Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 59 - Work Immersion Program (First Half, Second Week)

Chapter 59 - Work Immersion Program (First Half, Second Week)

Malapit na matapos ung immersion namin nila Calli, Dustine, Elaine at Riccilae in two days. Wala na kami masyadong ginagawa ngayong araw, puro preparations na lang para sa event bukas na maka katulong sa mga college students na makahanap ng trabaho or pago-ojt-han nila? Not sure…

Habang naggugupit na kami nila Riccilae at Calli ng colored paper dito sa may reception area ng office ay nakikipag kwentuhan rin sila Dustine at Elaine dito sa mga kaibigan nila na nagi-immersion din dito sa GCCSO pero sa hapon naman sila. Di ko sila masyado kilala pero naririnig ko mga pangalan nila. Kurt. Raphael. Apat sila, eh, di ko lang masyado narinig pangalan nung dalawa.

Hindi naman po sa nagi-eavesdrop ako, ha, may sarili rin kasing utak 'tong tenga ko kasi namimili siya kung ano ung papakinggan niya sa paligid. Narinig ko na nagbreak daw si Kurt pati ung girlfriend niya or magkaka balikan sila? I dunno.

Sa tuwing napapatingin ako sakanila habang tahimik lang ako naggugupit ng colored paper… wow… ung mata ni Kurt… grabe ung kinang! Like parang nakulong ung milky way sa mga mata niya! Baka sa mga ilaw lang dito sa reception area pero… wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganung mga mata in real life! Nakikita ko lang ung ganung mga mata sa mga pictures ng BTS, eh.

"Hi~! Anong ginagawa mo?"

Tanong bigla sakin nung Kurt dahilan para mapatingin ako sakaniya at mapatigil sa paggupit.

"Ano ba Kurt! Hindi mo pa ba nakikita ung ginagawa ni Yvonne?"

Natatawang sabi ni Dustine kay Kurt habang tinitignan na niya ito.

"Ano ba, gusto ko lang naman makipag kaibigan, eh!"

Sabi ni Kurt kay Dustine habang tinitignan na niya ito at saka ibinalik na sakin ung tingin niya.

"Naggugupit."

Yan na lang naisagot ko sa tanong sakin ni Kurt kanina. Gusto ko rin makipag kaibigan pero hindi ko alam kung bakit hirap ako!

"GAS strand mo diba?"

Tanong naman sakin nung Raphael habang tinitignan niya na rin ako.

"Oo."

Simpleng sagot ko sa tanong ni Raphael. Pagpasensiyahan niyo na po ako… awkward talaga akong kausap.

"Edi kaklase mo si Alejaga?"

Tanong ni Kurt sakin habang tinitignan pa rin niya ako. I am distracted. Nadidistract ako sa makinang na mga mata ni Kurt! My ghad! Ang swerte lang ng girlfriend neto kasi kahit tumingin ka lang sa mga mata niya makikita mo na ung milky way, eh, bonus na rin ung cute looks niya na may pagka edgy. Gets niyo ko? No? Bahala kayo dyang iimagine itsura niya. Wuahahahahahha!

"Hindi, eh. Pang-umaga siya."

Sa lahat ng sinagot ko sakanila Kurt at Raphael eto na ata ung pinaka mahaba.

"Ay, panghapon ka ba?"

Tanong naman sakin ni Raphael habang tinitignan pa rin niya ako.

"Oo."

Simpleng sagot ko ulit. Opo. Mahirap talaga akong kausapin pag di tayo close. I mean, gusto ko makipag close sakanila kase parang ang saya lang nilang kasama kaso after nung nangyari sakin last school year parang hirap na ako makipag kaibigan sa mga lalake.

Nakakairita lang kasi alam ko na hindi lahat ng lalaki ay katulad nung mga lalaking nakapag take advantage sakin nung mga panahong vulnerable pa ako at na saktong wala akong matalik na kaibigan na kaklase ko na poprotekta sakin last school year, pero after nangyari ang mga nangyari… eto na nga ang kinalabasan ko… hirap makipag kaibigan sa mga lalaking di ko gano kilala.

"Ahh… kaya pala pang umaga ung immersion niya."

Yan na lang ung nasabi ni Kurt habang tumatango-tango na siya. Tumango na lang din ako 'in tiny fonts'. Sana alam niyo ibig sabihin nun.

"Mabalik na lang tayo sayo Kurt."

Sabi nung isa nilang kaibigan na kasabay nila Kurt mag immersion sa hapon at bumalik na ulit sila sa topic nila kanina. Pinalampas ko nanaman ung opportunity na magkaroon ng bagong mga kaibigan na lalake. I hate this.

Lumipas ang mga oras ay natapos na rin ung shift namin sa office at nagkayayaan kaming kumain. Alam niyo ba sinagot ko? Huminde ako sakanila. Bakit? Kasi may assignment akong hindi ko na sagutan kagabi kasi ang hirap tas iniisip ko pa lang un tinatamad na ako kaya maghahanap pa ako ng makokopyahan sa mga kaklase namin. Kung sinagutan ko lang ung assignment ko kagabi…

Kinabukasan, nagdala ako ng formal attire ko kasi required daw kaming magsuot nun habang naga-assist ng mga college students at ng mga representatives ng mga companies na present sa events na un. Hindi talaga ako fan ng mga events na may maraming tao except lang sa concerts or school plays.

"Yvon, picture tayo."

Sabi sakin ni Dustine nung wala pa masyadong mga college students habang nakasuot na kami pareho ng formal attires namin at nakaupo lang kami. Inabot ko na sakaniya ung phone ko, pinindot na niya ung camera at saka nag picture na kaming dalawa.

"Sali naman kami dyan~!"

Sabi naman ni Elaine habang naglalakad na silang dalawa ni Calli papalapit saming dalawa ni Dustine.

"Tara, dali~!"

Nakangiting pag-aaya ko kila Calli at Elaine habang tinitignan ko na sila. Nilapag muna nila Calli at Elaine ung gamit nila kasi kakapalit pa lang nila ng damit at saka naupo na sila sa tabi ko. Picture-picture na ulit si Dustine hanggang sa nakabalik na rin si Riccilae.

"Lae, dalian mo~! Picture tayo~!"

Pag-aaya ni Elaine kay Riccilae habang tinitignan na namin siya.

"Teka lang, lapag ko lang gamit ko."

Sabi ni Riccilae sabay jogging na niya papalapit sa pinag lalagyan namin ng mga bag namin para itabi na rin ung gamit niya at saka naupo na sa tabi ni Elaine na katabi ni Calli na katabi ko naman.

"One, two, three~"

Sabi ni Dustine sabay capture na ng ilang shots sa phone ko.

"Ang dami na nyan, teh."

Natatawang sabi ni Calli kay Dustine nung napatigil na siya magpicture. Natawa na lang ako.

"Ang hilig talaga neto magpicture, eh!"

"Puro tayo na ung nasa gallery ni Tagum!"

Natatawang sabi nila Elaine at Riccilae kay Dustine, dahilan para matawa na lang siya habang tinitignan na ung mga pictures naming lima sa phone ko.

"Duma dating na ung mga representatives."

Sabi ni Calli habang nakatingin na siya sa pintuan ng multi-purpose hall kung saan kami naroroon, dahilan para mapatingin na rin kaming apat at nagsitayuan na kami para kusang iassist ung mga representatives ng companies.