~AUG 23 AT 5:17 PM~
: Himala ahahahaha di ka nag deact ngayonn
Jervien: maytinanong kase ako ehh hinde sya nag menessege hahaha
Jervien: memesege
Jervien: nag memessage*
: Ahh ahahahahaha
: Nakabalik na kayo sa room???
Jervien: hinde paa
: San kayo??
Jervien: dto parin
Jervien: wait lang bawal cp dto hahahaa
: Sige ahahahaha
Jervien: bye
: Byeee
And… yep. Dyan na natapos ung convo namin ni Jervien ngayong hapon. Andito pa rin kami nila Chin, Christina, Juliana at Violado sa canteen kasi ayaw pa namin umakyat sa classroom. Tamang food trip lang.
"Sino kachat mo Ibon?"
Tanong sakin ni Christina nang mapansin niya na nagsecellphone lang ako. Agad ko nang nilock ung phone ko at saka nilapag na un sa lamesa. Oo nga pala! Ung puwesto naming lima ay ganito… pang-apatan ung lamesa dito sa canteen, eh. Ayoko na mag-explain. Bibigyan ko na lang ulit kayo illustration.
Basta puro bintana dito
Pader Chin | Christina | Violado
Lamesa naman 'to
Ako | Juliana
Sumiksik lang talaga si Violado kila Christina kasi pare-pareho naman silang mapa payat, eh, kaya nagkasya pa.
"Wala, ah."
Pagdedeny ko sabay iling ko na kay Christina habang pinipilit kong pigilan ung ngiting pumoporma sa labi ko. Maki cooperate ka naman labi!
"Wehh~"
"Sigurado ako si Jervien yan!"
Sabi nila Juliana at Christina habang tinitignan na nila ako pareho. Nanahimik na lang ako, kumuha ng biscuit sa loob ng bag ko, binuksan na ung lalagyanan nung biscuit at saka kumain na.
"Nasan na raw sila?"
Tanong ni Violado sakin sabay subo na ng instant noodles niya. Alam niyo ginawa ko? Pagkalunok na pagkalunok ko nung nginunguya ko…
"Andun pa raw."
Sagot ko, dahilan para mapatigil ako at dahan-dahan ko nang tinignan sila Christina, Juliana at Violado.
"Sabi na nga ba, eh!"
Sabi ni Christina habang tinitignan pa rin nila akong tatlo at si Chin naman ay busy kumain habang nagsecellphone.
"Magkachat pa kayo?"
Tanong naman sakin ni Juliana, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at saka umiling.
"Hindi na."
Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana habang umiiling pa rin ako sakaniya. Pero gusto ko pa sana humaba convo namin ngayon kaso bawal daw gumamit ng phone dun, eh. Hays…
"Uy, teh! Bili ka pa nga ng pagkain."
Utos ni Christina kay Juliana sabay tingin na sakaniya nang wala na siyang madukot sa balot ng chichiryang kinakain nilang tatlo ni Violado.
"Ba't di ikaw bumili?"
Tanong ni Juliana kay Christina sabay tingin na niya rito. Nakaka antok naman… ang boring, eh.
"Tinatamad ako! Ikaw na lang!"
Sagot ni Christina sa tanong sakaniya ni Juliana sabay sandal na niya sa pader habang si Violado naman ay nagsecellphone na at si Chin ay peacefully pa ring kumakain ng baon niya at nanunuod sa phone niya.
Ano ginagawa ko ngayon? Oo, alam ko walang nagtatanong pero sasabihin ko na lang din. Pinapanuod ko na lang din ung pinapanuod ni Chin sa phone niya. Naka patong lang naman kasi ung phone niya sa lamesa kaya kita ko.
"Sige. Akin na pambayad mo."
Sabi ni Juliana kay Christina habang tinitignan pa rin niya ito. Agad nang kinuha ni Christina ung wallet niya sa loob ng bag niya at saka…
"Oh!"
Sabi ni Christina kay Juliana sabay bigay na niya ng pambayad rito.
"Un ulet?"
Tanong ulit ni Juliana kay Christina nang akma na sana siyang tatayo sa kinauupuan niya sa tabi ko.
"Oo."
Sagot ni Christina sa tanong sakaniya ni Juliana sabay unlock na niya ng phone niya at saka nagpipipindot na dun. Agad namang tumayo si Juliana sa pagkakaupo niya sa tabi ko at saka naglakad na papunta sa bilihan ng mga biscuit, chichirya at instant noodles.
"Pwede penge ako Chin?"
Tanong ko kay Chin nang mapatingin ako sa baon niya. Hindi niyo ko masisisi kasi mukhang masarap ung baon niya, eh. Ewan ko nga lang kung ano tawag dun.
Habang ngumunguya na si Chin ay inabot na niya sakin ung kutsara niya kaya kinuha ko naman un at saka kumuha na dun sa baunan niya. Sinubo ko na un and dang girl! Ang sarap!
"Thank you~!"
Masayang pasasalamat ko kay Chin nang malunok ko na ung pagkain sa bibig ko. Seryoso ang sarap! Sa sobrang sarap nakalimutan ko na siyang tanungin kung ano ung ulam niya.
Isang oras ang lumipas ay nasa classroom na ulit kami at magpipirma na lang sa attendance para malaman ng adviser namin kung sinu-sino ung mga nag cutting after nung activities. Yeah… daming mga nagkacutting sa section namin.
Nung 6:40 na ng gabi, nagka yayaan na kami nila Chin, Christina, Juliana at Violado na umuwi na kasi wala naman na ring gagawin dito sa classroom except sa tumambay o kaya maghintay pa ng 40 minutes bago umuwi.
Nasa jeep na ako pauwi nang biglang magtext sakin si mama na bumaba raw ako sa sm valen****a kasi andun daw silang tatlo nila papa at nung bunso kong kapatid. Nag grocery po sila. Ng ganitong oras. Opo. Hindi ko rin po alam kung ano po ang tumakbo sa isip nila.
Nakababa na ako sa sm valen****a at nakita ko na sila sa tapat ng grocery. Isang malaking push cart ang gamit nila. Ba't ang dami nilang binili? Ano-ano ba ung mga binili nila?
Nang makita na rin nila ako ay naghanap na kami ng fast food chain na makakainan kasi lagpas alas otso na rin ng gabi. Nung makahanap na kami ng makakainan ay naghanap na kaming dalawa ng bunso ko ng kapatid ng mauupuan kasi oorder na ng pagkain sila mama't papa.
Habang naghihintay na kaming dalawa ng kapatid ko kila mama't papa ay nagsecellphone ako. Nakita kong online si Jervien so… yeah. Alam niyo na ung sunod na mangyayari.
~AUG 23 AT 8:25 PM~
: 7:20 na kayo umalis kanina???
Jervien: Yup
: Bait niyo naman ahahahaha
Jervien: Hinde ko alam
: Ahahahaha
: Pero ang kulet mo lang panuorin kaninaaa
: Nung bigla ka ulit lumabas ng elevator ahahahaha
Jervien: Ano yun?
Jervien: Ahh yun ba hahahaha
: Oo ahahahaha
Jervien: Tinawag ako Pengson sabi nya maya na uwi
Jervien: Hahahaha
: Ahh ahahahaha
: Dapat nga sana uuwi na rin kami ni decano nun, eh
: Kaso ayown ahahahaha
: Nahatak kami nila Violado
Jervien: Ahahahaha
Jervien: Wala naman nagyari kanina
Jervien: Naghintay lwng oras
: Ahh ahahahaha
: Dito nga ko ngayon sa sm valen****a, eh
Jervien: Anong ginagawa mo jan?
: Kumakain kasama sila mama
: Pinababa ako dito, eh
Jervien: Anong meron ba ?
: Wala lang ahahahhaa
: Nag grocery sila
: Buti nga pinababa ako dito, eh ahahahaha
Jervien: Hahahaha
: Di na ako maglalakad ng malayo ahahahahha
: Medyo malayo lang pala ahahahaha
Jervien: Sige luto muna ako gusto ko na kumain gutom na ako hahahaha
: Ahahahaha sige sigeee
: Eatwelllll
At… dyan nanaman natapos ung chat namin. Kakain na rin naman na kami kaya okay lang. Ayaw nila mama na gumagamit ako ng phone pag kumakain, eh. Lalung lalu na si papa. Ayaw na ayaw niya nun.