Chereads / SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE / Chapter 1 - CHAPTER 1 - SORRY

SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE

Almario_Aguirre_5667
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 42.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1 - SORRY

Natutuwang lumabas si Sophia sa isang ticketing office. Nakakuha siya ng ticket patungong Los Angeles dahil doon sila magpapakasal ni Michael at doon din ang kanilang honeymoon.

"Sa wakas pupunta na kami sa LA ni Michael upang doon kami magpakasal!", ang parang nababaliw na sigaw ni Sophia.

Si Sophia ay nagtatrabaho sa Gosan Hotel and Restaurant bilang Team Leader ng restaurant Doon din sila madalas magkita ni Michael. Humingi ng isang buwang bakasyon si Sophia sa pinagtatrabahuhan nito dahil nga sa gagawin nila ni Michael na pagpunta sa LA.

June 9, 2020. Isang Fashion Show ang isinasagawa ng FOREVER FASHION BOTIQUE sa makabagong disenyo ng kanilang iba't ibang Bizarre Clothes, at isa sa modelo dito ay si Celeste. Siya ang pinakatampok sa mga modelo ng nasabing Fashion Botique. Si Oliver, ang katipan ni Celeste, ay dito sa Gosan Hotel magkikita sila pagkatapos ng fashion show. Hindi alam ni Celeste na dito rin hihilingin ni Oliver na magpakasal na sila. Si Oliver ay kilalang isang mahusay na structural engineer at may sariling kumpanya, ang R and R Builder Company.

Pagkatapos ng fashion show ay maraming reporter ang nag-abang kay Celeste na hindi naman nito puwedeng iwasan dahil sa baka masira siya ng media at naisip din niya na makatutulong ito sa kanya upang lalo siyang makilala ng lipunan.

"Celeste! Balita namin bukod sa pagiging model mo ay papasukin mo din ang showbiz, totoo ba iyon?"

"Totoo iyon at sa katunayan ay may kontrata na na ako sa paggawa ng pelikula."

"Aware ka ba na sa paggawa ng pelikula ay mayroong kissing scene at mayroon ding pagpapakita ng hubad na katawan o mayroong gagawa nito para sa iyo?"

"Kung ano ang iniuutos ng direktor na gawin kong eksena ay gagawin ko."

"Narinig ninyo mga kasama? Ipakikita din ni miss Celeste ang kanyang katawan kung kailangan", ang sigaw ni Bong na isang paparazzi.

"Boss, Oliver, narito na si miss Isabelle at kanina ka pa niya hinihintay, naiinip na nga eh", ang tawag ni Liam, assistant niya na isa ring structural engineer.

"Sige, papunta na ako."

"Boss, pakibilisan lang."

"Okay"

"Ma'am Sophia, pakidala lang ito sa kustomer kasi kailangan ko lang mag-CR."

"Sige akina."

Sa lobby naman ng Gosan Hotel naghihintay si Liam kasama ang kliyente na si Isabelle.

"Ayoko ng maghintay sa boss mo, aalis na ako."

"Sandali lang ma'am Isabelle at parating na siya... ah heto na pala siya."

Sinalubong ni Liam si Oliver pagkakita dito.

"Boss, inip na inip na ang kliyente."

Nang makita ni Isabelle si Oliver ay biglang nawala ang pagkainip nito. At dahil guwapo si Oliver ay mukhang naakit ito.

"Ikaw pala si Oliver, ang kilalang structural engineer", ang masayang bati ni Isabelle.

"Pasensya na, may dinaanan lang ako."

"Okay lang, actually ikaw pa lang ang una kong kinausap."

"Ganoon ba? Kung gayon kumausap ka muna ng iba pa."

"Hindi! Hindi! Wala na akong kakausapin pang iba. Heto ang calling card ko, hihintayin kita sa office ko."

"Sige, darating ako."

Dahil may usapan sina Oliver at Celeste pagkatapos ng show ay nagpaalam na si Oliver.

"Sandali lang, maupo muna tayo at may sasabihin pa ako", ang sabi ni Isabelle na nakahawak kaagad kay Oliver.

"Okay"

At habang nag-uusap ang dalawa ay parating naman si Sophia na may dalang mainiit na soup para sa kostomer. At ng mapatapat ito sa dalawa ay nadulas si Sophia at ang dala nitong mainit na soup ay sa lap ni Oliver tumapon, kaya ramdam nito ang init sa kanyang pantalon.

"Arayy! Mainit, ano ka ba?" ang medyo malakas na boses ni Oliver.

"Naku, sorry po, sorry po, hindi ko sinasadya."

"Ang sakittt! Napaso ang ano ko, arayyy!"

Kumuha kaagad si Sophia ng pamunas at pinunasan ang pantalon ni Oliver.

"Huwag na, ano ba ang ginagawa mo, ako na lang ang bahala", ang naiinis na sabi ni Oliver.

"Sorry talaga."

"Pasensya na miss Isabelle, si Liam na lang ang bahala sa iyo, siya ang assistant ko."

At umalis na si Oliver paakyat ng 4th floor ng hotel.

Hinintay ni Oliver si Celeste sa inupahang kuwarto. Bakas sa kanya ang katuwaan at kaligayahang nadarama dahil ngayon siya mag'propose' ng kasal kay Celeste. Ilang sandali pa at dumating si Celeste. Nagyakapan ang dalawa, tanda na mahal nila ang isa't isa.

"Pasensya na sweetheart, maraming mga reporter ang humarang sa akin. Hindi ko naman sila puwedeng pagtaguan, kailangang harapin at sagutin ano mang katanungan nila na gusto kong sagutin. Isa pa kailangan ko rin sila upang makilala ako ng mga tao."

"Okay lang, halika may ibibigay ako sa iyo, maupo ka muna at may kukunin lang ako."

May inilabas si Oliver na isang kumpol ng bulaklak na doon ay nakalagay ang kahon ng diamond ring para sa gagawin niyang proposal.

At sa harapan ni Celeste ay lumuhod si Oliver.

"Celeste, papayag ka bang pakasal sa akin?" ang tanong ni Oliver habang iniaabot ang bulaklak na may diamond ring.

Hindi kaagad makasagot si Celeste dahil kapag pumayag siya ay masisira na ang kanyang mga pangarap na pumasok sa showbiz. Nasa ganoon silang sitwasyon ng mag-ring ang cell-phone ni Celeste.

"Hello! Celeste, nasaan ka na? Kanina ka pa hinihintay ni direk."

"Ah! Sige, papunta na ako diyan."

"Oliver, kailangan ko ng umalis."

"Gusto kong malaman ang kasagutan mo kung tatanggapin mo ang singsing na ito?"

Parang walang narinig si Celeste at tuloy tuloy na itong lumabas ng kuwarto. Humabol si Oliver at muling tinawag si Celeste.Napahinto si Celeste.

"Kapag sa loob ng isang minuto ay hindi mo ito tinanggap ay ibig sabihin na tapos na sa atin ang lahat", ang matigas na sabi ni Oliver.

Tinitigan lang ni Celeste ang iniaabot ni Oliver. Naghihintay si Oliver na kunin ito. Subali't nagdadalawang isip siya, ayaw niyang masira ang kanyang mga pangarap na maging isang sikat na artista. At kahit mahal na mahal niya si Oliver ay binalewala niya ang alok nito at tuloy tuloy ng umalis. Minsan pa siyang tinawag ni Oliver.

"Celeste!"

Wala ng narinig si Celeste at nagmamadaling umalis. Naiwan si Oliver na hindi makapaniwala na ipagpapalit siya nito sa pangarap nitong sumikit sa industriya ng showbiz. Subali't mahal na mahal niya si Celeste at inunawa na lang ang kasintahan. Maghihintay na lamang siya ng tamang pagkakataon.

Hindi alam ng dalawa na sa tagpong iyon ay may reporter na nakakuha ng kanilang larawan.

"Ayos ito, may maibabalita na ako at magiging mabango na naman ako sa aming newsteam, ha! ha! ha!" ang sabi ni Bong na isang paparazzi.

Dahil sa sama ng loob ay nagpunta siya sa bar ng hotel at nag-order ng alak upang makalimot pansamantala sa sama ng loob.

Habang siya ay umiinom ay nakita niyang may lumapit na isang lalake sa bar tender at may iniabot ditong sulat.

"Pakibigay na lang kay Sophia ang sulat na ito."

"Opo, sir."

"Salamat"

At tuloy na itong umalis.

Ang nag-abot ng sulat ay si Michael, ang kasintahan ni Sophia.

Nang dumaan si Sophia ay ibinigay dito ang sulat na iniwan ni Michael. At ng mabasa ito dali daling tumakbo sa labas at hinabol si Michael sa pagbabakasakali na hindi pa ito nakalalayo.

Kitang kita ni Oliver ang naging reaction ni Sophia pagkabasa sa sulat. Hindi niya iyon pinansin kaya umalis na siya upang pumunta na sa kanyang upisina.

Sa paglabas niya ay nakita niya si Sophia na hinahabol ang taxi at hinarang ang sarili. Huminto ang taxi at kinausap si Michael.

"Michael, hindi puwedeng makipagkalas ka sa akin, papaano na ang apat na taon nating magkatipan, masasayang na lang ba iyon?" ang umiiyak na sabi ni Sophia.

"Sophia, patawarin mo ako. Hindi ako makawala sa isang problema at dapat ko itong harapin."

"Anong problema iyon, Michael? Sagutin mo ako, please, huwag kang lumayo", ang patuloy sa pag-iyak ni Sophia sa pagmamakaawa.

"Sir, kailangan na nating umalis baka kayo mahuli sa airport", sabi ng driver.

"Pasensya na Sophia, paalam na sa iyo."

At umaslis na ang taxi.

"Michael! Michael! Bakit mo ito nagawa sa akin." Napaupo na lang si Sohia sa isang tabi at umiyak ng umiyak.

Nakita ni Oliver ang lahat ng pangyayari ng lumabas siya at nakita niya ang naging eksena. Tiningnan niya ang babae, na si Sophia, at nilapitan ito dahil sa awa.

"Bakit, Michael, ano ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Bakit mo ako iniwan na lamang basta? Bakit?" ang patuloy sa malakas na pag-iyak ni Sophia.

"Hoy! miss, huwag mo ngang masyadong dibdibin ang pag-iwan sa iyo ng boyfriend mo? Kung ayaw na niya sa iyo ay wala ka ng magagawa pa. Bayaan mo na siya!." ang medyo matigas na sabi ni Oliver.

"Hindi, meron pa akong magagawa, hahabulin ko siya. Alam ko, may problema lang siya, kailangan niya ang tulong ko", ang tugon ni Sophia na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Puwede ba? Tumayo ka na diyan, tingnan mo ang sarili mo, sobra kang nakakaawang tingnan."

"Pabayaan mo ako, gusto kong mapag-isa."

Dahil sa awa ni Oliver sa babae, ay hindi pa rin siya umalis. Hinayaan niyang maglubag ang kalooban nito at saka uli niya kakausapin.

Ilang sandali pa at tumigil na si Sophia sa pag-iyak. Inayos ang sarili. At ng akmang tatayo na ito ay nilapitan siya ni Oliver at inalalayan sa pagtayo.

"Salamat!"

"Hindi kita iniwan dahil tulad mo ay iniwan din ako ng aking nobya, tinanggihan ang proposal kong magpakasal siya sa akin, at labis akong nagdamdam. Inisip ko bakit niya ako inayawan. Kaya ang sabi ko sa sarili ko kung ayaw niya eh di ayaw ko rin sa kanya. Hindi tulad mo, parang katapusan na sa iyo ng mundo."

"Hindi mo nauunawaan ang damdamin naming mga babae, kasi kayong mga lalake ay matigas ang inyong loob. Kami, madaling masaktan, madaling mawalan ng pag-asa sa mga kabiguan namin sa buhay", muling naluha si Sophia kaya nagpahid ito ng luha.

"Ang mas maganda niyan ay tatagan mo na lang ang iyong loob, at makikita mo makakalimutan mo na siya, kung sino man siyang naging katipan mo. Ako nga pala si Oliver, ang natapunan mo lang naman ng mainit na soup, at hindi ko iyon malilimutan, dahil napaso ang aking... iyon nga."

Medyo nangiti si Sophia sa sinabi ni Oliver, kaya medyo nawala ang sama nito ng loob.

"Salamat ha! hindi mo ako ini-report sa manager namin. Ako si Sophia, ang team leader ng restaurant ng hotel na ito."

"Wala iyon, o ano okay ka na?"

"Medyo okay na, hahabulin ko na lang siya sa LA. Hindi ko basta isusuko ang aking pag-ibig."

"Bahala ka!" ang medyo maypagka supladong tugon ni Oliver.

At iniwanan na si Sophia ni Oliver at nagbalik siya sa bar ng hotel. Hindi na siya papasok sa upisina dahil nawalan na siya ng ganang pumasok pa.

Muling nag-inom si Oliver. Gusto niyang matanggal sa isipan ang ginawang pagtanggi sa kanya ni Celeste.

Habang umiinom siya ng alak ay dumating si Sophia at nag-order ng softdrink upang maginhawahan ang sarili.

"O bakit softdrink ang iniinom mo? Tumulad ka sa akin, alak ang iniinom."

Tinawag ni Oliver ang bar tender at nag-order ng Vodka.

"Bigyan mo nga siya ng isang basong alak, sagot ko."

"Sagot mo pala, eh di gawin mo ng isang bote, para pag-uwi ko ng bahay ay tulog kaagad, hindi ba?"

"Okay, bigyan mo kami ng dalawang bote at maglalasing kami para makalimutan namin ang mga walang kuwentang iyon na inayawan kami."

"Tama, mga wala silang kuwenta, hindi ba?"

"Tama, sige inom pa tayo, inom pa hik! hik!"

"Ano ba iyan at madali ka yatang malasing."

"Ako? malalasing kaagad? hik! hik! hindi ha!"

"Buti na lang humingi ako ng isang buwang bakasyon dahil nga sa pagpunta namin ni Michael sa LA, kung hindi pagagalitan ako nito ng aming manager."

"Sige inom pa tayo, ubusin natin ang lahat ng alak dito", sabi ni Oliver na lasing na at hindi na alam ang mga pinagsasabi nito.

"Alam mo, may usapan kami na pupunta ng LA. Doon kami magpapakasal at doon na rin kami mag-honeymoon;. Hindi ba maganda iyon, ha Oliver? Ikaw, bakit ka naglalasing? Tinanggihan ka rin ba ng girlfriend mo?" ang tanong ni Sophia na pakumpas kumpas pa ang mga kamay dahil sa kalasingan.

"Oo, at wala akong pakialam kung ayaw niyang pakasal sa akin, bakit, siya lang ba ang babae sa mundo?" ang sagot ni Oliver ng wala sa ayos dahil sa kalasingan.

"Kung ganoon, inom pa tayo. Teka, tanungin kita mister Oliver, bakit hindi ninyo binibigyang halaga ang paghihintay naming mga babae? Bakit walang halaga sa inyo ang aming damdamin? Bakit? Bakit? Sumagot ka!"

"At bakit? Kayo lang bang mga babae ang marunong masaktan? Papaano ang damdamin namin? Umaasa kami sa inyong pagmamahal tapos kapag inalok kayo ng kasal ay ayaw ninyo, bakit? Wala ba kaming halaga sa inyo?" ang pasinghal na sabi ni Oliver sa sobrang kalasingan.

Umiyak lang si Sophia dahil sa kalasingan at sama ng loob.

"Alam ko, mahal niya ako at hindi siya magkakaganoon kung walang matinding problema. Susundan ko siya sa LA, kakausapin ko siyang mabuti at makikita mo pakakasal siya sa akin, narinig mo? Doon kami ikakasal at mag-honeymoon sa LA!" ang halos malakas na boses na sabi ni Sophia.

"Ano ka ba, iniwan ka na nga tapos hahabulin mo pa!" ang medyo malakas na sabi ni Oliver.

"Talagang susundan ko siya!" ang pasigaw na tugon ni Sophia.

"Tayo na ngang umuwi sa atin at lasing na lasing na ako."

"Atin?"

"Oo, atin, hindi ba kasal na tayo?"

"Ah, oo nga pala kasal na nga pala tayo, kung gayun tayo na at magdala pa tayo ng dalawang bote ng alak."

"Sige, mister bar tender, bigyan mo pa nga kami ng dalawang bote ng alak."

Umuwi sila sa bahay ni Oliver at muling nag-inuman at ng somubra ang kanilang pagkalasing ay pumasok sa kuwarto ni Oliver at nagalis ng kanilang mga damit at saka magkatabing natulog.

Kinabukasan, nagising si Sophia na katabi si Oliver at pareho silang walang damit. Dito na nagsisigaw si Sophia.

"PULIS! PULIS!"

Nagising si Oliver sa sigaw ni Sophia at siya man ay napasigaw din.

"AHHHH! Bakit ka narito sa bahay ko?"

"Bahay mo?"

"Oo, bahay ko ito!" ang malakas na boses ni OIiver.

"Kung ganoon, dinala mo ako dito at pinagsamantalahan mo!"

"Anong pinagsamantalahan ang pinagsasabi mo diyan eh lasing na lasing tayo kagabi at hindi ko nga alam kung may nangyari sa atin eh! Ikaw pa nga ang naghubad ng damit ko at iyon lang ang natatandaan ko!"

"Ako?"

"Oo, ikaw. Ngayon sasabihin mong pinagsamantalahan kita!"

"Basta, magsusumbong pa rin ako sa pulis!"

"Bahala ka, gusto mo samahan pa kita eh!"

"Ikaw na rapist, lumabas ka muna at ako ay magbibihis", ang medyo malakas na boses ni Sophia.

Dinampot ni Oliver ang mga damit niya upang lumabas.

"Hoy! Pagkabihis mo umalis ka na!" ang medyo malakas na sinabi ni Oliver.

"Talagang aalis ako at magsusumbong ako sa mga pulis!" ang banta ni Sophia.

"Okay, fine, samahan pa kita", ang walang takot na sinabi ni Oliver.

Matapos magbihis ng dalawa

"Alam mo.... ano nga ang pangalan mo?" tanong ni Oliver.

"Sophia!"

"Ah, oo nga pala Sophia. Alam mo ba na lasing na lasing tayo kagabi at kusa kang sumama sa akin dito dahil kasal na tayo!"

"Kasal?"

"Oo, iyon ang akala natin na kasal na tayo dahil sa kalasingan kagabi, naaalala mo ba?"

"Bakit nagkaganoon? Siguro sinadya mo akong nilasing para pagsamantalahan!"

"Hoy! Hindi ako rapist. Ako si Oliver, ang kilalang structural engineer at isa pa, kung mang re-rape ako pipiliin ko iyong maganda ang katawan parang isang modelo."

"Hmm! Yabang nito", ang bulong sa sarili ni Sophia.

"Teka, wala naman akong matandaan na may nangyari sa atin ah. Dahil nga lasing na lasing tayo kapwa ay basta na lang tayo nakatulog ng walang mga damit, iyon ang huli kong tanda!"

Nag-isip na mabuti si Sophia at pilit na iniisip kung may nangyari sa kanila, pero wala siyang matandaan. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may masakit sa parte ng katawan niya at wala siyang maramdaman.

"Ah, basta magsusumbong pa rin ako dahil nakita mo ang hubad kong katawan!"

"At ikaw, hindi ba nakita mo rin ang hubad kong katawan?" ang medyo galit na sabi ni Oliver.

Nakarating nga ang dalawa sa police station at nagsumbong si Sophia. Isinalaysay niya ang buong pangyayari subali't walang konkretong evidensya kaya pinauwi na lang silang dalawa.

Sa ginawang paghabol ni Oliver kay Celeste noong nasa Gosan Hotel ay may nakakuha ng picture nilang dalawa ng isang paparazzi at nabalita kaagad sa TV.

"Breaking News, Si miss Celeste na isang modelo ng Fashion Botique ay nakuhanan ng picture ng isang reporter na hinabol ng kanyang katipan na si Oliver upang ibigay ang diamond ring subali't hindi nito tinanggap. Ang iba pang detalye ay abangan na lang ninyo sa susunod na pagbabalita."

"Bong, pinahanga mo kami sa nakuha mong balita at may ebidensya pa, iyan ang gusto ko sa iyo at kapag nakakuha ka pa ng higit pang balita ay papalitan ko ang iyong karag karag na kotse", ang pangako kay Bong, isang paparazzi, ng kanyang manaager.

"Salamat, Boss, narinig ninyo mga kasama, gayahin ninyo ako matinik sa pagkuha ng balita at pinagpipiyestahan ng madla", ang nakatawang sabi ni Bong.

"Yabang mo", ang bulong ng ilan.

Ang balita ay napanood ni Celeste sa TV kaya ito nagalit sa reporter na kumuha ng picture. At ngayon magiging maingat na siya sa lahat ng kanyang lakad.

Maging sa upisina ni Oliver ay nakita rin nila ang balita.

"Boss, bida ka ah, ka-relasyon mo ang sikat na modelo ng Fashion Botique na si Celeste", sabi ni Liam.

Hindi masyadong pinansin ni Oliver ang balita. Ang nasa isip niya ay ang nangyari sa kanila ni Sophia, na dahil sa kanilang kalasingan ay hindi na nila nalaman ang kanilang pinaggagawa. Isinisi din niya ang pangyayari kay Celeste dahil kinakailangan pa niyang habulin ito kaya hayun may nakasingit na reporter na hindi nila alam.

Tinawagan ni Celeste si Oliver upang pag-usapan ang kumalat na balita.

"Hello!, Oliver, magkita tayo sa tagong lugar upang pagusapan natin ang tungkol sa kumalat na balita."

"Okay, magkita tayo sa room401 ng Gosan Hotel."

"Sige bukas ng 12:00 noon, para ang mga reporter ay tiyak nakaharap sa pagkain nila."