Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 63 - Vlog

Chapter 63 - Vlog

"Maiba taya kung sino mauna bumunot ng dare!"

Sabi ni Violado samin habang nakaupo na siya sa damuhan. Nakaupo rin ako sa damuhan sa bandang kaliwa ni Violado at nakaupo rin si Jervien sa bandang kanan naman niya. Yes po. Nasa gitna po naming dalawa ni Jervien si Violado.

Nakaupo rin sa damuhan si Juliana sa tabi ko, si Christina nakaupo rin sa tabi ni Juliana tapos si Micah naman nakaluhod sa tabi ni Jervien. Sila Chin, Lara at Aleksa naman ay nakatayo sa likuran namin.

Alam niyo naman na siguro kung pano ginagawa ung maiba taya, noh? Kung hindi magtanong-tanong na lang kayo sa iba kase hindi ko alam pano ide describe 'to. So ung kamay ni Violado ung nasa pinaka baba tas sumunod ako at si Juliana, susunod na sana si Christina kaso nagtatalo pa sila kaya inalis na ni Violado ung kamay niya.

Naiwan ung kamay naming dalawa ni Juliana at nung game na… nung game na…. oh. My. God… ung kamay ni Jervien nasa ibabaw ng kamay ko. Ung kamay ni Jervien nasa ibabaw ng kamay ko! Maraming maraming salamat universe dahil binigyan mo ulit ako ng ganitong pagkakataon! Salamat ng marami!

So ung kamay ko na ung nasa pinakababa tas sumunod si Jervien tapos si Violado… why? Tapos si Aleksa at si Lara. Hindi na na ipatong nila Juliana, Christina, at Micah ung mga kamay nila kase malalayo sila kaya inumpisahan na namin.

"Maiba… taya!"

Sabay-sabay na sabi namin sabi nila Christina, Lara, at Juliana kaso wala pang na iiba kase nahuli pala si Chin. Nagsitawanan na lang kami at saka inulit ulit un. Nung inulit… hay… salamat sa ilang segundo… ung kamay na kase ni Violado ung nasa ibabaw ng kamay ko tapos sumunod sakaniya si Jervien. Hi-hindi naman- bahala na nga!

"Maiba… taya!"

"Oh, may itim!"

Sabi ni Lara sabay turo sa kamay ni Jervien na nakataob. Meaning, siya ung una. Tawanan ulit kami tapos si Jervien Pasimple nang bumunot sa bucket hat ko ng dare. Umulit ulit kami para malaman kung sino ung pangalawa hanggang sa malaman na kung sino ung huli.

At ang pagkaka sunod-sunod namin ay si Jervien ung una, si Aleksa ung pangalawa, si Lara ung pangatlo, si Chin ung pang-apat, pang lima si Juliana, pang-anim si Micah, ako ung pang pito, si Violado ung pang walo at ung panghuli ay si Christina. After ay nagbunutan na kami ng kani-kaniya naming mga dares.

Alam niyo ba, ung dare na sinulat ko ay kumanta ng kantang 'Buwan' habang nakahiga sa field. Hulaan niyo kung sino nakabunot.

"Ano daw?"

Tanong ni Jervien nung bumangon siya sa pagkakahiga sa damuhan, dahilan para matawa naman si Christina na nagvivideo sakaniya. First attempt ni Jervien pero kinikilig na ako sa di kalayuan! Maraming salamat ulit universe! Hindi talaga pumasok 'to sa isip ko na mangyayari 'to pero maraming salamat ulit, universe! Masyado ako kinikilig dito! At shempre, ganun din si Violado.

"Hindi ko alam un!"

Sabi ni Jervien habang nakatingin na siya samin sa di kalayuan. Pinalayo kase kami ni Christina para hindi mahiya si Jervien, eh.

"Sa ilalim ng puting--~!"

Kanta namin sakaniya para bigyan siya ng clue. Well, kaming tatlo lang nila Violado at Juliana ung kumanta kasabay si Christina na nagvivideo pa rin.

"Ah, okay."

Sabi ni Jervien sabay higa ulit sa damuhan habang nakangisi siya. Idadaan ko na lang sa tawa ko ung kilig ko!

"Yes!"

Sabi ni Christina sabay ulit ulit ni Jervien sa dare niya na naisip ko. Hehehe~ Ung ineexpect ko talaga mapupunta kay Lara or kay Violado ung dare ko, eh! Hindi ko talaga ineexpect na kay Jervien mapupunta!

"Sa ilalim ng puting… ilaw~"

Kanta ni Jervien habang nakahiga siya sa damuhan at tinatakpan niya ung mata niya gamit ng braso niya.

"Ayun. Okay na!"

Sabi ni Jervien kay Christina pagka upo na pagka upo niya. Nag thumbs up na lang sakaniya si Christina habang natatawa at nagvivideo pa rin. Success!

Ung sumunod naman si Aleksa tapos ung dare naman niya ay mang hingi ng pagkain sa iba. Easy lang siya! Sana un na lang pala ung nabunot ko!

So, naghahanap na sila Aleksa at Christina ng mabibiktima, este, mahihingan kase ng pagkain. Ahahahahha! Tapos nakita nila si Ma'am na teacher namin sa MIL kasama ung mga kaibigan niya na teacher rin. Nang hingi na si Aleksa kay Ma'am ng pagkain at… ang bait lang talaga ni Ma'am. Binigyan niya si Aleksa kaya success!

Sunod si Lara tapos ung dare naman niya…

"Manlibre si Yvonne."

Basa ni Lara dun sa papel na nabunot niya.

"Hala!"

Yan na lang po ang nasabi ko. Opo. Ung pinaka iiwas-iwasan kong dare… nakaka iyak…

"Libre! Libre! Libre!"

Pamimilit sakin nila Violado, Chin at Lara. Dalawang dare pa nagawa ko, ah… sana may pamasahe pa ako pauwi…

So, ayun na nga… naglakad na kami ni Lara papunta sa mga stall ng pagkain habang binivideohan kami ni Christina. Gusto ko na lang umiyak… nung nakita na ni Lara ung gusto niyang ipabili sakin, binigay ko na sakaniya ung pambayad at saka bumalik na kela Violado ng nakasimangot.

Skip na naten 'to kase hindi ko na kaya. Sumunod si Chin at ung dare niya ay makipaglaro ng 'bato-bato pick' sa bata. Alam niyo ba, nung nabasa un ni Chin… ako agad ung nakita niyang bata! Nakakainis! Ahahahaha!

So success rin si Chin at ung sumunod naman sakaniya ay si Juliana kaso bukas na lang gagawin kase ung dare niya ay makipayong sa iba. Wala namang naka payong tuwing gabi, pwera na lang kung umuulan o umaambon.

Si Micah ung sumunod kay Juliana at ung dare naman niya ay bumili ng pakanta. Wuahahahhaha! Hindi ko maalala kung sino nag-isip ng dare na un pero iniisip ko pa lang ang laugh trip na! Sinamahan ni Lara si Micah kase need niya ng maka karamay sa kahihiyan habang binivideohan sila ni Christina. Since ayaw niya ng pakanta, nagsalita na lang si Micah ng ngongo. Lakas din trip neto, eh. Ahahahhaha! Success!

Ako na ung sumunod tapos ung dare ko ay mag 'train-train poot-poot' sa field. Oh may ghad! Nakakahiya! Wuahahahhaahha! Kakapalan ko na lang pagmumukha ko! Nakakainis ba't naisip pa 'to ni Lara!

So nag form na kami ng train, ako ung nasa pinaka unahan kase ako ung driver ng train. Wuahahahhaa! Tapos ung sumunod sakin si Christina tapos si Juliana tas si Aleksa, si Violado, si Chin, at si Micah. Kaso hindi pa kami nakaka layo bumitaw na si Micah at hindi na sumunod sila Lara at Jervien. Hindi pa nagtatagal pero isa-isa nang nagsi bitawan ung mga nasa likuran ko. Nakakahiya! Wuahahahhaa!

Si Violado sana ung sunod kaso ayaw niya gawin ngayon kaya bukas na lang din daw siya. Ung dare niya kase ay makipag interact sa iba't ibang estudyante ng school namin kaya si Christina na ung last at ung dare naman niya ay sumayaw ng 'ang mga ibon' sa field. Wuahahahhaha! Idea niya siya rin gagawa!