~AUG 25 AT 11:50 PM~
: Jerviennn
Jervien: Ano yun??
: Papasok ka sa tuesday???
: Ahahaha
Jervien: Ewan ko
Jervien: Hahahaha
: Ahahahaha sige tutulog na kami ahahhaha
: Nytnyttt
Jervien: Sige goodnight naa
At dyan na natapos ung pagchachat namin ni Jervien ngayong araw. Matutulog na agad ako ngayon kase naubos ung energy ko sa byahe namin kanina. Si papa kasi, eh! Imbis na may energy pa ako ngayong gabi para maka puyatan si Jervien…! Makatulog na nga lang!
Kinabukasan, alas kwatro pa lang ng madaling araw nagising na ako dahil sa minu-minutong alarm ng kapatid ko. Nag-alarm pa siya, eh, hindi naman agad siya magigising! Ako tuloy ung nagising! Gusto ko pa matulog, eh!
"Beh! Gising na! Malelate ka na!"
Panggigising ni mama sa bunso kong kapatid. Gusto ko na hampasin 'tong kapatid kong ayaw pa rin magising kaso ang ganda ng puwesto ko dito sa kama at ayokong bumangon. Magising ka na please lang! Gusto ko na ulit matulog pisti ka!
"Anuman niyo! Gumising ka na dyan! Malelate ka nanaman neto!"
Inis na panggigising ni mama sa bunso kong kapatid habang may naririnig na akong yakap ng paa sa hagdan. Opo. Hindi naman po ako madaling magising at hirap makatulog ulit. Okay lang naman po na gambalain niyo po ang tulog ko. Argh! Gusto ko na lang matulog ulit!
Ilang saglit pa ang lumipas ay bumangon na rin ang pisti kong kapatid na tulog mantika at bumaba na sa double deck bed namin! Finally! Makakatulog na ulit ako!
Oo nga pala… dito pala yan sa kwarto namin nagbibihis after maligo. Aargh! The disturbance! Gusto ko lang naman matulog ng mapayapa na walang gumagambala! Bakit hirap ung mga taong kasama ko dito sa bahay na ibigay sakin ang simpleng bagay na un?
Yes! Tapos na magbihis ung kapatid ko! Time to sleep again…
"Ibon! Gising ka naman! Alas otso na ng umaga!"
Panggigising sakin ni mama galing sa baba.
"Mmmhm."
Yan na lang ang tunog na nagawa ko nung nag stretch na ako sa kama. Pinalipas ko muna ung ilang segundo bago ako naupo sa kama. Ako na nagsasabi sainyo na kada kilos ko pagka gising ko, magpapalipas muna ako ng ilang segundo o kaya isang minuto bago kumilos ulit kaya skip na tayo.
Fast forward sa oras na papasok na ako ng classroom namin at kalahating oras pa bago magsimula ung klase namin. At alam niyo ba, pagka pasok na pagka pasok ko pa lang sa classroom namin…
"Ibon! Ano dala mong pagkain ngayon?"
Tawag at tanong kaagad sakin ni Violado nang magka tama ang tingin namin sa isa't isa. Hindi ako sigurado kung ano dapat maramdaman ko ngayon.
"Katulad pa rin nung last week."
Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang naglalakad na ako papalapit sa kinauupuan nilang tatlo ni Juliana at Christina ngayon.
"Pwedeng maka hingi?"
Tanong ulit sakin ni Violado habang tinitignan pa rin niya ako. Tumango na lang ako kay Violado bilang sagot ko sakaniya at…
"Eto talaga si Violado! Hindi pa nga nakaka upo si Ibon buburautan mo na kaagad!"
Sabi ni Christina kay Violado na nakaupo sa harapan nito habang tinitignan na niya ito. Agad na nilingon at sinamaan ng tingin ni Violado si Christina, balik ng tingin sakin, hawak sa pulso ko nang makatayo na ako malapit sakaniya at saka pinaupo na ak sa bakanteng upuan sa tabi niya na katabi ko rin kanina nung nakatayo pa ako.
"Maupo ka nga muna dito Ibon! Gugutom na ako, eh!"
Sabi sakin ni Violado nang mapaupo na niya ako sa upuan sabay bukas na ng zipper ng bag ko. Partida nakasuot pa sakin ung bag ko nyan, ha.
"Wuahahahhaahha!"
Malakas na tawa ni Christina habang si Juliana naman ay nakangiti lang habang pinapanuod kaming dalawa ni Violado sa tabi nito. Bale napapagitnaan naming dalawa ngayon ni Juliana si Violado ngayon. Para maging clear lang sainyo pano puwesto naming apat ngayon.
"Patay gutom ka talaga Violado!"
Sabi ni Christina sabay hampas nito sa braso ni Violado, dahilan para tumigil siya sa pagtingin ng mga biscuit sa bag ko at saka hinimas ung braso niyang napalo.
"Aray ko p*t@ ka, Christina! Si mama kasi, eh! Hindi man lang nagluto kaya hindi na ako nakapag tanghalian!"
Pagdadahilan ni Violado sabay pili na ulit sa mga biscuit na nasa loob ng bag ko.
"Sinisi mo pa mama mo!"
Sabi naman ni Juliana sabay hampas nito sa likod ni Violado habang nakangiti pa rin. Ah, by the way, habang nag-uusap pala 'tong tatlong 'to… sa tuwing may kaklase kaming papasok sa pinto… ano… lagi ako napapatingin. Bakit? Kase… hinihintay ko siya. Hindi buo araw ko pag di ko siya nakikita, eh.
"Ano un?! Dami-dami na nga niyang inutos sakin tapos ako pa rin magluluto ng sarili kong pagkain?!"
Pagrereklamo pa rin ni Violado habang hindi pa rin siya makapila sa mga biscuit ko.
"Baket!? Hindi ba pwede yon!?"
Tanong ni Christina kay Violado habang tinitignan pa rin niya ito. Napatingin nanaman ako sa pintuan ng classroom namin. May pumasok, eh, kaso hindi si Jervien.
"Pagod na nga ako kase pina igib pa ako ni mama ng tubig, eh!"
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Christina habang tinitignan nanaman niya ulit ito ng masama.
"Eto hihingin ko Ibon, ha."
Sabi sakin ni Violado sabay pakita na niya sakin nung biscuit na napili niya at sara na ng zipper ng bag ko gamit ng isa niya pang kamay.
"Ha? Sige."
Sagot ko kay Violado sabay balik na ng tingin ko sakaniya at tinignan na rin ung biscuit na kinuha niya sa bag ko.
"Salamat~! Maupo ka na dun sa puwesto mo."
Sabi sakin ni Violado sabay bukas na nung biscuit na hiningi niya sakin. Bago ako tumayo sa kinauupuan ko ngayon ay napalingon muna ako sa pintuan ng classroom namin kaso hindi pa rin siya.
"Taray! Matapos makakuha ng pagkain papaalisin na! Ahahhahaa!"
Natatawang kumento ni Christina kay Violado. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na papunta sa puwesto ko.
"Para nga malagay na niya ung bag niya sa upuan niya!"
Palusot ni Violado kay Christina.
"Palusot mo bulok!"
Sabi naman ni Christina kay Violado. Nakarating na ako sa upuan ko at nilapag ko na rin dun ung bag. Naglakad na ako pabalik sa puwesto nila Violado nang mapansin ko na umiinom si Chin sa tumbler niya.
"Oh? Chin, ano yang iniinom mo?"
Tanong ko kay Chin nang makatayo na ako malapit sakaniya kaso wala siyang imik, busy lang magcellphone. Naka earphones ata 'to, eh. Makalabit na nga lang.
"Chin."
Tawag ko sakaniya sabay kalabit na sa braso niya, dahilan para mapatingin na sakin si Chin.
"Mm? Baket?"
Tanong sakin ni Chin sabay lapag niya ng phone niya sa arm table at tanggal ng isang pares ng wireless earphones niya.
"Ano yang iniinom mo?"
Tanong ko kay Chin sabay tingin at turo ko sa tumbler na hawak pa rin niya. Sorry, nakucurious po kasi talaga ako.
"Kape. Gusto mo?"
Sagot at tanong sakin pabalik ni Chin habang nakatingin pa rin siya sakin. Tumango ako.
"Oh~ Onti lang~"
Sagot ko sa tanong niya sakin habang nginingitian ko na siya. Sarap ng timpla ng kape ni Chin, eh, shempre oo na kaagad ang sagot dyan~! Inabot na sakin ni Chin ung tumbler niya kaya kinuha ko na un at saka uminom na ng konti. Mainit-init pa, eh.
"Salamat~"
Pasasalamat ko kay Chin after ko uminom ng kaunti sa kape niya habang nakangiti pa rin ako at inaabot ko na pabalik sakaniya ung tumbler niya.
"Welcome~"