~AUG 25 AT 7:36 AM~
: Jerviennnn
: Ask ko langgg
: Madalas ka ba makatanggap ng compliments???
Agad na tanong ko kay Jervien sa chat nung nagising na ako. Opo, kakagising ko pa lang po at siya na kaagad ang pumasok sa isip ko. Wag niyo ko tanungin kasi maski ako hindi ko rin alam kung bakit, okay?
Kaso nung nag chat ako active siya 2 hours ago pa. Hintayin ko na lang reply niya. Makapag scroll na nga lang sa newsfeed ko. At alam niyo ba? Hindi pa ako nakakapagscroll ng ganung katagal sa newsfeed ko bigla nang bumukas ng dahan-dahan ung pintuan ng kwarto namin ng kapatid ko at saka…
"Beh, Bone, gising na. Tanghali na lang."
Panggigising samin ni papa at nung nagkatinginan na kaming dalawa…
"Oh, gising ka na pala Bone, eh!"
Sabi sakin ni papa sabay lakad na papasok sa kwarto namin ng kapatid ko at pisil na ng ilong ko.
"Aray!"
"Beh, gising na, tanghali na, oh."
Panggigising ni papa sa bunso kong kapatid. Ang aga-aga pinapa sakit agad ilong ko. Nananahimik na nga lang 'to sa mukha ko, eh. Pango na nga, masakit pa. Tsk.
Nung nagising na bunso kong kapatid ay lumabas na si papa sa kwarto namin at saka bumangon na ako. Linggo nga pala. Magsisimba pala kami… ayokong sumama pero alam kong sermon ang aabutin ko dahil parehong religious sina mama't papa kaya… no choice po ako. Ayoko neto.
Nag-aalmusal na kaming tatlo nila papa at ng bunso kong kapatid and after ay nagwalis na kami pareho ng kapatid ko. Siya sa taas magwawalis at ako naman dito sa baba.
Skip na natin ung part na 'to kasi boring at ayoko na rin idagdag 'to. Fast forward na tayo dun sa part na tapos na ung misa na inattendan namin at naghahanap na kami ng makakainan na malapit sa simbahang pinuntahan namin.
Nang makahanap na kami ng makakainan ay nag-aantay na kami ng kapatid ko sa lamesang inoccupy namin habang sila mama at papa naman ay namimili ng pagkaing kakainin namin. At dahil mabilis akong mabored ay kinuha ko na ang phone ko saka binuksan na ung data ko.
Alam niyo ba kung ano agad ung bumungad sakin???
~AUG 25 AT 1:21 PM~
Jervien: Oo hahahaha
Sarap siguro ng tulog nito at ngayon lang nagising. Sana all na lang… gusto ko rin maranasan na magising ng tanghali. At tamang tama~! Online ngayon si Jervien~
~AUG 25 AT 1:46 PM~
: Wehh?? Ahahahaha
: Sabagay may itsura ka naman kasi
Jervien: Hahahaha
: Nagbabasketball ka ba???
Jervien: Hjnde ehh
: Ahhh
: Ano ginagawa mo ngayon???
Jervien: Fb lang
: If ever na may bago kang phone tas malaki storage
: Anong mga apps idadownload mo???
Jervien: Hinde ko alam ehh hahahaha
: Ahahahaha
: Bakit naman???
Jervien: Kase nakikihiram lang ako ng tablet
Jervien: Ehh hinde na ginagamit
Jervien: Hahahaha
Jervien: Marami syang storage hinde ko dinadownloadan hahahaha
Jervien: Maraming spacem
: Try mo downloadan ahahahaha
Jervien: Puro nood lang
Jervien: Yunn
: Ahh
: An****d ba ung tablet???
Jervien: Yup
: Try mo tumingin sa pl*****re ng mga games ahahahaha
Jervien: May mga apps na laro dto kaso hinde ko ginagalaw
Jervien: Mga dinadownload ng mga bata hahahshs
: Ahahahahaha
: Try mo
: Kahit isa lang ahahahhaa
Jervien: Bakkt naman?
: Edi wag ahahahaha
Jervien: Hahahaha
: May itsura siguro magulang mo kaya ka pogi
Jervien: Ewan ko
Jervien: Sayo lang ata ako pogi ehh
Jervien: Hahahahaha
: Mataas standards ko ahahahaha
: Iilan lang ung mga lalaking sinsabihan ko ng pogi ahahahaha
: Bakit ba ayaw mo maniwala na pogi ka???
Jervien: Wala lang
Jervien: Hahahaha
Jervien: Maraming nagsasabi na pogi ako ehh hahahaha
Jervien: Hinde ko alam kung totoo
Jervien: Trip lang ata hahahaha
: Sakin hindi trip un, haa
: Marami naman pala nagsasabi sayo iihhh
Jervien: Haaahaha
: May tama ka ata, eh ahahahaha
: Ayaw maniwala sa compliments ng iba ahahahaha
Jervien: Hinde naman
: Ano lang???
Jervien: Ewan ko
: Lamobaaa
: Dati gusto ko makipag friend sayo kasi crush kita
Jervien: Ahh
Jervien: Hahahaha
: Pero ngayon ewan ahahahaha
: Wala na akong dahilan para makipag friend sayo pero gusto pa rin kita maging kaibigan
: Ahahahaha
Jervien: Hahahaha
: Nakukulitan ka ba sakin?? Ahahahaha
Jervien: Hinde naman
: May mga bago ka bang kanta???
Jervien: Wala naman
Jervien: Hahahaha
: Ahhh ahahahaha
: Pakinggan mo ung Teeth ng 5SOS
Jervien: Sige mamaya hahahaha
Jervien: Bagal ng net ngayon ehh
And… hindi na ako nakapag reply kay Jervien kasi kakain na kami at ayaw ni papa na may nagsecellphone habang kumakain.
~AUG 25 AT 2:33 PM~
: Sorry ngayon langgg
: Kakatapos lang namin kumain, eh hehehe
Jervien: okay hahahaha
: Ahahahah
At… hindi na siya nag reply. Tapos eto namang si papa, naisipang magpunta sa man***g, panga***an. Hindi naman halatang gala 'to. Natulog lang ako buong byahe habang nakikinig ako ng music.
Tas maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa man***g, panga***an at nag online ako sa fb at nakitang hindi naka deact ung account ni Jervien. Machat nga siya…
~AUG 25 AT 6:55 PM~
: Bat parang di ka nag deact ngayong araw??? Ahahahaha
Hindi online kaya hihintayin ko na lang ulit siya magreply. Sanay naman na rin ako maghintay. Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na sa simbahan para magdasal.
After nun ay inikot na namin ung simbahan, nagsindi ng kandila at sa wakas ay naisipan na rin ni papa na umuwi na. Nakasakay na kami sa sasakyan namin at paalis na doon ng maisipan kong mag-online at saktong kaka reply pa lang ni Jervien sa chat ko~!
~AUG 25 AT 7:26 PM~
Jervien: bagal nga ng net ehh tagal mag loading
: Ayyy ahahahaha
: Tsaka mo na lang pakinggan pag malakas na net niyo ahahaha
Jervien: kanina pa to hahahaha
Jervien: wala ngang magawa ehh
: Nirerefresh niyo ba ung wifi niyo???
Jervien: nakikiconnect lang ako hahahsha
: Ayy ahahahahaha
: Kanino???
Jervien: kila titaa
: Ahhh
: Ako di ko alam kung aabot pa ng isang linggo data ko ahahahaha
Jervien: hahahaha
: Si papa kasi, eh ahahahaha kung san san naiisipang pumunta
Jervien: saan kayo pumunta?
: Sa man***g, panga***an
Jervien: anong gagawin nyo jan ?
: Bumisita lang sa simbahan dun
: Nagdasal
: Makadiyos kasi magulang ko, eh
Jervien: umalis din mga tao dto
Jervien: kaya ang tahimik ehh hahahaha
: San pumunta???
Jervien: si papa tapos si lola lang kasama ko hinde ako sumama sakanila
: Ahahahaha happy ka na tahimik na dyan??
: Ahh kasi ayaw mo???
Jervien: hinde ko alam
Jervien: kung san sila pumunta
: Ahhh
Nagtuloy-tuloy pa ung pagchachat namin ni Jervien pero tatapusin ko na dyan kasi tinatamad na akong magnarrate. Char. Ahahahhaha! Tapusin ko na dito kase gusto ko na tapusin dito ung chapter na 'to so… bye~! Next chapter ulit~!