Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 38 - The Embarrassment

Chapter 38 - The Embarrassment

"Ang ganda nito~"

Sabi ko sa sarili ko nang kunin ko na ung denim vest na may color black na hood sa harapan ng stall. Aaahhhh! I love it! Kaso pambili na lang ng pagkain 'tong pera ko. Hayy… Babalikan na lang kita sa susunod.

Ibinalik ko na ung denim vest sa sabitan nito at saka hinarap na si Jervien na nakatayo lang sa likuran ko habang may pilit nang ngiti saking mga labi.

"Tara na?"

Tanong ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya at nginingitian pa rin. Tumango na lang sakin si Jervien bilang sagot sa tanong ko at saka naglakad na papalayo, dahilan para sundan ko ulit siya.

Maya-maya pa ay pumasok na kaming dalawa sa WacD at agad na dumiretso sa pila roon sa cashier. Tumingin na kami ni Jervien sa menu na nakasabit sa taas ng cashier habang nakapila pa rin kaming dalawa.

"Ano oorderin mo?"

Tanong ko kay Jervien habang kinukuha ko na ung wallet ko sa bag ko at tinitignan ko na siya.

"Ung Ala Queen with fries. Sayo?"

Sagot at tanong pabalik sakin ni Jervien habang nakatingin pa rin siya sa menu na nakasabit sa itaas ng cashier.

"Ala Queen din pero walang fries."

Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien habang nakatingin na ulit ako sa menu sa taas ng cashier at hawak ko na ung wallet ko.

"Ahh, okay."

Sabi ni Jervien habang nakatingin na siya sa cashier. Maya-maya pa ay umalis na ung naunang customer sa harapan ng cashier na may dala-dalang tray na may pagkain, dahilan para kami naman ni Jervien ung sumunod na oorder.

"Good afternoon, ano po order nila?"

Bati ni ate cashier nang makatayo na kaming pareho ni Jervien sa tapat ng counter.

"Isang Ala Queen with fries."

Sagot ni Jervien kay ate cashier habang tinitignan na niya ito, at ako naman ay nagdadalawang isip kung oorder rin ba ako ng fries or hindi. Nagsimula nang magpipindot si ate cashier sa monitor na nasa harapan niya at ako naman ay bigla nang nacurious kung ano itsura nung monitor na gamit niya.

"May coke po?"

Tanong ni ate cashier matapos niyang pumindot sa monitor at saka ibinalik ulit ang tingin niya kay Jervien.

"Oo."

Simpleng sagot ni Jervien sa tanong ni ate cashier sakaniya.

"Sainyo po?"

Tanong naman sakin ni ate cashier nang matapos na siya ulit pumindot sa monitor habang tinitignan na niya ako.

"Isa pong Ala Queen."

Sagot ko sa tanong sakin ni ate cashier habang tinitignan ko na rin siya at nginingitian ko siya awkwardly, dahilan para magpipipindot ulit siya sa monitor niya.

"With fries rin po ba?"

Tanong ulit sakin ni ate cashier sabay balik ulit ng tingin niya sakin, dahilan para mapa taas ko ng kaunti ang pareho kong kilay sakaniya. Kung pwede lang sana ate, kaso di na kasya sa budget ko, eh. Baka di na ko maka uwi.

"Wala po."

Sagot ko na sa tanong sakin ni ate cashier sabay ngiti ko ulit sakaniya awkwardly. Yeah… awkward po talaga akong tao. Pagpasensiyahan niyo na po.

"May coke rin po ba?"

Tanong ulit sakin ni ate cashier nang tignan na niya ulit ako habang si Jervien naman ay naghihintay lang sa tabi ko.

"Meron po."

Sagot ko ulit sa tanong sakin ni ate cashier habang tumatango na ako sakaniya at nakangiti pa rin awkwardly.

"One Ala Queen with fries and One Ala Queen without fries. XXX pesos po ung total."

Sabi na ni ate cashier saming dalawa ni Jervien matapos niyang magpipipindot sa monitor sabay tingin na saming dalawa. Kinuha na ni Jervien ung wallet niya sa bulsa ng denim jacket niya habang ako naman ay nilabas na ung pera sa wallet kong kanina ko pa hawak.

Kaso… itong isang piso… nalaglag pa talaga sa sahig kung kelan magbabayad na kami. Yumuko na ako para kunin ung piso sa sahig nang biglang dumulas sa ulo ko ung bag ko dahil nakalimutan ko na isang bag strap lang pala ung suot ko ngayon.

Hindi niyo ba gets? Need ko pa ba iillustrate? Please wag niyo 'to ipagawa sakin! Hindi niyo talaga gets? Sige! Oo na! Iillustrate ko na para sainyo! Kasi naman ba't hirap ako mag explain?!

Bag/ulo ko

Sahig 'to, okay->____________piso__________

Okay na ba? Kahihiyan! Sa harapan pa mismo ng crush ko! Aaaaahhhhh! Lamunin mo na ako lupa!

"Ah."

Yan na lang ang tangi kong nasabi ng muntikan nang madaganan ng sarili kong bag ang ulo ko. Nakuha ko na rin sa wakas ung piso, inayos ko na ung bag ko at saka inilagay na ung piso sa counter.

Nakakainis naman! Bakit ba kasi ang dami kong dalang gamit ngayon?! Dadalawa lang naman ung subject namin ngayon tapos ang dami kong dala! Nakakahiya naman!

"I receive XXX pesos."

Sabi ni ate cashier nang mabilang na niya ung pera naming dalawa ni Jervien at nagpipipindot nanaman siya sa monitor.

Maya-maya pa ay inilagay na ni ate cashier ung inorder namin ni Jervien sa tray. Nang makumpleto na ung order namin ni Jervien ay binitbit na niya ung tray at saka naghanap na kami ng puwesto.

Ilang saglit pa ay nakahanap na rin kami ng mauupuan kaya inilapag na ni Jervien ung tray sa pang-apatan na lamesa at saka naupo na kami pareho. Kinuha na namin ni Jervien ung pagkain namin at inumin saka iginilid na ung tray sa lamesa na di namin gamit. Magkaharap kami, eh. Kilig ako hehehe~

"First time kong gumala na isang lalaki lang ung kasama ko."

Sabi ko kay Jervien nang mailunok ko na ung pagkain sa bibig ko. Kumakain na kasi kami, eh.

"Talaga?"

Tanong sakin ni Jervien bago siya sumubo ulit at habang nakatingin na siya sakin.

"Oo, kadalasan kasi babae ung palagi kong kasama o kaya grupo kaming gumagala."

Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien bago ako sumubo.

"Ahh. First time ko rin 'to, eh."

Sabi naman sakin ni Jervien nang mailunok na niya ung pagkain sa bibig niya. Di nga? First time niya rin 'to!?

"Weh?"

Yan na lang ang nasabi ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba?

"Oo, madalas kasi ako lang mag-isa, eh."

Sagot ni Jervien sakin habang nakatingin na siya sakin. Buti na lang hindi pa ako sumusubo dahil kung hindi… mabubulunan ako.

"Bakit?"

Tanong ko ulit kay Jervien habang tinitignan ko pa rin siya at naka handa na sanang isubo ung pagkain sa kutsara ko.

"Nasanay na kase ako, pero sa 28 may kasama akong manunuod ng Weathering with You sa sine."

Sagot naman ulit ni Jervien sa tanong ko sakaniya matapos niyang kumain ng fries.

"Oh? Sino?"

Tanong ko nanaman kay Jervien. Pagpasensiyahan niyo na po. Interesado lang po kasi ako sa tao kaya matanong ako ngayon. Isa lang naman po akong tao na may crush sa isa pang tao.

"Ung kaibigan ko sa dati kong school."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sabay subo na ng pagkain niya.

"Ahh."

Yan na lang ang nasabi ko kay Jervien at saka sinubo ko na ung pagkain sa kutsara ko. Hindi pa dyan nagtatapos ung pag-uusap namin ni Jervien, noh. Nagtuloy-tuloy pa ung pag-uusap namin hanggang sa matapos na kaming kumain pareho at naisipan nang umuwi.