Hello, everyone~! September 14 ngayon at alam niyo ba… birthday ko na! Excited na akong gamitin ang araw na 'to para makasama ulit ung tropa ko sa dati kong school! Oh. Oo nga pala. Hindi lang pala sila ung ininvite kong pumunta dito sa bahay.
But anyway… seventeen years old na ako! Hindi ko alam kung bakit excited akong mag-seventeen pero alam ko na excited na akong makita ulit ng buo ung tropa ko sa dati kong school!
"Bilisan mo na Masi! Matatagalan pa tayo, eh!"
Natatawang sabi ni Micah habang nagtatype si Lara sa laptop namin dito sa bahay. Nakalimutan ko palang sabihin sainyo. Andito pala sila Micah, Lara at si JM na matalinong boyfriend ni Micah para ayusin ung research namin.
"Iniintay pa ata ni Masi ung handa niyo Tagum, eh."
Natatawang sabi naman sakin ni JM habang tinitignan na niya kaming dalawa ni Lara na busy pa rin magtype at tawa na rin ng tawa.
"Pano kaya pag tinawag natin siya ng 'Tagum' tapos magsilingunan buong pamilya niya?"
Nakangising tanong ni JM kay Micah habang tinitignan na niya ito. Pambihirang tanong na yan! Wuahahahhaahha!
"G*g*. Hahahhahahha!"
Yan na lang ang nasabi ni Micah kay JM sabay tawa na ng malakas at ako naman ay natawa na rin.
"Pano ako matatapos dito, eh, nagpapatawa kayo!"
Natatawang reklamo naman ni Lara kila Micah at JM habang nagtatype pa rin siya sa laptop.
"Bilisan mo na kase! May pupuntahan pa kami ni JM, eh!"
Inis na sagot ni Micah kay Lara sabay tawa ulit. Alam niyo ba? Natutuwa ako kasi kagrupo ko sila. Kase kahit na magulo kaming tatlo, may natatapos pa rin kami sa research namin. Hindi ko rin po alam kung pano namin nagagawa un pero nagpapa salamat po ako kase meron kaming ganung kakayahan.
"Magde-date lang kayo, eh!"
Sabi naman ni Lara kila Micah at JM sabay tingin niya sa dalawa at balik na ng tingin niya sa screen ng laptop.
"Ano ba Masi! Binubuking mo kami, eh!"
Sabi ni JM kay Lara habang tinitignan na niya ito. Natawa na lang kaming dalawa ni Micah sakanilang dalawa.
Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin kaming ayusin ung research namin, sabay-sabay kaming nagtanghalian at naubos namin ung anim na fried chicken na nilagay ni mama sa lamesa at ung lumpiang shanghai.
Nung natapos na kaming magtanghalian na apat ay nagpaalam na silang tatlo na aalis na sila dahil may pupuntahan pa raw sila at saka binati na nila ako ng 'happy birthday'. Wala naman kaming ginawang special pero ewan ko ba, feeling ko mag-istay ung memory na 'to sakin.
Ilang oras ang lumipas ay dumating na rin sila Violado, Harold at Juliana. Sa mga kaibigan ko sa school ko ngayon, sila lang dumating kasi hinanap sila sakin ni mama. Aayain ko rin naman sila, eh, pero ngayong taon sana gusto ko ispend ung araw ko kasama mga tropa ko sa dati kong school kase ang tagal ko na silang hindi nakikita at nakakausap. Pero nasira ang plano ko na un dahil sakanila mama't papa. Kahit na sinabi ko na sakanila ung plano ko…
"Happy birthday Ibon~!"
Sabay-sabay na bati nila Juliana, Harold at Violado sakin habang nginingitian na nila ako nung binuksan ko na ung screen door namin sa harap ng bahay.
"Salamat~!"
Pasasalamat ko sakanila habang nginingitian ko na sila pabalik at saka gumilid na sa pintuan para papasukin na sila.
"Ibon, may printer kayo?"
Tanong ni Harold sakin pagka tanggal niya ng sandals niya. Napataas na lang ako ng dalawa kong kilay at saka tumango.
"Meron, bakit?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Harold habang tinitignan ko pa rin siya.
"Oh, meron naman pala silang printer dito, eh!"
Sabi ni Harold kay Violado nung naka pasok na silang dalawa at si Juliana ay nagtatanggal pa ng sandals niya.
"Pwede paprint kami Ibon?"
Tanong naman sakin ni Violado habang tinitignan na niya ako at hawak na niya ung phone niya.
"Oo. Ano ba ipiprint niyo?"
Sagot at tanong ko pabalik sakanila Violado at Harold habang palipat-lipat na sakanilang dalawa ung tingin ko.
"Surprise na un."
"Turuan mo na lang kami kung pano magprint, Bon."
Sagot ni Harold at sabi naman ni Violado sakin habang nakatingin pa rin sila sakin at si Juliana naman ay nakatayo na sa tabi ko.
"Sige."
Sabi ko sakanila at saka sinarado na ung screen door.
"Ikaw na Harold mag-ano sa laptop nila, baka maka sira pa ako."
"Aba talaga! Wala ka pa namang pera pumalit sa laptop nila."
"Ibon, pwede makiinom ng tubig?"
Tanong sakin ni Juliana sakin nung pagka harap ko sakaniya. Nasa likod ko pa pala siya habang sila Harold at Violado nakapuwesto na sa laptop namin.
"Pwede. Gusto mo ng malamig o hindi?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Juliana habang naglalakad na ako papunta sa kusina namin.
"Kahit hindi malamig."
Sagot ni Juliana sa tanong ko kaya kumuha na lang ako ng baso, pumunta sa lamesa at nilagyan ko na un ng tubig kasi nasa lamesa namin ung pitsel.
"Ibon! Nasan ka na? Turuan mo na kami!"
Sabi ni Harold habang nakaupo na siya sa harapan ng laptop. Dali-dali na akong lumapit sakanilang dalawa ni Violado at tinuruan ko na sila. Nung tapos ko na silang turuan ay pinalayo na nila ako sakanila. Ano kaya ung ipiprint nila? Sana naman hindi ung picture ko na mukha akong sira ulo o kung ano pa man…
Lumipas pa ang ilang oras ay dumating na ung pinsan kong lalaki at ung best friend niyang babae pati na rin ung tita at tito namin kase inimbita sila nila mama at papa. So, ano na nangyari sa plano kong simpleng birthday lang na kahit pancit canton lang ung pagkain tas kasama ko tropa ko sa dati kong school? Hindi nangyari. Opo. Nakaka iyak kase sinabi ko na ung plano ko na un kila mama't papa pero hindi pa rin sila nakinig. Hindi naman nakaka sakit. Opo. Hindi naman po talaga.
Dahil ang tagal matapos nung piniprint nila Harold at Violado ay nag chat na lang ako sa gc namin ng tropa ko sa dati kong school at tinanong ko kung nasaan na sila. Alam niyo ba kung ano reply nila? Hindi raw makakapunta. Hindi naman po nakaka iyak… hindi rin naman po nakakatampo… hindi po talaga… gusto ko na lang umiyak.