Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 40 - Best Friend

Chapter 40 - Best Friend

After class, imbis na diretso uwi ako ngayong araw ay dumiretso ako sa bahay ng best friend ko since grade 7 na nagngangalang Lyka. Oh, how I've missed her so much! And thank goodness! Nagkaroon na rin kami ng time sa isa't isa!

"Tao po!"

Sabi ko habang nakatayo na ako sa labas ng gate ng compound nila Lyka. Walang sumagot. Okay… eto talaga pinaka ayoko, eh. Eto ung dahilan ba't kailangan ko palaging naka earphones pag nasa labas ako at ako lang mag-isa ung umaalis. Nagkakaroon ako ng social anxiety once na tinanggal ko na ung earphones ko at ako lang mag-isa.

"Tao po!"

Sabi ko ulit, hoping na may magbukas na ng gate para papasukin na ako. Nag-intay ako ng few minutes at wala pa ring sumasagot sakin para buksan ung gate. Ba't di na lang ako pumasok? Well, kasi naka lock ung gate at may manners po ako. Char. Naka lock talaga ung gate at nung nagpa ulan ata ng kahihiyan ung langit, nasalo ko ung kalahati nun.

"Machat na nga lang si Lyka."

Sabi ko sa sarili ko sabay kuha ko na ng phone ko sa bulsa ng blouse ko para ichat na si Lyka. If hindi siya online then itetext ko na ang siya. Shoot. Hindi nga talaga online. Buti na lang may load pa ako. Nang mai send ko na kay Lyka ung text ko ay may naririnig na akong yapak ng paa galing sa loob at…

"Kanina ka pa andyan?"

Tanong sakin ni Lyka pagkabukas na pagkabukas niya ng gate ng compound nila. Nginitian ko na lang siya at saka umiling na. I am saved.

"Hindi naman."

Nakangiting sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang tinitignan ko na siya. I've missed you so much…

"Halika pasok ka."

Sabi sakin ni Lyka nang tumabi na siya para papasukin na ako sa compound nila. Pumasok na ako at saka sinarado na ulit ni Lyka ung gate.

"Halika sa taas. Lumipat na kami, eh."

Sabi ni Lyka sabay lakad na niya papunta sa hagdan, dahilan para sundan ko na siya.

"Oh? Kelan pa?"

"Three to four weeks ago?"

"Ahh."

"Gusto mo ng milk tea?"

Tanong sakin ni Lyka sabay akyat na niya sa hagdan kaya umakyat na rin ako sa hagdan. Milk tea?

"Meron?"

Tanong ko kay Lyka habang umaakyat na kami ng hagdan at nakatingin lang ako sa hagdan. Baka matalisod ko sarili ko. Clumsy ako, eh.

"Oo, dyan sa labas. Masarap."

Sagot ni Lyka sa tanong ko sabay tingin na niya sakin nang maabot na niya ung second floor. Tinignan ko na ulit si Lyka at saka tumango.

"Sige, mamaya."

Sabi ko sakaniya habang nginingitian ko na siya at naabot ko na rin sa wakas ung second floor. Tumango na lang si Lyka sakin at saka nginitian na ako pabalik.

"Nagpaalam ka kay tita?"

Tanong sakin ni Lyka nang kumuha na siya ng walis at dustpan para walisan ung uupuan namin dito sa second floor.

"Oo, pero sabi ko gagawa kami research."

Sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang hinihintay ko siya matapos magwalis.

"Gagawa ba dapat kayo ngayon ng research?"

Tanong ulit sakin ni Lyka nang na itapon na niya ung dumi sa dustpan at ibabalik na niya ung walis at dustpan kung san niya un kinuha.

"Hindi, palusot ko lang kay mama."

Natatawang sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang naglalakad na ako papalapit sakaniya.

"Eto si Yvonne diba?"

Tanong bigla ng mama ni Lyka na biglang lumabas sa kwarto, dahilan para magulat ako at mapatalon ako ng konti. Magugulatin ako, eh. Ewan ko kung bakit.

"Opo."

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni tita sabay lapag na niya ng dalawang malinis na trapo para upuan namin pareho maya-maya.

"Hello po tita~"

Nakangiting bati ko kay tita habang nakatayo pa rin kaming dalawa ni Lyka at nakaharap sa mama niya.

"Hello~ gusto niyo ba ng chicken wings?"

Nakangiting tanong samin ni tita habang tinitignan na niya kami pareho ni Lyka. Nahihiya akong sumagot ng 'oo'. Natakam ako. Chicken wings, eh.

"Gusto mo?"

Tanong sakin ni Lyka sabay tingin na niya sakin habang nakatayo pa rin kaming pareho.

"Ah, opo."

Nakangiting sagot ko sa tanong samin ni tita sabay tango ko na sakaniya. Nahihiya talaga ako! Nasanay na kase ako na wala ung magulang ng mga napuntahan ko na ng bahay, eh. Naninibago lang siguro ako.

"Sige, maya-maya dalhan ko na lang kayo dito sa taas."

Sabi ni tita saming dalawa ni Lyka habang nginingitian niya pa rin kaming dalawa.

"Thank you po~"

Pasasalamat naming dalawa ni Lyka sa mama niya habang nakangiti nanaman kaming dalawa.

"Sige~"

Sabi ni tita saming dalawa ni Lyka sabay lakad na pababa ng hagdan, dahilan para maupo na kaming dalawa ni Lyka sa trapo.

"Ay! Anong flavor pala gusto niyo?"

Tanong ni tita nang bumalik ulit siya dito sa taas, dahilan para magulat nanaman ako.

"Ano gusto mo?"

Tanong sakin ni Lyka sabay tingin na niya ulit sakin. Napataas na lang ako ng pareho kong kilay habang tinitignan ko na siya.

"Ikaw, kung ano gusto mo."

Sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang nginingitian ko na ulit siya. Mangangalay mamaya ung panga ko neto kakangiti. Ahahahha! Sino ba naman kasi hindi matutuwa pag nagkita na ulit kayo ng kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita!?

"Teriyaki."

Suggest sakin ni Lyka habang tinignan pa rin niya ako. Tumango na ako sakaniya habang nakangiti pa rin ako.

"Sige."

"Teriyaki na?"

Tanong na samin ni tita, dahilan para mapatingin nanaman kaming dalawa ni Lyka sakaniya. Natatakam na talaga ako kumain ng chicken wings… sana makapag intay pa ako!

"Opo."

Sabay na sagot namin ni Lyka kay tita sabay tango namin pareho habang tinitignan pa rin namin siya.

"Sige~ Onting intay lang, ha~"

Sabi ni tita saming dalawa ni Lyka habang nakatingin at nginingitian niya pa rin kaming dalawa. Napatango na lang kaming dalawa ni Lyka at…

"Thank you po~!"

Pasasalamat ulit naming dalawa kay tita habang nakangiti ulit ako. Naglakad na ulit pababa ng hagdan si tita, dahilan para tumingin ulit sakin si Lyka at nung magka tinginan kaming dalawa ay medyo natawa kami pareho. Hindi ko alam ba't kami natawa pero okay lang un! Ahahhahaha! May karamay naman ako ngayon, eh.

"Laro tayo roblox?"

Tanong sakin ni Lyka nang tumigil na kami pareho sa pagtawa. Tumango na lang ako sakaniya bilang sagot habang nakangiti pa rin ako.