa at nagpunta na lang ako sa probinsya at dinalaw ko ang puntod ng aking ina."
"Nagkaroon nga trahedya kaya na-postponed ang kasal namin."
"Nalungkot nga ako ng mabalitaan ko kay Oliver ang pangyayari."
"Medyo minales nga eh, pero akay na ang lahat, nahuli na ang mastermind at ngayon ay nakakulong na."
"Kailan ninyo balak ituloy ang wedding ceremony?"
"Gusto namin ni Ricky na ituloy ang aming kasal sa LA."
"Sa Los Angeles?"
"Oo, bakit para kang nagulat?"
"Wala... wala naman, may naalala lang ako. Pero kailan naman iyon?"
"Next month na at padadalhan uli namin kayo ng invitation."
"Sige, congratulaions na lang sa inyo."
"Bakit? Hindi ba kayo makakapunta ni Oliver?"
"Ewan ko sa kanya kung isasama niya ako."
"Siyempre, isasama ka niya at kung hindi ay magagalit ako sa kanya. Pakibigay ang phone kay Oliver, kakausapin ko siya."
"Oliver, kakausapin ka ni Celeste."
"Hello! Oliver, sabi ni Sophia depende daw sa iyo kung isasama mo siya sa kasal namin."
"Siyempre, isasama ko siya, bakit saan ba kayo ikakasal ni Ricky?"
"Sa LA"
"Sa LA?"
"Oo, bakit may problema ba?"
"Ah, wala naman, sige pupunta kami, kaya lang may phobia si Sophia sa LA>"
"Ganoon ba? Padalhan na rin namin kayo ng invitation."
"Okay, bye"
Pagkatapos ng usapan nila ay nabigla si Sophia sa pagtawa ni Oliver.
"Ha! Ha! Ha!"
"Bakit ka nagtawa diyan, ha? mister Oliver."
"Wala, tayo na ngang kumain at gutom na ako."
Nang kumakain na sila ay may tumawag kay Sophia.
"Sophia!"
"Adalyn?"
"Sophia, salamat nagkita tayo, sana hindi ka galit sa akin."
"Bakit naman ako magagalit sa iyo?"
"Kasi iyong nangyari sa airport noon, hindi maganda ang pagkikita natin."
"Ah, huwag ka ng mag-alala tungkol doon, matagal na iyon at okay na ako, naka-recover na ako. Nasaan si Michael? Hindi mo siya kasama?"
"Problema ko nga siya eh. Hindi ka pa rin niya makalimutan. Tinapat niya ako na mahal ka pa rin niya, sinasabi niya lagi iyon kapag nalalasing siya at naapektuhan na ang anak namin. Nauunawaan ko naman siya dahil tinukso ko lang naman siya ng magkalasingan kami sa LA, at nagbunga iyon."
"Ano ang maitutulong ko sa iyo?"
"Gusto ko na kausapin mo siya. Baka makinig siya sa iyo, kawawa naman ang anak namin eh. Tulungan mo ako, sa tingin ko ikaw lamang ang makapagpapabago sa kanya."
"Sige, kakausapin ko siya."
"Heto ang calling card ko, tawagan mo ako kapag pupunta ka para makapaghanda ako."
"Okay, ingat ka na lang Adalyn. Ang anak mo kumusta naman?"
"Mabuti naman siya, iniwan ko muna sa kapitbahay namin dahil nagpabili nitong spagheti. Sige, aalis na ako."
"Bye"
"Okay din naman ano? Ikaw pa ang kakausap para tumino ang asawa niya."
"Pabayaan mo na Oliver, naaawa lang ako kay Adalyn, hindi mo ba narinig ang sinabi niya, kapag lasing si Michael ako ang binabanggit niya dahil guilty siya sa ginawa sa akin."
"Bahala ka!"
"Uyyy, nagseselos siya," ang nakangiting tugon ni Sophia.
"Hindi ha? Sige payag akong kausapin mo siya, pero kasama ako!"
"Sasama ka?"
"Bakit, ayaw mo?"
"Hindi, gusto ko nga kasama ka para makita niya na mayroon na siyang kapalit sa puso ko at magiging madali sa kanya ang kalimutan na niya ako."
Nang nakauwi na si Sophia ay palaisipan dito ang tungkol sa sinabi ni Adalyn.
"Kung gayon ay mahal pa rin ako ni Michael, hindi niya ako basta tinalikuran, nagkaroon siya ng malaking problema at iyon nga ang nangyari sa kanila ni Adalyn. Pero sa bandang huli ay nakabuti na iyon dahil nakilala ko si Oliver, ang lalaking para sa akin," ang nasabi na lang ni Sophia sa sarili.
Dumating ang araw ng Biyernes na usapan nila ni Oliver upang puntahan ang kinakapatid niyang si Vilma sa Modern School of Arts, na kung saan ay nagaaral ang anak nito.
""Hello! Oliver, may lakad tayo ngayon kay Vilma."
"Oo nga pala, sige sunduin na kita."
"Okay, maghintay ako."
Ilang sandali pa ay dumating na si Oliver na may dalang pasalubong para sa anak ni Vilma at kaagad na silang umalis.
"Sophia, sigurado ka ba na gusto mo talagang makausap ang kinakapatid mo?"
"Oo, Oliver, kung hindi man niya ako patawarin sa nangyari, at least nilapitan ko siya ngayong mga matured na kami upang humingi sa kanya ng tawad."
"Okay, saan ba ang address ng pupuntahan natin?"
"Heto o, isinulat ko. Modern School of Arts"
"Malapit na siguro tayo, ah hayun!"
"Madali lang palang hanapin. Ano ba ang trabaho ni Vilma?"
"Siya ang nagtuturo sa mga bata para maging artist sa arts of painting."
"Puntahan na lang natin siya sa kanyang room."
Si Oliver ang unang lumapit kay Vilma.
"Vilma, ako si Oliver ang katipan ng kinakapatid mong si Sophia. Puwede ka ba naming makausap?"
Hindi kaagad nakasagot si Vilma, dahil sa tagal ng panahon ay magkikita sila ng kinakapatid niyang si Sophia.
"Puwede, doon tayo sa garden."
"Ano ang pag-uusapan natin?"
"Siguro naman alam mo na kung ano ang ipinunta namin sa iyo ni Sophia. Gusto niyang humingi sa iyo ng tawad bago kami magpakasal na dalawa."
"Ganoon ba? Eh asan siya?"
"Hi! Vilma, kumusta ka na?"
Natigilan si Vilma ng lumapit si Sophia. Hindi niya akalain na malaki na ang ipinagbago nilang dalawa.
"Mabuti naman, ikaw kumusta na?"
"Heto, lagi kong naiisip ang nangyari sa atin kahit lumipas na ang matagal na panahon at hindi ako matahimik hangga't hindi ako nakahihingi ng tawad sa iyo."
"Alam ko kung ano ang iniisip mo? Iniisip mo siguro na hindi kita kayang patawarin. Totoo, noon na muhing muhi ako sa iyo dahil hindi ako makapagpinta ng maayos dahil nabali ang aking kanang kamay. Subali't habang lumalaki ako at naging matured na nalimot ko na iyon dahil nangyari iyon na kapwa tayo mga bata pa. Noon pa kita napatawad Sophia at madalas ko ngang itanong sa sarili ko, kumusta na kaya si Sophia, nasaan na kaya siya."
"Kung ganoon Vilma, pinatatawad mo na ako?"
"Oo, kalimutan na natin ang nakaraan."
"Vilma, puwede ba kitang yakapin?"
At ng magyakap ang dalawa ay naramdaman ni Sophia na lumuwag na ang kanyang kalooban.
"Mommy, sino po sila?"
"Siya ang tita Sophia mo, magmano ka sa tita mo."
"Mano po tita."
Niyakap ni Sophia ang bata at lalo siyang nakadama ng saya sa sarili niya.
"Tita, alam mo po? Ikaw ang katabi ni mommy ko sa picture noong bata pa kayo. Hindi niya inaalis sa kuwarto namin."
"Naku, ang tabil naman ng aking pamangkin, teka may dala kaming pasalubong sa iyo."
Nang ibigay ni Sophia ang pasalubong ay tuwang tuwang nagtatakbo na ito sa mga batang kalaro niya.
"Nakatutuwa naman ang anak mo Vilma."
"Oo, sobrang makulit nga eh."
"Vilma salamat ha, madadalas kami ni Oliver na pumasyal sa iyo."
"Sige, at tiyak lagi ka ng itatanong sa akin ng anak ko."
"Teka, kumusta nga pala ang kamay mo ngayon?"
"Okay naman, kahit hindi ko na magawa ang dating husay ko sa pagpipinta, pero paminsan minsan nananalo naman ako sa mga exhibit. Kaya kinuha nila akong magturo dito sa school."
"Vilma, sa kasal namin ni Sophia, aasahan namin na nandoon ka."
"Okay, ipaalam na lang ninyo sa akin."
Nang pauwi na sina Sophia ay may naraanan silang matandang babaing nagpapalimos.
"Oliver, sandali lang, ihinto mo ang kotse."
"Ha? Bakit?"
Bumaba kaagad si Sophia at binalikan ang matanda.
"Lola, heto po, pasensya na po kayo dito."
"Ineng, salamat, pero malaki itong limos mo sa akin."
"Maliit lang po iyan, paalam na po."
Nang nakabalik na si Sophia sa kotse ay hindi nito naiwasang umiyak.
"Naglimos ka lang, umiyak ka na, bakit?"
"Naalala ko kasi si inay ng bigyan ko ng limos at hindi ko alam na siya pala ang ina ko. Nakaupo siya noon sa may pinto ng simbahan, umuulan noon at nababasa siya kaya isinama ko siya sa aking tinutuluyan."
"Oliver, kina Olivia mo na lang ako ihatid."
"Okay"
"Oliver, salamat at dumating ka sa buhay ko, nagkaroon akong muli ng pag-asa na ituloy ko ang buhay ko. Ayaw kong mawala ka sa akin, tulad ni Michael."
Nang bumaba na si Sophia.
"Oliver, ingat sa pagmamaneho, huwag mo muna akong isipin habang nasa manibela ka," ang biro ni Sophia.
"He! He! He! Oo na. Good night!"
"Good night"
Maagang pumasok si Sophia at nagkausap sila ni Dexter na hindi makapaniwala na may katipan na ito.
"Sophia!"
"Ikaw pala, Dexter."
"Si Oliver na ipinakilala mo sa akin, talaga bang siya ang boyfriend mo?"
"Oo naman, bakit? Nakapagtataka ba?"
"Hindi naman, guwapo siya at matikas manamit. Nagtataka lang ako kung bakit bigla ka yatang nagkaroon ng boyfriend gayong wala namang sumusundo sa iyo dito. Galing ba siya sa ibang bansa?"
Ha! Ha! Ha! Mahabang salaysayin kasi. Basta maniwala ka na lang at isa pa malapit na kaming ikasal."
"Kung gayon, ngayun pa lang ay binabati ko na kayo."
"Salamat, Dexter, teka hindi ba nabanggit mo na bumabalik uli sa iyo ang ex mo?"
"Oo sana, pero balitaan na lang kita tungkol doon."
"Bilib nga ako sa iyo eh, habulin ng chicks."
"Ewan ko nga ba, bakit ako ipinanganak na guwapo."
"He, He, He Sige na nga paniwala na ako."
Nasa ganoon silang pagbibiruan ng tumunog ang cellphone ni Sophia.
"Hello! Sophia, si Adalyn ito, lasing na naman si Michael."
"Bayaan mo kakausapin ko, puntahan namin ni Oliver."
"Please lang, Sophia, salamat."
Tinawagan ni Sophia si Oliver
"Hello! Oliver, samahan mo ako sa linggo."
"Saan?"
"Kina Michael, kasi tumawag si Adalyn at nakikiusap na kausapin ko si Michael dahil naaapektuhan na raw ang anak nila."
"Bakit kinakailangan mo pang manghimasok sa buhay nila?"
"Pagbigyan mo na ako, para matapos na sa buhay ko ang mga kabiguang nangyari sa akin."
"Okay, sige, samahan kita!"
"Galit ka ba?"
"Hindeee!"
"Galit ka nga, siguro nagseselos ka ano?"
"Nagseselos? Excuse me, wala yata sa bokabularyo ko iyon."
"O sige, eh di sa linggo ng umaga sunduin mo ako."
"Okay"
Tinawagan ni Sophia si Adalyn
"Hello! Adalyn, okay na punta kami sa inyo sa linggo."
"Thank you, maghintay ako."
Dumating ang araw ng linggo at maaga pa ay nakina Adalyn na sina Sophia.
"Sophia, pasok kayo, maupo muna kayo. Medyo may hangover pa si Michael."
"Siya ba ang anak ninyo? Malaki na ah."
"Tatlong taon na siya, kaya makulit na."
"Anong pangalan mo?"
"Arnold ang pangalan niya, o ngitian mo si tita mo anak."
"Meron pala kaming mga bisita, hi! Sophia," ang bati ni Michael ng lumabas ng silid.
"Kumusta ka na Michael?"
"Heto, medyo may kaunting problema."
"Ikaw, Sophia, kumusta ka na? Pasensya ka na sa nangyari sa atin, humihingi ako ng patawad sa nagawa ko sa iyo."
"Wala na iyon, kalimutan na natin. Ipakilala ko pala sa iyo si Oliver, ang katipan ko."
"Nice to meet you, Oliver."
"Nice to meet you, Michael."
"Teka, papaano ninyo nalaman itong amin?"
"Nagkita kami ni Adalyn sa isang food chain at inanyayahyan niya ako na dumalaw sa inyo. Tamang tama naman may pinuntahan kami sa malapit dito kaya naisipan na rin naming pumunta dito."
"Ganoon ba? Salamat napadalaw kayo."
"May I offer you something?"
"Okay na kami, thankis"
"Sophia, alam ko kung bakit kayo napadalaw dito, dahil tinapat na ako ni Adalyn na kakausapin mo ako kasi kapag ako'y nalalasing ang nababanggit ko ang pangalan mo. Guilty kasi ako sa nagawa ko sa iyo."
"Total ikaw ang nagbukas ng topic na iyan, puwede bang malaman ang dahilan?"
"Kasi binabagabag ako ng aking konsensya sa nagawa ko sa iyo. Hindi ako patahimikin ng aking isipan, ng aking budhi, kaya hangga ngayon ay naghihirap ang aking kalooban."
"Michael, natural lang na masaktan ako sa ginawa mo sa akin, iniwanan mo ako noon ng basta na lamang na hindi ko alam ang dahilan, hanggang maisipan kong wakasan ang aking buhay. Mabuti na lang tinatagan ko ang aking sarili at harapin ang aking kinabukasan, hanggang makilala ko si Oliver. Pero hinahangaan pa rin kita, Michael, dahil hindi mo tinalikuran si Adalyn. Mahal ka ni Adalyn at ang inyong anak, papayag ka bang lumaki siyang malungkot dahil malayo ka sa kanya? Hindi mo man lang siya naipapasyal tulad ng ibang ama sa kanilang mga anak?"
"Sophia, maraming salamat, matatahimik na ako dahil alam kong maligaya ka ngayon. Asahan mo magbabago na ako at hindi na maglalasing. Mamahalin ko na ang aking pamilya, pangako iyan."
"Michael, aasahan ko iyan, ang gagawin mong pagbabago ang makapagbibigay sa akin ng kaligayahan."
"Oliver, pasensya ka na, sana huwag pababayaan si Sophia."
"Makaaasa ka, Michael, at siguro paminsan minsan magkita tayo para mag-inuman."
"Okay, game ako diyan."
"Papaano Michael, Adalyn, hindi na kami magtatagal."
"Salamat, Sophia, sa tulong. Puwede ba naming kunin kayong ninang at ninong ng anak namin?"
"Aba! Payag na payag kami, pero sa isang kundisyon," ang sabi ni Sophia.
"Anong kundisyon iyon?"
"Kukunin namin ang anak ninyo na ring bearer sa kasal namin ni Oliver."
"Puwedeng puwede, pero kailan naman iyon?"
"Malapit na, basta babalitaan namin kayo kaagad."
Sa naging pakikipagusap ni Sophia kay Michael ay naging magaan ang kanyang pakiramdam. Napawi lahat ang mga hindi magandang alalahanin sa nangyari sa kanya.
"Oliver, samahan mo ako sa bahay ampunan. Kasi kapag kasal na tayo ay baka malabo na akong makadalaw doon. Gusto ko munang balikan ang malungkot at masayang karanasan ko doon. Para kung kasal na tayo, ikaw at ang ating mga anak ang lagi ko na lang aasikasuhin."
"Kailan mo gustong pumunta doon?"
"Day-off ko sa Martes, puwede ka ba?"
"Okay"
Sa Bahay Ampunan, dumalaw nga si Sophia kasama si Oliver.
"Kumusta po kayo? Ako po si Sophia, ang makulit na bata noon dito," ang nakatawang pakilala ni Sophia.
"Ah! Ang ganda ganda mo na iha, kumusta na?"
"Mabuti po naman."
"Eh, siya ba ang napangasawa mo?"
"Boyfriend pa lang po, si Oliver."
"Guwapo siya at mukhang mabait at matalino."
"Magandang araw," ang bati ni Oliver.
"Punta tayo sa playground at ipakikilala ko kayo sa mga bata."
"Maalala ko nga pala, dumating si William, iyong kaibigan mo dito noon at dumalaw dito. Itinatanong ka nga sa amin kung napupunta ka dito."
"Talaga po?"
"Sabi ko ay wala na akong alam mula ng may umampon sa iyo. At alam mo nilibot niya ang paligid. Tumitigil siya sa mga lugar na madalas ninyong pinupuntahan at pinaglalaruan. Nagpunta din siya sa dating classroom ninyo at may hinanap. Nakita naman niya ang kanyang hinanap, pangalan pala ninyong dalawa na nakasulat sa upuan, nakalagay sa loob ng korteng puso. Iyon daw ang palatandaan na hindi kayo maghihiwalay na dalawa. Pinagmasdan niya itong mabuti at narinig kong sinabi niya na, pasensya na hindi kita nabalikan, na hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin."
"O ayan, binalikan ka na pala niya, eh di puwede na kayo uli!" ang sabi ni Oliver.
"Tumigil ka nga diyan at huwag kang seloso!"
"Mga bata, narito si ate Sophia ninyo. Tulad din ninyo siya noon, dito siya lumaki hanggang makilala niya ang kanyang pangalawang magulang."
"Magandang araw sa iyo, ate," ang sabay sabay na bati ng mga bata.
"O sige mga bata, maglaro na kayo."
"Oliver, samahan mo akong libutin ang paligid ng bahay ampunan, gusto kong balikan ang masaya at malungkot kong alaala ng nakaraan."
"Ano ang gusto mong balikan, ang mga alaala ninyo ni William!"
"Tigilan mo nga ako, mister Oliver."
Hindi nila alam na bumalik uli si William sa bahay ampunan at posible na magkita sila. Nais ni William na bago bumalik sa states ay muling gunitain ang masasayang alaala nila ni Sophia. Pinuntahan niya uli ang dating classroom nila at muling tiningan ang nakasulat na pangalan nila sa upuan.
"Sophia, babalik na ako sa states, pero hindi pa rin kita nakita, pasensya ka na kung hindi ako nakabalik noon. Dito sana uli tayo magkikita, pero hindi ko alam kung saan ka hahanapin, paalam na," ang madamdaming sinabi ni William.
Habang nakadungaw si William sa bintana ng dating classroom ay pumasok sina Sophia at Oliver na hindi niya pinansin, nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana.
"Oliver ito ang dati kong classroom."
"Ano ba ang hinahanap mo sa mga upuan at kanina ka pa palibot libot diyan?"
"Sandali lang may hinahanap lang ako. Ah, heto pa rin, hindi nabura."
"Ano ba iyan?"
"Pangalan namin na isinulat namin sa loob ng korteng puso, heto tingnan mo, isa ito sa mga alaala na gusto kong makita dahil hindi ko na ito mababalikan pa."
"O ngayong makita mo na, eh di masaya ka na!"
"Huwag ka ngang ganyan, nandidilat na naman ang mga mata mo."
Naririnig ni William ang dalawang nag-uusap subali't hindi niya pinapansin, nakatingin pa rin sa malayo na para bang may hinahanap doon, ang masasayang alaala nila ng kabataan.
"Ano ba ang nakasulat diyan? Ah, ito ba ang hinanap mo? Pangalan ng kababata mo, 'William Sophia' nakalagay pa sa korteng puso!"
"Ha! Ha! Ha! Huwag ka ngang maarte diyan. Siyempre, mga bata pa kami noon at magkaibigan lang kami."
Nang marinig ni William ang pangalan niya ay humarap ito sa dalawa at nagtanong.
"Ikaw ba si Sophia?"
Kinabahang bigla si Sophia habang nakatitig sa nagsalita.
"Oo, bakit alam mo ang pangalan ko, sino ka ba?"
"Ako si William!"
"Ha? Coincidence talaga, hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo," ang sabi ni Sophia na hindi pa rin makapaniwala.
"Kumusta ka na Sophia? Napakaganda mo. Nagbalik ako dahil ikaw talaga ang sadya ko. Hindi ba ngako ako sa iyo noon na babalikan kita? Ngayon nandito na ako, salamat at nakita kita, isasama na kita sa States, tutuparin ko ang pangako ko sa iyo," ang tuloy tuloy na pagsasalita ni William na parang walang pakialam sa kasama ni Sophia na si Oliver.
"Teka, teka muna William, matagal na iyon at mga bata pa tayo noon."
"Oo, pero para sa akin totoo ang mga pangako na sinabi ko noon kahit mga bata pa tayo."
"Hindi na kasi maaari na tayo pa ring dalawa."
"Bakit?"
"May-asawa na ako at anak, ito siya, si Oliver."
"Oliver, ito si William ang aking kababata at kakampi ko noon dito."
Hindi kumikibo si Oliver, halatang kanina pa nagseselos.
"Kung ganoon wala na pala akong dapat balikan dito, subali't maligaya pa rin ako dahil nagkita tayo at natiyak na maligaya ka na ngayon."
"Pasensya na William, nababago ng panahon kung ano man ang ating magandang balak, at salamat nagkita tayo at nasariwa ang magandang mga alaala. Hangad ko na makatagpo mo ang babaing makapagpapaligaya sa iyo."
"Panatag na akong babalik na muli sa States dahil tiyak akong maligaya ka na. Sophia puwede ba kitang mayakap bilang pamamaalam natin sa isa't isa at sa alaala ng ating kabataan?"
"Sige"
At niyakap nga ni William si Sophia na nakatingin lang si Oliver at parang gusto ng manuntok, pinigilan lang ang sarili.
Hindi na rin puwedeng pilitin pa ni William si Sophia na sumama sa kanya dahil sa sinabi ni Sophia na kasal na ito at may anak na. Nagpaalaman silang masaya ang bawa't isa, at ngayon matatahimik na si Sophia, wala na siyang babalikang mga alaala ng lumipas.
"Puwede ka ng mag-artista ah, may yakapan pa kayo!" ang medyo pagalit na sabi ni Oliver.
"Mabuti naman at hindi mo sinapak."
"Gustong gusto ko na ngang magwala at manuntok, nagpigil lang ako alang alang sa iyo!"
"Ha! Ha! Ha! Ikaw nga ang puwedeng artista diyan eh."
"Tumigil ka, galit na ako!"
"Alam ko namang magagalit ka eh, kaya nagsinungaling ako sa kanya na asawa na kita at mayroon na tayong anak para hindi na niya ako kulitin."
"O, eh, di puwede na tayong umuwi dahil nagkita at nagyakapan pa kayo ng childhood sweetheart mo!"
"Nandidilat na naman iyang mga mata, tumigil ka na kaya dahil natatawa lang ako sa iyo."
"Sophia, seryoso ako ngayon, tutal nandito tayo sa kung saan ay nagsumpaan kayo ng William na iyon, gusto ko sumumpa ka rin sa akin na wala tayong iwanan."
"Ha! Ha! Ha! Para kang bata, sige na nga, matigil ka na lang."
Bagama't masaya si Sophia na nagkita sila ni William ay hindi nito ipinahahalata kay Oliver. Masaya siya dahil bago siya mawala ng tuluyan sa dako na kung saan siya lumaki ay nagkita rin silang dalawa. Si William ang nagtatanggol sa kanya kapag inaaway siya ng kanilang kapwa bata.
Natuloy ang kasal ni Celeste at Ricky sa LA. Hindi nakadalo sina Sophia at Oliver dahil sa ongoing project ni Oliver.
Ngayon para kay Sophia ay tapos na at naglaho ang mga alaala ng nakaraan, ang alaala na iniwan ka ng iyong mahal ng walang dahilan, alaala ng paghahanap sa isang mahal mo na ng matagpuan mo'y hindi mo alam na siya pala ang hinahanap mo. alaala ng paghihiwalay na ng magkita kayong muli ay iniba na ng panahon ang naitanim na mga damdamin sa bawa't isa. Totoo, masakit man o masarap gunitain ang mga nakaraan ay naroon pa rin ang iniwang bahagi nito sa puso ng isang nagmamahal. Subali't pagkatapos naman ng lahat ng iyon ay isang libo't isang kaligayahan ang pumalit. At para kay Sophia ay natagpuan niya ito sa piling ni Oliver.
Pagkaraan ng kalahating taon ay ikinasal sina Sophia at Oliver. Masaya si Sophia, wala na siyang mahihiling pa.
"Oliver, salamat at dumating ka sa buhay ko, ngayon ko nadama ang tunay na pagmamahal, ang tunay na pag-ibig na walang reservation, sa piling mo."
"Ako rin, Sophia, akala ko si Celeste na ang babae para sa akin, iyon pala'y ikaw. Nangangako ako na paliligayahin kita, kayo ng ating anak."
"Papa, halika na turuan mo na akong mag-bike!"
"Ha! Ha! Ha! Hayan nainip na ang anak mong makulit,"
************************************ THE END **************************************