Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 49 - Exam Score

Chapter 49 - Exam Score

~AUG 27 AT 8:25 PM~

: Jerviennnnnn

~AUG 27 AT 10:02 PM~

: Goodnight ahahahahha

~AUG 27 AT 10:14 PM~

Jervien: Bakkt??

Jervien: Sorry ngayon lang

Jervien: Kumain kase ako hehehe

Jervien: Matutulog kana?

Jervien: Sige sige goodnight na rin sayo

At pagka kuha na pagka kuha ko ng phone ko kinabukasan sa kwarto nila mama't papa ay eto agad ang bumungad sakin para sobra akong kiligin sa umagang 'to~! Ang cute lang kase niya~! Sino hindi kikiligin dun?! Nakakamiss lang matadtaran ng message… hindi ung galit na tadtad na message, ha! Pinaka ayaw ko un! Hindi si Jervien ung first or second na nangtadtad sakin ng message pero sakaniya ako pinaka kinilig~

"Bon! Gising na! Kumain ka na ng almusal dito!"

Panggigising sakin ni mama habang nandun siya sa baba. Teka! Pano ba itago ung kilig na nararamdaman ko ngayon?! Masyado ako kinikilig! Aaaaahhhhh!

"Bon!"

"Opo!"

Ibon, kalma… kumalma ka… wag mo pakita o ipahalata kay mama na kinikilig ka… inhale… exhale… inhale… exhale… kalma lang Ibon… kumalma ka… Aaahh! Hindi ko kaya! Masyado pa akong kinikilig dito!

Fast forward na nga natin! Ahahahahaha! Kasi naman ang cute lang! Parang gusto ko iprint un. Char. Ahahahahahha! Fast forward na nga natin!

"Kinakabahan na ako sa mga score ko."

Sabi ni Violado habang nagi-scroll siya sa phone niya. Katabi ko pala siya kase hindi pa naman nag-uumpisa ung klase kaya pwede pang lumipat ng upuan. Masunurin po akong bata. Char. Ahahahhaha!

"Kinakabahan pero maayos naman pala ung mga score neto!"

Sabi naman ni Christina kay Violado habang nakatingin siya rito, habang si Juliana ay tahimik na kumakain ng baon niyang tinapay at ako naman… well, as usual… pag narinig kong bumukas ung pinto ng classroom namin auto lingon ako, nagbabakasakaling si Jervien na ung pumasok.

"Kinakabahan ako sa score ko sa isang subject, hindi ako nakapag review dun ng maayos, eh."

Sabi naman ni Juliana samin nung naubos na niya ung tinapay sa bibig niya at saktong bumukas nanaman ung pintuan kaya napalingon ulit ako dun. Hindi siya ung pumasok.

"Papasok kaya ngayon si Jervien?"

Mahinang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa pintuan at napabuntong hininga na lang ako.

"Ano?"

Tanong ni Christina sakin, dahilan para mapalingon ako sakaniya at nakitang nakatingin na siya sakin. Ganun ba kalakas ung boses ko? Oh, shoot.

"May sinasabi ka Ibon?"

Tanong naman ni Juliana kaya napatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin na rin siya sakin. Oh, no!

"Ha? Wala~"

Sagot ko sa tanong pareho nila Christina at Juliana habang umiiling na ako at palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Iniisip niya kung papasok ba si Jervien o hindi."

Sagot ni Violado sa tanong nila Christina at Juliana sakin habang nagi-scroll pa rin siya sa phone niya. Why…?

"Pano m-"

Tanong ko sana kay Violado kaso nanahimik na lang ako sa kalagitnaan. Tanga mo dun Ibon.

"Sabi na nga ba un ung iniisip mo, eh!"

Sabi sakin ni Violado sabay tingin na niya sakin habang hawak pa rin niya ung phone niya. Yep. Ang tanga mo sa part na un Ibon.

"Puro ka Jervien! Hindi ka ba nag-aalala sa score mo?"

Tanong naman sakin ni Christina habang tinitignan niya pa rin ako, dahilan para maglipat-lipat na ang tingin ko sakanilang tatlo nila Juliana at Violado.

"Shempre nag-aalala, noh. Gusto ko kayang grumaduate."

Naka ngusong sagot ko sa tanong sakin ni Christina habang tinitignan ko na siya.

"Di nga~"

Nakangising sabi sakin ni Juliana habang tinitignan niya pa rin ako.

"Oo nga~"

Pamimilit ko sakanila habang nakanguso pa rin ako. Kasi naman…

"Kumbinsido kayo?"

Natatawang tanong ni Christina kila Juliana at Violado habang tinitignan na niya ung dalawa. Tinignan ko na rin silang dalawa at inantay na ung isasagot nila sa tanong ni Christina.

"Hinde~"

Natatawang sagot ni Juliana sa tanong sakanila ni Christina habang nakatingin pa rin siya sakin.

"Penge na lang ako pagkain Ibon para makumbinsi mo ko."

Sabi sakin ni Violado sabay lapag na ng phone niya sa armchair niya habang nakatingin pa rin siya sakin.

"Eto talaga si Violado!"

Yan na lang nasabi ni Juliana habang nakatingin na siya kay Violado at nakangisi pa rin ito.

"Shempre grab the opportunity na, noh! Nagugutom na ako, eh."

Pagdadahilan ni Violado habang tinitignan na niya si Juliana. Narinig kong bumukas nanaman ulit ung pintuan ng classroom namin kaya agad akong lumingon doon kaso hindi si Jervien ung pumasok.

"Kakakain mo nga lang ng tinapay ni Juliana!"

Sabi ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya rin ito at ako naman ay pinapanuod lang silang tatlo. Sana okay lang ung mga score ko sa exam. Basta maka pasa ako okay na ko don.

"Oo nga! Tapos ngayon buburautan mo naman si Ibon!"

Pagsang-ayon naman ni Juliana kay Christina. Ahahahhaha! Pinagkakaisahan nanaman nila si Violado! Makakuha na nga lang ng biscuit sa bag ko.

"Violado, oh."

Sabi ko habang inaabot ko na sakaniya ung biscuit nung makabalik na ako sa puwesto ko kanina. Agad akong tinignan nilang tatlo at saka tinignan na ung biscuit na hawak ko.

"Pwede ako pipili Bon?"

Tanong sakin ni Violado habang tinitignan na niya ulit ako. O-oh… ayaw mo ba ng biscuit na 'to? Sarap kaya neto.

"Taray! Siya na nga 'tong bibigyan, siya pa mamimili!"

Natatawang sabi ni Christina kay Violado sabay palo niya sa braso nito na abot niya.

"Aray ko naman Christina!"

"Sige."

Sagot ko sa tanong sakin ni Violado kanina bago siya hampasin ni Christina.

"Pwede ako rin, Ibon?"

Tanong naman sakin ni Christina habang tinitignan na niya ako. Natawa na lang ako kay Christina at saka tumango bilang sagot sa tanong niya sakin.

"Yown! Salamats!"

Pasasalamat ni Christina sakin sabay tayo na sa kinauupuan niya at saka sumunod na kay Violado na nagpunta na sa bag ko.

"Welcome."

Sabi ko kay Christina sabay upo ko na sa kinauupuan ko kanina at bubuksan na sana ung biscuit na dala ko ng bigla na pumasok sa classroom namin ung 1st subject teacher namin. Medyo kinakabahan na ako sa scores ko sa exam. Sana pasado ako! Gusto ko pong maka graduate!