Kinabukasan nagkita nga sina Oliver at Celeste sa Gosan Hotel eksaktong alas-dose ng tanghali.
Bago pumasok sa room401 si Celeste ay nagpalinga linga muna siya sa paligid at baka mayroon na namang mga buwisit na reporter. Sobrang laki ng shade niya para siguradong hindi siya mamumukhaan.
Pagkapasok ni Celeste ng kuwarto ay nakita niya si Oliver na parang walang gana dahil hangga ngayon apektado pa siya ng ginawa nitong pagtanggi sa alok nitong pakasal sila.
Kaya ang ginawa ni Celeste ay yumapos ito sa likod ni Oliver.
"Huwag ka ng magtampo sa akin. Ang ginagawa kong ito ay para rin sa atin basta bigyan mo lang ako ng panahon."
"Okay, sige maghihintay ako kung iyon ang gusto mo!"
Nagharap ang dalawa at masusing nag-usap.
"Oliver, please, tulungan mo ako, ano ang gagawin ko? Alam mo naman na sa isang katulad ko na nag-uumpisa palang sa showbiz ay gusto ng mga fans na wala akong ka-relasyon, alam mo iyon, hindi ba?" ang paliwanag ni Celeste.
Kahit hindi tinanggap ni Celeste ang proposal ni Oliver ay hindi maikakaila na mahal pa rin niya si Celeste. Kaya desidido siyang tulungan ang katipan. Nag-isip sila ng magandang solusyon sa problema ni Celeste.
"Sige, Celeste, ayaw ko rin namang masira ang mga pangarap mo na maging sikat na artista ay tutulungan kita."
"Salamat, Oliver, at pangako ko sa iyo pagkatapos ng una kong pelikulang gagawin ay iiwan ko na ang showbiz at ikaw na lang ang pagtutuunan ko ng pansin, pangako yan."
Nag-isip na mabuti si Oliver kung papaano tutulungan si Celeste.
"Ano kaya ang mabuting gawin upang mawala ang balita sa ating dalawa?" ang sabi ni Oliver.
"Teka, Oliver, ang isa sa naisip ko ay magkaroon ka ng ibang nobya, tama ibang nobya kunwari, kahit bayaran natin siya ng malaking halaga, basta pumayag lang siya. Hindi ba magandang solusyon iyon? At pagkatapos ng gagawin kong pelikula ay tayo uli. Maganda iyon para mabaling ang attention ng mga tao sa inyong dalawa at sa gayon maniniwala silang wala akong ka-relasyon, okay ba iyon ha Oliver?"
Matamang nag-isip si Oliver at natiyak niya na iyon na marahil ang magandang solusyon sa problema nila.
"Sige, maganda ang naisipan mo."
At dahil sa iminungkahi ni Celeste kay Oliveray naisip kaagad niya si Sophia. Ikinuwento nito kay Celeste ang nangyari sa kanila. Sa umpisa ay medyo nakaramdam ng selos ito, subali't dahil sa kailangang mabigyan ng solusyon ang problema niya ay pumayag na rin siya.
"Okay, sige pakiusapan mo siya na babayaran natin siya ng malaking halaga. Iyon na lang ang paraan na puwede nating gawin."
Nagkasundo ang dalawa sa naisip nilang solusyon subali't ang isang problema ay kung papayag si Sophia, at kung pumayag, ano ano ang mga magiging kasunduan nila.
Samantala sa upisina ng newsteam na nakakuha ng balita ay natutuwa ang manager kay Bong, ang tinagurian nilang paparazzi.
"Salamat sa inyong masikap na pagtatrabaho bilang mga reporter ng ating malaganap na kumpanya. Marami ang views na ating natanggap. Kaya mag-celebrate tayo. At ikaw, Bong, hinahangaan kita bilang paparazzi. Kumuha ka pa ng mga balita na papatok sa madla at makikita mo papalitan ko ang karag karag mong kotse ng isang brand new car at itataas ko ang posisyon mo dito sa upisina.
"Salamat, Boss, talagang mabait ka. O, narinig ninyo mga kasama? Kaya tumulad kayo sa akin", ang medyo pasikat na sabi nito.
"Ang yabang naman nito", ang naging bulung bulungan ng mga kasamang reporter ni Bong.
Sa upisina ni Oliver
"Boss Oliver!"
"Bakit Liam at para kang hinahabol ng tigre?"
"Eh, boss, kasi andyan sa labas ang mga reporter at gusto ka nilang ma-interview dahil sa napabalita na magkasama kayo ni Celeste sa Gosan Hotel."
"Ano? At bakit nila ako gustong ma-interview?"
"Boss, maganda iyon, hindi ba? Magiging sikat ka at lalakas ang iyong mga koneksyon."
Hindi makasagot si Oliver, iniisip niya si Celeste, baka magkamali siya ng sagot ay malalagay sa alanganin si Celeste.
"Liam, ganito na lang, sabihin mo may hang-over pa ako, bahala ka na, sabihin mo may meeting ako, sige na."
"Okay, sinabi mo eh."
Hinarap nga ni Liam ang mga reporter at nag-alibi siya para kay Oliver.
"Nasaan na si sir Oliver? tanong ng mga reporter.
"Pasensya na kayo, mayroon pa siyang hang-over at wala siya sa kondisyon sa mga itatanong ninyo."
"Teka, bakit ninyo siya gustong ma-interview, baka kaya kong sagutin."
"Gusto naming tanungin kung totoo na may relasyon siya sa sikat na modelong si miss Celeste."
"Ha! Ha! Ha! Kayo talaga, ano bang tanong iyan? Walang katotohanan iyon dahil may katipan na ang boss ko. Kaya tiyak na hindi si miss Celeste ang nobya niya."
"Eh, bakit nakita sila ni miss Celeste sa Gosan Hotel na magkausap?"
"Tingnan ninyo ang kuha sa picture, hindi masyadong kita ang mukha ng lalaking sinasabi sa balita, hindi ba?"
"Oo, nga napansin ko din iyon", ang sabi ng isang reporter.
"Hindi pa rin kami naniniwala, gawa gawa mo lang ang sinabi mo."
"Okay, okay, ganito na lang mas mabuti bumalik na lang kayo at siya na lang ang kausapin ninyo."
"Mabuti pa nga, tayo na mga kasama at bumalik na lang tayo. Wala tayong magandang maibabalita nito."
At nagsialis ang mga reporter na walang nakuhang information kay Oliver.
"Boss, napaalis ko sila, sinabi ko na may hang-over at wala sa kundisyon."
"Ano pa ang sinabi mo?"
"Sinagot ko ang tanong nila na kung may kaugnayan ka raw kay miss Celeste. Ang sabi ko wala kasi may katipan ka na kaya imposible na magkarelasyon kayo ni miss Celeste."
"Puwede na ang mga sagot mo sa kanila, maaasahan ka talaga."
"Puwede na ba akong artista, boss?"
"Artistahin mong mukha mo. Kumusta na nga pala ang project sa Tagaytay?"
"Walang problema, boss, nasa 90% na ang tapos. Siguro, boss, mas maganda pasyalan mo at baka may gusto kang pabago eh di hangga't maaga pa."
"Mabuti pa nga sige, maghanda ka at aalis tayo bukas ng maaga."
Kinabukasan, maaga pa ay umalis na sina Oliver at Liam. At tamang tama ang dating nila dahil maaga ring nagsidatingan ang mga trabahador, pati si mr. Chua, ang kontraktor.
"Good morning sir Oliver",ang bati ni mister Chua.
"Good morning, mister Chua samahan ninyo ako at titingnan ko ang mga materyales na ikinabit ninyo."
"Sige po, samahan ko kayo."
At nilibot nga ni Oliver ang kabuuang gawa nila ng may napansin siya.
"Mr. Chua, bakit ito ang inilagay ninyong kahoy, palitan ninyo ito, hindi ito ang dapat ilagay dito, sundin ninyo kung ano ang nasa plano."
"Eh, sir Oliver, nahirapan po kasi kaming makakita ng kahoy na tulad ng nasa plano. Kaya naisip ko na tutal matibay din naman ang pinili ko kaya sa isip ko ay pwede na rin."
"Mr. Chua, hindi iyong tibay ang pinaguusapan dito, kundi iyong hindi tatagos ang lamig dito sa kuwarto, dapat walang moisture dahil Tagaytay ang lugar na ito mister Chua, masyadong malamig dito, naiintindihan po ba ninyo? Iba ang klema dito kaya kapag nasa loob ka ng bahay ay warm ang pakiramdam ng titira dito.
"Pero sir Oliver, ang magtanggal nito at magkabit ay sobrang hirap."
"Wala akong pakialam, kasalanan ninyo iyan dahil hindi ninyo sinunod kung ano ang hinihingi sa structural design na alam ninyong labag at puwede kayong managot."
"O, mga bata narinig ninyo? Kilos kaagad at palitan kung papalitan. Ayusin lang ninyo ang pagtatanggal upang hindi masira ang ibang bahagi ng bahay." ang utos ni mr.Chua sa kanyang mga tauhan.
"Boss Oliver naman, hinay hinay ka naman sa pagsasalita sa mga trabahador at baka sa inis nila ay iwanan ka eh sinong gagawa?" ang sabi ni Liam.
"So, anong ikinatatakot mo? Umalis sila kung gusto nila, marami naman diyan na matalino kaysa sa kanila na palpak at hindi sinusunod ang plano. Alam mo ba na tayo rin ang napipinsala dahil sa oras na ginugugol nila?"
Habang tinitingnang mabuti ni Oliver ang iba pang bahagi na ginawa ng mga trabahador ay tumwag si Celeste.
"Hello! Oliver, nakausap mo na ba si Sophia? Pumayag na ba siya?"
"Hindi pa, bayaan mo at pupuntahan ko siya sa pinapasukan niya sa Gosan Hotel."
"Okay, love, ingat."
"Sophia, papasok ka na bukas, tapos na ang bakasyon mo," ang paalala ni Olivia.
"Oo nga at ayaw kong paapekto kay Michael dahil hindi pa kami break,cool off lang."
"Sophia, huwag kang magagalit sa akin ha? Kasi iyang si Michael ay hindi dapat pagukulan ng tapat na pagmamahal."
"Ano ka ba Olivia? Hindi pa natin lubos na alam kung ano ang talagang dahilan at alam ko may problema lang siya at kailangan niya ang tulong ko. Mahal ko siya kaya susundan ko siya sa LA."
"Bahala ka na nga, kung nagpapakabaliw ka at kung iyan ang gusto mo eh di sumige ka."
Isang reporter ang walang sawang sunod ng sunod kay Celeste upang makakuha ng magandang balita subali't wala pa ring nangyayari.
"Hayyy! Ang hirap talaga, ano ba ito at hangga ngayon wala pa akong makuhang picture na puwede kong ibalita." ang parang nayayamot na sabi ni Bong, ang tinaguriang paparazzi ng news team nila.
"Hello! Bong, o ano wala pa ba?"
"Eh, boss pasensya na, wala pa eh."
"Aba eh mukhang humihina ka ng maging paparazzi. Kapag lagi kang ganyan ay papalitan na kita."
"Boss naman, kaunting tiis pa at makakatiyempo rin ako ng magandang picture at isa pa boss... hello?.... hello? ibinaba ni boss ang phone talagang itong si boss, buwisit," ang naiinis na sabi ni Bong.
Pinalipas muna ni Oliver ang isang linggo bago niya pinuntahan si Sophia. At ng puntahan niya si Sophia sa Gosan Hotel ay abala ito sa pag-aasikaso sa mga kustomer. Nagtiyaga siyang naghintay at sinabi sa sarili,"Bahala na sana pumayag siya." Matagal ding naghintay sa reception area si Oliver.
"Bahala na sana pumayag si Sophia.... Sophia nga ba ang pangalan niya? Ah, di bale bahala na ang mahalaga ay mapapayag ko siya," ang bulong sa sarili ni Oliver.
Hindi nabigo si Oliver at nakita niya si Sophia na parating at nakita naman kaagad siya.
"Hoy! mister rapist, bakit ka nandito!" ang bati ni Sophia na medyo napalakas ang boses.
"Puwede ba hindi ako rapist. Ako sa Engr. Oliver, isang kilalang architectural engineer at designer," ang pagmamalaking sabi nito.
"O, ngayon ulitin ko ang tanong ko mister mayabang. Ano ang ipinunta mo dito?"
"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?"
"Hindi naman, nagtataka lang ako dahil hindi ka natakot na magkikita tayo. Sige aalis na ako."
"Sandali lang, ikaw Sophia, ikaw talaga ang sadya ko dito miss na iniwan ng boyfriend."
"O, eh, anong pakialam mo? Hindi ako iniwan, cool-off lang kami for your information."
"Okay sige na, puwede ba tayong mag-usap sa labas, importante lang kasi."
"At bakit mo ako kakausapin, ha mister... ano nga ang pangalan mo? Ah, teka naalala ko na ikaw si Oliver, ang mayabang na designer."
"Sige na huwag tayo dito mag-usap kasi maraming tao at iskandalosa ang bibig mo eh."
"Nandito na tayo sa labas, ano ba talaga ang sadya mo sa akin?"
"Ganito kasi iyon, miss suplada, este Sophia, may problema kasi ang katipan kong si Celeste, remember, ang modelong si Celeste na tumanggi sa aking pakasal kaya ako naglasing?"
"Anong pakialam ko ngayon sa problema ninyong dalawa?"
"Sandali lang, makinig ka muna at pagkatapos ay makikisuyo ako na tulungan mo kami. Si Celeste ay nagsisimula na sa kanyang movie film at naeskandalo siya sa lumabas na balita na may relasyon siya sa akin dahil sa picture na nakunan kaming dalawa na magkasuap. At dahil ayaw ng mga fans na may ka-relasyon siya kaya siya ngayon namomoroblema. At isa sa naisip naming solusyon ay magkaroon ako ng ibang nobya pero ito ay pakunwari lamang para lang mabaling ang attention ng tao sa amin kung sino man ang maging nobya ko. At magbabayad kami ng tatlong milyon at magkakaroon din siya ng isang diamond ring na palatandaan na kami'y engage sa isa't isa."
"Eh, sino naman ang iniisip mo na maging fake na nobya mo?"
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, ikaw Sophia ang gusto kona maging peke kong nobya, kung papayag ka lang at sana pumayag ka na, please. Ano, payag ka ba?"
"Pag-isipan ko muna, baka kasi niloloko mo lang ako, para hindi kita makasuhan ng rape."
"Puwede ba, hindi ako rapist. O, ano payag ka ba? Sayang din ang three million."
Nag-isip na mabuti si Sophia, kasi sa three million ay malaki na itong puhunan sa balak niyang makapagtayo ng isang restaurant at kailangan niya ng pera para masundan niya sa LA si Michael.
"Okay, gumawa ka ng mga kasunduan at titingnan ko kung maganda ang mga nilalaman dahil kung hindi ay maghanap ka na lang ng iba.,Bigyan mo ako ng dalawang araw upang sabihin ko sa iyo kung payag ako o hindi, okay?"
"Good, thank you Sophia, ang bait bait mo pala eh."
"Huwag mo nga akong bolahin, baka akala mo nalimutan ko na nilasing mo ako at dinala sa bahay mo."
"Ayaw mo noon, dahil doon nagkakilala tayo."
"Hmm, Sige hindi na kita tatawaging rapist, mayabang na lang. Mukhang maganda ang proposal mo, sige gawin mo na ang kasunduan."
"Salamat, miss suplada, hindi ka lang maganda kundi matulungin pa."
"Gusto ko lang suklian ang hindi mo pag-report sa akin sa manager namin ng matapunan ko ng mainit na sabaw ang iyong alaga," at natawa si Sophia.
"Kung gayon, okay na tayo, at sana peace na tayo"
:Sige, peace kung peace, halata ko naman na isa kang maginoo at puwedeng pagkatiwalaan."
"Salamat ha? mula ngayon hindi na ako sisigaw kapag nagagalit, pangako yan."
Sa shooting
"Direk, ready na ang lahat."
"Okay, umpishan na."
"Light, camera, action!"
"Ricky, maawa ka huwag mo akong iwanan."
"Cut"
"Celeste, gandahan mo naman ang pag-arte mo, gawin mong makatotohanan, iyong tunay ang pagmamakaawa mo, iyong umiiyak ka."
"Opo, direk, pasensya na po."
"Okay, take two tayo."
Nang matapos ang isang segment ng shooting ay binati ng movie director si Celeste.
"Good work, Celeste."
"Thank you, direk!"
Sa di kalayuan sa venue ng shooting ay kanina pa nagaabang si Bong na baka makakuha siya ng magandang picture na puwedeng kagatin ng masa.
"Ano ba ito? Kahit dito sa shooting ay wala akong makuhang magandang ibabalita. Tiyak may sasabihin na naman sa kanya ang boss niya.
"Olivia, may sasabihin ako sa iyo."
"Tungkol saan?"
"Hindi ba naikuwento ko sa iyo ang nangyari sa amin ni Oliver ng kami ay malasing noon?"
"O, eh, ano ang tungkol doon?"
"Kinausap niya ako at magpapanggap kami na mag-siyota upang mabaling sa amin ang mata ng mga tao upang hindi masangkot si Celeste sa napabalitang may relasyon siya kay Oliver. Sa gayon hindi na siya pag-uusapan dahil ayaw ng mga fans na may ka-relasyon siya. At ang katumbas niyon ay babayaran nila ako ng tatlong milyon at bibigyan ako ng isang diamond ring katunayan na kami na nga ang magkasintahan."
"Maganda ang proposal niya ha, at isa pa hindi ba kailangan mo nga ng pera para sa binabalak mong pagtatayo ng sariling restaurant?"
"Ganoon nga ang iniisip ko at masusundan ko pa si Michael sa LA."
"Sabagay kung ako ang nasa lugar mo ay tatanggapin ko na iyon," ang sabi ni Olivia na sang-ayon siya.
Muling nagkita sina Oliver at Sophia
"O. ano Sophia, napag-isipan mo na bang mabuti?
"Sige, payag na ako, kaya gawin mo na kaagad ang kasunduan at kapag nagustuhan ko ay lalagdaan ko."
"Okay, gagawin ko na at magkita uli tayo sa makalawa."
"Bilisan mo lang at baka magbago pa ang isip ko."
"Hindi puwede na magbago ang isip mo, pumayag ka na ah, hindiba?" ang medyo pasigaw na sabi ni Oliver.
"Huwag mo nga akong sigawan."
"Sorry, sorry, sige sa makalawa magkita tayo uli."
Sa shooting
"Pack up! Pack up! Bukas na uli tayo mag-shooting at agahan ninyo dahil mas mahirap ang eksenang susunod. Pag-aralan mong mabuti Celeste ang mga linya na sasabihin mo."
"Opo, direk"
"Good"
"Celeste, tayo munang mag-snack," sabi ni Ricky.
"Ricky, thank you sa mga tips na itinuro mo sa akin."
"Okay lang iyon, nagsimula din ako noon na isang baguhan at naranasan ko rin ang magpaulit-ulit, talagang ganoon."
"Natatawa naman ako sa iyo. Salamat sa suporta, mahirap kasi sa katulad kong baguhan pa lang sa paggawa ng pelikula."
"Basta tiyaga lang."
Nagpunta ang dalawa sa restaurant ng Hotel, pinili nila ang puwesto na puwede silang makapag-usap ng tahimik.
"Miss, patingin nga ng menu."
"Sophia ang pangalan ko, heto ang menu."
"Ikaw si sophia?" ang nagulat na tanong ni Celeste dahil naalala niya ang pinag-usapan nila ni Oliver.
"Oo, ako ang team leader dito sa restaurant."
"Celeste, bakit parang nagulat ka na nakilala mo si Sophia?"
"Ah, wala naman may naalala lang ako."
Ilang kabataang estudyante ang nakakita kay Ricky at nagpa-otograph.
"Ricky, pa-autograph."
"Sure!"
Nang matapos
"Pasensya na Celeste, ganyan talaga kapag kilala ka sa industriya ng pelikula lalapitan ka rin ng mga fans mo."
"Mukhang exited na ako ah."
"Oo, at hindi mo sila puwedeng tanggihan dahil sila ang gagawa para sa iyo na lalo kang makilala kapag lagi ka nilang pinag-uusapan."
"Excuse me, ano na ang order ninyo?"
"Oh, oo nga pala, sorry Sophia. Ikaw Sophia hindi ka rin ba magpapa-otograp?"
"Naku, bawal sa amin kapag nasa duty kami."
"Joke lang, teka maganda ka Sophia, baka gusto mong mag-artista?"
"Ha? Pasensya na hindi ako puwede. Gusto ko sana kaya lang ayaw sa akin ng artista,"at natawa si Sophia.
"Okay, Celeste may napili na ka na ba?"
"Bahala ka na Ricky."
"Bigyan mo na lang kami ng dalawang order nito."
"Sige, paantay na lang ang order ninyo."
Nang makalayo na si Sophia
"Celeste, bakit parang natulala ka at mukhang malalalim ang iniisip mo?"
Sa totoo lang kanina pa nag-iisip si Celeste tungkol sa gagawing kasunduan ni Oliver dito kay Sophia. Maganda kasi itong si Sophia kaya medyo nagkaroon ng selos sa puso niya si Celeste at nagangamba siya na baka maakit ni Sophia ang kanyang katipan.
Kaya pagdating ni Celeste sa kanyang tinutuluyan ay tinawagan niya si Oliver.
"Oliver, kilala ko na si Sophia, nakilala ko siya sa Gosan Hotel at maganda siya, hindi ba?"
"Maganda nga siya pero mas maganda ka sa kanya at sexy pa, bakit mo naitanong?"
"Nakaramdam kasi ako ng selos eh."
"Ipanatag mo ang sarili mo, kahit binigo mo ang aking proposal ay sapat iyon upang tuluyan kitang limutin."
"Sige, at tandaan mo pagkatapos ng pelikula ko ay tayo uli."
"Okay, maghihintay ako."
"Teka Oliver, nagawa mo na ba ang magiging kasunduan ninyo ni Sophia?"
"Ginagawa ko pa at kapag natapos ko ito ngayon ay magkikita kami bukas upang lagdaan niya."
Patuloy pa sanang mag-uusap sina Oliver at Celeste ng mag-ring ang phone ni Celeste kaya naputol ang kanilang pag-uusap.
"Hello! Direk?"
"Celeste, agahan mo bukas at may pag-uusapan tayong importante bago magsimula ang shooting."
"Okay po."
Sa labas ng bahay ni Oliver ay may nag-aabang na reporter, si Bong.
"Ang hirap nitong ginagawa ko para akong asong nakabantay. Wala akong makukuhang magandang balita dito, makaalis na nga."
Natapos ni Oliver ang magiging kasunduan nila ni Sophia kaya maaga pa ay nasa Gosan Hotel na siya.
"Olivia, nasaan si Sophia?"
"Kausap ni Manager, bakit?"
"Anong oras kaya siya babalik dito?"
"Doon mo na lang siya hintayin sa reception area."
"Okay"
Hindi naman nagtagal si Sophia at pagdaan niya sa reception area ay nakita niya si Oliver.
"Oliver, nagawa mo na ba ang magiging kasunduan natin?"
"Oo, kaya lang hindi tayo puwedeng mag-usap dito."
"Oo, nga eh at isa pa may iniuutos sa akin ang manager ko at kailangan kong gawin kaagad."
"Ganito na lang puwede ka ba bukas? Susunduin kita at mag-usap tayo sa isang lugar na walang mangiistorbo sa atin."
"Sige tutal off ko naman bukas eh di sunduin mo ako dito."
"Dito?"
"Oo, bakit alam mo ba ang bahay ko?"
"Ah, oo nga pala, sige bukas, aalis na ako."
Nang nakaalis na si Oliver ay lumapit si Olivia kay Sophia.
"Sophia, ang pogi ni sir Oliver baka naman mahulog ang loob mo sa kanya."
"Naku ha! Hindi mangyayari iyon dahil ayaw ko sa mga katulad niyang masyadong mataas ang pagkakakilala sa sarili, may pagkamayabang pa. At isa pa hindi pa kami break ni Michale, cool off lamang kami."
"Nagpapaalala lang ako bilang kaibigan mo dahil ayaw ko na masaktan kang muli."
"Salamat, Olivia, ikaw talaga ang tunay kong kaibigan, hindi kita makakalimutan."
Kinabukasan, sinundo ni Oliver si Sophia upang pag-usapan ang kasunduan. Umalis sila at nagpunta sa isang kilalang social hall.
"Sophia, narito ang ating magiging kasunduan at kung sang-ayon ka sa mga nakalagay diyan ay lagdaan mo."
"Sige, babasahin ko muna, teka bakit ka ba nagmamadali?"
"Okay, okay basahin mo na!"
Unang kasunduan: Si Sophia ay sasamang mamasyal kay Oliver dalawang beses sa isang linggo upang ipakita sa publiko na sila'y magkasintahan;
Pangalawa: Titira si Sophia sa bahay ni Oliver at gagampanan ang gawaing bahay bago siya pumasok sa pinagtatrabahuhan niya;
"Teka, ano itong pangalawa na titira ako sa bahaymo?"
"Tumpak! Sa bahay ko ikaw titira dahil baka isipin ng mga tao ay nagpapanggap lang tayo. Lalo na may mga reporter na laging nagmamanman sa amin ni Celeste."
"Tayo lang sa bahay mo? Eh kung reypin mo ako."
"Hoy! Hindi ako matutukso sa iyo dahil ang gusto ko ay sexy!"
"Oo na, huwag kang sumigaw, lalaitin mo pa ako, yabang!"
Pangatlo: Igagalang ni Oliver si Sophia. Bawal siyang pumasok sa kuwarto nito ng walang paalam o kaya ay kakatok muna sa pinto.
Pang-apat: Bibigyan ni Oliver si Sophia ng Diamond ring na magiging tanda na sila'y engaged sa isa't isa.
Pang-lima: Babayaran ni Oliver si Sophia ng Tatlong Milyon pagkatapos ng kasunduang ito na magwawakas sa loob ng tatlong buwan.
"Ngayon miss suplada kung wala kang tutol sa ating kasunduang nakasaad diyan, eh sige na lagdaan mo na at pagkalagda mo ay hakutin mo na ang mga damit mo sa amin."
"Teka, mister mayabang eh kung tinutulungan mo kaya akong magdala na gamit ko! Mabigat yata ang mga iyon."
"Okay, okay susunduin kita sa pinapasukan mo at sabay tayong pupunta sa tinutuluyan mo, ano, maliwanag na ba sa iyo iyon?"
"Hmmm!