Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 53 - He Who Completes My Day

Chapter 53 - He Who Completes My Day

Wednesday ngayon at ayun… maraming activities na pinagawa samin ngayon. May quiz, reading assessment, assignments… hays.

Sorry po kung ganito ako ngayon, absent kasi si Jervien, eh, kaya di kumpleto araw ko ngayon. Di ko feel ung araw ko ngayon kaya fast forward na lang tayo dun sa part na kachat ko na ulit si Jervien. Hehehe~

~SEP 4 AT 10:02 PM~

: Pssttt

: Jervienn

Jervien: Ano yun?

: Lamoo

: Kung aabsent ka

: Dapat marunong ka magtyempo kung kelan

: Ahahahaha

Jervien: Bakit ?

Jervien: Ano nang yari kanina?

: Ayown

: May quiz sa applied

Jervien: Tungkol saan?

Jervien: Ayy sayang

: Ung sa lesson 7 at 8

: Over 20 pa naman un

: Tsaka ung assessment naman kanina sa MIL

Jervien: Anong assessme t?

: Reading ata un

: Ewan

: Basta ung pang English

Jervien: Anong ginawa nyo sa Mil?

: Bumaba dun sa speech lab

: Tas sinagutan ung assessment test

Jervien: Natapos nyo?

: Di ko lang alam sa iba

Jervien: Ano pa?

: May pinapagawa si sir sa research sa book

Jervien: Anong ginawa nyo sa book?

: Pages 85-87

: Pero sa friday pa naman ipapasa

Jervien: By gruopl?

: Individualll

Jervien: Pwede pa akong gumawa?

: Yeppp

: Friday pa naman ipapasa un, eh

: Tas may assignment naman bukas sa philo

Jervien: Anonh gagawin dun?

: Magsesearch ng 5 environmental issues ng Philippines at international

Jervien: Saan ilalagay?

: Tas 10 laws/ordinaces na nagpoprotect ng nature

: Printed siya

: Short bondpaper

Jervien: Hinde pwede sa yellow paper?

: Nopeee

: Kailangan printed daw sabi ni mam

Jervien: Meron kana ?

: Nagsesearch pa lang

: Gagawa ka pa lang???

Jervien: Hinde ako makakagawa ngayon nyan

Jervien: Kailangan print diba

: Oo

: Kelan ka gagawa??

Jervien: Ngayon

Jervien: Gawin ko na nga

: Haa???

: Ahahahaha

Jervien: Yung sa 5 environment issue bali sampu yan?

: Siguro

: Tig lima gagawin ko dyan, eh

At hindi na nag reply si Jervien. Nagsesearch na ata para sa assignment sa philo. Tapusin ko na nga rin ung pagsesearch ko.

Lumipas ang 40 minutes natapos ko na rin ung assignment ko, ipiprint ko na lang. Since medyo matagal magprint ng printer namin… machat nga ulit si Jervien.

~SEP 5 AT 12:12 AM~

: Tapos ka na???

Jervien: Bukas na ako gagawa

: Ahhh

: Kanikanina lang ahahahaha

: Nag cr tatay ko

: Kala ko may multong dumaan sa pinto

: Napa upo tuloy ako dito sa kama ahahahaha

Jervien: Hahahaha

: Ahahahaha

Jervien: Sige goodnight na

: Goodnightttt

At dyan na natapos ung pagchachat namin ni Jervien. Makatulog na nga. Inaantok na rin ako, eh.

Kinabukasan, maaga pasok namin kaya medyo maaga-aga akong ginising ni mama. Medyo inaantok pa nga ako, eh. Okay. Inaantok pa talaga ako kaya sobra akong nahirapang gisingin sarili ko after akong gisingin ni mama.

Kinukulangan na ako sa tulog. Pano kaya nagagawa ng ibang tao na magpuyat magdamag tas maagang gigising kinabukasan at habang lumilipas ang araw, hindi mo makikita sakanila na inaantok pa sila. May ginagamit ba silang magic? Potions? Kung meron man pahingi na lang po ako. Kailangan na kailangan ko na po.

Lumipas ang halos dalawa't kalahating oras ay nasa school na ako at kamuntikan na akong malate. Trapik po kase tsaka mabagal po akong kumilos.

Ayy late na pala ako. Hehehe~ pero ano ngayon? Kasabay ko namang malate si Jervien, eh~ medyo kinikilig ako ngayon~ Wuahahahhaa~! Oo na! Kinikilig na ako!

"At ayan na nga ang mga late na dikya! Bilisan niyo! Magsi upo na kayo!"

Sabi ng first subject teacher namin. Wala akong pake kung late kami, basta ang alam ko lang sa mga oras na 'to ay kinikilig ako kase pareho kaming late ni Jervien at napag buksan niya ako ng pinto kase siya unang pumasok~!

Well, hindi lang naman kaming dalawa ung late at hindi lang din ako ung pinag buksan niya ng pinto. Hayaan niyo na ako! Ngayon na lang ulit ako kinilig ng ganito, eh!

"Pareho kayong late ni Jervien, ah~"

Mahinang sabi sakin ni Violado nang makaupo na ako sa upuan ko. Nagpalit kasi sila Violado at Madera ng puwesto, eh, kaya siya katabi ko. Hindi ko matago ung ngiti ko~

"Oo nga, eh~"

Yan na lang nasabi ko kay Violado sabay kuha ko ng libro ko sa subject namin ngayon. Kinikilig pa rin ako~!

"Luh! Grabe naman ng ngiti mo na yan!"

Sabi pa sakin ni Violado nung mahalata na niya ung tinatago kong ngiti. Ba't ang talas ng mata mo? Hayaan mo na lang akong kiligin dito ng mag-isa~!

"Oh, eto. Kumain ka na lang."

Sabi ko kay Violado sabay abot ko sakaniya ng isa kong biscuit. Ganto po ung bribe namin sa isa't isa. Opo. Pagkain lang po.

"Ako na pipili."

Sabi ni Violado sakin sabay balik nung biscuit sa loob ng bag ko at saka pinakita ko na sakaniya ung loob ng bag ko.

"Anong meron sa loob ng bag ni Tagum?"

Tanong ni Madera nung mapansin niya si Violado na naghahalukay sa bag ko.

"Wala ka na dun."

Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Madera habang pumipili pa rin siya ng biscuit sa bag ko.

"Ay! Damot naman!"

Yan na lang nasabi ni Madera kay Violado sabay balik na ng tingin niya kay Jasben na katabi niya.

"Sungit mo naman kay Madera."

Bulong ko kay Violado nang makapila na siya ng biscuit. Sinarado ko na ung zipper ng bag ko at saka binuksan na ung libro ko.

"Manghihingi yan, eh. Atin lang 'tong biscuit mo."

Sagot ni Violado sakin sabay bukas na niya nung biscuit at sinimulan na itong kainin. Hindi ko na lang pinansin ung sinabi ni Violado at nakinig na lang sa discussion ng first subject teacher namin na ang hilig kaming tawaging mga dikya.

Habang nagdidiscuss ung teacher namin, hindi ko mapigilang mapalingon kay Jervien na nakikinig din sa discussion ng teacher namin. At alam niyo ba, napapangiti na lang ako pag napapatingin ako sakaniya. Bakit? Ewan. Basta ang alam ko, makita ko lang siya or magkachat ay kumpleto na ang araw ko.