Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 51 - Chat

Chapter 51 - Chat

Linggo ngayon at wala naman masyadong nangyari. Nagsimba lang kami tapos nagpunta kung san maisipan ni papa. Hindi ko talaga trip mag road trip pag pamilya ko kasama ko.

Mas okay pa sana kung tropa ko kasama ko sa road trip, eh. Tamang tawa lang dito, tapos asaran dyan, mangtitrip dito, sing-along doon. Kala mo talaga nakapag road trip na kasama tropa, eh, noh. Ahahahahahaha! Pero gusto ko maranasan un.

Oo nga pala, ung denim vest na kinekwento ko kay Jervien nung isang araw… hindi ko na nabili. Nakakapanghinayang po. Opo. Kaya iba na lang binili ko. Solo flight pala ako nun nung nagpunta akong alaya mall. Hehe. Mabalik na tayo sa araw na 'to.

Nasa bahay na kami at nasa kani-kaniya na kaming mga puwesto dito sa sala namin nagi-scroll na lang ako sa newsfeed ko. Ano kaya ginagawa ngayon ni Jervien? Matignan nga kung online siya… ay, hindi online. Di bale, chat ko na lang siya.

~SEP 1 AT 8:08 PM~

: Nacucurious talaga ako sayo

: Jervien

Hintayin ko na lang reply ni Jervien, dun naman ako magaling, eh. Maghintay ng reply ng iba. Hehe. Birthday nga pala ngayon ni Jungkook from BTS at 22 years old na siya ngayon~! And it's my birth month, too~! Eto pala ung first time ko na icelebrate birthday ni Jungkook kasi nitong February lang ako naging ARMY.

At ang dahilan kung pano ako naging ARMY ay si Cess kasi nakita niya ako nun nagbabasa sa toon web tapos nirecommend niya sakin ung toon web na Save Me. Dun na nagsimula curiosity ko sa BTS. Sa totoo lang, si Violado talaga balak na ako gawing KPOP fan kaso di ko trip Pangungumbinsi niya, eh. Feel ko parang pinipilit niya ako. Eh, ayoko ng pinipilit ako ng iba na gustuhin ung gantong bagay o tao.

Ay… sumegway na pala ako sa pagkukwento. Ahahhaha! Sorry po, gusto ko lang ilabas saloobin ko, eh. Kaso wala ako masabihan na mga kaibigan ko. Mga busy na kasi, eh.

So, lumipas ang isang oras ng paghihintay…

~SEP 1 AT 9:08PM~

Jervien: Uyy

Jervien: Sorry ngayon lang ako

: Okay lang ahahahaha

: Meron pang mas matagal na magreply sayo ahahahha

Jervien: Bakit?

Jervien: Hinde kanaman na iinis sa akin?

: Nope ahahahha

Jervien: Ano lang?? Hahahaha

: Ewan ko, eh

: Ahahahaha

Jervien: Meron kasi Hinde mo masabi ?

Jervien: Hahahaha

: Siguro???

: Ahahahaha

: Ewan ahahahaha

Jervien: Hahaahah

: Nasanay na rin siguro ako, eh

: Ahahahaha

Jervien: Nasanay na ?

: Yeppp

: Karamihan kasi ng mga chinachat ko dati mababagal magreply, eh

Jervien: Ako mabagal ba ako magreply?

Jervien: Hahahaha

: Ahahahahaha

: Medyo?? Ahahahha

Jervien: Okay hahaha

Hindi na ko nakareply agad kay Jervien kasi nagrorosary na kami. Hindi na ako naniniwala sa diyos pero heto pa rin ako ngayon… ginagawa pa rin ung mga religious practices. Ano naman kasing magagawa ko, eh, relihiyoso't relihiyosa magulang ko, eh. Pwede ko naman sabihin sakanila kaso wala akong lakas ng loob at mahaba-habang sermon aabutin ko neto.

~SEP 1 AT 9:39 PM~

: Sorry late replyyyy

: Ahahahaha

: Nag rosary kami, eh

Jervien: Ano yun?

: Di mo alam un???

Jervien: Alam ko ata yun hahahaha

: Ahahaha

Jervien: Yung sinusuot sa leeg ?

: Oo

: Kainis nga, eh

: Matutulog na kami ahahgaha

Jervien: Ano nangyari?

: Nagdasal kami ahahahah

: Sige goodnight naaaa

Jervien: Ahh okay okay

Jervien: Sige goodnight na *smiling face emoji*

Dito na natapos ung pagchachat namin ni Jervien sa isa't isa. Di ko makatulog~ Kinikilig pa ko sa goodnight niya~

Kinabukasan, pagka gising na pagka gising ko ay agad ko na kinuha ung phone ko sa master's bedroom, bumalik ulit sa kwarto namin ng kapatid ko at nahiga ulit. Alam niyo ba kung sino agad pumasok sa isip ko pagka gising ko? Si Jervien.

~SEP 2 AT 6:30 AM~

: Goodmorninggggg *two smiling face emoji*

Tulog pa siya pero nag chat na ako. Ahahahhaha! Kasi naman ung alarm ng kapatid ko, imbis na siya ung dapat magising dun, eh, ako ung nagigising kasi kada limang minuto nag-aalarm ulet! So hindi na ako nakatulog ulit.

Tamang scroll lang sa fb tapos lilipat sa ig o di kaya sa twt. Paubos na kasi storage ng phone ko kaya di na ko maka download ng mga laro. Bulok na. Char. Ahahhahahha! 2017 pa 'to, eh, tapos mababa lang ung storage. Wala lang. Dagdag ko lang. Fast forward na nga lang tayo! Ahahhahaha!

"May short film contest na gaganapin sa October at balak kong hatiin 'tong section niyo sa dalawa para makapila tayo ng representative ng GAS."

Sabi ng MIL teacher namin sa buong klase habang inaayos na niya ung projector niya. At nagsitanungan na ung mga kaklase ko about sa short film contest na gaganapin dito sa school namin.

Nahati na nga sa dalawang group ung section namin at ang nakaka lungkot? Hindi kami magkagrupo ni Jervien. May dumagdag pa sa lungkot ko? Shempre meron… inggit! Kasi kagrupo ni Violado si Jervien! Sana all na lang po.

Fast forward na tayo sa kung saan nakauwi na ako sa bahay at nagpapalit na ako ng dami nung makita ko na online si Jervien sa messenger kaya… hehehe~ alam niyo na~

~SEP 2 AT 8:12 PM~

: Pssttt

Jervien: Yoww

: Nakauwi ka na???

Jervien: Yup

: Sabagay medyo malapit lang bahay mo

: Ahahahaha

Jervien: Oo

: Sawa ka na bang kachat ako???

: Ahahahaha

Jervien: Hjnde naman

Jervien: Bakit mo na tanong? Hahahaha

: Wala lang ahahaha

Jervien: Sige sige

: Magaling ka ba umacting??? Ahahahha

Jervien: Hinde ehh

Jervien: Bakit? Hahahaha

: Ikaw kasi ung pinaka unang pinili ni madera kanina, eh

: Sa MIL ahahahaha

Jervien: Wala yun

Jervien: Trip lang nila ako

Jervien: Hahahaha

: Ayy

: Ganernn???

: Ahahahahha

Jervien: Oo

Jervien: Hinde ko alam sa mga yun

: Ahahahha

: Lamoba

: Minsan napapaisip ako

Jervien: Ano yun?

: Kaya siguro walang nagchachat sakin kasi boring ako kausap ahahahaha

: O kaya di talaga nila ako trip kachat

: Ahahahaha

Jervien: Ahh ganun ba

: Oo, eh Ahahaha

: Kaya ayaw ko na gumamit ng messenger ahahahaha

Jervien: Ohh hahahaha

: Minsan nga naiisipan kong i uninstall, eh ahahahaha

Jervien: Ang sad mo naman

: Sakto lang naman ahahhahaa

Jervien: Kahit ako rin ehh

Jervien: Yung fb tapos messenger ko

: Ano???

Jervien: Kaso wala ehh kailangan

: Ahahaha

Jervien: Hahahaha

: Kaya nga, eh

: Nakakainis lang ahahaha

Jervien: Oo hahaaha

: Ahahahaa

: Kain lang kamiii

: Kain ka na rinn

Jervien: Katatapos lang

Jervien: Sige eat well

: Ahh

: Okieee

At dito na natapos ang chat namin ni Jervien.