Nagkukuhaan na ng pagkain ung pinsan ko, ung best friend niya, ung tito't tita ko pati na rin ung kapatid ko habang sila Hendric at sila Violado ay hinihintay silang matapos. Ako naman, kinakausap ko lang sila Hendric at sila Violado. Nakakalito at medyo nakaka pagod rin. Bakit kasi hindi nasunod ung plano ko?
Tapos ko na kausapin sila Violado, Harold at Juliana at lalapit na sana ako kila Ashley na nakaupo sa may pintuan na papunta sa garahe at dirty kitchen namin nung…
"Ung buhok ni Yvonne parang katulad nung kay medusa. Tayu-tayo."
"Bakit kaya hindi man lang siya nag-ayos ngayong birthday niya?"
Bulong nila Harold at Violado sa isa't isa. Tayu-tayo nanaman ba buhok ko? Bakit ngayon pa? Argh… bakit ba kasi kulot ako? Nakakahiya… Ibon, wag kang umiyak. Please, pigilan mo lang. Idaan na lang natin sa ngiti, ha. Ayokong mag-alala sila sakin. Birthday ko pa naman ngayon.
Lagi naman na akong nakaka tanggap ng mga panlalait tungkol sa kulot kong buhok simula pa lang nung elementary ako pero bakit masakit pa rin? Hindi ko naman ginusto na ipanganak akong kulot, eh, so bakit kailangan niyo pang ipamukha sakin na hindi maganda buhok ko? Nakakainis naman. Tama na, Ibon. Wag na lang natin isipin, ha? Mag-aalala pa sila dahil sayo, eh.
"Ibon, matagal pa ba bago kami kumuha?"
Mahinang tanong sakin ni Kiyoshi habang nakatayo na ako sa harapan nila. Medyo natawa na lang ako ng kaunti at saka lumingon na sa lamesa.
"Malapit na, onting intay pa Kiyo."
Nakangiting sagot ko sa tanong sakin ni Kiyoshi habang tinitignan ko na ulit siya.
"Kala ko ba kami lang?"
Mahinang tanong naman sakin ni Hendric habang nakatingin na siya sakin at naka cross arms na siya. Akala ko rin kayo lang maka kasama ko ngayong birthday ko, eh.
"Hinanap kasi sakin ni mama sila Violado kaya inaya ko na rin."
Pag-eexplain ko kay Hendric habang tinitignan ko na siya.
"Hinde~ wala~"
Pangangasar naman ni Anna habang nakangisi siya sakin. Wala namang ganyanin Anna.
"Sabi mo kami lang, eh."
"Nakakatampo ka."
"Kala ko kami lang inimbita mo."
Dagdag pa nila Ashley, Yohan at Joaquin. Hindi talaga mawawalan ng taya sa tropang 'to. Gusto ko na umiyak ngayon pero buti na lang na pipigilan ko dahil sakanila.
"Bon! Pakuhanin mo na sila ng pagkain!"
Sabi sakin ni mama, dahilan para mapalingon ako sakaniya at saka tumango bilang sagot.
"Oh, kumuha na raw kayo."
Sabi ko sakanilang pito habang tinitignan ko na ulit sila at alam niyo ba, agad silang nagsitayuan sa mga kinauupuan nila at naglakad na papunta sa lamesa.
"Uy, graham!"
Masayang sabi ni Ashley nung makita niya sa lamesa ung graham cake. Yan na talaga hinahanap-hanap niyan simula nung na tikman niya graham cake na gawa ni mama dati.
"Tita, ang sarap po talaga ng carbonara niyo~!"
Sabi naman ni Hendric kay mama habang kumukuha pa lang siya ng carbonara. Natawa si Anna at saka hinampas ung braso ni Hendric.
"Hoy! Matapon!"
"Hindi ka pa nga nakaka subo!"
Natatawang sabi ni Ashley kay Hendric matapos niyang kumuha ng dalawang slice ng graham cake.
"Hoy, Ryan! Ang daming shanghai nyan, ah!"
Sabi naman ni Joaquin kay Ryan nung makita niya plato nito.
"Ano ba! Wag ka maingay!"
Pabulong na sigaw ni Ryan kay Joaquin habang tinatakpan na niya ung shanghai sa plato niya gamit ng kamay niya.
"Tutoy, abutan mo nga ako ng shanghai."
Sabi naman ni Kiyo kay Joaquin habang nakatingin na siya sa lagyanan ng mga shanghai. Tutoy kase nickname ni Joaquin sa bahay nila kaya nung nalaman namin, yan na ung tawag namin sakaniya. Well… kesa lang sakin kasi depende kung ano matawag ko sakaniya.
"Talagang gutom na mga kaibigan mo, Bon."
Natatawang sabi naman ng tita ko habang kumakain na siya sa may kusina. Natawa na lang din ako habang pinapanuod ko sila. Kung gusto niyong malaman kung ano na ginagawa ngayon nila Juliana, Harold at Violado, tahimik na lang silang kumakain sa sofa.
"Hoy! Wag niyo kong ubusan ng graham cake!"
Reklamo ni Anna kila Ryan, Joaquin at Kiyo habang si Yohan naman ay nakabalik na sa inuupuan niya at kumakain na ng carbonara katabi si Ashley.
"Bilisan mo!"
Sabi ni Joaquin kay Ryan habang tinitignan na niya ito.
"Ubusin na natin dali!"
Sabi ni Kiyo habang tinitignan naman niya si Anna.
"Wag niyong bigyan ng graham si Anna!"
Sabi naman ni Ashley habang may graham cake pa ung bibig niya.
"Susumbong ko kayo kay tita!"
Sabi ni Anna sakanila habang akma na sana siyang maglalakad papalapit kay mama nung pinaglagyan na siya ni Ryan ng graham cake sa plato niya. Kahit pinapanuod ko lang 'tong mga 'to masaya na ako, eh.
"Yown!"
Yan na lang nasabi ni Anna habang nakangiti na siya.
"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?"
Natatawang tanong sakin ni Hendric habang nakatingin na siya sakin.
"Kumuha ka na rin dun, Ibon."
Sabi naman sakin ni Ashley, dahilan para mapatingin ako sakaniya at ngitian ko siya.
"Meron pa ba?"
Mahinang tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ung mga pagkain sa lamesa. Buti naman meron pa. Kumuha na ako ng kutsara't tinidor pati plato at saka sinabayan ko na sila Kiyo na kumuha ng pagkain.
"Kiyo, paabot nga nung shanghai."
"Yoko nga."
"Sigi na~"
"Yoko nga."
"Parang mag aabot lang ng shanghai."
"Oh."
"Salamat~!"
Pasasalamat ko kay Kiyo nung abutan na niya ako ng dalawang shanghai matapos ko siyang pilitin. Kumuha na rin ako ng carbonara at nung natapos na akong kumuha… hindi ko alam kung san ako uupo.
"Mm! Kuha ka upuan para kay Ibon!"
Sabi ni Ashley kay Yohan matapos niyang lunukin ung pagkain sa bibig niya. Agad na tumayo si Yohan sa kinauupuan niya at saka tinignan na ako.
"Dito ka na lang umupo bunso, tapos naman na rin ako."
Sabi sakin ni Yohan habang tinitignan pa rin niya ako. Nahihiya ako kay Yohan kasi siya ung nakaupo sa tabi ni Ashley pero at the same time kakapalan ko na rin mukha ko kasi naalala ko bahay pala namin 'to.
"Salamat kuya~!"
Pasasalamat ko kay Yohan sabay upo na sa tabi ni Ashley at saka kumain na habang nagtatawanan kaming magtotropa. Hindi man nasunod ung plano ko para sa birthday ko ngayon, masaya pa rin ako kasi kasama ko silang icelebrate ung birthday ko ngayon. Sana wala na magbago.