~AUG 23 AT 9:54 PM~
: Busog ka na??
Jervien: Hahahaha
Jervien: Sakto lang
: Ahahahahaha
: Ano ginagawa mo sa mga events na pinipilit kang papuntahin ng lola mo???
Jervien: Hinde naman events yung pinupuntahan namin
Jervien: Bibisita lang
: Ahahaha sornaaa
Jervien: Sa province yun
: Ahh
Jervien: Minsan birthday ng kaibigan niya
: Ano ginagawa mo???
Jervien: Fb lang
: Wala kang kinakausap pag bumibisita kayo sa province niyo??
Jervien: Walaa
Jervien: Ayaw ko sakanila ehh
Jervien: hahahaha
: Ahahahaha
: Kinakausap ka nila???
: Tanong tanong ganon???
Jervien: Oo
Jervien: Sagot ko lang oo o hinde yun lang
Jervien: Hinde ko na pinapahaba usapan
Jervien: Hahahaha
: Ahahahahaha grabe ka naman
: Di ka rin talaga sociable, noh
Jervien: Ewan ko
: Nakikipag usap ka lang pag may kakausap sayo diba??
Jervien: Oo
Jervien: Jhahahaha
: Ahahahaha
: Pero nung bata ka lagi ka nakikipag usap sa iba??
Jervien: Ewan ko
Jervien: Siguro hahahaha
: Ano nangyari??? Ahahaha
: Bat ayaw mo sakanila? Ahahahaha
Jervien: Hinde ko alam
: Ahhh
: Bukas kasi may pupuntahan kaming kasal, eh ahahahaha
: Dami nanaman magtatanong tanong ahahahaha
: Nakakarindi lang
: Paulit ulit ung tanong
Jervien: Hahahaha
: Tatanungin anooo
: May boyfriend ka na ba
: May manliligaw ka ba
Jervien: Ahh okay okay
: Anong course kukunin mo sa college
Jervien: Hahahahaha
: Ahahahaha gara
: Pwede ka sa tuesday???
Jervien: Bakkt ? Hahahaha
: Arcade ulit tayo ahahahaha
: Dun naman sa ms valen****a
: Hehehe
Jervien: Subukan ko hahahaha
: Ahahahahaha sige sigee
: Ako naman gagstos pang arcade ahahahahaha
Jervien: Inaantok na ako
Jervien: Hinde kaba napagod kanina?
Jervien: Dami naming ginawa puro laro hahahaha
: Napagod nga, eh kasi nag exercise kami ahahahaha
: Kanina pa nga ko inaantok sa byahe, eh ahahaha
: Pagkauwi matutulog na agad ako
Jervien: Kahit ako rin jnaantok ako pag uwi ko
Jervien: Kala ko kakain na lang ako tapos matutulog ehh
: Ahahahahhaa
: Matulog ka naaa
Jervien: Hahahaha
: Nytnyttt ahahahaha
Jervien: Sigeee
At dyan na natapos ung pagchachat namin ni Jervien sa isa't isa. Gusto ko na rin matulog kaso nasa byahe pa kami pauwi at malapit na rin naman na kami sa bahay. Nakaka pagod naman ung mga ganap ngayong araw. Specifically ung exercise namin kanina sa badminton club!
Ayoko na nga! Skip na natin ang gabing ito dahil may kasal pa kaming pupuntahan bukas. Ba't ba kasi kailangan ko pa sumama? Ay, oo nga pala. Dahil sa pagkain. Hehehe. Okay! Goodnight~! Bubusugin ko pa sarili ko bukas sa mga masasarap na pagkain sa reception.
"Ano ma susuotin ko?"
Tanong ko kay mama na nagsusuklay na ng buhok niya sa harap ng salamin sa loob ng kwarto nila ni papa habang ako naman ay nakatingin lang sakaniya, ung kapatid ko naliligo na at si papa naman ay busy punasan ung sasakyan na gagamitin namin maya-maya.
"Formal attire. Maghanap ka ng putting blouse tsaka ng palda na ipapartner mo dun."
Sagot ni mama sa tanong ko habang nagkikilay na siya sa harap ng salamin. Naglakad na ako pabalik sa kwarto namin ng kapatid ko at naghanap na ng blouse. Naghalukay na ako sa damitan ko at wala akong makitang blouse.
No choice… white long-sleeve polo it is… shempre wala naman ako masyadong palda kase hindi ko hilig magsuot nun kaya kinuha ko na lang din ung maong skirt na binili para sakin ng tita ko.
10:30 na ng umaga at nakarating na rin kaming apat sa simbahan kung saan gaganapin ung kasal ng isa sa mga pinsan ni mama. Naupo na lang kami ng kapatid ko sa pinaka likod na upuan dito sa loob ng simbahan habang si mama ay pumunta na sa puwesto ng iba pa niyang mga pinsan at si papa naman ay pumunta sa puwesto ng tito ni mama na kaclose niya.
"Oh? Ba't ngayon lang kayo? Kanina pa nag-umpisa ung kasal."
Tanong samin nung babaeng pinsan ni mama na medyo malapit ung edad sakin nang umupo na siya sa tabi ko dito sa simbahan, dahilan para agad ko na siyang tinignan.
"Ano oras nag-umpisa?"
Tanong ko sakaniya habang tinitignan ko pa rin siya at ung bunso kong kapatid na katabi ko ay nagsecellphone lang.
"Kanina pang alas dyis."
Sagot ng pinsan ni mama sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya sakin. Napatango na lang ako sakaniya habang dahan-dahan ko nang iniikot ung tingin ko sa loob ng simbahan.
"Ahh… malapit na bang matapos?"
Tanong ko sa pinsan ni mama sabay tingin ko ulit sakaniya, dahilan para tignan na niya ung pinsan nilang lalaki na kinakasal.
"Nangangalahati na ata. Ba't pala ngayon lang kayo?"
Sagot at tanong niya pabalik sakin sabay tingin na ulit niya sakin. Alam ko. Walang thrill pagnanarrate ko ngayon. Eh, sa bored ako.
"A-ano… nalate kasi kami nakatulog kagabi kaya late na rin kami nagising."
Sagot ko sa tanong sakin nung pinsan ni mama habang nginingitian ko na siya awkwardly at hinihimas ko na ung batok ko. Opo. Awkward po akong nilalang at sobrang mahiyain. Kahit sa mga kamag-anak namin.
"Ahh, kaya… gusto niyo bang lumipat ng puwesto?"
Sabi sakin nung pinsan ni mama habang iniikot na niya ung paningin niya dito sa loob ng simbahan.
"Okay na kami dito."
Sagot ko sa tanong niya sakin habang pinaglalaruan ko na ung kuko ko. Alam kong awkward akong nilalang but does it make sense kung hindi ako komportable sa awkward situations?
"Oh, sige. Punta na ko dun, ha. Mamaya na lang."
Sabi ng babaeng pinsan ni mama sakin sabay turo na sa puwesto kung san nakaupo ngayon si mama at ng iba pa nilang pinsan.
"Sige."
Sabi ko sakaniya habang tumatango na ako, dahilan para tumayo na siya at naglakad na papunta kila mama. Buti naman at nawala na rin ung awkwardness sa atmosphere. Now what?
Since wala na akong ibang maisip na gawin ay nag cellphone na lang din ako dahil ung bunso kong kapatid ay nagsecellphone pa rin hanggang ngayon. Not really a fan of long boring ceremonies pero aattend ako kung pagka tapos ng ceremony ay may mga masasarap na pagkaing naghihintay na mapunta sa tyan ko.