"Ibon!"
Tawag sakin ni Violado habang nakaupo lang kaming dalawa ni Juliana sa sofa namin na katabi lang ng laptop namin.
"Baket?"
Tanong ko kay Violado sabay tingin ko na sakaniya. Nagsecellphone kasi ako kanina bago niya ako tawagin.
"Pikit ka."
Sabi sakin ni Violado habang nakatayo na siya sa harapan ko. Ano nanaman bang pinaplano ng kambal na 'to? Ay, nakalimutan kong sabihin sainyo na kambal tawag namin kila Violado at Harold kase silang dalawa ung laging magkasama at pareho pang mahilig gumawa ng kalokohan. Well, mostly si Harold ung mastermind tapos si Violado naman ung sidekick niya.
"Baket?"
Tanong ko ulit kay Violado habang hinahawakan na niya ung kamay ko, ung isa ko pa kasing kamay hawak ung phone ko. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman ngayon kasi sila Violado at Harold 'to, eh. Kinakabahan na ako para sa sarili ko. Wish me well friends.
"Pumikit ka na lang! Bibigay na namin ung regalo sayo!"
Yan na lang nasabi sakin ni Harold habang hawak na niya ung paper bag na hindi ko alam kung san nanggaling. Kinakabahan na talaga ako…
"Pag yan…"
"Hindi yan! Pumikit ka na lang kase!"
Pangungumbinsi sakin ni Harold habang nakatayo na siya sa tabi ni Violado. Friends, send me good luck. Kinakabahan talaga ako ngayon pero pumikit na lang din ako para matapos na rin agad 'to.
"May nakikita ka?"
Tanong sakin ni Violado habang hawak pa rin niya ung kamay ko.
"Itim lang."
Yan na lang ung sinagot ko sa tanong sakin ni Violado habang nakapikit pa rin ako.
"Nakapikit na nga tatanungin mo pa kung may nakikita siya!"
Natatawang sabi ni Harold kay Violado, dahilan para matawa na rin si Juliana na nakaupo pa rin sa tabi ko.
"Malay ba natin ung sumisilip siya o hindi."
Pangangatwiran naman ni Violado kay Harold. Ayaw po talagang bitawan ni Violado ung kamay ko kasi hanggang ngayon hawak pa rin po niya.
"Tama na nga! Bigay na natin 'to kay Ibon!"
Sabi ni Harold sabay hawak sa kamay ko na hawak ni Violado at saka pinahawak sakin ung tali nung paper bag. Medyo mabigat. Ano kaya laman ng paper bag? Sana matino ung regaling binili nila para sakin kasi siguradong papagalitan ako nila mama't papa pag makita nila na hindi matino ung regaling natanggap ko.
"Tignan mo na, dali~!"
Excited na sabi sakin ni Violado, dahilan para imulat ko na ung mga mata ko at agad na tinignan kung ano ung nasa loob ng paper bag nang…
"Eto ung pinrint niyo?!"
Nakangiting tanong ko sakanila Violado at Harold habang tinitignan ko na ung papel na kinuha ko sa loob ng paper bag. Alam niyo ba kung ano ung naka print dun? Ung picture lang naman po ni Jervien na sinend ni Chavez kay Violado… ang cute ni Jervien! Okay, medyo inggit ako dun sa part na sinend ni Chavez 'tong picture ni Jervien kay Violado pero ang cute pa rin talaga ni Jervien~!
"Kita mo 'to, masyado kinikilig, oh."
Sabi ni Harold habang tinitignan ko pa rin ung picture ni Jervien na pinrint nila kanina.
"Tama na pagtitig mo sakaniya, teh! Tignan mo naman ung laman ng kahon!"
Sabi ni Violado sakin sabay kuha na niya nung kahon sa loob ng paper bag sabay patong niya nito sa hita ko. Ipinasok ko na ulit ung picture ni Jervien sa loob ng paper bag, nilapag ung paper bag sa sahig at saka binuksan na ung kahon na ipinatong ni Violado sa hita ko. Ano kaya nasa loob ng kahon na 'to?
"Oohh…"
"Pwede mo yan baunin sa lunes tapos penge kami."
Sabi ni Violado sakin habang tinitignan ko pa rin ung nasa loob ng kahon. Chocolates… wag niyo kong husgahan, ha. Gustong-gusto ko ng chocolates, pero sa mga chocolates na niregalo nila sakin… 2 out of 5 lang ang gusto kong chocolates dun.
"Salamat~!"
Pasasalamat ko sakanilang tatlo habang isa-isa ko na silang tinitignan at nginingitian.
Lumipas ang ilang minuto ay umakyat na kaming apat sa kwarto namin ng kapatid ko at alam niyo ba, si Violado biglang tinawagan si Jervien! Yes. May number po siya ni Jervien and yes, nagtetext daw po sila sa isa't isa. Nagseselos ako? Hindi po masyado. Naiinggit? Opo. Inggit na inggit po.
"Hello? Jervien?"
Tawag ni Violado kay Jervien nung sinagot na nito ung tawag niya. Sana all na lang po. Hindi naman po nakaka sakit. Opo. Hindi po talaga.
"Hello?"
"Ano ginagawa mo?"
"Kakagising ko lang."
"Ay, Ahahhahaha! Mamaya ka na matulog! Eto, oh! Kausapin mo muna si Ibon! Batiin mo! Birthday niya!"
Sabi ni Violado kay Jervien habang tinitignan na niya ako at inaabot na sakin ung earphones niya na binili ko para sakaniya. Hindi naman po sa pagmamayabang pero ganun po ako ka generous. Char. Lagi niya kasi akong kinukulit na bilhan ko raw siya kaya ayun. Ahahhahaha! Itawa na lang natin 'tong inggit Ibon!
Kinuha ko na ung earphones pati na rin ung phone ni Violado at ginamit ko na un na parang sakin ung phone at earphones ni Violado.
"H-hello?"
"Hi."
"Hi."
Yes… sa sobrang tameme ko inulit ko na lang ung sinabi ni Jervien.
"Sabi ni Violado birthday mo raw."
"Ahh, oo."
"Happy birthday."
"Salamat. Narinig ko kakagising mo lang?"
Pasasalamat at tanong ko kay Jervien habang naglalakad na ako papunta sa terrace ng bahay namin para may privacy kaming dalawa. Inaamin kong kinikilig ako ngayon pero hindi pa rin talaga kumpleto ung birthday ko pag wala ung tropa ko sa dati kong school, eh.
"Ah, oo."
"Sorry ginising ka ni Violado."
"Okay lang. Sanay na ako dun kay Violado."
Sanay… sanay na raw siya kay Violado… hindi naman masakit! Hindi naman, noh, Ibon! Hindi talaga! Ahahahhaa!
"A-ahh… nakatulog ka naman ng maayos?"
"Ewan ko. Dalawang oras lang tulog ko, eh."
"Ahh."
"Seventeen ka na diba?"
"Oo. Naalala mo pa."
"Kamusta naman birthday mo ngayon?"
"Hindi kumpleto, hindi raw kasi makakarating ung tropa ko sa dati kong school, eh."
Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien sabay patong ng ulo ko sa braso ko na naka patong sa railings sa terrace.
"Taon-taon ba sila pumupunta tuwing birthday mo?"
"Oo, tapos taon-taon rin nila akong sinusurprise."
"Baka isurprise ka rin nila ngayong taon."
"Ewan ko lang."
At nagtuloy-tuloy pa ang pag-uusap namin hanggang sa maubusan na ng load ung phone ni Violado. Nakalimutan kong kay Violado pala 'tong phone na 'to.