Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 60 - Foundation Week

Chapter 60 - Foundation Week

Finally! Tapos na ang first half ng work immersion ko! Kaso parang mamimiss ko ung GCCSO… ang babait lang kasi nung mga authorities na nandun, eh.

By the way, Monday ngayon at first day ngayon ng foundation week at ng immersion ni Raymond! May excuse ako para bumisita sa GCCSO ngayong araw~

Maaga kaming pinapasok ngayon kasi alas otso ng umaga may thanks giving mass. Last January ko pa kinonsider ung sarili bilang isang atheist dahil ung sinabi ng teacher namin sa world religion nung grade 11 about sa tinatawag na god ng mga katoliko… it all makes sense to me. Yeah… sorry sa taglish ko.

And since then…! Hindi na ko naniniwala sa tinatawag na god ng mga katoliko. Alam ko ang ironic kasi ginagawa ko pa rin ung mga practices ng mga katoliko kahit na kinokonsider ko na ung sarili ko na atheist. Alam kong ilang buwan na ang lumipas pero kahit isa sa mga kaibigan ko ay wala pa akong sina sabihan sakanila na atheist ako. Takot kase ako. Kahit sa mga magulang ko takot rin akong sabihin kasi religious sila pareho.

"Yvon, ano oras daw ung pride parade?"

Tanong sakin ni Chin habang naglalakad-lakad lang kami dito sa part ng field na may mga food stalls. Member kasi siya ng pride community kaya inaabangan niya. Ako naman support lang and happy for her dahil tanggap niya ung sarili niya as a pride member.

"Mga nine daw, eh. Un ung narinig ko sa GCCSO last Friday."

Sagot ko sa tanong sakin ni Chin habang naglalakad pa rin kaming dalawa. Ilang saglit pa, nung narating na namin ni Chin ung dulo ng mga food stalls ay nakita namin si manong na nagbebenta ng sweet corn sa ilalim ng isang puno. At dahil medyo gutom na kami ni Chin, bumili na kami ng sweet corn. Matapos naming bumili ay nag-umpisa na rin ung pride parade ng GCCSO at saktong nakatayo kami ni Chin sa magandang puwesto malapit sa pinag bilhan namin ng sweet corn.

Naglakad na ung mga college students na madalas kong makita sa GCCSO habang nag-iimmersion pa ako dun for the last two weeks. Sila ung bungad at hawak rin nila ung pride flag, eh. Habang tuloy lang sa paglalakad ung mga kasama sa pride parade ay kumuha na kaming dalawa ni Chin ng video hanggang sa makita na naming ung mga estudyante sa pinaka likod ng parade.

Matapos naming manuod ni Chin ng pride parade… ewan ko pero… sa loob-looban ko… I feel… so happy… and I feel like… like I belong…

Lumipas ang ilang oras ay wala kami masyadong ginawa ni Chin at nakita na lang kami nila Violado, Christina at Juliana sa library dun sa fifth floor ng building na kinaroroonan ng classroom namin.

"Kanina pa namin kayo hinahanap andito lang pala kayo."

Sabi samin ni Violado habang naglalakad na silang tatlo nila Juliana at Christina papalapit sa lamesa na inuupuan namin ni Chin dito sa library.

"Kayong tatlo dyan ung biglang nawala after nung misa."

Sabi ko sakanilang tatlo habang tinitignan ko na sila at si Chin naman ay busy gumawa ng assignment niya. Ginagawa ko na rin ung assignment ko ngayon kasi kagabi hindi ko magets un and since maaga naman papasok, why not magtanong na rin sa ibang kaklase na makita namin, diba?

"Sisihin mo 'tong si Violado! Sabi niya iwan na daw naming kayong dalawa ni Chin tas mauna na kami bumili pagkain kase gutom na raw siya!"

Pagdadahilan ni Christina sakin habang paupo na siya sa tabi ni Chin.

"Kasalanan ko ba na Nagugutom na ako nun pagka tapos ng misa?"

Tanong ni Violado kay Christina nung makaupo na siya sa tabi ko at si Juliana naman sa tabi niya.

"Ano ginagawa niyo, Ibon?"

Tanong sakin ni Juliana, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin na siya sa yellow paper na sinusulatan ko.

"Ung assignment natin."

"Ngayon na ba ipapasa yan?"

Tanong naman sakin ni Christina habang nakatingin na rin siya sakin.

"Oo. Nakalimutan mo, noh?"

Sagot at tanong ko kay Christina habang nginingisian ko na siya at tinitignan.

"Tapos mo na un, Violado?"

Tanong ni Christina kay Violado habang kinukuha na niya ung ballpen niya sa bag.

"Kagabi pa."

Sagot ni Violado sabay kuha na ng earphones niya sa bag niya.

"Penge ako yellow paper, Ibon. Pakopya ako, Violado."

Sabi ni Christina saming dalawa ni Violado, dahilan para pumunit ako ng isang pirasong papel galing sa yellow pad ko at saka binigay na un kay Christina.

"Tanginang yan. Ba't di mo kasi ginawa ung assignment kagabi?"

Reklamong tanong ni Violado kay Christina sabay abot na sakaniya ng assignment niya.

Okay, fast forward na tayo sa time na nagkayayaan kami ni Christina na magpahenna tattoo kasi merong booth sa field at nung hindi pa nag-uumpisa klase namin ay pinuntahan ko si Raymond sa GCCSO kasi gusto ko ipagmaybang sakaniya ung henna tattoo ko at gusto ko ulit makita for the last time ung loob ng GCCSO.

"Astig ng henna mo Tagum, ah."

Sabi ni Raymond nung pinakita ko na sakaniya ung henna tattoo ko sa may pulso. Hulaan niyo kung ano ung pina henna ko. Hehehe~ shempre ung album cover ng Love Yourself: Answer ng BTS! Mas gugustuhin ko pang makita ung tangled heart na un kesa maalala ung mga cut attempts ko dati sa pulso ko.

"Galing yan sa album cover ng BTS na Love Yourself, eh."

Sabi ko kay Raymond habang nakatingin pa rin ako sa henna at nakangiti.

"Aba dapat lang na mahalin mo sarili mo!"

Sabi naman sakin ni Raymond. Yeah, hindi ko pa rin siya tinitignan kasi inaadmire ko pa ung henna tattoo ko.

"Wala pa bang teacher dun sa classroom?"

Tanong sakin ni Raymond habang naglalaro na siya sa phone niya. Binuksan ko na ung phone ko at nakita na nag text sakin si Chin. May teacher na raw.

"Meron na daw."

"Akyat ka na! Masabihan ka pang cutting!"

Sabi sakin ni Raymond habang naglalaro pa rin siya. Mga lalaki rin ung mga kasabay niya mag immersion ngayon at halos lahat sila naglalaro lang sa phones nila.

"Sige, babye~!"