September 12 na ngayon at pang fourth day ko na sa work immersion ko at birthday ngayon ni Namjoon~! Nakakatuwa lang ung environment sa work immersion ko kase mababait ung mga naghahandle samin tapos kaclose ko na agad ung mga kasabay kong mag work immersion.
Lima kaming naka assign dito sa Guidance, Counseling & Career Services office or GCCSO for short dito sa school namin. Pang college 'tong guidance na to kaya kami-kaming lima lang ung magkaka edad dito.
"Tagum, tapos ka na dyan?"
Tanong sakin ni Riccilae habang tinitignan na niya ako. Nag-aayos kasi kami ng mga files ng mga college students tapos kaming dalawa ung magka partner. Alam niyo ba, nung papunta pa lang kami sa guidance nung first day namin, siya ung unang nag approach sakin. Kaya medyo nawala ung kaba at hiya ko nung first day dahil sakaniya, eh.
"Malapit na, teka lang."
Sagot ko sa tanong sakin ni Riccilae habang inaayos ko pa rin ung mga files. By the way, hardcopy ung mga files na inaayos namin in alphabetical order kaya medyo matagal.
"Patong mo na lang yan dito pag tapos ka na."
Sabi sakin ni Riccilae, dahilan para mapatingin ako sakaniya at sabay turo na niya sa bakanteng upuan sa loob ng office ng teacher na in charge saming dalawa. Well, hindi ko sure kung teacher siya, baka counselor. Basta un.
"Sige."
Yan na lang ung nasabi ko kay Riccilae at tinuloy ko na ung pag-aayos dun sa files. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako! Tapos na ako sa third batch ko ng files and…
"Sige tama na muna yan, kumain muna kayo."
Sabi saming dalawa ni Riccilae ng counselor habang nakatingin na siya samin dalawa.
"Okay po."
"Sige po."
Sagot naming dalawa ni Riccilae sa counselor na in charge samin at lumabas na kaming dalawa sa office niya.
"Magc-cr kayo?"
Tanong ni Elaine saming dalawa ni Riccilae pagkalabas naming dalawa sa office nung counselor, dahilan para mapatingin kami sakaniya. Nagtinginan muna kami ni Riccilae sa isa't isa at saka tumingin na ulit kay Elaine.
"Oo."
"Kayo rin ba?"
Sagot ni Riccilae sa tanong ni Elaine at tanong ko naman sakanilang tatlo nila Calli at Dustine na nakaupo sa tabi ng bintana. Hindi niyo ba maimagine ung Guidance office? Sige, describe ko sainyo para maimagine niyo.
Nasa loob kami ngayon ng office ng guidance office for college at sa loob ng office na 'to ay may mga kwarto-kwarto. Ung mga kwarto-kwarto na un ay offices ng mga counselors at iba pang authority dito sa office na 'to. Oh! At meron din pala silang isang maliit na meeting room.
"Oo."
"Tara sabay-sabay na tayo~"
Sagot ni Calli sa tanong ko at aya naman ni Dustine samin ni Riccilae. Binuksan ko na ung pintuan ng guidance office kasi malapit na ako sa pinto kaya pinag buksan ko na rin ung mga ka-work immersion ko. At nung nakalabas na kami sa office at na sarado ko na ung pinto…
"Alam niyo ba, nakita ko kanina ung lalaking nago-ojt sa guidance, dinadaya niya ung oras niya."
Pagbibring up ni Dustine ng topic habang naglalakad na kaming lima papunta sa cr sa katabing building.
"Oh? Ang daya naman nun."
Sabi ni Calli habang hindi nagbabago ung poker face niya. Oh, by the way, kaklase pala ni Ashley si Calli.
"Alam niyo ba, minsan naaamoy ko un sa tuwing napapadaan ako sa reception table, grabe, teh! Ang gara ng amoy!"
Sabi naman ni Elaine habang express na express niya sa mukha niya ung naaamoy niya sa mga oras na un.
"Ay, oo! Naamoy rin namin un ni Yvonne, eh! Nung nag lamesa kami ng isang araw sa reception table!"
Sabi naman ni Riccilae habang nakatingin na siya kay Elaine. Hoy! Totoo! Ang gara ng amoy!
"Ay, alam niyo ba… nung araw na un na naamoy ni Riccilae ung amoy niya, bigla siyang nag alok samin ng tulong, eh."
Sabi ko naman habang papasok na kami sa cr.
"Anong nangyari?"
Tanong ni Elaine sabay pasok na niya sa bakanteng cubicle sa loob ng cr.
"Kinuha niya ung files kay Tagum."
"Oo, kinuha niya ung files sakin tapos tuturuan niya raw kami ni Riccilae ng technique kaso nakita niya na naayos ko na pala kaya binalik na niya sakin ung files tas sabi niya, 'naayos niyo na pala, tuloy niyo lang yan'."
Nakangiting sagot ni Riccilae sa tanong ni Elaine at pagtutuloy ko sa kwento ko. Agad na natawa sila Calli, Dustine at Elaine habang ako naman ung papasok dun sa bakanteng cubicle. Dalawa lang kase ung cubicle dito sa cr na 'to kase maliit lang, eh.
"Pahiya siya dun, ah."
Natatawang sabi ni Calli.
"Dapat sinabi mo tapusin na lang kamo niya ung ginagawa niya!"
Natatawang suggestion naman ni Elaine.
"Pasikat un, ah."
Sabi naman ni Dustine.
"Tawang-tawa na nga kami nun ni Yvonne, eh!"
Natatawang sabi naman ni Riccilae, dahilan para matawa na rin ako nung papalabas na ako sa cubicle na kinaroroonan ko.
"Elaine, may gawa ka na dun sa assignment natin?"
Tanong ni Dustine habang inaayusan na niya ung sarili niya sa harap ng salamin.
"Meron na. Pinag puyatan ko pa nga un kagabi, eh!"
Sagot naman ni Elaine sa tanong sakaniya ni Dustine. HUMSS po kasi sila pare-pareho at magka klase po sila Dustine at Elaine. Ako lang po ung nag-iisang GAS ung strand saming lima.
Ooh! Pareho pala kami ni Calli na BTS ARMY! Sobra akong natutuwa kasi may nameet akong co-army! Nakakatuwa lang!
Lumipas pa ang ilang oras ay natapos na rin ang shift namin at late na ako ng isang oras sa first subject namin. Baket? Kasi alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali ung shift namin at ung pasok namin ngayong thursday ay alas onse ng umaga. Okay lang yan. For four days lang naman 'tong isang oras na pagka late ko.
Pagka silip ko sa pintuan sa bandang likuran ng classroom namin ay busy magdiscuss ung first subject teacher namin. Nakaka kaba naman… kumatok na ako sa pintuan at saka dahan-dahan na un binuksan. Omg, tumingin si Jervien. Tumingin si Jervien! Aaaaaahhhhhhh!
"Bilisan mo Tagum, maupo ka na."
Yan na lang ang nasabi ng first subject teacher namin, dahilan para mapunta sakin ung atensyon ng buong klase. Okay lang yan Ibon. Okay lang yan. Apat na araw lang naman. Hintayin mo na lang lumipas ung tuesday at thursday next week at okay na. Bakit kasi wala akong kasabay na kaklase kong late din!?