~SEP 24 AT 10:27 AM~
: May idea ka na kung ano gagawin natin sa MIL???
Chat ko kay Jervien habang nasa byahe pa ako papasok sa school namin. Kagrupo ko kasi si Jervien tapos siya lang ung nag-iisang lalaki sa grupo namin. Absent kasi siya nung nag form ng groups sa MIL nun tapos ung teacher namin, pinapili na lang kami kung sino sa mga absent ung kukunin namin as group members.
Sila Violado at Christina ung pumili kay Jervien nun habang ako naman ay nananahimik lang at nakikinig kila Lara at Micah. Kinuha ko na silang group members kasi group members ko rin naman na sila sa research. Oh! Pati rin pala si Aleksa kinuha ko na rin na group member namin kasi nakakatuwa rin siyang kasama, eh. Lakas mantrip. Ahahahhaha!
Lumipas ang kalahating oras ay nasa school na rin ako at malapit na mag-umpisa ung klase.
"Ibon, kelan tayo magva-vlog?"
Tanong sakin ni Violado pagka pasok na pagka pasok ko pa lang sa classroom namin.
"Kayo, kung kelan kayo pwede. Ba't niyo sakin tinatanong?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Violado habang tinitignan na namin ung isa't isa.
"Kasi shempre kailangan mo muna magpaalam kay tita."
Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya habang tinitignan pa rin niya ako.
"Okay lang un. Magtetext na lang ako kay mama pag ganun."
Sabi ko kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya. Ilang segundo pa ay pumasok na ung first subject teacher namin sa classroom at naglakad na ako papunta sa upuan ko sa first row. Pagka lagay ko ng mag ko sa upuan ay tumingin ako sa pintuan sa bandang likuran ng classroom namin kaso walang Jervien na pumasok. Baka late lang siya.
Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin pumapasok si Jervien. Hindi ata siya papasok ngayon? Hays. Lumipas pa ang isang oras ay breaktime na rin namin sa wakas. Wala ako masyadong gana para lumabas sa classroom kaya nagpa iwan na lang muna ako kila Violado dito at tahimik na lang akong kakain ng baon ko habang nag-scroll lang ako sa newsfeed ko.
~SEP 24 AT 12:12 PM~
Jervien: wala ehh hahah
Reply ni Jervien sa chat ko sakaniya kanina… hala! Nakalimutan ko kung ano ung gagawin namin sa vlog!
~SEP 24 AT 1:00 PM~
: Ahahaha ge wait
Yan na lang ang nireply ko kay Jervien habang kinakain ko na ung baon kong kanin at nag-scroll na lang sa newsfeed ko habang hinihintay sila Violado na bumalik para mapa alala sakin kung an ung gagawin namin sa vlog. Hinintay ko sila hanggang sa matapos na ung breaktime at wala pa rin sila sa classroom. Mabuti na lang di ako sumama sakanila kasi ayaw ng adviser namin ng late.
Lumipas ang dalawang oras ay sa wakas! Uwian na rin! Dalawa lang kasi ung subject namin ngayong araw at tigdalawang oras pa ung dalawang subject na un.
"Tagum, dun natin gawin ung research natin sa library dun sa engineering building."
Sabi sakin ni Micah habang nakatayo na siya sa harapan ko habang inaayos ko na ung gamit ko.
"Sige."
Sabi ko kay Micah sabay sara na ng zipper ng bag ko at saka sinuot na un sa likod ko para maayos na naming apat nila Lara at Balanza ung research namin.
"Ibon! Di ka sasabay samin?"
Tanong sakin ni Violado habang inaantay na ako nilang tatlo ni Christina, Chin at Juliana sa may pinto. Agad akong napatingin sakaniya at saka umiling.
"Hindi, eh. Gagawin kasi namin nila Micah ung research namin."
Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang naglalakad na kaming apat nila Micah, Lara at Balanza papalapit sakanila sa pintuan.
"Ah, ganon?"
"Oo."
"Sige, ingat na lang sa pag-uwi niyo mamaya."
Sabi ni Violado habang nakatingin pa rin siya sakin at saka naglakad na papalabas.
"Ingat din sainyo~!"
Sabi ko sakanilang apat habang nakangiti na ako sakanila.
"Ingat, Ibon~! Ingat din sainyo~!"
"Ingat sa pag-uwi niyo mamaya~!"
"Good luck sa research niyo at ingat."
Sabi nila Christina, Juliana at Chin saming apat nila Masi, Micah at Balanza habang naglalakad na rin sila at sinundan na si Violado na nakatayo na sa tapat ng elevator.
"Ingat sainyo~!"
"Ingat din kayo~!"
Sabi naman nila Chan at Masi sakanilang apat at naglakad na kami papuntang elevator.
Lumipas ang ilang oras ay sumuko na kaming apat sa pag-aayos ng research namin dahil ni isa saming apat ay walang mahanap na pepwedeng gamitin na pang support sa ginagawa naming research paper sa library dun sa engineering building kaya naisipan na lang namin na umuwi at ituloy un sa kani-kaniyang bahay.
Pero shempre, bago ako umuwi at makalimutan nanaman ung gagawin namin sa vlog project namin sa MIL ay chinat ko na si Jervien.
~SEP 24 AT 5:00 PM~
: Ung gagawin pala sa vlog natin anoo
: Fishbowl challenge
: Maglalagay ng challenges dun sa bowl tas bubunot kada isa satin
: Tapos dapat gagawin natin un dun sa field
: Habang nagvivideo
: Magvavlog tayo after class Thursday, okay??
Yeah… chinat ko siya ng offline kaya wala pang reply. Pagkauwi ko ay umupo na agad ako sa tapat ng laptop namin after magbihis para ituloy na ung pag-aayos sa research paper namin.
Lumipas ang oras ay nakauwi na si papa galing sa training niya para maiangat ung rank niya sa trabaho niya, engineer kasi siya, tapos kumain na kami ng hapunan at naghugas na ako ng pinggan.
Habang naghuhugas na pala ako ng pinggan, nag reply na pala sakin si Jervien kaso inabot ako ng fifty one minutes bago makapagreply pabalik dahil naghuhugas pa ako ng mga pinggan. Opo. Mabagal po akong maghugas dahil hindi ko siya na eenjoy. Okay pa sana kung nakikinig ako ng mga kanta habang naghuhugas ng mga pinggan.
~SEP 24 AT 8:06 PM~
Jervien: sige sie
Jervien: sa Thursday may shooting ako
~SEP 24 AT 8:57 PM~
: Ano oras shooting mo???
Offline ulit si Jervien nung nag reply na ako sakaniya kaya tinuloy ko na lang ung pag-aayos ng research paper namin habang nagtatanong ako sa group chat namin nila Masi, Micah at Balanza.