Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 62 - Dares

Chapter 62 - Dares

Haa… hindi na ako gumigising ng maaga at ang sarap lang sa pakiramdam! Bumabyahe na ako papasok sa school namin at naka full blast ulit ung earphones ko. Ayoko kasing marinig ung pag-uusap ng ibang pasahero kasi nakakapang init lang sa ulo ko. Lalu na pag ang lakas ng boses!

Nasa klase na ako at medyo distracted ako kasi hindi pa kami nakakapag sulat ng mga dares para sa fishbowl challenge namin. Lumipas ang tatlong subject namin ng hindi ako masyado makapag focus sa klase dahil lumulutang lang kung saan-saan ung isip ko and finally break time na namin~!

"Ibon, kelan ka pwede?"

Tanong sakin ni Violado habang nasa canteen na kami nila Chin, Christina at Juliana sa first floor ng building na kinaroroonan namin.

"Bakit?"

Tanong ko pabalik kay Violado sabay subo na ng baon kong kanin habang tinitignan ko na siya. Magkaharap kasi kami sa lamesa tapos katabi niya si Christina na katabi naman si Chin at ako naman ay katabi si Juliana.

"Teh! Kelan mo pa ba gusto mag vlog tayo?! Baka matagalan pa tayo mag-edit nun!"

Sagot ni Christina sa tanong ko kay Violado habang nakatingin na siya sakin matapos niya lunukin ung pagkain sa bibig niya. Napangisi na lang ako sa reaksyon ni Christina at saka nilunok ko na ung nginunguya kong pagkain sa bibig ko. Buti na lang di ako nabulunan.

"Di naman kayo nagsasabi kung kelan tayo magvavlog, eh! Pano ako magpa paalam kung hindi ko alam kung kelan magvavlog?!"

Sagot ko naman kay Christina habang tinitignan ko na siya.

"Oo nga naman! Kelan ba tayo magvavlog?"

Tanong naman ni Juliana habang tinitignan na niya sila Violado at Christina habang si Chin naman ay natatawa na lang habang kumakain lang siya sa tabi ni Christina at pinapanuod kaming apat.

"Ikaw Chin? Ano tinatawa-tawa mo dyan? Kelan ka pwede?"

Sunod-sunod na tanong ni Christina nung mapansin na niya si Chin na tumatawa lang.

"Wala naman kasi kayong sinasabi kung kelan tayo Magvavlog kaya hindi rin ako makapag paalam sa magulang ko."

Natatawang sagot ni Chin sa tanong sakaniya ni Christina habang tinitignan na niya ito at tinatakpan ung bibig niya gamit ng kamay niya.

"Ilan na pala ung dares na meron tayo?"

Tanong ko sakanilang apat habang tinitignan ko na sila isa-isa.

"Lima, kulang na lang ng apat. Baket?"

Sagot at tanong ni Violado sakin habang tinitignan na niya ako.

"Sasabihan ko kase sana sila Masi, Micah at Aleksa na magsulat rin ng dares, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang tinitignan ko na siya. Tumango na lang siya sakin habang nginunguya na ung pagkain sa bibig niya.

Lumipas ang breaktime namin na nagtatalo kami kung kelan magvavlog habang nag-iisip rin ng mga dares para sa vlog namin at naghahanap ng mga pogi. Yeah, common hobby na naming apat nila Christina, Violado at Juliana ang maghanap ng mga pogi. Pero saaming apat, si Violado lang ung may lakas ng loob or kakapalan ng mukha na tanungin ung name ng mga kuyang pogi na naghahagilap ng mga mata namin.

Entrep na ung subject ngayon at hindi pa rin ako makapag focus at humingi na ako ng tulong kila Lara, Micah at Aleksa para makapag-isip pa ng dares. Hanggang sa natapos na ung klase namin sa Entrep ay excited na akong makita ulit ung teacher namin sa MIL dahil ang ganda niya at ang astig!

"Ma'am! Ano pong gagawin natin ngayon?"

Tanong ni Madera sa teacher namin sa MIL pagka pasok na pagka pasok pa lang nito sa classroom namin. Tinignan na ng teacher namin si Madera at saka ngumiti.

"Wala, kaya pwede kayong magvlog ngayon. Bago kayo bumaba dalhin niyo na ung mga bag niyo para hindi na kayo bumalik dito sa classroom."

Sagot ng teacher namin sa tanong sakaniya ni Madera, dahilan para mapa sigaw sa tuwa sila Madera, Arvin, Kraven, Pengson, Carl at iba pa naming mga kaklase. Shempre ako napangiti na lang din habang nililigpit ko na ung mga gamit ko sa bag ko.

"Ang bagal naman Tagum!"

Sabi sakin ni Micah habang nakatayo na siya sa likuran ko. Excited 'to masyado.

"Teka lang naman kase."

Sagot ko kay Micah sabay sara na ng zipper ng bag ko. Okay, aamin na ako, excited na rin ako! But most of all, excited na ako dun sa dare na manlilibre! Sana hindi mapunta sakin kasi saktuhan lang ung pera na dinadala ko. Nag-iipon kase ako.

Pumila na nga ung halos buong klase namin sa elevator habang ung iba naman ay bumaba na lang ng hagdan. Shempre kasama namin si Jervien kasi by group hehe~

"Uy, teh, pano un wala tayong fishbowl para sa vlog natin?"

"Improvise na lang tayo."

"Alangan namang bumili pa tayo ng fishbowl."

"Ano na lang pwede natin gamitin?"

"Ung bucket hat ko."

Sabi ko sakanila Christina, Juliana at Violado habang tinitignan ko na sila at bumababa pa rin kami ng hagdan.

"Oh, un naman pala, eh! Bilisan na natin para maka umpisa na tayo agad!"

Sabi ni Christina habang nagmamadali na siyang bumaba ng hagdan. Hindi na namin kasalanan kung malaglag siya, ha. Siya na mismo kusang nagmadali.

"Hoy, hintayin mo naman kami! Christina!"

Sabi ni Violado kay Christina habang tinitignan na niya 'to. Well, habang bumababa kami ng hagdan ay naguusap lang sila Chin, Micah at Lara pati rin sila Juliana at Aleksa sa isa't isa tapos si Jervien naman tahimik lang habang ako naman ay nakangiti nang sinundan si Christina. Excited na rin kase ako, eh~

"Isa ka pa Ibon! Hintayin niyo kami!"

Sabi ni Violado sakin. Tumigil ako saglit sa pagbaba sa hagdan, nilingon siya at saka dinilaan para asarin. Opo. Isip bata po ako. Ano ngayon?

"Sainyo sana mapunta ung manlilibre na dare!"

Sigaw ni Violado saming dalawa ni Christina.

"Wag kang makinig sakaniya Ibon!"

Sabi sakin ni Christina habang patuloy pa rin siya sa pagbaba ng hagdan. Dahil ayokong mapa gastos ng biglaan, tumigil ako at saka dahan-dahang bumalik kay Violado.

"Wala namang ganyanan Violado."

Sabi ko sakanya habang nakahawak na ako sa braso niya. Ayoko talaga mapa gastos ng malaki ngayon.