Pag-uwi ni Sophia sa kanyang tinutuluyan upang ihanda ang mga damit na kanyang dadalhin sa bahay ni Oliver ay hindi niya naiwasang tingnan ang picture nilang dalawa ni Michael at sa ganoong sitwasyon niya ay hindi niya namamalayan na pumapatak na pala ang luha niya.
"Michael, madaya ka, pinaghintay mo ako ng matagal na panahon sa pangako mo na ako lamang ang mahal mo, ako ang iyong pakakasalan pero bakit.... bakit mo ako iniwan.... ano ang dahilan at hindi mo sinabi sa akin," ang umiiyak na nasabi na lang ni Sophia na halos sumabog ang kanyang dibdib sa kinikimkim na sama ng loob.
"Hello! Sophia, nasaan ka na?" ang tawag ni Olivia sa kabilang linya.
""Narito pa ako sa bahay, inaayos ko ang mga damit na dadalhin ko sa paglipat ko sa bahay ni Oliver."
"Ha? Lilipat ka?"
"Oo, kailangan kasi at iyon ang nakalagay sa pinirmahan kong kasunduan namin."
"Mag-ingat ka sa kanya. Sabagay sa tingin ko naman sa kanya ay mabait siyang tao at propesyunal at higit sa lahat ay pogi," ang natatawang sabi ni Olivia.
"Kung hindi nga lamang sa tatlong milyon na ibibigay ni mister yabang ay hindi ako lilipat doon eh."
"Huwag kang mag-alala Sophia, susuportahan kita."
"Salamat, Olivia, ang bait mo talagang kaibigan."
"Papasok ka ba ngayon?"
"Oo, dala ko na ang mga damit ko at diyan ako susunduin ni Oliver na mayabang."
"Sige, at mayroon ka na lang na sampung minuto. Alam mo naman na mahigpit ang ating manager, ayaw niya na late tayo sa trabaho."
"Okay, papunta na ako."
Bago pa lang ang uwian nila sophia ay naroon na si Oliver upang sunduin siya.
"Sir, Oliver, ingatan nyo po ang kaibigan ko, kasi kapag iyan ay nalulungkot sa nangyari sa kanya ay umiiyak na lang siya. At kapag hindi niya nakayanan ay umaalis siya at pinupuntahan ang mga lugar na madalas nilang puntahan ni sir Michael noon."
"Oo, Olivia, hindi ko siya pababayaan, napansin ko nga para siyang bata na iyakin."
"Ano kamo?" ang medyo galit na sabi ni Sophia.
"Wala iyon, tayo na."
"Salamat, sir Oliver, ang pogi naman ninyo," ang pahabol na sabi ni Olivia.
Sa huling sinabi ni Olivia kay Oliver ay tinitigan nito si Oliver at umismid na ibig sabihin noon ay hindi naman pogi.
"Teka, buhatin mo naman ang gamit ko, para kang hindi gentleman."
Tinitigan muna ni Oliver si Sophia at saka binuhat ang mga gamit nito na halatang naiinis, ng biglang nag-ring ang cellphone niya.
"Hello! Boss Oliver, punta ka dito ngayon sa upisina at mayroong ipinababago ang kliyente sa design na ginawa mo," ang tawag ni Liam.
"Ano? Babaguhin? Eh, dalawang beses ko ng binago iyan ah!"
"Eh, boss, mukhang maselan ang kiliyente nating ito."
"Okay... okay, sige pupunta na ako, mga thirty minutes nandyan na ako."
Pagdating ng dalawa sa bahay ni Oliver
"Sige, maiwan na kita at sasaglit lang ako sa upisina. Magluto ka at linisin mo na ang bahay, iyong CR madumi, linisin mo."
Pagkaalis ni Oliver
"Ano ba ako dito, katulong?" ang sabi ni Sophia sa sarili na parang naiinis.
Habang naglilinis ng bahay si Sophia ay dumating si Celeste, at ng makita si Sophia....
"Nakalipat ka na pala?"
"Oo, ngayon lang ako mag-uumpisa."
"Nasaan si Oliver?"
"Sumaglit sa upisina niya, may kakausapin daw na kliyente."
"Sophia, salamat ha at pumayag ka sa proposal namin ni Oliver. Apat na buwan lang namanat pagkatapos noon ay babayaran ka namin."
"Sa totoo lang Celeste ay napilitan akong tanggapin ang alok ni Oliver dahil kailangan ko lang ng pera. Pupuntahan ko sa LA ang boyfriend ko."
"Kung ganoon Sophia ay magtulungan na lang tayo at tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo."
Nasa ganoon silang pag-uusap ng dumating si Oliver at nagulat ito ng makita si Celeste dahil bago ito pumunta ay tinatawagan muna siya nito na pupunta ito.
"Celeste, nandito ka pala."
"Oo, doon tayo sa kuwarto mo at may sasabihin ako sa iyo."
Umaga na ng nakauwi si Celeste, sa likod siya ng bahay ni Oliver nagdaan sa pangambang may nakaabang na reporter.
"Nakapagluto na ako Oliver, kumain kana diyan at ako'y papasok na sa trabaho ko."
Nang makaalis na si Sophia
"Mukhang masarap ang niluto ni supladang masungit ah."
"Hello! boss Oliver"
"Bakit Liam?"
"Papasok ka ba ngayon? Kasi nandito si miss Isabelle at hinahanap ka. Panay nga ang tingin sa salamin at tinitingnan kung maganda na siya eh."
"Ganoon ba? Sabihin mo kasama ko ang nobya ko, bahala ka na."
"Okay"
Sa Gosan Hotel
"Sophia, mabuti maaga ka."
"Bakit?"
"May meeting daw tayo sabi ni manager."
"Sige, sabihan mo ang mga kasama natin at bago mag-eight o' clock ay lahat nasa office na ng manager."
"Eh, Sophia papaano si nanay Gloria, sa 4th floor pa iyon at mahihirapan siyang umakyat doon."
"Ganito na lang mauna na kayong umakyat ni nanay Gloria at siguro naman bago mag-8th o' clock ay naroon na kayo, mayroon pa kayong thirty-minutes, sige na, lakad na na kayo."
"Okay, ang hirap kasi dito sa hotel na ito kung bakit ayaw pagamit ang elevator sa atin, gagamitin lang daw iyon sa room service."
"Huwag ka ng magreklamo diyan, lakad na kayo."
"Hello! Sophia, susunduin kita diyan sa Gosan Hotel paglabas ko dito sa office."
"Bakit?"
"Kakain tayo sa Roxas Blvd."
"Bakit hindi na lang diyan sa bahay, magdadala na lang ako ng lutong pagkain. Ano ba ang gustomo?"
"Puwede ba huwag ka ng tumutol diyan. Tinutupad ko lang kung ano ang nasa kasundeuan natin."
"Kasunduan?"
"Oo, nakalagay doon na lalabas tayo paminsan minsan at magpapakita sa mga tao at sa mga nakabuntot na reporter sa akin na ikaw ang aking syota at hindi si Celeste, remember?"
"Oo na nga, sige maghintay ako," ang parang nababagot na tugon ni Sophia.
Maagang dumating si Oliver sa Gosan Hotel at nagtuloy muna ito sa bar ng hotel upang mag-shot ng alak. Nakita kaagad siya ni Sophia paglabas sa servant quarter ng hotel.
"Aalis na ba tayo Oliver?"
"Sige, saan mo gusto tayong kumain?"
"Gusto ko doon sa lagi naming pinupuntahan ni Michael, para maalala ko siya."
"Matindi ka rin naman, ano? Iniwan ka na't lahat gusto mo pa siyang maalala ah," ang medyo pang-aasar ni Oliver.
Binagtas nila ang kahabaan ng Roas Blvd.
"Saan ba iyon?"
"Doon pa sa banda roon."
Inihinto ni Oliver ang kotse sa mismong restaurant na tinukoy ni Sophia. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng waiter na laging nagsisilbi kina Sophia.
"Ma'am Sophia, matagal po kayong hindi napasyal dito, nasaan po si sir Michael?"
"Si Michael? Nasa LA pa siya ngayon may inaasikaso pa rin at malamang hindi na babalik iyon," ang tugon ni Sophia na bakas dito ang taglay na sama ng loob.
"Ah, ganoon po ba."
"Sophia, tingnan mo, tingnan mo nakadikit pa ang picture ninyo ni Michael sa guest board, ibig sabihin pamalagian kayong customer dito ni Michael."
"Oo, Oliver, at alam mo kapag nag-iisa akong pumupunta dito na hindi kasama si Michael ay naiiyak na lang ako, habang sinasariwa ko ang masasaya naming alaala ni Michael."
"Heto na po ang order ninyo at isang boteng alak."
"Salamat, Bobby"
"Wala pong anuman, enjoy po kayo."
"Iyang si Bobby, siya ang laging nagsisilbi sa amin ni Michael at kapag nagpunta ako dito na nag-iisa ay tinatanong niya ako kung nasaan si Michael, sasabihin kong baka hindi na bumalik sa akin, at kapag nakita niya ako na naging malungkot sa sagot ko ay sasabihin niya na huwag akong mag-alala at malungkot dahil babalik din si sir Michael," ang sabi ni Sophia na halatang naiiyak ito.
"Tama na iyan, hindi pa tayo nag-uumpisang uminom ay lasing ka na!"
Sa sinabing biro ni Oliver ay nangiti sa Sophia habang nagpapahid ito ng luha.
"Pasensya ka na Oliver, ganito talaga ako. Lagi ko ngang tanong sa sarili ko na bakit lahat ng mahal ko ay iniiwanan ako?"
"Hindi lang ikaw, Sophia ang may ganyang problema."
"Bakit mo nasabi iyan?"
"Noong bata pa ako ay lagi akong iniiwanan ng mama ko sa bahay. Minsan nga nagdaos ako ng birthday ko, hindi siya dumating, pinaghintay ko ang aking mga kaibigan na darating si mama, pero hindi siya dumating, nag-uwian ang mga kaibigan ko at labis akong nalungkot. Pero hindi naman niya ako pinababayaan sa pangangailangan ko hanggang makatapos ako ng pag-aaral. At dahil malaki na ako at mayroon ng trabaho ay iniwan niya ako ng tuluyan. Nagpunta siya ng states at hangga ngayon ay hindi pa bumabalik may tatlong taon na, kaya galit na galit ako sa mama ko at ayaw ko na siyang makita."
"Oliver, magkaiba ang boyfriend o girlfriend sa magulang, makakahanap ka ng maraming boyfriend o girlfiend pero ng isang ina, wala kang mahahanap. Maaaring may malaking dahilan kung bakit ka niya iniwan ng matagal na panahon. Magkaganoon man, mama mo pa rin siya na naghirap sa iyo mula ng isilang ka sa mundong ito kaya narating mo kung ano ka ngayon."
"Ewan ko pero hindi mo mababago ang isipan ko, basta galit ako sa mama ko."
"Buti ka pa nga, mayroon kang ina na puwedeng bumalik sa iyo."
"Bakit mo nasabi iyan?"
"Kasi, ako iniwan na lang ako sa bahay ampunan noong sanggol pa ako. Hindi ko alam kung ano ba ang itsura ng ina ko samantalang ikaw nakasama mo ang ina mo, nakausap mo na siya, nayakap, napaglambingan mo na. Hindi ko naranasan sa ina ko ang lahat ng iyon, naiinggit ako sa iyo. Subali't hindi ako nagdaramdam sa ina ko, at nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko siya hindi upang sumbatan kundi sasabihin ko sa kanya na salamat at isinilang niya ako sa mundong ito at sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya, yayakap ako sa kanya, kasi siya ang ina ko."
"Kahit ano pa ang sabihin mo Sophia, basta galit ako sa mama ko. Kaya iba na lang ang pag-usapan natin."
"Naalala ko tuloy iyong kalaro ko sa bahay ampunan."
"Sino iyon?"
"Si William, sabay kaming lumaki sa bahay ampunan, siya ang tagapagtanggol ko kapag inaaway ako ng kapwa bata sa ampunan. Para kaming magkapatid na tunay at nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay. Subali't ng may umampon sa kanya at nanirahan sa ibang bansa ay nalungkot ako. Sinabi niya bago umalis na babalikan niya ako at sa bahay ampunan kami magkikita. Kaya lang hindi na natupad iyon dahil may umampon din sa akin at nanirahan sa ibang lugar. Iyong umampon sa akin ay may isang anak na babae kaya lang hindi naging maganda ang pagtitinginan namin hanggang kinuha ko muna ang kanyang laruan na hindi ako nagpaalam sa kanya. Pinagbintingan niya akong magnanakaw, hanggang sa mag-away kami at naitulak ko siya na naging dahilan ng pagkabali ng kanyang kamay. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagalit sila sa akin at ipinaampon nila ako sa iba. Alam mo dahil doon ay natanim na sa isipan ko na hindi ko kukunin ang isang bagay na pag-aari ng iba, ayaw kong mang-agaw ng pag-aari ng iba."
Pagkatapos magkuwento ni Sophia ay hindi nito napigilan ang lumuha.
"Ang lungkot naman ng naging karanasan mo. Huwag ka ng umiyak."
Iniabot ni Oliver ang kanyang panyo kay Sophia upang pahirin ang mga luha nito. At habang pinagmamasdan ni Oliver ito ay may naramdaman siyang awa. Kaya nangako siya sa sarili na sa loob ng apat na buwan nilang kasunduan ay hindi niya ito bibigyan ng sama ng loob.
Sa hindi kalayuan ay isang reporter ang nagmamatyag sa kanila.
"Kapag itong dalawang ito ang lagi kong susundan ay wala akong magandang maibabalita. Sana lumitaw si Celeste para maging sapak ang balita ko... love triangle, hindi ba maganda iyon."
Hanggang sa umuwi na ang dalawa ay walang Celeste na nagpakita.
"Minamalas talaga ako hindi bale susundan ko pa rin ang dalawang ito," ang nasabi na lang ng reporter na si Bong.
Dahil sa maaga pa ay naglakad lakad muna ang dalawa sa kahabaan ng Roxas Blvd.
"Ganito kami ni Michael noon, lalakarin namin ang kahabaan ng Roxas Blvd, magkahawak kami ng kamay, nagkukuwentuhan, nagbibiruan. Mga sandali ng kaligayahan na parang walang katapusan. Kumusta na kaya siya?"
"Ang maipapayo ko lang sa iyo, babae, ay kalimutan mo na siya, kaya ka niya iniwan ay hindi ka niya mahal, intindihin mo iyon."
Hindi sumagot si Sophia sa sinabi ni Oliver dahil hindi niya alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.
"Nakakapagod naman ang haba na ng nalalakad natin."
"Teka ayun may upuan, maupo muna tayo", ang sabi ni Oliver.
"Mabuti pa nga."
Alam ni Oliver at nararamdaman niya kung gaano kasakit ang ginawang pag-alis ni Michael sa buhay ni Sophia at gusto niya itong paglubagin ang kalooban. Hinawakan ni Oliver ang kamay ni Sophia.
"Gusto kong mawala ang pagdaramdam mo at kunwari ako si Michael."
"Kaya pala hinawakan mo ang kamay ko, salamat medyo nabawasan ang dinadala ko, talagang kailangan ko ang isang nakakaunawa sa kalagayan ko, isang puwedeng pagsabihan ng aking problema. Salamat, Oliver, kahit peke lang ang relasyon natin ay kahit papaano nakadarama ako ng ginhawa."
Habang hawak ni Oliver ang kamay ni Sophia at hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang puso.
"Sophia, tingnan mo ang mga bituin, nagkikislapan sila sa ganda na ibig sabihin ay masasaya sila kapag sila'y nakapagbibigay ng liwanag sa sangkatauhan. Subali't pagdating ng umaga ay unti unti na silang mawawala. Ganyan ang buhay natin, dumarating sa buhay natin ang sobrang kalungkutan subali't napapawi rin ito pagdating ng panahon."
"Natatawa naman ako sa iyo para kang makata," ang nakangiting sabi ni Sophia.
Nang makita ni Oliver na nakangiti si Sophia ay napansin niya ang kagandahan nito.
"Ganyan nga, Sophia, maganda ka kapag ngumingiti."
"Huwag mo nga akong bolahin para kang si Michael, bolero, hindi totoo ang sinasabi."
Sa sinabi ni Sophia na hindi totoo ang mga sinasabi ni Michael ay muli itong nadala ng kanyang damdamin. Inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Oliver at itinakip ang dalawang palad sa mukha at tuluyan ng umiyak.
Nahabag si Oliver, kinabig niya si Sophia at idinikit ang ulo sa balikat niya habang patuloy si Sophia sa kanyang pag-iyak.
Nalanghap ni Oliver ang mabangong buhok ni Sophia kaya naalala niya si Celeste. Kapag magkayakap sila ni Celeste ay langhap niya ang kabanguhan nito.
Habang nakahilig si Sophia sa balikat ni Oliver ay pinagmamasdan niya ito mula sa mga gilid ng kanyang mga mata. Ngayon hindi niya alam kung awa lang ba ang kanyang nararamdaman dito.
Umuwi na ang dalawa at pagdating sa bahay ay tuloy tuloy ng pumasok si Sophia sa kanyang kuwarto, isinara ang pinto. At sa labas dinig ni Oliver ang paghikbi ni Sophia.
Kinabukasan, maagang nagising si Sophia. Pagkatapos magluto at mag-iwan ng note para kay Oliver ay umalis na ito upang pumasok.
Nang magising si Oliver ay nakita niya ang isinulat ni Sophia.
"Kumain ka na diyan, ipinagluto kita ng masarap na agahan."
Sa Gosan Hotel
"Sophia, bakit namumugto ang mga mata mo? Hindi ka ba nakatulog?" tanong ni Olivia.
"Naisip ko kasi si Michael kagabi."
"Kaibigan mo ako Sophia, huwag kang magagalit sa akin, kalimutan mo na iyang katipan mo na walang isang salita. Hindi ka makapagpapatuloy sa buhay mo kung parati mo siyang iisipin. Tapusin mo na ang kabanata ninyong dalawa at harapin mo ang buhay mo ngayon."
Hindi na sinagot ni Sophia ang payo ng kaibigan dahil may katwiran ito.
"Olivia, sa inyo muna ako matutulog, tatawagan ko na lang si Oliver para hindi niya ako hintayin."
"Sige, gusto ka rin ngang makita ng anak ko eh."
Muling natapos ang maghapon sa buhay ni Sophia.
"Olivia, gusto ko munang maglakad lakad tayo, maaga pa naman."
"Sige, gusto ko yan para naman ma-excercise ang katawan ko."
"Ayun may nagtitinda ng banana cue, bili tayo."
Habang sila'y naglalakad at kumakain ng banana cue ay nakita ni Olivia, isang batang maliit na naglalakad at tatawid ng kalsada.
"Sophia, tingnan mo iyong bata papunta sa kalsada hindi nakikita ng ina niya."
At ng makita ni Sophia na may parating na sasakyan ay mabilis nitong tinakbo ang bata at tamang tama naman nasagip niya ang bata kaya lang bahagya siyang nahagip at natumba na mahigpit pa ring hawak ang bata.
"SOPHIA!" ang sigaw ni Olivia.
"Aruyy ko ang paa ko masakittt!"
"ANG ANAK KO!" ang sigaw ng ina ng bata ng makita si Sophia na nakahiga.
"Salamat miss, iniligtas mo ang anak ko, dalhin ka namin sa ospital"
"Sophia, nabigla ako, mabuti hindi ka napuruhan."
"Eh, miss, tayo na dalhin ka namin sa ospital."
"Huwag na po, kaya ko pa ang sarili ko."
"Ano ang pangalan mo, miss?"
"Sophia po."
"Salamat, Sophia, malaking utang na loob namin ito sa iyo, iniligtas mo ang aming anak."
"Wala pong anuman iyon, kahit naman po sino ay gagawin din iyon."
"Bigyan na lang kita ng calling card ng mister ko para kung kailangan ang tulong mo ay tawagan mo kami."
"Sige po, Olivia ikaw na ang magtago ng calling card."
"Kaya mo bang maglakad? Tayo na at akayin kita. Tatawag lang ako ng taxi."
Sa bahay ni Oliver
"Bakit kaya wala pa si Sophia, gabi na ah," ang sabi ni Oliver sa sarili na parang nababahala.
"Hello! Oliver, si Olivia ito, nandito sa bahay namin si Sophia. Dito muna siya matutulog sa amin kasi masakit pa ang paa niya."
"Ha! Bakit?"
"Nasagi kasi siya ng kotse dahil sinagip niya ang batang maliit na masasagasaan sana ng kotse."
"Teka, saan ba ang address mo at pupunta ako?"
Pagkasabi ng address ni Olivia ay hindi nag-aksaya ng panahon si Oliver kaya madali niyang narating ang tirahan ni Olivia.
"Sophia, kumusta na ang pakiramdam mo? Dadalhin kita ngayon sa ospital."
"Huwag na medyo masakit lang ang paa ko."
"Hindi puwedeng ayaw mo basta dadalhin kita sa ospital."
Walang nagawa si Sophia kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Oliver. Nadala siya sa ospital at natingnan kaagad ng mga doktor.
"Dok, ano ang lagay ng paa niya?"
"Wala namang nabaling buto, nabugbog lang kaya sumasakit pa. Ipainom mo na lang itong mga gamot para mawala kaagad ang pamamaga. Mamaya puwede mo na siyang iuwi."
"Salamat dok."
Habang nakikipagusap si Oliver sa doktor ay pinagmamasdan ito ni Sophia. May nadama siya sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Ang ginawa ni Oliver na pagmamalasakit sa kanya ay isang bagay na gumugulo sa isipan niya kahit pakunwari lang ang kanilang relasyon. At naalala na naman niya si Michael at siya'y naluha. Nakita ni Oliver ang pagluha niya.
"Huwag ka ng umiyak, sabi ng doktor nabugbog lang ang paa mo kaya masakit ang pakiramdam mo, mabuti na lang walang buto na nabali, ikaw kasi," ang tila paninisi sa kanya ni Oliver.
"Bakit para kang galit eh hindi ko naman kagustuhan ang masagi ako!"
"Ewan, ayusin mo na ang saril mo, babayran ko lang ang bill tapos uuwi na kita."
"Suplado, hindi naman siya ang muntik ng masagasaan," ang sabi sa sarili ni Sophia pagkaalis ni Oliver.
Nang nakauwi na sila kina Oliver
"Oliver, salamat ha."
"Saan?"
"Sa pagiging concern mo sa akin."
"Natural lang na maging concern ako sa iyo dahil iyon ang nakalagay sa ating kontrata, na hindi kita pababayaan."
"Kahit na basta salamat pa rin."
"Bahala ka"
Nang pumasok na si Oliver sa kanyang kuwarto
"Hmm! Suplado talaga," ang nasabi na lang ni Sophia.
Sa kuwarto ni Oliver ay hindi ito makatulog dahil iniisip niya kung bakit nababahala siya kapag may masamang nangyayari kay Sophia. At maaalala niya si Celeste, pakiramdam niya ay parang hindi na siya labis na naghahanap dito, hindi tulad ng dati.
"ARAYY!" ang sigaw ni Sophia na dinig hanggang sa kuwarto ni Oliver.
Napatakbo si Oliver sa kuwarto ni Sophia.
"Bakit?"
"Iniuusod ko ang paa ko ng biglang tumama sa kanto ng mesa, arayy masakit."
"Teka, tutulungan kita."
Nang maituwid na ni Oliver ang paa ni sophia sa kama
"O ano okay na!?" ang medyo napalakas na sabi ni Oliver.
"Salamat ha, pero bakit galit ka yata."
"Galit ako kasi, isinubo mo ang sarili mo eh kung nasagasaan ka."
Hindi na sumagot si Sophia hanggang makalabas na ng kuwarto si Oliver.