Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 48 - Reconciliation

Chapter 48 - Reconciliation

Tuesday na ngayon and malapit na matapos ung breaktime at nakasalubong ko si Ashley sa cr. Sa dinami-rami po ng lugar na pwede naming makasalubong ung isa't isa, sa cr pa po talaga. Well, at least nakasalubong namin ung isa't isa. Happy na ako dun hehe~

"Ashley~!"

Tawag ko kay Ashley habang nakangiti ako nung papalabas na sila ng mga kaklase niya sa cr.

"Oh, Yvon! Anong gagawin niyo dito?"

Tanong sakin ni Ashely sabay hawak na sa braso ko at takip ng bibig niya gamit ng isa niya pang kamay.

"Magsi-cr malamang."

Natatawang sagot ko sa tanong sakin ni Ashley habang nakatingin pa rin ako sakaniya. Natawa na rin ung ilan sa mga kaibigan niya sa classroom nila.

"Oo nga naman! Ahahhaha! May sasabihin pala ako sayo, kaso baka naiihi ka na kaya iintayin na lang kita dito sa labas."

Natatawang sabi sakin ni Ashley, dahilan para tumango ako sakaniya at alisin na niya ung pagkakahawak niya sakin.

"Sige sige."

At pumasok na ako sa loob ng cr para umihi. Daming nag-aayos, ah. Kelan kaya ako sisipaging ayusan ung sarili ko?

Tapos na ako at hinihintay na ako nila Violado, Christina at Juliana sa labas ng cubicle na pinasukan ko. Actually nasa harap silang tatlo ng salamin kase nag-aayos sila. Sorry self, hindi muna kita maaayusan sa ngayon.

"Tara na."

Sabi ni Violado samin nila Christina at Juliana after niyang matapos ayusan sarili niya sa harap ng salamin. Naglakad na kaming tatlo nila Juliana at Violado papalabas ng cr habang si Christina naman ay sinisigurado pa na maayos na ung pagreretouch niya.

"Ay, oo nga pala Ibon."

"Ano un?"

Tanong ko kay Juliana sabay hinto ko sa paglalakad at lakad ulit nung magkasabay na kami.

"Nag-aantay pala sayo sa labas si Ashley."

Sagot ni Juliana sa tanong ko sakaniya habang tinitignan na niya ako at nakaturo na ung hintuturo niya sa labas.

"Alam ko."

Sabi ko kay Juliana sabay tingin ko na sa labas ng cr para hanapin si Ashley.

"Alam naman na pala niya, eh!"

Natatawang sabi ni Christina habang nakasunod na siya sa likuran namin ni Juliana.

"Ano ba! Mabuti na rin ung naninigurado kung alam niya o hindi, noh!"

Pagdadahilan ni Juliana kay Christina habang tinitignan na niya ito. Nung makalabas na kami ng cr ay agad ko nang nilapitan si Ashley dahil nakucurious na ako sa sasabihin niya sakin.

"Ano na ung sasabihin mo sakin Ashely?"

Tanong ko kaagad sakaniya nung makatayo na ako sa harapan ni Ashley. Pero bago pa makasagot si Ashley sa tanong ko ay may nangalabit sa likod ko dahilan para mapalingon ako.

"Una na kami sa classroom Ibon, ha."

Sabi sakin ni Violado habang tinitignan na ako nilang tatlo.

"Ha? Sige, sunod na lang ako."

Nakangiting sabi ko kay Violado habang tinitignan ko na silang tatlo nina Juliana at Christina. Naglakad na silang tatlo pabalik sa classroom namin kaya binalik ko na ung tingin ko kay Ashley.

"Tatanong muna ako sayo."

Sabi ni Ashley sakin sabay hawak na niya sa braso ko. Nginitian ko siya at saka tumango.

"Sige."

"Ano pala pinag-awayan niyo ni Yohan?"

Tanong sakin ni Ashley na ikinagulat ko sa loob-loob ko at dahilan ng pagkawala ng ngiti sa labi ko. Nag-away ba kami? Alam ko di naman kami nag-away ni Yohan, eh. Ano daw? Ang alam ko lang hindi ko na siya nireplayan kasi… oh… nag-away nga kami. Tapos ngayon ko lang narealize! Ahahahhaha! Ba't ka ganyan Ibon?!

"Basta. Ayokong sabihin, eh. Baket?"

Sagot at tanong ko pabalik kay Ashley habang tinitignan ko pa rin siya.

"Kase lagi ka niya kinakamusta sakin tapos hindi ka na raw niya makausap kasi nag-away kayo."

Sagot ni Ashley sa tanong ko sakaniya habang naglalakad na kami papalayo sa cr. Shempre mabagal lang para makapag usap pa kami.

"Ahh… talaga?"

Yan na lang ang nasabi ko kay Ashley.

"Oo. Miss ka na rin daw niya."

Dagdag pa ni Ashley sa sinabi niya sakin. Uhm… hindi ko sure kung namiss ko si Yohan pero tignan na lang natin kung san papunta 'tong usapan namin ni Ashley.

"Ohh…"

Opo… ganyan po ako ka speechless. Ilang saglit pa ay nakarating na kami ni Ashley sa tapat ng classroom niya.

"Chat mo na lang siya kung kelan okay sayo, ha~"

Nakangiting sabi sakin ni Ashley sabay bitaw na niya sa braso ko. Nginitian ko na lang siya pabalik at saka tumango.

"Sige sige. Sabay ba tayo uwi mamaya?"

Tanong ko kay Ashley habang nakangiti pa rin ako sakaniya. Napatakip na lang ng bibig si Ashley gamit ng kaniyang kamay habang nginingitian na niya ako awkwardly. Hindi kami magsasabay na umuwi mamaya.

"Ay, sorry teh… may pupuntahan kami mamaya ng mga kaklase ko, eh. Sa susunod na lang."

Sagot ni Ashley sa tanong ko sakaniya habang tinatakpan pa rin niya ung bibig niya gamit ng kamay niya. Sabi na nga ba, eh! Okay lang. Sanay naman na po ako mag-isa. Char! Ahahahhaha!

"Ah, okay. Ingat kayo mamaya, ha~"

Sabi ko kay Ashley habang nakangiti pa rin ako sakaniya. Miss ko na siya maka sabay pauwi. Alerto kase 'to kaya medyo napapadali byahe ko pauwi, eh, tsaka ganda neto kachikahan. Hehehe~

"Salamat~! Ingat ka rin mamaya pag-uwi mo~!"

Sabi sakin ni Ashley habang nakangiti pa rin siya sakin sabay hawak na niya sa doorknob ng pintuan ng classroom nila.

"Salamat~!"

Fast forward na natin sa oras na chinat ko na si Yohan at nagka ayos na kami. Hindi ko pa rin nakakalimutan ung pinag-awayan namin pero nakipag-ayos na ko sakaniya kase gusto ko siyang tulungan na i-overcome ung pinagdaraanan niya. Also, hirap po akong bitawan ang isang bagay or tao kasi sentimental po akong nilalang. Masyado ko pong pinapahalagahan ang memories kaya… ayun.

After naming magka ayos ni Yohan ay nagchachat na ulit kami at ung madalas niyang sinasabi is 'sorry' raw, hindi na raw mauulit ung ginawa niya nun, sobra niya raw ako namiss. Basta ung ganito ganyan. Since easily swayed ako with words, sinabi ko sakaniya na hindi ko siya iiwan dahil kaibigan ko siya at mahal ko siya as a friend.