~AUG 28 AT 1:47 PM~
: Jerviennnnnnn
May klase kami ngayon pero wala masyadong ginagawa kasi nagpa pasa lang ng mga kulang na requirements kaso bored ako kaya patago lang akong gumagamit ng phone at naisipang ichat si Jervien, kaso di online, eh. Ba't kaya di pumasok un? Baka late lang?
Nag ring na ung bell at nag-aayos pa lang ng gamit ung first subject teacher namin at meron pang mga naghahabol na magpasa ng requirements sakaniya. Ilang saglit pa ay nasa labas na ung second subject teacher namin at hindi pa rin nakakalabas ung first subject teacher namin.
Sana okay lang ung score ko sa exam dito sa subject na 'to…
"Pisti naman ung teacher na un! Ambaba magbigay ng grade!"
Narinig kong reklamo ni Violado pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin sa entrep. Pisting matandang lalaking yan, nakaka walang ganang makinig sakaniya pag maglelecture siya.
"Ta^6!^@ naman netong gurang na 'to! Hindi na nga siya nagtuturo ng maayos hindi pa siya magbibigay ng maayos na grade! Nakakairita!"
Narinig kong reklamo naman ni Christina. At nagsi dagdagan pa ung mga reklamo sa teacher namin na un kaya nag-online na lang ako at saka chinat na si Jervien kahit offline siya.
~AUG 28 AT 6:15 PM~
: Dami bagsak sa entrep ahahaha
Jervien: ohh
Jervien: sorry ngayon lang
Jervien: sinabi mga bagsak kanina ???
Bago pa ako makareply kay Jervien ay dumating na ung last subject teacher naming babae sa MIL na astig kaya agad ko na tinago ung phone ko. She's beautiful, she's cool, she's smart and damn she's almost perfect!
Kwento niya samin halos lahat daw sa pamilya nila puro doctor tapos siya lang daw ung nag-iba ng career path sakanila. Gusto ko rin magkaron ng malakas na personality katulad niya pati na rin nung teacher namin sa philo.
"Oh, bakit ganyan mga mukha niyo?"
Tanong ng MIL teacher namin saming buong klase habang naglalakad na siya papunta sa teacher's table at nakatingin lang saming buong klase. At heto na nga… sunod-sunod ng nagsi kwento ung mga kaklase ko pati na rin sila Christina at Violado sakaniya hanggang sa pinatahimik na niya sila at pina compute na samin ung grade namin.
Lumipas ang oras ay nasa kalagitnaan na ako ng byahe pauwi, nakasakay ako jeep at ngayon ko na na replayan si Jervien.
~AUG 28 AT 8:05 PM~
: Hindi sinabi pero nagsabihan kami ahahaha
: May mga naka flat 70
: Ganun din sa MIL
: Dami niyong nasayang na plus points sa grades
: Kayong mga absent tsaka ung ibang nagcutting
Offline siya so tamang scroll lang sa fb at lumipas pa ang maraming minuto ay nakauwi na rin ako sa bahay. Nakakain ka kaming pamilya ng hapunan at naghuhugas na ako ng pinggan.
~AUG 28 AT 9:08 PM~
Jervien: ayy wehh
Jervien: madaming absent kanina ?
Jervien: sorry late reply
Jervien: galing akong cine ehh
Reply sakin ni Jervien kaso di agad ako nakareply kasi naghuhugas ako pinggan. Ahahhahaha! Bakit kasi ako lang ung naka assign dito sa bahay na maghugas ng pinggan?!
~AUG 28 AT 9:49 PM~
: Yeppp lagpas kalahati na
: Sorry late reply rinnn
: Ano pinanuod mo????
~AUG 28 AT 10:18 PM~
Jervien: Weathering with you hahahaha
: Halaaaa
: Sana lahat nakakanuod sa cine ng weathering with you
: Ahahahaha
Jervien: Bakkt ? Hahahaha
: Eh, kasi nacucurious na rin ako sa movie na un, eh
: Parami ng parami ung mga gustong manuod nun
Jervien: Ang ganda nga ehh
: No spoilersssss
: Ahahahahaha
Jervien: Sige sige
Jervien: *Jervien sent you an emoji smiling widely*
: Ahahahaha
: Gala tayo bukas???
: Ahahahaha arcade uleee
Jervien: Ayaw ko
Jervien: Rekta uwi agad ako bukas
: Edi waggg
Jervien: Hahahaha
: Ahahahaha
: Sa tingin mo andun pa ung tinignan kong damit sa alaya mall???
Jervien: Ewan ko hahahaha
Jervien: Hinde ko maalala
: Gusto ko na kasi bilhin un, eh
Jervien: Anong damit ba yun?
: Denim vest siya
: Tapos may black na hoodie
: Ganda sana pamorma un, eh
Jervien: Parang maong na jacket?
: Yeppp
: Kaso sleeveless siya
Jervien: Ahh
Jervien: Maganda yun
: Kaya nga, eh
: Sobra akong manghihinayang pag wala na un bukas huhuhu
Jervien: Pupunta ka dun bukas?
: Yeppp
Jervien: Sino kasama mo?
: Balak ko na sana bilhin un, eh
: Idunno
Jervien: Wala na ata yub
Jervien: Yun*
Jervien: Kailan tayo pumunta dun?
: Halaaaa
: Last week
: Tuesday ata un, eh
: Waaaaaahhhhhh
Jervien: Ahh okay okay
: Gusto ko tignan Aaaaahhhhh
: Pisti naiwan ko ap kasi pera ko nung araw na un
Jervien: Sayang naman
: Kaya nga, eh
: Nakakainis na ewannnnn
Jervien: Hahahaha
: Gusto ko tignan bukasss ahhahaha
: Solo flight na lang ako ahahahaha
Jervien: Anong solo flight?
: Mag isa na lang gagala ahahaha
: Solo date ganon
Jervien: Bakit mag isa ka gagala?
: Trip ko, eh
: Bakit ba?? Ahahahaha
: Tsaka matagal na rin ako hindi nakakagala mag isa
Jervien: Uwi kana lang
Jervien: Pangit gumala mag isa
Jervien: Hahahaha
: Yaw ko nga ahahahaha
Jervien: Ginaya mo ako
Jervien: Laging mag isa
Jervien: Hahaha
: Bukas na nga lang ulit ako gagala mag isa, eh ahahahaha
: Ayaw mo kasi gumala kaya wala ako kasama ahahahaha
Jervien: Ahh okay
: Ahahahaha
Jervien: Ayain mo mga friends mo hahaha
: Sawa na ko sa pagmumukha nila ahahahaha
Jervien: Sa akin hinde ka nagsasawa?
: Ewan kooo
Jervien: Hahahaha
: Ahahahaha
: Pero nanghihinayang talaga ako dun sa denim, eh
Jervien: Ahahaha
Jervien: Sayang yun
Jervien: Feel ko maganda yun
Jervien: Maganda siguro yun
: Sobra talagaaa
Jervien: Bakit mo bilhin yun?
Jervien: Bakit gusto mo bilhin yun?*
Jervien: Hahahaha
: Kasi anooo
: Ganun ung mga type kong damit
: Denims
: Hoodies
: Ahahahaha
: Medyo boyish
Jervien: Ahahaha
: Ikaw lang mag isa nanuod kanina???
: Sa cine????
Jervien: Yup
Jervien: Hahaha
Jervien: Bakit?
: Kala ko merong kang inaya na friends mo???
Jervien: Wala ehh busy hahahaha
Jervien: Tapos yung iba hinde pwede
Jervien: Sayang
: Ahhh
: Sad naman nyannn
Jervien: Bakit sad?
Jervien: Sanay naman akong mag isa ehh
: Bat nga ba nasanay ka mag isa???
Jervien: Bukas naba ipapasa yun?
: Ung sa entrep bukas na ipapasa
: Pero ung orgman sa Friday pa
Jervien: Anong yung sa entrep?
: *You forwarded a message*
: Sa libro
: Kung wala, kailangan ipa xerox
Jervien: Sa libro sasagutan?
: Kung meron ka
Jervien: Hinde pwede isulat?
: Tas pupunitin na lang un para ipasa
: Hindi, eh
Jervien: Ahh okay okay
Nagtuloy-tuloy pa kaming makipag chat sa isa't isa hanggang sa inantok na kami pareho kaya…
~AUG 28 AT 11:17PM~
Jervien: Sige matutulog na ako
Jervien: Hinde ko na kayaa
: Sige ahahahaa
: Goodnighttt
Jervien: Goodnaaayt
Okay, ang cute neto… bakit sobrang cute mo?